✰ Chapitre Seize: Double Departure
▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
In the blink of an eye
She suddenly turned into ash
And then my whole surroundings
Became all pitched black.
▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
Chapitre Seize:
DOUBLE DEPARTURE
—Wesley
Iniwan ako ni Dean na sobrang naguguluhan dahil sa lahat ng bagay na pinagsasasabi niya sa akin. Hanggang ngayon kasi ay pinoproseso ko pa ang lahat nang 'yon. At hindi ko rin alam... Para bang nasisiraan na ako ng ulo rito.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Putangina, bakit ginawa ʼyon ni lolo?! Ano ba ang totoong intensyon niyaʼt ginawa niya ʼyon?!
Nang pinarinig sa akin ni Dean ang record—damn, ibang-iba siya doon sa Lolo Thaddeus na nakilalaʼt nakasama ko noon sa bahay namin dati. At ʼyung kay dad? Well, I donʼt know what to think. ʼYong kada gabing umaalis siya sa bahay, ang huli niyang mga sinabi sa akin na ililigtas niya ang mundo katulad ni Avery sa komiks ng The World Enders... lahat ba ng mga ʼyon ay ginagawa niya dahil siya nga talaga si Avery? Ang gang leader ng TWE?
Sa katunayan ay hindi rin ko alam ang mararamdaman ngayon. Siguro ay pagkamuhi, dahil halos lahat ng sinabi ni lolo doon sa record ay totoo at nangyari nga. Para bang may kapangyarihan siyang makita ang future, or ang mas nakakatawa ay nag-time travel siya mula sa panahon niya papunta rito sa panahon namin ngayon. At pagkagulat rin, dahil isang gang leader pala si dad—ng The World Enders pa.
Napahiga na lang ako sa sementadong sahig at tumulala sa sementado ring kisame. Hinayaan ko na munang lumipad ang isip ko habang unti-unti akong nabibingi dahil sa sobrang tahimik rito sa kwarto na kung saan nakagapos pa rin ako. Maraming mga bagay ang natuklasan ko ngayon, at sa sobrang dami nʼon ay para bang sa sabog na ang utak ko.
▬ • ★ • ▬
Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako. Nalaman ko na lang na nagkaganʼon ako nang maalimpungatan ako dahil sa ingay na narinig ko. Ingay ʼyon ng metal door na unti-unting bumubukas.
Kinusot ko ang mga mata ko at may nakita akong dalawang lalaki na nakasuot ng leather jacket. Kung titingnan mo, siga at maangas silang dalawa. Ang isa sa kanila ay may hawak na isang shotgun. Kinuha niya ang papel na nilukot, ginawang bola, at itinapon ko papalayo sa akin kanina. Ang isa naman sa kanila ay pagalit na sinigawan ako.
"Hoy! Gumising at bumangon ka na!" sigaw niya malapit sa tenga ko. Lutang at mabagal ko siyang sinunod, dahilan para suntukin niya ako nang malakas sa pisngi.
"Tangina, bilisan mo naman!" Pagsigaw niya ulit malapit sa tenga ko. Napakagago niya ah.
Nang maiayos ko ang pagkakaupo ay bahagya akong napahawak sa noo ko. Nakaramdam kasi ako ng konting kirot at pagkahilo.
Bigla namang hinablot ng sumigaw sa akin ang mga kamay ko at tinanggal ako mula sa pagkakagapos ko sa kadena. Habang kinakalagan niya rin ako sa mga paa ko, bigla namang hinablot ng isa pa niyang kasama ang mga kamay ko papunta sa likuran ko at pinosasan rin.
Pagkatapos nʼon ay pareho nila akong hinila papalabas ng kwarto. Habang naglalakad nang paika-ika ay may nakatutok ring shotgun sa ulo ko. Talagang bantay-sarado rin sila sa akin.
Siguro mga ilang minuto yata kaming palakad-lakad sa mga hallways na halos pare-pareho din ang mga itsura bago kami salubungin ng napakalakas at napakalamig na ihip ng hangin sa labas. Pinalilibutan rin kami ng sa tingin ko ay daan-daang mga puno rito at ng madilim na kapaligiran. Gabi na rin kasi, at hindi ko alam kung anong petsa at oras na ngayon.
Sa hindi kalayuan ng nilabasan naming pinto ay may halos limangpung container trucks ang nakaparada. Nilapitan namin ang isang truck na binabantayan ng isa pang lalaki na nakasuot naman ng red plaid at black pants.
Binuksan ng lalaking ʼyon ang likod ng container truck, at ʼyung dalawang lalaking kasama ko naman ay dali-dali akong pinapasok sa loob. Pagpasok nila sa akin ay sabay nilang isinara ang pinto. All pitched black lang ang nakikita ko rito sa loob dahil sa sobrang dilim.
"S-Sino ʼyan?" Bigla akong nakarinig ng kaluskos at nagsalita na para bang kasama ko rin dito sa loob ng container truck. Boses ng isang babae. Pamilyar na boses ng isang babae.
"Louisa, i-ikaw ba ʼyan?" pagtatanong ko habang nililingon ang napakadilim na paligid.
"W-Wesley?" Bahagyang nag-crack ang boses ni Louisa nang marinig niya ako.
"Nasaan ka?!"
"N-Nandidito ako!"
Diretso ngunit dahan-dahan akong naglakad, nagbabaka-sakaling malapitan ko siya kahit na madilim rito sa loob ng truck.
Isa-isa ang paghakbang ginagawa ko. Habang humahakbang ay tinatawag ko rin ang pangalan niya.
"Louisa, nandyan na ako—"
Bigla akong natumba dahil natalisod ako sa kung ano mang nakaharang sa dinadaanan ko. Sa pagkatumba ko naman ay may narinig akong ungol.
"A-Aray ko!" Narinig ko si Louisa na umaray. Natalisod pala ako sa mga binti niya.
Agad naman akong bumangon at nilapitan si Louisa, na sa tingin ko ay nakasandal sa mga kahon na nasa gilid niya. Umupo naman ako sa kaliwa niya.
Nagsimulang humagulgol nang tahimik si Louisa, at ang tanging nagawa ko na lamang ay ang hayaan siya na ipatong ang ulo niya sa kanang balikat ko.
"Shhh... tumahan ka na, Lou. Nandidito na ako..."
Habang pinapatahan siya ay pareho kaming nagulat nang biglang umandar ang sinasakyan naming container truck. Kung saan man nila kami dadalhin ay hindi ko na alam.
Even if no one was daring to speak, we were making each other comfortable. Assuring each other that weʼre both on our sides. Sa ganitong mga oras, tanging siya lang ang maaasahan ko—at ganʼon rin siya sa akin.
"Uh, W-Wesley?" bigla akong tinawag ni Louisa habang nakapatong pa rin ang ulo niya sa kanang balikat ko. Lumingon naman ako sa kanya kahit na hindi ko makikita ang mukha niya dahil sa sobrang dilim dito sa loob ng container truck.
"Hmmmm? Ano ʼyon?"
"H-Hindi ko akalaing makikita pa kita, to be honest," aniya gamit ang malumanay na boses. "Ang akala ko kasi, hindi na kita makikita pa. In each day that has passed while theyʼre still torturing me, I am thinking about you. Iniisip ko na kung ano na kayang nangyari sayo? Umiiyak ka ba kasi bigla akong nawala? Hinahanap mo ba ako? Or kaya naman... kinalimutan mo ba na akoʼt nagmahal na ng iba?"
Hindi ko ba malaman pero may luhang ulit-unting namuo sa mga mata ko. May mga ala-ala kasing namumbalik. ʼYung mga panahong bigla na lang siyang nawala. 'Yung mga pahanong pinaghahanap ko siya kung saan-saan, habang minamaneho ang lumang kotse ng ama ko.
"L-Louisa, hinanap kaya kita," sambit ko naman. "For almost five years, I have been searching for your whereabouts. Kahit na medyo nawawalan na ako ng pag-asang makikita pa kita noon, nagpatuloy pa rin akong hanapin ka sa kung saan-saang lugar. Kasi alam ko mula sa pusoʼt isipan ko na buhay ka pa rin."
Tuluyan nang umagos ang mga luha kong kanina pa naiipon sa mga mata ko. Kahit ayoko mang umiyak ay hinayaan ko na lang ang mga luha ko na tumulo. Hindi rin naman kasi makikita ni Louisa ang pag-iyak ko.
"Muntik na rin kaya akong sumuko," bigla namang sabi ni Lou, dahilan para bahagyang mapakunot ang noo ko. "Muntik ko nang mapatay ʼyung sarili ko habang tino-torture nila ako sa examine room."
Ano?!
"Yeah, Wesley. I attempted to kill myself using a syringe while I was in the examine room, pero napigilan ako ni Halester. Hindi ko ba alam kung magpapasalamat ako sa pagpigil niya sa akin, but at least, kasama na kita ngayon... Pero parang ito na rin ang huling mga oras na makakasama kita."
I wanna say something to Louisa, but I can't find the right words to say. I tried to say anything but she quickly interrupted me with words that I couldn't believe she would say to me right now.
"If this is our last hours here on earth, the very first thing I will say is sorry," she said with her cracking voice. "Sorry kung hindi ako naging open sayo, lalo na noong mga times na sobrang nag-aalala ka na kasi wala kang alam sa kung ano ba talagang nangyayari sa akin—a few months before my last performance in MTE."
Umiling ako. "Lou, you donʼt need to apologize—"
"No, Wesley. I need to... At isa pa, gusto kong malaman mo na ngayon kung ano bang problema sa akin at that times. Okay?"
Wala na akong nagawa pa kundi mapabugtong-hininga at hinayaan siyang ikwento sa akin ang mga problema niyang ʼyon. Sa totoo lang, gustong-gusto ko na ring malaman ang tungkol doon. At mali man siguro ang timing ngayon, pero at least malalaman ko na rin ang dahilan niya.
"Itʼs almost about our family problems, actually."
Sinimulan ni Louisa ang pagkukuwento sa mga salitang ʼyon, na medyo may hula na rin ako dati pa na ayan nga ng isa sa mga problema niya.
"When I was nine years old, Frankie left me alone because she needed to do something, out there. And for two years of her absence, mama took me to a therapist. Nag-iba na raw kasi ang traits ko—at medyo nakakagulat lang n'ong sinabi nila sa akin na naging bipolar ako at nagkaroon pa ng anger issues at that very young age.
"Para hindi na ako pabalik-balik doon sa therapy session namin ay nag-isip na ako ng paraan. I think about one thing that I should pursue, and that is singing. Well, I really love to sing, so thatʼs why I convinced my mama that I should join Muttering Trees Entertainment. I knew mama kinda didnʼt want me to be a singer. But when she saw me rising above with my voice, she changed her mind and finally started to support me on my singing journey.
"In the first few years, mama was okay with my career. Talagang nakasuporta siya sa akin, kahit na minsan ay nag-aaway kaming dalawa. Pero nagbago ʼyon nang naging 13 years old na ako. Mas napapadalas ang pag-aaway naming dalawa. She also often forces me to do what she wants, especially about singing. Tapos sinasabi pa niya sa akin na lagi na lang daw akong pasaway.
"Mama is always guilt-tripping me. I'm doing my best just to prove to her that I'll do everything as her daughter, but it doesn't matter either. She makes me think I'm always the one who's wrong between the two of us. She uses my therapy session just to make me look like I need to fix my traits, even if she's the one who really needs to fix hers."
Ramdam ko ang gigil sa boses ni Louisa habang sinasabi sa akin ang huling mga pangungusap sa akin. Medyo nahalata ko na rin kasi dati na parang hindi maayos ang relationship niya sa mama niya. But I donʼt know how bad it is.
"Pero hindi lang ʼyan ang isa sa baho niya."
"What do you mean by that, Lou?"
Tumahimik muna siya nang ilang segundo bago ulit magsalita.
"Well, sheʼs avaricious," matipid pero may diin niyang sagot. "Mama has a greed for wealth, material gain, and such. At lumala ʼyan nang lumaki na ang kinikita ko sa MTE."
"S-Seryoso ka?"
"Oui. Hindi mo ba alam na kumikita ako ng ₱40,000 kada buwan pero ₱2,000 lang ang nahahawakan ko sa sweldo ko?"
"Tangina—so, nasaan napunta ʼyung ₱38,000?"
"Syempre ang ilan sa pera na ʼyon ay para sa gastusin namin sa bahay. Pero ʼyung karamihan dyan? Hindi ko alam kung saan ba talaga ginagastos ang mga ʼyon. But Wesley, Iʼm not stupid and blind as shit. Ginagasta niya ʼyon para lang sa mga luho niya."
"A-At ayan ʼyung main problem mo noon?"
"Mmhmm..."
"Pero bakit hindi mo man lang sinabi sa akin 'yung mga ʼyan? Nandidito naman ako para sayo ah?" Maingat kong inialis ang ulo ni Louisa na nakapatong sa balikat ko at humarap sa mukha niya. Bahagya ko nang nakikita ang mukha niya dahil medyo na-adjust na rin ang paningin ko dito sa madilim na kinalalagyan namin ngayon na dalawa.
"Pwede mo namang ibuhos lahat ng rants mo sa akin para kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam mo. Makikinig rin naman ako sayo."
"Well, Wesley, ayoko na rin kasing makadagdag pa sa iisipin mo—"
"Lou, mas dinadagdagan mo pa kasi mas pinag-aalala mo ako sa hindi mo pagiging open sa akin," pagsingit ko sa kanya. "We entered into a relationship, not just because we need fun and adventures in our lives. We also need each other through our ups and downs. Kahit na hindi pa natin magawan ng paraan para maayos ang mga problema natin sa buhay, kailangan na nandodoon tayo para sa isaʼt isa. Katulad nga ng sinabi ko dati: ako lang ang mayroon ka, at ikaw lang din ang mayroon ako. We should be on each otherʼs sides, lalo na sa mga oras na ʼto na dinukot tayo ng mga putangina—"
Naputol ko ang sinasabi ko kay Louisa nang bigla na lang huminto ang sinasakyan naming container truck. Bahagya akong napasubsob sa kanya, pero buti na lang at inalalayan niya ako kahit na nakagapos rin ang mga kamay niya.
Bigla rin kaming nanahimik na dalawa, parehong nakikiramdam sa mga susunod na mangyayari pagkatapos naming huminto sa lugar na hindi naman alam kung saan. Mayaʼt maya lang ay bigla na ring bumukas ang pinto at iniluwa ang anino ng apat na lalaki. Anino lang ang masasabi ko dahil may nagliliwanag direkta sa likod nila. Sa tingin ko, mga headlights 'yon na galing sa isa pang sasakyan.
Dali-dali nila kaming hinila ni Louisa papalabas ng container truck. Ako ang una nilang nilabas at sumunod siya. Pagkababa ko ay sumalubong sa akin si Halester. Parehong matatalim ang tingin namin sa isaʼt isa.
"Bilis! Dalhin niyo na siya doon!" Pag-utos ni Lester sa dalawang alagad nila na humihila sa akin habang nakanuot ang noo niya. Mabilis naman nilang sinunod si Lester at marahas akong hinila papunta sa bahagyang maputik na trail.
Hindi ko alam kung nasa Frozen Pines pa rin ba kaming dalawa, pero may kutob ako na nasa malayong lugar na kami ni Louisa ngayon. Libo-libong mga kakaibang puno kasi ang nakapaligid sa daang tinatahak naming lahat. As in kakaiba talaga ang mga punong nakikita ko ngayon—malayo sa mga dating puno na karaniwan kong nakikita.
May pakiramdam din ako na hindi ko pa napupuntahan ang masukal na gubat na ʼto. But I also have this weird feeling that I already know this place...
Napakaraming alagad ang kasama ni Halester ngayon, at lahat ng mga ʼyon ay armado. May mga hawak sila na ibaʼt ibang klaseng baril katulad ng shotgun at rifle gun. At kapag iisipin, hindi agad kami makakatakas sa kanina kung magtatangka man kami ni Louisa. Mahuhuli lang agad nila kami or kaya naman ay mapapatay lang.
Ilang minuto rin kaming naglakad rito sa trail nang nakapila. May ilang mga lalaki ang naunang maglakad sa akin. Nang sumilip naman ako sa likod ay nakita ko si Halester, na nakaakbay at para bang inaamoy ang buhok ni Louisa. Bahagya naman akong napabagal sa paglalakad at nangalit ang mga ngipin ko dahil sa nakita ko.
"Kung bilis-bilisan mo kayang maglakad?!" Bigla akong sinuntok ng isa sa mga alagad na humihila sa akin. Tumikhim ako, habang may nalalasahan ng dugo.
"Papaano ako makalalakad nang mabilis kung ang hilig-hilig niyong suntukin ako?" sarkastikong pagtatanong ko sa kanila.
"Ay aba, gusto mo ba ulit na masuntok—"
"Kung isa-isahin ko kaya kayong suntukin dyan?" pagalit na sigaw ni Lester mula sa likuran. "Alam niyo namang may mga aayusin pa tayo sa launch, kaya bilisan niyo na rin sa paglalakad!"
I just combed my hair to the back of my ears, and then I just let them pull me towards to the place I donʼt fucking know. Kung saan man ʼyon, kailangan ko na lang maging handa. Baka rin kasi iyon na ang huli kong hantungan—na huwag naman sana.
Nang marating namin ang dulo ng trail ay bahagya akong nanginig. Hindi lang dahil sa may tumama pang nakakaginaw na hangin sa buong katawan ko, kundi dahil rin sa isang hukay na nakita ko sa di kalayuan. Aba, tangina, doon na ba talaga ang huli kong hantungan?
"Napakagago nga naman ng tadhana..." bulong ko sa isipan ko habang kinagat ko nang mariin ang ibabang bahagi ng labi ko at dahan-dahan na ring nangangalit sa buong cosmos.
Bigla naman nila akong itinulak, ilang metro lang ang layo mula doon sa hukay. Napasilip ako doon, at sa tantsa ko ay mga nasa anim na talampakan ang lalim n'on.
Napatingin naman ako kay Louisa, na ngayon ay nagpupumiglas mula sa mga alagad nina Halester ilang metro ang layo sa akin.
"Bitawan niyo nga ako!" sigaw ni Louisa sa kanila nang malalim at may galit sa kanyang boses. Bahagya kong nakitang lumiwanag ang mga mata niya, at hindi ko alam kung galit lang ba ʼyon mula sa liwanag ng bilog na buwan o sa kapangyarihang hindi ko inaasahang mayroon pala siya.
Habang tinitingnan ko naman si Louisa ay biglang may humawak nang mahigpit at umangat sa baba ko. Si Halester. Tinitigan niya ako nang may labis na pagkamuhi sa akin at para bang handa na siyang patayin ako ilang segundo mula ngayon.
"Buti na lang at pinayagan na ako ni lolo na gawin ang gusto kong gawin sayo," nanggigigil niyang sambit sa akin, habang nakatingin nang direkta sa mga mata ko na para bang isang demonyo—ay hindi lang parang demonyo dahil putangina, isa talaga siyang demonyo.
"At syempre, gusto kong makita rin ni Marakata ang gagawin ko sayo..."
Sa pagngisi ni Lester sa akin ay sinundan niya agad iyon ng malalakas at sunod-sunod na suntok. Nang bumagsak ako sa lupa ay pumaibabaw rin siya sa akin para makasiguro siyang hindi ako makakalaban.
Sinubukan ko namang iwasan ang mga suntok niya sa akin, ngunit dahil sa sobrang pagkahilo ay hinayaan ko na lang ang sarili kong saluhin lahat ng suntok niya.
Pagkatapos ng ilang suntok ay umalis rin sa ibabaw ko si Halester at nilapitan ang isang lalaking may kulay blonde at barberʼs cut na buhok. Kinuha niya ang hawak ng lalaki na ʼyon sa dalawa niyang mga kamay. Isa ʼyong piston, pero hindi lang ordinaryong piston 'yon.
Dahil isa iyong Consciousness Neutralizer.
Hindi ko ba alam sa kanila kung bakit rin sila nagbebenta ng ganyan sa LH Shopping Network, pero wala na akong pakialam sa dahilan nila. Basta ito—Consciousness Neutralizer is also one of the most popular products aside from Vide Noir. They mark this as a "fun toy" and that is also unknown how it really works. Nakakita na rin ako dati ng gan'ong Neutralizer, pero mukha namang hindi laruan ang baril na 'yon.
Mula sa malayong distansya ay itinutok ni Halester ang Consciousness Neutralizer sa akin. Sinubukan ko namang makaupo nang maayos habang pinupunasan ang dugong lumabas mula sa bibig ko. Tinitigan ko rin siya nang matalim habang humihinga nang malalim at nang dahan-dahan. Ramdam ko rin ang panghihina sa buo kong katawan at ang pamamanhid sa mga pisngi ko.
Nagsimula namang kumulo ang dugo ko kasi tangina, gusto kong makaganti sa kanya pero pakiramdam ko ay para bang isa akong lantang gulay ngayon.
"Wesley, kailangan mong mag-ipon ng lakas... Hindi mo alam ang mga susunod na mangyayari," binulong ko 'yan sa utak ko habang pinipilit na maging kalmado kahit na gusto ko nang sumabog. Dinilaan ko na lang muna ang nanunuyo kong labi na pumutok rin dahil sa mga suntok ni Lester sa akin kanina.
"Me wants you to play with this toy," Halester said to me with a smirk. "Letʼs play before you die, Wesley Vernon."
As he finished saying that, he quickly rotated the gun in his left hand and then started to shoot that at me. Thanks to the strength left in my whole body I ran away as far as I could and was able to avoid his first two bullets. But the third time he fired at me with that gun, my right shoulder was hit.
Napalunod ako nang maramdaman ko ang pagbaon ng bala sa kanang balikat ko. Sobrang lakas ng impact ng pagkakatama sa akin ng balang ʼyon, na para bang mas malakas pa sa isang cannonball. Nagsimula na ring manlabo ang paningin at umikot ang buong paligid ko.
I slowly start to lose my consciousness. Pero bahagyang malinaw pa rin ng pandinig ko—narinig ko kasi si Louisa na isinigaw ang pangalan ko nang sobrang lakas.
Sobrang umiikot na talaga ang paningin ko, kaya wala na akong nagawa kundi dahan-dahang yumuko at pumikit. Ayoko man, pero sumuko na yata ang buong katawan ko.
Kung ito na ang katapusan ko, then so be it, okay?
Narinig ko ulit na pumutok ang Neutralizer, pero wala akong naramdaman na kahit anong tumama sa akin. Dahan-dahan akong dumilat, at sa pagdilat ko na ʼyon ay nakita ko si Louisa na nakaluhod na sa harapan ko.
Nanlaki ang mga mata ko. Parang bumagal rin sa pagkilos ang lahat ng bagay ngayon.
S-Si Louisa...
Kita rin sa mukha ng putanginang Halester na ʼyon ang pagkabigla nang makita niya si Louisa na humarang sa harapan ko para saluhin ang balang ipatatama niya dapat sa akin. Hinayaan niyang dumulas papunta sa lupa ang Neutralizer na hawak niya.
Habang pinoproseso pa ni Lester ang ginawa niya, napansin ako naman na dahan-dahang lumingon sa akin si Louisa. Ang katawan niya ay para bang unti-unting nagiging abo.
Kasabay ng mga luhang umaagos na sa mga pisngi niya ay binigyan din niya ako ng huling matipid na ngiti. Her eyes were shining like an emerald star, but it slowly started to fade.
"J-Je tʼaime, m-mon arc-en-ciel..." Those were Louisaʼs last words while staring gloomily into my eyes... before her whole body was finally turned into ash.
I looked at the pile of gray ashes on the ground. I was completely shocked, and it made my heart shattered more into pieces because it was her ashes.
Those are Louisaʼs ashes... She saved me, b-but why in that way?
Akala ko ay mabubuo na muli ang katauhan ko. Nandyan na siya sa tabi ko eh. Bahagya pa akong nagduda na hindi siya si Louisa dati. Pero ngayon na ganito ang nangyari, hindi ko na alam... hindi ko na alam ang iisipin at gagawin.
Habang patuloy na nawawasak pa ang buong katauhan ko ay may bigla na lang humila sa collar ng damit ko at marahas akong itinulak papunta sa malalim na hukay na nakita ko kanina.
Unang bumagsak ang likod ko, pero malakas ang pagkakabagok ng ulo ko sa lupa dahilan para maramdaman ko ang unti-unting pagkaparalisa ng katawan ko—mula ulo hanggang paa. Napatingin ako sa isang tao na nasa taas ng hukay at nakadungaw sa akin. Si Halester ʼyon, habang hawak ulit ang Consciousness Neutralizer na ginamit niya para mapatay si Louisa.
"H-Hindi ko kasalanan ang nangyaring ʼyon, Wesley," malakas niyang angil sa akin. "Ikaw ang may kasalanan nʼon."
Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay narinig ko ang pagputok ng hawak niyang Neutralizer. May bala ring akong naramdaman na bumaon sa noo ko.
Alam kong marami ng dugo ang nawala sa akin at ang balang tumama sa noo ko ay para bang tumagos hanggang sa utak ko. Kaya ito, tinatanggap kong ito na ang huling segundo ko sa mundo.
Well, wala na rin naman akong dahilan para mabuhay pa. Dahil ang nag-iisang tao na pinapanatili akong buhay ay sinakripisyo ang sarili para lang sa akin.
Dahan-dahan na akong pumikit at hinayaan na ang kadilimang kainin ako nang dahan-dahan.
Sana sa muli kong pagdilat ay ang maamo at mala-anghel mong mukha ang una kong makikita. At mula doon, magsisimula tayong mamuhay nang magkasama at magmahalan nang walang katapusan...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro