✰ Chapitre Trente-Trois: Dear Wesley
(the very last chapter for this installment, indeed)
▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
That was the very first letter she wrote for me
After many years and tears falling out of my reality
And now I finished reading it; my eyes went showering
All the tears of sorrow and joy that trapped inside my body.
▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
Chapter Trente-Trois:
DEAR WESLEY
April 27, 2020.
Five days later, after the battle...
—Wesley
"Nagkita kami ni Louisa sa astral plane... kasama ang kapatid niya..."
Ayan ang ilan sa mga salitang nabanggit ko kay dad nang tanungin niya ako kung sino man ang nakita ko doon sa astral plane. I'll be honest, pinoproseso ko pa rin ang lahat tungkol doon kay Louisa at sa twin sister niyang si Frankie, na sa mga oras na 'to ay hinihingal pa rin ako at bahagyang nahihilo.
"Dad, she's alive—well, not completely alive because her physical body is now gone—but... what the fuck... she's still existing!"
"Are you even sure?" pagtatanong naman ni dad, na para bang nalilito rin siya sa mga pinagsasasabi ko.
"Oo naman, dad! Sure ako sa sinasabi ko—"
Bigla akong napahinto sa pagsasalita nang bigla akong napaungol sa sakit na nararamdaman ko sa buong katawan ko. Tsaka ko lang din naalala na bago kami nagkita doon ni Louisa at ng kapatid niyang si Frankie sa astral plane ay nangyari muna ang Battle in Cosmos, na nagsimula noong...
Teka... Ano'ng araw na ba ngayon?
Pinahiga muna ulit ako ni dad sa kama na kung saan ako nagising. Sinabi niya rin kasi na hindi pa masyadong maayos ang kalagayan ko pagkatapos ng laban—limang araw na ang nakakaraan. Bigla ko ring naalala na natamaan pa ako ng bala sa kanang tagiliran ko mula sa baril ng hayop na Halester na 'yon.
At dahil sa limang araw din akong walang malay at nakahimlay rito sa loob ng tent kung nasaan ako nagising ngayon ay ikinuwento sa akin ni dad ang iba pang mga nangyari no'n. Gumaan naman nang bahagya ang pakiramdam ko no'ng malaman kong nagtagumpay pala kami sa pagpapabagsak kay Dean Farrar at sa pagtigil ng kasakiman niya sa buong cosmos. Nabanggit rin sa akin ni dad kung papaano nila naipatigil ang operasyon ng LH Shopping Network sa loob lamang ng ilang araw, halos nalinis ang image ng The World Enders, at kung ano-ano pa ang ginawa nilang sakripisyo para makatulong sa laban.
Habang nagkukwento pa si dad sa akin ay may narinig akong mga kaluskos mula sa labas ng tent, at tila ba'y palakas nang palakas iyon na para bang palapit rin nang palapit kung nasaan kaming dalawa ni dad. Pansin ko rin na narinig rin 'yon ni dad kaya pareho kaming natahimik sa mga pwesto namin.
Maya't-maya lang ay bigla naman kaming napatingin ni dad sa bandang entrance ng tent. May isang babae na may ash brown hair at hanggang baywang na buhok ang bigla na lang pumasok. Mayroon din siyang dala-dalang tray na may isang bowl ng mushroom soup, isang malaking bowl ng tubig, at puting tuwalya.
Si Claira.
Nang makita ako ni Claira ay dali-dali niyang ipinatong ang tray na dala niya sa isang mesa sa 'di kalayuan at niyakap ako nang mahigpit. Bukod sa medyo unusual nga lang 'yong ginawa niya dahil base sa pagkakakilala ko sa kanya kay hindi siya basta-basta yumayakap ng iba, medyo napaungol rin ulit ako dahil sa mahigpit niyang yakap sa katawan kong nananakit pa rin nang kaunti.
"Your journey taught you very well. Welcome back to earth, Wesley!" Pumiglas na rin siya sa pagkakayakap niya sa akin pagkatapos ng ilang segundo at tinapik nang marahan ang kaliwang balikat ko. "Akala ko matagal ka pa bago magising. But look at you, recovering just fine!"
Nginitian ko naman siya nang kaunti. "Well, me neither, though. Gusto ko pa sanang mag-stay doon sa astral plane kasama nina Louisa at Frankie, pero alam ko ring delikado kaya ito, gising na ako ngayon."
Napakunot naman nang noo si Claira dahil sa mga nasabi ko.
"A-ano? Napunta ka sa astral plane?" bahagyang nauutal na pagtatanong niya sa akin.
Dahil doon ay wala na rin akong nagawa kundi ikuwento ang nangyari sa akin doon sa astral plane kasama sina Louisa at Frankie, ang dalawang nilalang na bumubuo sa kasalukuyang Emerald Star ngayon. Kahit na hindi ko maalala ang halos lahat ay sinubukan ko pa ring ikuwento 'yon, lalo na sa totoong katauhan ng tatay nina Lou at Frankie na si Esmerond—ang original Emerald Star.
Tahimik lang sina dad at Claira na nakikinig sa akin, at halata rin sa kanilang mga mukha na talagang nabigla sila sa revelations na sinambit ko sa kanila tungkol doon. Siguro may mga katanungan at theories na ring nabuo sa mga isipan nila noon at baka nasagot na ang ilan sa mga 'yon nang dahil sa mga nasambit ko.
Pagkatapos ay may nakwento naman si Claira sa akin tungkol sa interaction nilang dalawa ni Emeraldimë noong nakita niya raw ako sa may parking lot na wala nang malay habang naglalaban sina Dean Farrar at ng Emerald Star, ilang metro lang kung saan niya ako natagpuan. Doon niya rin nasabi na nagulat siya noon dahil sa halos kamukha ni Emeraldimë si Louisa.
Sa pagpapatuloy ni Claira ay bigla naman niyang naalala kung bakit at papaano siya napunta doon sa parking lot. Nasabi niya na may naramdaman raw ang isa sa mga kasama nilang witch na si Haiana na bigla na lang daw nawala si Britanny doon sa amphitheater nang dahil sa isang witch-vanishing spell kaya dali-dali niya akong pinuntahan. At habang binabanggit niya 'yan ay may mga flashbacks ang bigla na lang sumusulpot sa isipan ko—flashbacks kung papaano nawala si Britanny sa tabi ko no'n ng dahil sa spell na ginawa ni Lester para mapaalis niya doon si Britanny nang parang bula sa loob lang ng ilang segundo.
Nang ikinuwento naman ni Claira sa akin si Britanny ay unti-unti naman akong nag-aalala nang sobra sa kanya. Sinubukan kong tumayo sa kinahihigaan kong kama, pero pilit naman akong ipinapabalik ni dad sa pagkakahiga dahil hindi pa raw ako okay.
"Sige na, dad! Gusto ko lang makita in person si Britanny kung okay lang siya!" pagpupumilit ko kay dad.
"But, Wesley, kagigising mo lang din mula sa limang araw na wala kang malay. What if mas lumala 'yang sakit ng katawan mo?"
Bigla namang sumingit si Claira sa aming dalawa.
"Kung payagan mo na kaya si Emery?" pagbibigay-suhestyon niya kay dad. "Nasa kabilang tent lang naman siya, at tsaka aalalayan rin naman natin siya papunta doon. I'm sure makatutulong rin sa fast recovery niya ang paglakad-lakad kaysa sa nakahimlay lang siya sa loob ng tent."
Wala nang nagawa si dad kundi huminga nang malalim at pumayag kay Claira. Pareho naman nila akong tinulungang tumayo at inakay papunta sa kabilang tent kung nasaan si Britanny. Bagama't bahagya pa rin akong nahihirapang maglakad, may dalawang saklay naman akong ginagamit ngayon kaya kahit na papaano ay may pangsuporta ako sa paglakad at pagtayo.
Nang makapasok kaming tatlo doon sa kabilang tent ay nakita namin si Britanny na kasama si Tito Al—parehong nakaupo sa gilid ng kama habang may tinitingnan sa loob ng isang jewelry box na hawak ni Britanny. At nang magtama naman ang mga mata naming dalawa ni Britanny ay agad niyang inilapag ang jewelry bix sa kama, tumayo, at niyakap ako nang mahigpit. Medyo masakit rin ang yakap na 'yon para sa buong katawan ko, pero niyakap ko na rin siya nang pabalik.
Kahit na nalaman ko rin sa mga oras na 'yon na nagkaroon ng bali sa kaliwang binti si Britanny nang may gumamit sa kanya ng witch-vanishing spell sa laban ay malaki pa rin ang pagpapasalamat ko na nasa maayos na kalagayan na rin siya ngayon—at syempre, kasama rin sina dad, Claira, Al, at lahat ng mga mahal ko sa buhay habang nagaganap noon ang Battle in Cosmos.
Dahil magkakasama na ulit kaming lima sa iisang lugar ay naisipan ko rin na sabihin na rin kina Al at Britanny ang nalaman ko tungkol kay Emeraldimë at sa tatay nitong si Esmerond, kasama ang ilan pang mga nangyari noon nang napadpad ako sa astral plane. Pagkatapos niyan ay isa-isa na rin silang nagkwento kung ano ang mga nangyari sa kanila noong magkakahiwalay ang mga grupo namin sa laban. Hindi naman nawala ang kaunting ngiti sa mga labi ko dahil kada isa sa amin ay nanalo ka kani-kanilang mga laban no'n sa amphitheater.
Habang nalilibang kami sa pagkukuwentuhan ay may bigla namang pumasok na isang tauhan ni Claira dito sa tent. Tumahimik rin bigla ang lahat—na para bang mga nakaabang sa kung ano mang mga salita ang lalabas sa bibig ng tauhan ni Claira.
"Madam, pasensya na po sa istorbo. May naghahanap po kasi kay Wesley Vernon. Urgent daw po."
Ano? May naghahanap sa akin?
"At sino naman siya?"
"Fieona Green daw po ang pangalan niya."
Nang marinig ko ang pangalan ng kung sino mang naghahanap sa akin ay bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Ang nanay ni Louisa... nandidito ngayon sa campsite? Pero papaano? At bakit?
Katulad ko ay pati rin sina dad, Al, Britanny, at Claira ay nagtataka sa kung sino at kung papaano man niya ako nahanap rito. Bahagya ring nakakunot ang noo, pero pinapunta pa rin ni Claira ang naghahanap sa akin para mas makita namin iyon nang personal—at mas nagulat pa ako nang makita ko mismo si Mrs. Green na dahan-dahang naglakad papunta sa harapan naming lima, habang may dalang isang puting envelope."
▬ • ★ • ▬
"Bonjour, I am Fieona Green... and I'm Louisa's mother. Alam ko na nalilito kayo kung papaano ako napunta rito and either myself is also confused—but for now, I just want to talk with Wesley. Alone. If it's okay with you all." Panimula ni Mrs. Green sa amin habang nagtataka pa rin kami sa pagdating niya rito sa campsite.
"Uh, hello po, Mrs. Green. If you don't mind, pwede ko po bang ipakilala sa inyo ang lahat ng mga kasama ko ngayon?" pagtatanong ko naman sa nanay ni Louisa, para kahit papaano ay may iba pa siyang kilala rito bukod sa akin.
Tumango naman siya, dahilan para magsimula na ako mula kay Claira at Britanny, hanggang kina Al at dad—na bahagyang naningkit ang mga mata niya kay dad nang mabanggit ko ang buong pangalan niya.
"Ayoko namang maging bastos, but can I ask you a question, Mr. Vernon?" tanong niya kay dad.
"Uhm... sure... Ano ho 'yon?"
"Do you have any relatives buried down the Westside White Forest?"
A sudden memory flashed into my mind because of that question. The day of my parents' funeral there. How did she know that?
And one more thing: the man she's asking was one of the two people buried there.
Sa totoo lang, bahagya akong nanigas sa pwesto ko ngayon dahil sa tanong na iyon ni Mrs. Green kay dad. Pero buti na lang at nalusutan ni dad ang tanong niyang 'yon.
"Ah, yes. May relatives nga kaming inilibing doon. But that funeral was almost private and only our other relatives knew about it. Papaano niyo nalaman 'yon?"
"May nabanggit kasi sa akin dati si Lou about sa isang funeral na nakita niya dati doon and the only thing she knew about the funeral was for Vernons."
Oh... Ayan pala 'yung dahilan kung bakit rin nagsabi si Louisa sa akin dati noon ng condolences sa una naming pagkikita sa sa Muttering Trees.
Pagkatapos ng ilang segundo ay inaya na agad ako ni Mrs. Green na mag-usap na kami lang dalawa—kaya lumabas kami ng tent at naglakad hanggang sa bahagya kaming mapalayo sa campsite ng ilang metro. Naisipan ko ring umupo sa isang malaking bato na may patag na surface sa ibabaw dahil nanginginig na rin nang kaunti ang mga tuhod ko.
Pagkaupo ko naman ay may ibinigay agad sa akin ang nanay ni Louisa na isang papel na nakatiklop ng tatlong beses. Nagsimula rin siyang nagsalita gamit ang bahagyang malumanay na boses.
"It was the night of the fifth anniversary since Louisa disappeared like a bubble, and I was reminiscing with her old things in her bedroom when a dark purple box from a higher shelf fell to the ground all of a sudden. At first, I was puzzled because of how it fell, but I shrugged it off and grabbed the box.
"Ibabalik ko na sana 'yong box doon sa shelf nang bigla kong maalala kung ano ang laman ng kahong iyon: mga papel 'yon na may nakasulat na composed songs and written poems ni Louisa. Kahit na ginamit rin ang mga 'yon sa imbestigasyon noon sa pagkawala ni Lou ay nakiusap akong ibalik sa akin ang mga 'yon dahil ang mga bagay na 'yon ang ilan na lang sa mga natirang bakas ng anak ko sa akin simula noong nawala siya. At kahit na ayoko na ring basahin ang mga 'yon dahil alam ko sa sarili kong maiiyak ulit ako ay ewan ko ba, binasa ko pa rin kasi para bang may nag-uudyok sa akin na gawin 'yon."
Mabilis na pinunasan ni Mrs. Green ang mga luhang dumadaloy pababa sa mga pisngi niya, at habang ako naman ay nakatulala lang sa hawak kong papel habang nakikinig sa kanya. Nagpatuloy ulit siya.
"Inisa-isa kong basahin ang kada papel na may sulat doon sa loob ng box, hanggang sa may natira na lang na isang papel na nakatiklop ng tatlong beses at isang envelope na hindi pa nabubuksan.
"Bubuksan ko na sana 'yong envelope nang bigla ko namang napansin na para bang pamilyar sa akin ang isang papel na tiniklop ng tatlong beses, kaya dali-dali kong kinuha 'yon at nagulat ako nang maalala kong iyon pala ang huling letter na iniwan noon ni Louisa sa kwarto niya siya five years ago. Nanlaki rin ang mga mata ko nang mas napansin kong nawala na ang lahat ng mga smudges doon sa letter. Dali-dali ko ring binasa 'yon—kahit naguguluhan ako na kung papaano nawala lahat ng smudges na nandoon sa letter."
Bigla akong napatingin sa kanya. Nawala lahat ng smudges?
Sinimulan ko nang basahin ang letter mula doon sa hawak kong papel habang nanginginig ang pareho kong mga kamay.
April 18, 2015
Dear Frankie,
Louisaʼs here again.
By the way, siguro ito na ang huling sulat na gagawin ko. Kasi, uh, papaano ko ba sasabihin 'to?
Aalis na kasi ako sa bahay, at ito ang dahilan ko.
Gusto kong sumama kay Wesley. Gusto kong maranasan ang buhay na walang nagdidikta sa akin kung ano ang gusto kong gawin. Gusto ko rin ang buhay na matiwasay. At gusto ko ring pumunta sa iba't ibang lugar na hindi ko pa napupuntahan, katulad ng ginagawa ni Wesley simula noong namatay ang mga magulang niya.
Sana tandaan mo na wala akong galit kay mama. Alam ko na hirap na hirap na siya na buhayin ako mag-isa simula noong namatay si papa, maraming taon na ang nakalilipas. Pero gagawin ko 'to dahil nahihirapan na rin akong ipakita sa kanila na nagsisikap rin ako para sa hinaharap para masuklian ko naman lahat ng paghihirap niya para sa akin. Para kasing hindi niya nakikita na nahihirapan na rin ako. Nahihirapang mabuhay nang matiwasay dito sa mundo.
Pinipilit ko namang gawin ang lahat para lang matuwa naman siya sa akin. Pinipilit kong mag-aral at magsumikap nang mabuti, hindi lang para sa kanya kundi para din sa akin. Inuuna ko ang mga responsibilidad ko bilang anak niya. Inuuna ko lagi iyon.
Pero bakit hindi niya nakikita ang mga paghihirap ko? Bakit mga mali ko lang ang tinitingnan niya? Bakit iniisip niya na lagi na lang akong pasaway? Bakit hindi man lang niya isipin na ako rin nahihirapan na? Na ako rin namomoblema? Na ako rin katulad niya na may mabigat ring nararamdaman? Na ako rin may napakaraming iniisip tuwing gabi tungkol sa kung kakayanin ko pa bang mabuhay ng isang araw dito sa mundo?
Bakit hindi man lang niya akong tanungin kung ayos lang ako? Na porket "pasaway" ako sa paningin niya ay hindi man lang niya isipin na ako rin naman namomoblema katulad niya?
Hindi ko na nga alam ang gagawin ko. Hindi ko na nga rin alam kung tama pa ba ang mga desisyong pinipili ko. Hindi ko na rin alam kung saang direksyon papunta ang buhay ko ngayon. Hindi ko na rin alam kung may patutunguhan pa 'tong buhay ko.
Kaya ako aalis ay dahil dyan, Frankie. Wala namang perpektong magulang, pero para kasing sobra na si mama sa akin. Lagi niyang sinasabi na nahihirapan na siyang itaguyod ako na hindi man lang niya alam na nahihirapan na rin ako na maging responsableng anak na gustong ipakita sa kanya na may mga naaabot na akong pangarap. Para din kasi akong nape-pressure. Panganay ako at kapag gan'on, marami ka talagang responsibilidad at medyo big deal ang pagiging breadwinner kapag ikaw ang panganay.
Hay, Frankie. Hindi ko aakalain na hahantong ako sa ganito. Na iiwan ko si mama. Pero ginusto ko 'to dahil nasasakal na ako. Nahihirapan na rin ako.
Sana sa pag-alis ko, huwag kayong magalit sa akin, mama at Frankie. Lalo na't huwag rin kayong magagalit kay Wesley kasi ako ang pumilit sa kanya na gawin 'to, hindi siya. Gagawin ko rin ʼto, hindi dahil sa may galit ako kay mama. Gagawin ko 'to para makapagpahinga naman ang katawan at utak ko. Gagawin ko rin 'to para hanapin na rin ang sarili ko kahit sa maikling panahon lang.
Sa itim na kawalan.
— Louisa
Nang matapos kong basahin ang letter ay hindi ko na ring napigilan pa ang sarili ko na maluha hanggang sa humihikbi na ako nang mahina. Hindi ko alam ang eksaktong mararamdaman ko ngayon dahil naghahalo lahat ng trauma, lungkot, galit, at saya sa mga oras na 'to. Pero isa lang ang sinisigurado ko ngayon...
Na mas naliwanagan na ako sa kung ano ba talaga ang totoong intensyon ni Louisa noon na kung bakit ba gusto niyang umalis sa bahay nila.
At dahil rin pala 'yon sa akin... Gusto niyang maranasan ang pagiging malaya at pumunta sa iba't ibang mga lugar na kung saan ay walang nag-uutos kung papaano siya gumalaw sa ibang mga tao. Gusto niya ring lumayo sa mga taong kumukontrol sa kanya...
Sa mama niya...
Napatitig naman ako kay Mrs. Green na hanggang ngayon ay namumugto pa rin ang mga mata niya.
"Hindi ko alam na gan'on na pala ang iniisip at nararamdaman ni Louisa sa akin." Nagsalita ulit siya habang pinipigilang umiyak. "Although that's not my real intention to make her feel and think that way. Like other parents, I'll do whatever I think it's the best for my daughter—kahit na sobrang nahihirapan ako dahil ako lang ring mag-isa ang nagpalaki kay Lou simula noong isinilang siya.
"I knew I was not a great mother or father to her. Madalas ko siyang kinokontrol to the point na sumusobra na pala ako, and I'm also very strict to her especially the schedules and her income. I think she already told you I'm avaricious, is she?"
Tumango na lang ako nang bahagya sa tanong niyang 'yon.
"I'm not dumb. I am aware that I did a lot of damage to all of you, and there's a lot to explain here. But it's not just about the money. It's all about my daughter's future—"
"Mrs. Green, will all due respect, are you telling the whole truth right now? Hindi naman sa may pinapanigan akong sides or such, pero syempre, hindi ko rin naman alam ang buong pangyayari sa pagitan niyong dalawa ni Louisa." Pagputol ko ng sinasabi niya habang pinipigilan ang sarili kong magalit sa kanya.
"Wesley, I am telling the truth. Mukha mang hindi totoo, but I am investing in something and have kept it secret for many years. To be honest, one of my dreams for the future of our family is to build a nice restaurant. So that's what I've been doing since she became an entertainer at Muttering Trees. 25% for house expenses, 20% for Lou's school expenses, 20% for the restaurant, 25% for savings, and 5% for other leisures—ayan ang hati na ginagawa ko sa kinikita ni Louisa kung tatanungin mo pa ako. And no, I am not using her money to buy any luxuries. That's all my money from making handmade jewelry."
Pumikit at huminga nang malalim si Mrs. Green pagkatapos niyang sabihin 'yan sa akin. Habang ako naman ay pinoproseso ang mga nabanggit niyang 'yon, lalo na sa part na may binubuo pala siyang restaurant para sa pamilya nila.
"Wesley, my point here is that I am helping my daughter not to spend too much with her income. Kasi ayokong dumating ang araw na mawala ako tapos mawalan rin ng pera si Louisa para sa everyday expenses niya," aniya, sabay hawak sa mga kamay ko. "At tsaka isa pa, I was about to tell her the restaurant that I'd been building hours before she went missing. But I wasn't able to say it to her, and it built a pang of great guilt around that time because I could feel it in my heart that I was one of the reasons why she ran away to our house and went missing."
Dahan-dahang binitawan ni Mrs. Green ang mga kamay ko't tumingala sa madilim na langit. Ginawa ko rin ang ginawa niyang 'yon at tsaka ko lang din napagtantong gabi na pala sa mga oras na 'to. Bahagya rin namang hindi madilim sa pwesto naming dalawa dahil nasisinagan kami ng liwanag ng buwan, ay kitang-kita rin namin ang mga ilaw na nagmumula sa hindi kalayuang mga gusali sa Birchtree. Hindi rin kami nagsalita na dalawa ng halong limang minuto.
Ilang minuto ang lumipas ay narinig ko ulit at paghinga nang malalim ni Mrs. Green, dahilan para mapalingon ako sa kanya. Lumingon rin siya sa akin, nginitian ako nang matipid, at may ibinigay siya sa akin na isang white envelope—ang envelope na hawak niya simula kanina pa noong pumasok siya sa tent kung nasaan kami.
"Matapos kong iniyakan nang ilang oras ang huling letter ni Louisa ay naisipan ko namang tingnan ang laman ng envelope na 'yan. Pero bago ko magawa 'yan, may note akong nakita at sabi n'on ay para lang sa'yo 'yan. May nakasulat dyan sa likod na "for Wesley (mama, please give this to him)" at may nakasulat ring coordinates sa ibaba. Agad ko namang hinanap at pinuntahan ang coordinates na 'yon, at heto, napunta ako rito kung nasaan kayo ngayon."
Napatingin naman agad ako doon sa sinasabi niyang note. Nakasulat iyon sa handwriting ni Louisa at may nakasulat rin na Claira's Campsite sa pinakababa ng coordinates.
"I don't know if you're mad at me, or you'll never forgive me. But please... let me apologize for all the wrong things I did to you, especially that time when I wrongly accused you of convincing my daughter to run away with you. Alam naman natin na we can't go back to that time to change everything, but we can still change the future, right?"
Nanatili lang na nakatikom ang bibig ko nang napatingin ulit ako sa mga mata niya habang sinasabi ang mga 'yon sa akin. Hindi ko rin kasi talaga alam kung galit ba ako sa kanya o mapapatawad ko ba siya sa lahat ng mga pambibintang niya sa akin noon. Siguro mas magbibigay muna ulit ako ng space sa pagitan naming dalawa ni Mrs. Green pagkatapos naming mag-usap na dalawa. Ewan ko, basta ayan muna ang naiisip ko sa ngayon dahil mas marami siyang atraso sa anak niyang si Louisa kaysa sa akin.
Bago siya maglakad papalayo sa kinauupuan ko ay ipinatong na muna niya ang kanang kamay niya sa kanang balikat ko at nginitian ako nang mapait. Nagpipigil pa rin siyang umiyak sa mga oras na 'yon, pero nagawa pa rin niyang sabihin ang huli niyang mga salita para sa akin.
"Bilang pambawi sa lahat ng nagawa kong hindi magaganda noon, ayan ang magagawa ko sa ngayon. I am very sorry for what I have done especially to you, Wesley. Sana... kahit na papaano... mabawasan na ang bigat na pinapasan ng puso mo..."
▬ • ★ • ▬
April 27, 2020.
Kinabukasan ay napagpasiyahan ng mga tao rito sa campsite nina Claira na magsimula na ng isang official celebration sa pagkapanalo namin laban sa Creature from the Void sa Battle in Cosmos. Hinintay lang daw talaga nila akong magising bago gawin 'yan para daw 'kumpleto ang buong gang sa celebration.' Okay lang naman din sa akin na magkaroon kami ng ganyang celebration. Dahil sa totoo lang, gusto ko na ring magbakasyon mula sa miserableng buhay ko na nagsimula pitong taon ang nakakaraan.
Ngayong araw na din aalis si Mrs. Green dito sa campsite pagkatapos niyang makitulog rito kagabi. Pinipilit pa rin naman siyang ayain ni Claira na manatili muna rito kahit ilang oras pa, pero...
"Sigurado ho ba kayo na ayaw niyong sumama sa celebration namin dito?" pagtatanong ni Claira sa kanya.
"Yes. May aasikasuhin pa kasi ako sa restaurant, and they also need me there like super asap."
"Okay, if that's what you said, ho."
Bigla namang lumapit si Britanny kay Mrs. Green at nagbigay ng isang basket na may mga maliliit na sack bags. Agad rin namang tinanggap 'yon ng nanay ni Louisa.
"Mag-takeaway na rin po kayo niyan!" Nakangiting sambit ni Britanny. "That's two of my specialties—double c carbonara and flower salad—baka magustuhan niyo po. At tsaka may herbs and spices po dyan sa basket, baka makatulong rin sa restaurant kitchen niyo pagkabalik niyo doon."
Napatingin si Mrs. Green sa laman ng basket na ibinigay sa kanya ni Britanny, at pagkaraan lang ng ilang segundo ay napangiti na rin ito nang malawak.
"How generous you are! Thank you so much!" Nagpasalamat siya kay Britanny gamit ang isang malaki at mahigpit na yakap. " And speaking of my restaurant, libre na ang pagkain niyo doon once na dumalaw kayo para kumain. Just say l'ender du monde, and the waiter already knows that your order there is all free."
Medyo nagtaka pa kami kung ano ang ibig sabihin ng French phrase na sinabi sa amin ni Mrs. Green, pero sinabi naman niya agad ang ibig sabihin n'on: it's just simply the French term for The World Enders—na bahagya rin kaming nagulat dahil may kaunti na rin siyang alam tungkol sa gang group namin.
"Oh, siya sige na. Until next time. I hope that you all will be fine keeping the whole cosmos at peace." Nginitian niya sina Claira at Britanny, tsaka siya tumingin sa akin at ngumiti rin nang matipid. "And Wesley, sana mabawasan na rin ang tensyon sa pagitan nating dalawa."
Wala naman akong imik sa mga oras na 'yon at pinanood ko lang siyang maglakad papalayo kasama ng ilang tauhan ni Claira. Nang mawala na sila sa paningin ko ay napansin ko naman na umalis na rin sina Claira at Britanny sa tabi ko't sumama na sila sa celebration na nagaganap rito sa campsite.
Pinagmasdan ko ang buong campsite at ngayon ko lang napansin na may mga nakapalibot na palang mga vintage string lights sa kada tent, poste, puno, at iba pang mga parte ng site na pwedeng lagyan ng string lights. Naririnig ko rin sina Claira at ang ilang mga kasamahan niyang babae na kumakanta sa mini videoke na nakapatong sa isang tree stump, habang si Britanny naman ay nagpapamigay ng mga pagkain na nakahilera sa isang mahabang table sa 'di kalayuan. Nakita ko rin sina Al at dad na naglalaro ng drinking game habang pinapanood sila ng ilang mga injured na tao.
Napatawa naman ako nang bahagya nang napagmasdan ko ang buong campsite ngayon. Kahit na ang bawat isa sa kanila ay may mahirap na pinagdaanan lalo na noong sumabak sila sa Battle in Cosmos, natutuwa naman ako na bumalik rin ang kanilang ngiti sa mga labi. At sobrang proud ako sa kanilang lahat dahil kung wala ang tulong nila ay hindi rin sila makakahinga nang sobrang gaan at luwag ngayon. Katulad ko.
Nilagay ko sa mga bulsa ng pants ko ang dalawa kong mga kamay at naglakad pabalik sa tent ko. Gusto ko rin namang magsaya kasama nila, pero may iba muna akong gagawin simula sa mga oras na 'to.
Nagsimula muna ako sa pagpapalit ng damit. Nagsuot ako ng black jacket, white polo shirt sa panloob, black pants, at black combat shoes. Umupo rin muna ako sumandali sa gilid ng kama ko doon at may kinuha sa ilalim ng unan ko—ang white envelope na ibinigay sa akin ni Mrs. Green sa akin bago matapos ang usapan namin kagabi. Hindi ko pa talaga binubuksan at tinitingnan kung ano man ang laman ng envelope na 'yon dahil gusto kong basahin 'yon sa isang lugar na ako lang mag-isa ang nandodoon.
At may naiisip na akong lugar na pwede kong basahin 'yon nang hindi naman kalayuan mula rito sa campsite nina Claira.
Kinuha ko na car keys ng lumang kotse ni dad sa isang drawer at ang isang duffel bag na dadalhin ko. Kaunti lang naman ang laman n'on kaya hindi ako nahirapang bitbitin 'yon.
Pagkalabas ko sa tent ko ay bumungad naman agad sa akin si Britanny na may dalang isang tray ng anim na beer. Hindi ako sigurado, pero mukhang nakatunog yata siya na aalis ako rito sa campsite ngayon.
"Mukhang may pupuntahan ka ah. Saan?" tanong niya.
"Sandali lang naman ako, so no need to be worried too much, okay?" Hindi ko sinagot nang diretso ang tanong niya. Nginitian naman niya ako nang matipid.
"Ayaw mo ba munang mag-celebrate dito just to rest your whole self for a while? Kamasa kami?"
Umiling ako nang bahagya. "Syempre gusto ko naman. Pero Britanny, as of these seconds... gusto ko munang tumambay sa tabing-dagat nang mag-isa. Kahit na ilang minuto or oras lang para mapanatag na nang tuluyan ang puso't isipan ko—as in matanggal ko lang 'tong uneasiness na nararamdaman ko right now. Naiintindihan mo ba?"
"I understand," tumango siya. "And I'll let you go and be there in the meantime."
Bago ako makalakad papalayo kay Britanny ay hinablot niya ang kanang kamay ko at ibinigay sa akin ang isang tray ng beer na bitbit niya. Nagsalita rin siya gamit ang mahinhin na boses.
"Take your time to make yourself go back on your strange trails. At ako na rin bahalang magsabi sa kanila na umalis ka—basta mag-iingat ka, Wesley Vernon."
"Yeah, sure. Thanks a lot, Britanny."
Nagkatitigan kaming dalawa ni Britanny pagkatapos kong magpasalamat sa kanya, at sa pagkakataong ulit na iyon ay nakaramdam na naman ako ng kuryente na bigla na lang dumaloy sa buong katawan ko. I've been experiencing this before with her—iniisip ko na lang din muna sa mga segundong 'to na malakas lang din talaga siguro ang koneksyon namin sa isa't isa. At hindi naman naman na rin ako masyadong naiilang sa ideya na 'yon.
Pumunta na ako kung saan nakaparada ang kotse ni dad at sumakay na ako doon para magmaneho. Hindi lang basta-basta sa tabing-dagat ng Frozen Pines ako pupunta ngayon, dahil doon mismo ako pupunta sa kung saan man ako unang tumambay rito sa Frozen Pines, halos tatlong linggo na rin ang nakakaraan...
Doon ako tatambay sa kung saan ko unang nakita no'n si Louisa na black-brained at iniluwa ng isang black hole na nasa langit.
Katulad ng halos ginawa ko noon, naghanap muna ako ng lugar na malapit at pwede kong iparada ang kotse na dala ko. Naglatag rin ako ng isang blanket at naglabas ng ilang gamit katulad ng beer na binigay sa akin ni Britanny, maliit na light brown teddy bear ni Louisa na hindi ko aakalain na nandoon pa pala 'yon sa kotse, at 'yong envelope na ibinigay sa akin ni Mrs. Green.
Habang pinapanood ko ang paglubog ng araw ay dahan-dahan ko ring inuubos ang dala kong beer. Hindi talaga ako alcoholic katulad ng sinasabi ko dati, pero dahil sa nasasanay na ako sa mapait na lasa n'on ay mukhang mapapadalas na ang pag-inom ko simula ngayon.
Nakapatong naman sa kaliwang hita ko ang teddy bear at hinihimas 'yon nang dahan-dahan. Sobrang nami-miss ko na rin kasi si Louisa ngayon. Oo, alam ko na hindi ko na siya pwedeng makasama basta-basta sa mga oras na 'to dahil katulad nga ng sinabi niya sa akin ay may mga indibidwal na responsibilidad kaming ginagampanan ngayon—pero syempre hindi pa rin mawawala sa isipan ko na baka balang araw ay magkakasama rin kaming dalawa sa iisang lugar, na kung saan ay matiwasay ang buong paligid at malayo sa lahat ng mga nilalang.
Sa pag-alala ko ng mga nangyari nang magkasama pa kami ni Louisa habang nawala ang kanyang memorya no'n ay biglang sumagi sa isipan ko ang tungkol sa white envelope. Napagpasiyahan ko na sa wakas na buksan iyon at tingnan ang kung ano mang laman ng sobreng 'yon.
Sa loob ay may dalawang papel: 'yong lumang sketch ko na ibinigay ko dati kay Louisa noong inaya ko siya na maging kasintahan at isang papel na may letter na nakasulat. Inuna ko munang basahin ang letter.
Dear Wesley,
Your Louisa's here! I know you have a lot of questions about how this letter was able to reach you with the help of mama (I guess she already told you her story about it) and other questions about what the heck happened at all. But first, let me tell you some things I couldn't say when we were both together in the astral plane...
Unang-una sa lahat, thank you sa lahat ng sacrifices mo para sa akin. I know that saying thank you cannot repay you for all the efforts you made for me—but still, I am thanking you. A lot.
Second. Frankie and I both appreciated you and your group's help to defeat the Creature from the Void too. Kung hindi rin dahil sa mga plano and sakripisyo niyo ay hindi natin mapipigilan ang paghahasik nila ng lagim sa buong cosmos. In return, Frankie and I will guide you here from above, along with your group, so you will not be harmed in maintaining peace there on earth. I think that's one thing at least we can do for all of you.
Speaking of Frankie and me—well, I know you're too worried about us, especially about me. But don't worry too much, okay? Although medyo kinakapa ko pa rin ang pagiging other half of the Emerald Star, kasama ko naman na ngayon si Frankie para gabayan ako rito. She's a great companion here since she's my best friend and my twin—so yeah, we'll get along very well here on the astral plane.
Another thing. I know that some questions from your mind and heart are still there and haunting you, but sorry in advance that I can't answer them all one by one. However, I believe that maybe one day, we can finally find answers and take some burdens off of ourselves. It truly takes a lot of time though, but I know that it will be worth waiting.
Wesley... I was once lost in my massive universe—yet when you entered it, I am now being found. Alam ko rin na sinasabi mo sa akin na ako ang liwanag ng iyong sansinukob, at gusto ko lang rin sabihin sa'yo na ikaw naman ang bumuo ng sangkatauhan ko. Thank you for all the times you're making my life complete, even though I wasn't able to be more open to you. Salamat sa mga panahong lagi kang nandyan sa tabi ko kapag bigla na lang akong iiyak o kaya naman ay hindi maganda ang araw ko.
Sobrang nagpapasalamat ako sayo, Wesley. Kasi kung hindi dahil sa'yo, hindi rin magbabago ang buong buhay ko. Kahit na may mga nangyaring hindi magaganda noon, sigurado naman ako na ngayon ay mas gaganda na ang mga 'yon—hindi lang sa buhay ko, kundi sa buhay mo rin.
Thank you so much for making my whole life so colorful with you and your presence. You are truly like a rainbow after the storm inside my heart.
Hindi ko na masyadong pahahabain pa 'tong letter na sinulat ko para sa'yo, pero gusto ko lang ding malaman mo na simula sa susunod na mga buwan ay magpapadala na rin ako ng mga letter sa'yo para hindi ka masyadong mag-alala sa akin. Pwede ka ring magsulat para sa akin, basta ilagay mo lang sa isang kahon at ako na ang bahala kung papaano ko babasahin ang mga 'yan.
I will miss you so freaking much, Wesley... Until we meet again... Je t'aime, mon arc-en-ciel...
— Louisa
Pagkatapos kong basahin ang letter na 'yon ay hindi ko na napigilan pang maiyak dahil sa halo-halo na namang mga emosyon na nararamdaman ko ngayon. Ngunit kahit na gan'on ay talagang gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa assurance na ibinigay sa akin ni Louisa doon sa letter. Napangiti rin ako nang mapagtanto kong nagwakas rin na talaga ang paghahasik ng lagim ni Temho-Noxandra at ng mga alalay niya sa loob ng maraming taon rito sa buong cosmos.
Pinunasan ko muna ang basa kong mga pisngi at ko itinungga ang isang bote ng beer na malapit nang maubos bago ko tingnan ang isa pang laman ng envelope—ang lumang sketch ko noon para kay Louisa. Medyo nakakapagtaka nga lang kung bakit ibinalik sa akin 'to ni Louisa.
May ibig sabihin ba 'to?
Inobserbahan ko ang buong sketch, at wala naman akong napansing kakaiba doon—bukod nga lang sa unti-unti nang nawawala ang lead ng lapis na ginamit ko doon sa sketch na 'yon at bahagyang nagkaroon na rin ng mga stains ang papel na 'yon.
Nang napatingin naman ako sa likod ng sketch ko na iyon ay doon ko na napansin ang isang sulat-kamay na galing kay Louisa. Isa 'yong short note.
Nasa bandang ibaba ang note na iyon. At nang binasa ko 'yon nang dahan-dahan ay nanumbalik bigla sa puso't isipan ko ang isa sa mga alaala na halos naging matinding trauma na ng buhay ko mula noon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro