Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✰ Chapitre Six: The Balancerʼs Eyes

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

If we follow your emerald starlight
Will we go to see you at the firmament?
Or will we head straight into the edge of the universe
While we're muttering your ancient names?

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Chapitre Six:
THE BALANCERʼS EYES

April 11, 2020.

—Wesley


Isang araw ang lumipas nang magising na si Frankie. It's already seven in the evening now and I'm having dinner with her, here in our tent where we have stayed for almost three days.

Pagkatapos naming kumain ni Frankie ay balak na rin naming umalis dito mula sa campsite at pumunta na sa isang address na ibinigay sa akin ni Claira kaninang umaga. Address ʼyon na kung nasaan makikita ang fortune teller na binanggit niya sa aming dalawa kahapon.

Ayos na rin pala si Frankie, kahit na naaagnas pa rin ang buong katawan at kulay itim pa rin ang mga mata niya. Hindi na rin daw kumikirot pa nang sobra ang ulo niya. Hindi na katulad noong gabing nasa cocktail bar pa kaming dalawa.

Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami sa pag-alis. Nagsuot ako ng puting polo shirt, gray jeans, at brown na denim jacket. Hinawi ko rin papunta sa likod ang buhok ko. Medyo mahaba na rin kasi ang buhok ko pero wala akong planong ipagupit ʼto.

Abala naman sa isang gilid si Frankie na suklayin ang basa niyang buhok. Halos katatapos lang din kasi niyang maligo. Nakasuot siya ngayon ng itim na denim catsuit na bigay naman sa kanya ni Claira. Medyo fitted ʼyon pero bumagay naman sa kanya—

Wait, w-what the fuck? I suddenly feel the hotness in both of my cheeks! Am I fucking blushing?

I just stared at Frankie, while she was still combing her hair. I also don't know how long I looked at her.

"Wesley, ayos ka lang ba?" Medyo napatalon ako sa gulat nang biglang pumunta sa harapan ko at tapikin ni Frankie ang balikat ko. Umiwas rin ako ng tingin sa kanya dahil nakatitig siya sa mga mata ko.

"Nakita kasi kitang nakatingin sa akin tapos napansin ko rin na tulala ka. Ayos ka lang ba talaga?"

"Uhm, a-ayos lang ako, Frankie," pagsisinungaling ko.

To be honest, hindi. My ex-girlfriendʼs face suddenly flashed in Frankie's face. Noong mga panahong nakikita at nakakasama ko pa siya five years ago, bigla na lang nakita ng dalawa kong mga mata nang ilang segundo.

Well, yes, Frankie was quite look-alike my ex-girlfriend. Sinasabi ko na ʼto simula noong nagkita kaming dalawa doon sa tabing-dagat. But, this is the very first time I have seen that kind of flashback about her.

Tumalikod ako kay Frankie at naglakad na papalayo sa kanya. Habang naglalakad papalayo ay hinawi ko ulit ang buhok ko papunta sa likod. Damn, iba na ang nararamdaman ko sa babaeng ʼto.

Iba na talaga ang nararamdaman ko kay Frankie.

Hinablot ko na yung isang duffel bag na nakapatong sa isang lamesa sa ʼdi kalayuan. May laman ʼyong mga damit pambabae. Nagbigay pa kasi ng ilang damit si Claira para kay Frankie.

Pagkahablot ng duffel bag ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Frankie na nagsuot na ng face mask at inaayos na ang sarili niya.

"Ugh, bakit hindi ko maayos 'to?" Narinig ko si Frankie na bigla na lang nagsalita habang inaayos ang mahabang maggas ng suot niyang black denim catsuit. Halata rin sa boses niyang ʼyon na medyo naiinis na siya.

"Hindi ko alam kung bakit itong damit ang ipinasuot sa akin ni Claira ngayon," aniya habang nag-aayos.

"Well, mas gumanda ka nga nang ayan na ʼyung suot mo—"

"A-Anong sabi mo?!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nasabi ko ba 'yon nang malakas?!

"W-Wala! Ang sabi ko, b-bagay naman s-sayo," nabubulol kong sabi sa kanya. Putangina ka, Wesley! Ano bang nangyayari sayo ngayon?!

Naisipan ko na lang na lumabas na ng tent habang bitbit na ang duffel bag na hinablot ko kanina. Baka kung ano pang magawa ko sa harapan ni Frankie. O sa kanya mismo.

Alam kong nakasunod lang sa akin si Frankie. May naririnig kasi akong yapak at kaluskos sa likod ko. Pagkalabas namin ng tent ay nakita ko si Claira na nakatayo sa isang gilid, walang emosyong pinapuputukan ang isang pine tree gamit ang hawak niyang shotgun. Nang tawagin ko siya ay tumigil na siya sa ginagawa niya at nilapitan na kaming dalawa.

"Ready to leave this place?" tanong niya at tumango naman ako.

Nakapila kami kung maglakad. Si Claira ang una, sumunod si Frankie, at ako naman ang nasa dulo. Mga dalawa't kalahating minuto kaming naglakad sa gitna ng masukal na kagubatan. Hindi naman masyadong maputik ang dinadaanan namin ngayon at may mga hawak rin kaming mga flashlights kaya hindi masyadong mahirap maglakad.

Pagkarating sa dulo ng daan, may isang napakapamilyar na kotse ang nakaparada. Lumang kotse ng ama ko. Nakakagulat lang na nakuha nila Claira ʼyon sa parking lot ng George's Cocktail Paradise.

"Don't worry, we didn't steal any of your belongings." Bahagya niya akong nginitian. "Pero pinakarga na namin niyan ng gas, at naglagay na rin kami ng ilang gallons nʼon sa compartment ng kotse mo."

"Salamat, Claira," matipid kong sambit dahil wala na ako masabi pang iba.

"Psh, wala ʼyon, Wesley. Tumutulong ako sa mga mabubuting tao at sa hindi inaabuso ang pagtulong ko."

Nagpasalamat at nagpaalam na kaming dalawa ni Frankie kay Claira. Kinamayan ko siya, habang si Frankie naman ay niyakap si Claira.

Pinauna ko na si Frankie na sumakay sa lumang kotse ng ama ko. Susunod na sana ako nang bigla akong pinigilan ni Claira sa pamamagitan nang paghawak nang mahigpit sa kaliwang braso ko.

"Kausapin muna kita sandali, kahit ilang minuto lang." Mukhang seryoso siya base sa boses at mukha niya. Napatingin ako kay Frankie na binuksan na ang pinto sa may front seat ng kotse. Tiningnan muna niya ako na para bang sinasabi niya sa akin na kausapin ko na muna si Claira at ayos lang maghintay siya doon bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse.

Ibinalik ko ang atensyon ko kay Claira.

"Lesson learned."

"Huh?"

Ano'ng sinasabi niya?

"Ang sabi ko, lesson learned. Lagi mo dapat tinitingnan kung may extra gas pa para sa kotse mo. At isa pa, huwag mo na ulit ipasuot sa girlfriend mo ʼyung World Enders leather jacket. Masyadong nakakapukaw ng atensyon ang leather jacket na ʼyon lalo na kapag babae ang may suot nʼon."

Para bang nasamid na naman ako sa sarili kong laway nang masabi niya na naman na girlfriend ko si Frankie. Sa tingin ba niya na girlfriend ko talaga si Frankie?

"At tsaka isa pa..." Bigla niya akong tinitigan nang walang emosyon. Bahagya na naman akong kinabahan.

"Alam kong may mga ilang bagay kang hindi sinabi sa akin at naiintindihan ko kung bakit," sambit niya. "At mabuti na ring hindi mo muna sinabi sa akin ang mga ʼyon."

"A-Anong ibig mong sabihin—"

"Shhhh," pinigilan niya ako sa pagsasalita. "Let me finish."

Wala na akong nagawa kundi pinatapos siya sa kung ano pa mang sasabihin niya sa akin. Ipinagpatuloy na niya ang sasabihin niya.

"Minsan, ang mga premonitions ko ay nagkakatotoo. At kinukutuban ako ngayon na baka may mangyaring masama sa inyong dalawa. Lalo na kay Frankie."

Mas lalong lumala ang kaba ko. Hindi naman lahat ng kutob ay nagiging totoo, pero pakiramdam ko rin na may mangyayaring masama kay Frankie. Dahil rin ʼyon sa naalala ko ang kalagayan niya ngayon, at sa nangyari sa kanya doon sa cocktail bar noong isang gabi na nandoon kaming dalawa.

Alam ko rin naman na malas ang buhay na meron ako ngayon pero pakiramdam ko, mas lalala pa ʼyon.

Hindi ko pa alam.

"Kaya ko kayo papupuntahin sa kilala kong fortune teller ay para kahit na papaano, masagot niya ang ilan sa mga tanong niyo at masabi niya rin ang ilan sa mga bagay na maaaring mangyari sa inyong dalawa in the future," aniya.

"Pero, medyo hindi malinaw ang mga sasabihin niya sa inyong dalawa kapag nagpahula na kayo sa kanya."

"Anong ibig mong sabihin na hindi malinaw ang mga sasabihin niya sa amin?"

"Basta, malalaman niyo kapag nagpahula na kayo sa kanya."

Natapos na ang usapan namin ni Claira. Bago ako sumakay ng kotse ay binigyan ako ng pera ni Claira.

"Here, take this," aniya habang inaabot sa akin ang hawak niyang pera. Perang papel ʼyon at medyo may kakapalan.

"Claira, hindi ba sobra-sobra na ʼyung tulong na ibinibigay mo sa amin—"

"Tatanggapin mo ba ʼtong inaabot ko o ipuputok ko ʼto sa noo mo?" Bigla akong nanigas nang biglang itinapat ni Claira sa akin ang hawak niyang shotgun sa noo ko. Ilang segundo lang ay tumawa siya, at ibinaba rin agad ʼyung shotgun na hawak niya.

"Natutuwa ako sa pagmumukha mo!" sabi niya sa akin habang tumatawa. "Sige na, kunin mo na ʼto. Magagamit niyo ʼyan in the future."

Kinuha ko na ʼyung pera, at nagpasalamat ulit sa kanya.

"Papaano ba kita masusuklian sa lahat ng tulong na ibinigay mo sa aming dalawa ng girlfriend ko?" Damn. Ang pangalan sana ni Frankie ang sasabihin ko pero hindi ko alam kung bakit 'girlfriend ko' ang biglang lumabas sa bibig ko.

Kainis na ʼyan! Ano na ba talagang nangyayari sa akin ngayon?!

Bahagya niya akong nginitian. Pagkatapos ay tinapik naman nang ilang beses ang kaliwang balikat ko.

"Maging ligtas lang kayong dalawa ni Frankie sa kung saang lugar man kayo mapunta ay ayos na sa akin."

Pumunta na ako sa may driver's seat ng lumang kotse ng ama ko at naghanda na para bumiyahe ulit.

"Salamat ulit sayo, Claira!" Dumungaw ako sa bintanang nasa kaliwa ko at kinawayan si Claira.

"Mag-ingat kayong dalawa ng girlfriend mo! Mag-ingat ka, Frankie!" sigaw naman niya pabalik sa amin.

▬ • ★ • ▬

Hindi naman ganʼon kalayo ang lugar na kung nasaan ang fortune teller na sinabi sa amin ni Claira. Halos kalahating oras lang kaming bumiyahe mula sa campsite nila hanggang doon sa lugar ng fortune teller.

Pagkababa namin ni Frankie sa kotse ay tumama sa mga katawan namin ang napakalakas at napakalamig na simoy ng hangin. Napansin kong isinuot na rin ni Frankie ang itim na shades na ibinigay ko sa kanya noong gabing naubusan ng gas ang kotse ng ama ko at pumunta sa isang cocktail bar.

Nasa kalagitnaan ulit ng masukal na kagubatan ang one-storey building na nandodoon. Mayroong dalawang pinto sa harapan at dalawang glass window sa magkabilang gilid ng pinto. Mayroon ding nakasulat na neon sign sa taas ng pinto na Madamme MBʼs Psychic Readings.

Pumasok na kaming dalawa ni Frankie sa loob. Pagpasok ay may bubungad na dalawang pinto na kulay green. Sa magkabilang gilid rin ng pinto ay may naka-display na isang blue crescent moon at emerald gems na katulad sa ipinakita ni Claira sa amin dati. Binuksan ko ang pinto at pinauna si Frankie na pumasok. Sumunod naman ako sa kanya.

Bahagyang madilim sa pinasukan naming kwarto. Kulay asul na liwanag lang ang nagsisilbing ilaw doon. Sa pinakasentro ay may bilog na mesa at may nakapatong na isang crystal ball.

Sa gilid ng mesang ʼyon ay may isang babae ang nakaupo. Nakasuot siya ng kulay dilaw na parang bistida at may silver head jewelry chain sa ulo niya. Tantsa ko rin ay nasa 30ʼs na ang edad niya.

"Greetings! My name is Madamme MB, and welcome to my place!" Bati niya sa aming dalawa ni Frankie. Wait? As in Megabytes?

Bahagya akong napatalon sa gulat nang naramdaman ko ang mahinang pagpalo ni Frankie sa kanang braso ko. Nasambit ko pala ʼyon nang malakas.

"Pa-Pasensya na—"

"Ayos lang naman sa akin, Wesley. Sa katunayan nga ay napatawa mo ako," pagsingit niya habang tumatawa—teka? Papaano niya nalaman...

Ah, never mind. Sheʼs a fortune teller, I forgot. That makes sense as to why she knew my name.

Umupo na kaming dalawa ni Frankie sa dalawang bakanteng upuan na nandoon.

"Sabihin mo sa akin, Wesley... Ano ang isa sa mga tanong na gustong-gusto mo nang masagot ngayon?" Bahagya akong natigilan nang biglang magtanong sa akin si Madamme MB.

"Uh—"

"Alam kong napakarami mong tanong ngayon. Pero gusto kong sabihin mo sa akin ang nag-iisang tanong na hindi pa rin mawala-wala sa puso mo simula noong nawala ang ex-girlfriend mo five years ago." Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Papaanong...

"O-Okay," napabugtong-hininga na lang muna ako bago sabihin ang tanong na ʼyon.

"May pag-asa pa ba na makikita ko siya, kahit napakaliit na ng tsansa?"

Bigla na lang kumirot ang puso ko sa itinanong ko sa fortune teller. Naalala ko rin ang pagkawala niya na parang bula, five years ago.

Pinipigilan kong maiyak sa pamamagitan ng pagyukom nang mariin sa dalawa kong kamay na nakapatong sa mga hita ko. Sana hindi nila mapansin na malapit na akong maiyak.

Pumikit naman ang fortune teller. Maya-maya ay nagsalita siya.

"Hindi ako sigurado tungkol dito ko pero para bang nararamdaman ko ang mahinang presensya ng ex-girlfriend mo."

Bahagyang napanganga ang bibig ko. Nararamdaman niya si L—

"Sa tingin ko, may posibilidad na makita mo ulit siya, pero may hindi ako maintindihan. I can feel her, but I donʼt know exactly where she is. It was like sheʼs near, but it felt like sheʼs so far away too..."

Lumakas ang pagtibok ng puso ko. Ramdam ko mula sa pinakaloob ng puso ko na hanggang ngayon ay humihinga pa rin siya sa kung saang lupalop man ng cosmos. Pero ayoko ring umasa nang sobra dahil lang sa sinabi niya. Yes, sheʼs a fortune teller. But some of her guesses were still not right.

Hinintay ko pa ang susunod niyang sasabihin pero dumilat na siya.

"Iyon pa lang ang masasabi ko ngayon tungkol sa kanya," aniya. Napatingin naman siya kay Frankie.

"Frankie, o kung sino at kung ano ka man, ano naman sayo?"

Tiningnan ko si Frankie na nakatingin na doon sa fortune teller. Dahan-dahan rin niyang inihubad ang suot niyang shades at ipakita ang mga mata niyang kulay itim pa rin hanggang ngayon mula sa pagkaka-black-brained niya sa putanginang Vide Noir na ʼyon.

"U-Uh, malalaman ko pa ba kaya kung sino ako at kung ano ba talagang nangyari sa akin?"

Pumikit ulit si Madamme MB, pero sa pagkakataong ito ay medyo mariin. Pinagmasdan ko lang ang ginagawa niyang ekspresyon sa mukha niya.

Mukha siyang nalilito.

"Katulad kay Wesley ay nakakalito rin ang sayo, Frankie," sambit niya. "Pero mas nalilito ako sayo."

Bigla kaming nagkatinginan ni Frankie sa sinabi ng fortune teller. Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita.

"Meet me on the side of that river... Then we will leave this whole universe behind..."

That was familiar to me... I am very sure...

Sinilip ko naman si Frankie na nakaupo sa tabi ko. Napansin kong nakatingin siya sa sahig. May binubulong rin na kung ano.

Ilang segundo lang ay dumilat na rin ang fortune teller. Halata pa rin sa mukha niya ang pagkalito.

"Frankie, huwag kang mag-alala. Darating ang araw na malalaman mo rin kung sino at kung ano bang nangyari sayo," mahinahon niyang sabi kay Frankie.

"Malapit na..."

Hindi ko alam kung tapos na ba si Madamme MB na bigyan kami ng hula dahil biglang tumahimik sa paligid. Pero bigla na lang siyang nagsalita.

"Well, wala pa tayo sa last part!" Nginitian niya kaming dalawa bago hawakan ang crystal ball na nakapatong sa lamesa. Pagkahawak niya sa crystal ball ay bigla na lang tumirik ang mga mata niya. Bukas-patay rin ang ilaw na nandodoon.

Bahagya akong napatalon sa kinauupuan ko dahil sa nangyari. Habang si Frankie naman ay natulala lang sa fortune teller.

Habang tumitirik ang mga mata niya ay may iba't ibang mga salita at pangalan siyang nabanggit:

Frankie.

Louisa Green.

As one.

Emeraldimë.

Kiss.

Creature.

Void.

Traitor.

Lester.

Neutralizer.

Death.

Resurrections.

The World Enders.

Vernon.

Plan.

Unocegrocaen.

Gem.

Ash.

Battle.

Astral Plane.

Letter.

River.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang marinig ko ang ilan sa mga sinabi niya. Lalo na ang pangalan niya. Ewan ko, parang binuhusan ako ng napakalamig na tubig sa sobrang gulat ngayon.

Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan mula kay Madamme MB ay may huling dalawang salita siyang binanggit.

Vide Noir...

Bulong niya sa huling dalawang salita.

Vide Noir!

Bahagyang nilakasan niya ang pagsambit doon.

VIDE NOIR!

Isinigaw ni Madamme MB nang malakas ʼyon. Sa pagsigaw niyang ʼyon ay napatayo siya at nahimatay.

Dali-dali namin siyang nilapitan ni Frankie. Niyugyog ko ang dalawa niyang balikat para magising siya.

Isang segundo lang ay nagising rin siya habang humihinga nang mabagal at malalim. Inalalayan naman namin siyang umupo.

"Ayos lang po ba kayo?" Nag-alalang tanong ni Frankie sa fortune teller.

"H-Hindi... Hindi maayos—habang nandidito pa kayong dalawa!" Bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa isang cabinet na nasa isang gilid. Kahit na pagewang-gewang pa siya kung maglakad ay pinilit niyang makalapit doon.

Pagkalapit sa may cabinet, may kinuha siyang isang jewelry box at inilabas ang kung ano mang laman nʼon. Isang necklace na may crystal pendant at isang bracelet na napapaligiran din ng mga crystals. Dali-dali niyang ibinigay sa amin ang mga ʼyon.

Napunta sa akin ang necklace, habang napunta naman kay Frankie ang bracelet.

"Ang tawag sa mga crystals na nandyan ay The Balancerʼs Eyes. Makakatulong ito sa paghahanap niyo ng mga bagay-bagay o tao," mabilis niyang sambit. "Iba ʼto doon sa nabibili sa LH Shopping Network dahil ito ay galing mismo sa mga luha ng isang cosmic s—"

"Bakit hindi na lang kayo?!" biglang nasambit ng bibig ko. "Bakit hindi niyo na lang sabihin lahat ng mga mangyayari sa aming dalawa ni Frankie? Bakit kailangang paputol-putol pa? Bakit hindi na lang ikaw ang sumagot sa lahat ng mga katanungan namin ngayon?!"

Nag-iba ang ekspresyon ng fortune teller. Pumayapa ang mukha niya.

"Dahil sabi niya sa akin, hayaan ko na kayo mismo ang makaalam ng mga kasagutan sa lahat ng katanungan na nagmula sa inyong mga pusoʼt isipan."

Niya? Sino ang tinutukoy niyang 'yon?

Itinulak na niya kami papalabas sa lugar niya na ʼyon. Nang tuluyan na niya kaming naitulak papunta sa labas ay sumigaw siya mula doon sa doorway.

"Isipin niyo lang kung ano o sino ang hahanapin niyo. At kung lumiwanag man ang mga crystals dyan sa The Balancerʼs Eyes..." Huminto muna siya sumandali sa pagsasalita. Para bang bumubuwelo siya.

"Suivre lʼétoile émeraude!"

Isinigaw niya iyon bago pumasok sa loob ng lugar niya at isinasa ang pinto.

"Hindi ko maintindihan! Fortune teller siya tapos para bang walang kwenta ang halos lahat ng sinabi niya!" Kumunot ang noo habang sinasambit ang mga ʼyon kay Frankie na walang imik.

"Tapos ʼyung huli niyang sinabi na French phrase? ʼYung suma... suwe—"

"Suivre lʼétoile émeraude..." Bigla akong napatingin kay Frankie dahil sa gulat. Nakagugulat lang dahil nalaman niya iyon na para bang may lahi rin siyang French katulad ni...

"H-Hindi ko alam kung papaano ko nasabi ʼyon na para bang alam kong magsalita in French, p-pero sigurado ako na ʼyon ang s-sinabi sa atin ni Madamme MB," bahagyang pautal na sabi ni Frankie.

"Sige, ano naman ang ibig sabihin nʼon?" Pagtatanong ko naman sa kanya. Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago niya sambitin ang ibig sabihin ng French phrase na ʼyon.

"Follow the Emerald Star..."

▬ • ★ • ▬

—Someone


"S-Sinasabi ko na s-sa inyo, Halester... Wala akong s-sasabihin na kahit na a-ano sa inyo—"

"Bakit ba nagmamatigas ka pa, Mara Bella? Bakit hindi ka na lang sumama sa amin?"

"Da-Dahil ayokong makipagtulungan sa p-putanginang grupo niyo na w-wala nang ginawa kundi magplanong s-sakupin ang—"

May bigla na lang pumutok sa loob ng kwarto na kung nasaan may dalawang boses ang nag-uusap. Hindi iyon putok ng isang baril, kundi ng isang Consciousness Neutralizer. Pinaputukan iyon ng isang lalaki na Halester ang pangalan sa isang babae na ang pangalan naman ay Mara Bella. Tumama ang bala ng Neutralizer sa babae at naging abo ang katawan niya.

"Gusto sana kita dahil isa ka ring bituin katulad niya," bulong ni Halester. "Kaso nga lang, hindi ikaw ang pinakamamahal kong si Marakata."

Dumampot siya ng konting abo ni Mara Bella na nasa sahig, at ibinuhos iyon papunta sa loob ng kanyang bibig. Binasa niya muna iyon mula sa loob ng bibig niya gamit ng laway niya tsaka niya iyon nilunok nang dahan-dahan.

Pagkatapos ng ginawa niyang ʼyon ay naglakad na siya papalayo sa abo ni Mara Bella. Pagkalabas niya doon ay sakto namang nagsimula ang sunog sa buong building na nilabasan niyang ʼyon.

Ang Madamme MBʼs Psychic Readings.

Nilapitan niya ang grupo niya na puro kalalakihan na nag-abang lang sa labas ng building.

"Letʼs go, boys!" sigaw niya sa kanilang lahat. "Bawiin na natin kung ano ang kinuha ng Wesley Vernon na ʼyon sa akin. Nang dalawang beses."



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro