✰ Chapitre Quinze: Traitor?
▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
They said that he was a traitor to our family
They show some evidence, but I am still in doubt
Maybe he was just doing it for something
We still do not know yet 'till now.
▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬
Chapitre Quinze:
TRAITOR?
April 13, 2020.
in the present time...
—Wesley
"Wesley, naaalala ko na ang lahat. Ako ʼto, si Louisa Jeannine Green... Your girlfriend... Je suis ta lumière..."
Noong nakaraan ko pa sinasabing hindi na ako magugulat pa kung ito bang si Frankie ay si Louisa talaga. Pero sa mga nangyayari ngayon, hindi ko alam ang iisipin at mararamdaman ko dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari.
Bahagya akong napatulala sa kanya. The woman that Iʼm staring at. Itʼs her, Louisa Green...
"I donʼt know what to think, Fran—Louisa," I stuttered. "Pero ano ba talagang nangyari sayoʼt nawala ka, five years ago?"
Tinanong ko ʼyan sa kanya habang litong-lito pa rin hanggang ngayon. Kung bumalik na ang alaala niya, ibig sabihin niyan ay malalaman ko na rin ang naging dahilan ng biglang pagkawala niya noon.
"S-sana maikwento ko nang maayos sayo." Bahagya muna siyang napabugtong-hininga bago ituloy ang sasabihin niya. "Itʼs kinda long, pero susubukan ko ring makwento ang lahat nang ʼyon. At sana hindi rin magbago ang turing mo sa akin pagkatapos kong magkwento saʼyo..."
Kinuwento niya sa akin ang lahat ng naaalala niyang nangyari sa kanya. Mula doon sa gabing huli ko siyang nakausap through phone call, hanggang sa makatakas siya, at magkita ulit kaming dalawa—na sa mga oras na ʼyon ay nawala nang pansamantala ang alaala niya.
"... And you knew what happened next," Louisa said to me. "Lumabas ako muna sa isang blackhole, niligtas mo ako, and the rest of the story is—"
"Y-yeah... a-alam ko na," pagsingit ko sa sinasabi niya.
Tiningnan ko nang may awa si Louisa. Nanlalantang nakasalampak naman siya sa sahig at nakatingin sa ibaba. Nakita ko ring may tumutulo ng luha sa kanang pisngi niya.
Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit sa mga oras na ʼto. Pero tangina, pareho kaming nakaposas ngayon at medyo malayo pa kaming dalawa sa isaʼt isa. Lumapit na lang muna ako sa kanya sa abot ng makakaya ko.
Bigla niyang iniangat ang ulo niya nang umusod ako papalapit sa kanya. Halos apat na dangkal na lang ang layo namin nang lumapit ako.
Nang tumigil na ako ay nagkatitigan kaming dalawa, at sa pagtitig niya na ʼyon sa akin ay nakaramdam ako ng bigat mula sa puso ko.
Ang mga mata niya... Puno na naman ng kalungkutan at kadiliman. Pero hindi ʼyon katulad noong una ko siyang nakita sa Muttering Trees Entertainment. Mas mabigat ang ibinibigay niyang pagsulyap sa akin ngayon.
Habang nagtititigan kaming dalawa ni Louisa ay naiisip ko ang lahat ng panggagagong ginawa nila sa kanya, lalo na ang ginawa ng gagong Halester na ʼyon. Kaya naman pala takot na takot si Louisa noong nakita namin siya sa Geogeʼs Cocktail Paradise ay dahill pala doon.
Dahan-dahan namang napayukom ang mga kamao ko at nanggigigil sa sobrang galit—o mas mabuti na ring sabihin na poot. Gusto ko silang bugbugin isa-isa. At kung maaari, patayin din sila. Isa-isa. Maling-mali na ginawa nila ang mga 'yon nang pwersahan kay Louisa. At hindi ako makapapayag na hindi nila pagbayaran ang mga kahudasang ginawa nila kay Lou.
Ilang segundo pagkatapos naming magtitigan ay umiwas na siya nang tingin sa akin at napakagat sa ibabang labi niya. Bigla naman siyang nagsalita.
"Wesley, n-nagdududa ka pa rin ba?" Medyo nagulat ako sa tanong niya na ʼyon sa akin.
"Huh? Tungkol saan naman?"
"Sa a-akin... Kung a-ako nga ba talaga si L-Louisa." Pansin ko ang bahagyang panginginig ng mga kamay niya sa mga oras na ʼyan. Kinunot ko naman nang konti ang noo ko.
"Iʼm not." I shook my head. "I just need to be more enlightened. About who you really are."
"Anoʼng ibig mong sabihin dyan?"
Napabugtong-hininga muna ako bago magpaliwanag sa kanya.
"Sa totoo lang, may ilang mga tanong ang hindi pa rin nasasagot hanggang ngayon. At may mga tanong na dumagdag pa sa utak ko."
"And what are those? C-can you tell me?" Biglang napatingin ulit si Louisa nang diretso sa mga mata ko. Kahit na maluha-luha ang mga mata niya ngayon, halatang interesado naman siyang malaman ang mga pinag-iisip ko ngayon. Ipinagpatuloy ko ang pagpapaliwanag.
"Those questions are mostly related to the powers you had," I said. "And also, some of our thoughts that were kinda matched."
"Like?"
"The star thingy, especially the Emerald Star thingy. Kung hindi ikaw si Emeraldimë, pwedeng konektado ka lang doon sa star na ʼyon. Or kaya naman ay ikaw nga ʼyung "other half" of that Emerald Star."
I'm dead serious, sobrang daming theories ang nabubuo sa utak ko. Pero hindi ko masabi ang lahat ng ʼyon nang maayos sa ngayon. Fuck, I'm still processing.
"Tapos may isa pang tao o nilalang na gumugulo rin sa akin... And thatʼs Frankie. S-sino ba talaga siya? A-anong nilalang 'yon?"
"To be honest, ayan rin ang tanong ko, lalo na noong tinulungan niya akong makatakas rito last time," pagsingit ni Louisa. "Well, sheʼs my best friend—na some sort na ako lang ang nakakakita sa kanya."
"Diba siya ʼyung bestfriend mo na iniwan ka noong nine years old ka?"
"Oui, siya nga. P-papaano mo nalaman ʼyung tungkol dyan?"
"Nakukwento kasi dati sa akin ng mama mo ʼyan—"
"—At syempre, nasabi na rin niya saʼyo na 'imaginary friend' ko lang siya." Louisa sarcastically interrupted me. At kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkainis.
"Lagi niyang sinasabi na imaginary friend ko lang si Frankie, which is not... Itʼs because for me, Frankie is a real human. SHEʼS REAL."
"O-okay... Wala ka na bang ibang alam tungkol sa kanya? Like where she came from or something?"
Umiling siya sa tanong ko—as in wala talaga siyang ideya sa kung sino o ano nga ba talaga si Frankie.
Kung ako ang tatanungin niyo, mas magulo ang naiisip kong theory about Frankie. Well, ang dami rin kasing fragments tungkol sa kanya. But as of now, ito ʼyung ilang theories ko:
Kung si Louisa ay si Emeraldimë, pwedeng guardian lang niya si Frankie or anything else. Kung other half lang si Lou ng Emerald Star, pwede ring si Frankie ang isa pang half ng star na ʼyon.
"Wait, naalala ko rin ʼyung sinabi ni Dean kanina," bigla akong napatigil sa pag-iisip ng mga teorya sa utak ko nang biglang nagsalita si Louisa. "So, I lost my memory, right? Then nasabi ko rin na may binanggit si Frankie sa akin noong nakausap niya ako doon sa outer space or galaxy—uh, Iʼm not really sure where it was—na kapag nakabalik na nga ako rito sa earth, may possibility na mawalan ako ng alaala.
"Bago ibalik ni Dean ang memories ko, may nasabi siya na kagagawan raw ng kapatid ko ʼyung pagkakaroon ko ng temporary amnesia. So which means, thereʼs a possibility that Frankie is my sister. Nasabi ko ʼyan kasi tutal, nakwento ko na rin sayo na noong nag-usap kami ni Frankie ay halos magkamukha rin kaming dalawa."
"You had a point, Lou. Pero may duda pa rin ako sa gagong ʼyon—"
"But hold up, Wesley. Bakit ba ito ang inuuna nating ginagawa ngayon? Eh kung mag-isip muna kaya tayo kung papaano makakatakas rito?" Nakita kong kumunot ang noo niya. Well, tama naman si Louisa. We should really make a plan on how to escape on this fucking place. Inuna ko na naman kasi ang paggawa ng mga tanong at theories sa utak ko.
Magsasalita pa sana ako nang bigla akong nakarinig ng kaluskos malapit sa metal door. Pareho kaming napatingin ni Louisa doon, inaabangan ang kung sino o ano mang papasok rito sa sementadong kwarto na 'to.
Dahan-dahang bumukas ang metal door at iniluwa nito ang isang matangkad at matipunong lalaki. Nararamdaman ko ang sobrang pamilyar na aura niya, dahilan para mapayukom nang mariin ang mga kamay ko at nanggigil sa galit. Maangas siyang lumakad papalapit sa aming dalawa ni Louisa habang hinahawi papuntang likod ang buhok niya gamit ang kanang kamay niya. Nakasuot rin siya ng isang studded black leather jacket, black pants, at white v-neck shirt.
Binigyan niya kami ng isang malaking ngisi.
"Nakakatuwa naman, nagkita-kita ulit tayo!" he said that, slightly hysterical. I just clenched my teeth.
Halester walked towards Louisa, slightly knelt down, and held her chin delicately, "Itʼs very nice to see you again, my Marakata..."
Kitang-kita ko sa mga mata ni Louisa ang labis na takot niya habang nakikipagtitigan nang diretso kay Halester. Ilang segundo lang ay napatingin naman si Lester sa akin, at sa pagtingin niya sa akin ay para bang nag-apoy bigla ang mga mata niya sa galit.
Pagkatapos niyang haplusin ang pingi ni Louisa ay tumayo na si Lester mula sa pagkakaluhod niya sa harapan ni Lou. Naglakad siya papunta sa direksyon ko.
Nang makalapit siya sa akin ay agad naman niya akong binigyan ng isang malakas na suntok sa kaliwang panga ko. Sa sobrang lakas ng pagkakasuntok niyang ʼyon ay halos napabulagta ako sa sahig. Dahan-dahan ko namang naramdaman ang pagkamanhid sa panga ko at pakiramdam ko rin ay para bang na-dislocate rin 'yon nang bahagya.
Kasabay ang mala-demonyong tawa ni Halester ay narinig kong sumigaw si Louisa nang bumagsak ako sa sahig. Napasigaw yata siya dahil sa gulat at takot. Napadura naman ako ng dugo dahil sa suntok ni Halester sa panga ko.
"Hanggang sayo ba naman?!" Halata sa boses ni Halester ang sobrang gigil.
"A-ano bang ibig mong s-sabihin?" pagtatanong ko naman habang pinipigilang umubo at nalilito rin sa mga pinagsasasabi niya sa akin.
Suminghal naman siya.
"Oh, so wala ka talagang ideya kung gaano kasapaw ang angkan niyong mga Vernon?"
Ano bang sinasabi ng putanginang gago na 'to at dinadamay pa ang buong angkan ko?!
Hinablot ni Halester ang collar ko at akmang susuntukin ulit niya na ako nang may isang nilalang pa ang pumasok rito sa kwarto. Si Dean Farrar.
"Apo, ano bang sinabi ko sayo kanina? Hindi baʼt ireserba mo ang lakas mo para sa paparating launch natin?"
"Pero lolo Th—"
"NO BUTS!" Biglang nagbago ang kulay ng mga mata ni Dean sa pagputol niya sa sasabihin dapat ni Halester sa kanya. His eyes turned completely black. "And one more thing: huwag mo akong tatawagin sa ganyang pangalan kundi kukunin ko ang lahat ng ibinigay ko saʼyo. Do you understand?"
Napatango na lang si Halester sa lolo niya—o sa kung kaano-ano man niya ang nilalang na ʼyon. Binitawan naman ako ni Halester, dahilan para mapahandusay ako sa sahig. Bumalik na rin sa normal ang mga mata ni Dean at napabugtong-hininga.
"By the way, gusto ko munang hiramin ang isa sa mga bisita natin rito," sa pagsabi ni Dean niyan ay napalingon siya kay Louisa nang may ngisi sa labi. Dahil doon ay nangalit ang mga ngipin ko.
"A-ANOʼNG GAGAWIN NIYO SA K-KANYA?!" Bahagya pang nanghihina, pero pagalit kong isinigaw ʼyan habang nagpupumiglas mula sa mga kadenang nakagapos sa pareho kong mga kamay at paa.
Pumalakpak ng dalawang beses si Dean, at sa ginawa niyang ʼyon ay may tatlong tao ang pumasok. Lahat sila ay may suot na white robe at surgical masks.
Dali-dali naman nilang nilapitan si Louisa na ngayon ay nagpa-panic na.
"Please, lumayo kayo sa akin!" nagmamakaawang hiyaw ni Louisa habang pumipiglas rin sa hawak ng mga nakasuot ng white robe. Habang nagwawala si Louisa ay may nakita naman akong syringe na hawak ng isa sa mga taong naka-robe.
The needle of that syringe was kind of long. Even if my vision was slightly blurred, I saw that they pricked that into Louisaʼs neck. It makes her calm slowly until she loses consciousness.
Tinanggal nila isa-isa ang mga nakagapos kay Louisa. Pagkatapos ay dahan-dahan naman nilang binuhat si Louisa papalabas.
"Samahan mo na muna rito si Wesley, pero huwag mo siyang sasaktan," sabi ni Dean kay Halester bago niya kami iniwang dalawa rito sa sementadong kwarto.
▬ • ★ • ▬
"Sayang, hindi pa kita mabubugbog ngayon, so magkuwento na lang muna ako sayo..."
Ilang minuto pagkaalis nina Dean ay nagsalita si Halester at umupo sa ibabaw ng lumang lamesa. Pagkatapos nʼon ay naglabas siya ng isang sigarilyo at lighter mula sa bulsa ng pants niya. Sinindihan niya ang sigarilyo, at inipit na muna iyon sa gitna ng kanyang mga daliri sa kaliwang kamay niya.
"Nagtataka lang ako kung bakit hindi mo man lang alam ang dahilan ng pagiging sobrang sapaw ng angkan niyo. Wala ka bang pakialam sa family history niyo? O wala ba silang nababanggit na kung sino-sino nga ba talaga kayo?"
Wala akong imik sa mga pinagsasasabi niya na ʼyon. Basta hinayaan ko na lang muna ang sarili ko na nakasalampak sa sementadong sahig, pinatilihing nakayukom nang mahigpit ang mga kamay ko, at nanatili ring nakatingin sa ibaba dahil ayokong tingnan ang putanginang lalaki na ʼyon.
"Wala na akong pakialam kung maniwala ka sa mga sasabihin ko—basta bahala ka na." Bago siya magpatuloy sa pagsasalita ay ginamit na muna niya ang sigarilyo at tsaka nagbuga ng usok.
"Likas na panira ang buong angkan niyo sa amin, lalo na noong inagaw ng lolo Thaddeus mo ang babaeng pinakamamahal ng lolo ko. Siguro kilala mo pa naman ang lola mong si Diana, ʼdi ba? Namatay lang naman kasi siya dahil kay Thaddeus.
"Iniwan lang niya na may tama ng bala ang lola mo habang hinahabol sila ng masasamang tao. At dahil doon, pinatay na lang ni Diana ang sarili niya sa pamamagitan ng pagtalon sa rumaragasang tubig ng ilog."
Biglang napakunot ang noo ko sa mga sinasabi ni Halester ngayon sa akin. Hindi naman sa naniniwala agad ako sa kanya, pero papaano na lang kung medyo totoo nga ang ilang mga pinagsasabi niya?
"Hindi mo alam ang part na ʼyan? Grabe, sobrang selfish ng lolo mo," sambit niya na para bang dismayado siya na hindi ko alam ang mga pinagsasasabi niya. Oo, hindi ko nga talaga alam ang parteng ʼyan dahil sa hindi naman nila sinasabi sa akin ang totoong pagkamatay ng Lola Diana ko. Basta ang nabanggit lang sa akin dati ni lolo Thaddeus ay ilang araw pa lang daw ang nakakalipas simula noong isinilang ni lola si dad ay namatay siya. Wala na siyang sinabi pang iba bukod doon.
Damn, sobrang dami nga yatang sikreto na nagmula sa angkan namin ang hindi ko pa alam. Well, hindi rin naman kasi ako ganʼong ka interesado na halughugin ang buong family history namin.
Umalis si Lester mula sa pagkakaupo niya sa lamesa at naglakad ng dalawang hakbang papalapit sa akin bago huminto.
"Sumunod naman tayo sa tatay mong si Henry. Matalino sana siya, pero basagulero... Laging naghahamon ng away... Tingnan mo, kung hindi niya lang sana kinalaban ang lolo ko noon at nakipagkasundo na lang, eh di sana buhay pa rin silang dalawa ngayon ng asawa niya."
Bigla ko siyang tinitigan nang matalim dahil doon sa sinabi niya sa mga magulang ko, lalo na kay dad. Hindi basagulero ang ama ko, sadyang matatas lang siya kung magsalita minsan. Purong-puro na para bang may matutong siyang accent, pero hindi siya palaaway.
Hindi ko rin kailanman maiisip na ganʼon nga talaga siya.
Nang malapit ng maubos ang sigarilyo ni Halester ay binitawan niya ʼyon hanggang sa mahulog iyon sa sahig. Tinapakan niya rin ʼyon at dinurog gamit ng kaliwang paa niya.
Habang dinudurog ang sigarilyo niya sa sahig ay nagsalita na ulit siya.
"At ngayon, ikaw naman? Susunod ka sa yapak nila? Sisirain mo rin ang buhay namin ngayon?! Ang buhay ko?!"
Hindi ko na kayang manahimik pa. Sumosobra na siya sa kagaguhan niya.
"Eh tangina? Wala naman akong ginagawang masama sayo—"
"Sigurado ka ba sa mga dinadada mo dyan, Wesley?" Tanginang 'yan... Hindi man lang niya ako pinatapos magsalita.
"Hindi mo ba pansin? Ilang beses mo lang naman inagaw sa akin si Louisa! Simula noong dumating ka sa Muttering Trees Entertainment, ikaw na lang ang mukhang bibig niya. Kahit ako ang una niyang nakilala kaysa sayo, parang estrangero naman ang turing niya sa akin. At kahit na umamin na ako sa kanya at ilang beses na siyang niligawan ay hindi pa rin niya ako pinipiling mahalin!"
Bahagya naman akong natawa. Nahihibang na yata ang lokong ʼto.
"Well, it means that Louisa had a very high standards in terms of finding the right one for her... At maganda ang taste niya nang pinili niya ako kaysa sayo ah."
Sa bahagyang pagtawa ko ulit ay nakikita kong nandidilim na ang mga mata ni Halester ngayon dahil sa mga sinabi ko.
Ayos, pikunin pala ang puta.
Dahil rin doon ay hinablot na naman niya ang collar ko at iniagat ang kamao niya para suntukin na naman ako.
"Aba, tangina—"
"Bago mo ako bugbugin ulit, alalahanin mo ang sinabi sayo kanina ng lolo mo na gago rin katulad mo," mahinahon kong sabi kay Lester, dahilan para mapatigil siya.
"At tsaka isa pa, nagsasabi lang din ako ng totoo sayo... Halester, alam ko na hindi ganyan ang itsura mo dati... Patpatin, maliit, baduy pumorma—ayan ka lang naman dati, ʼdi ba? Idagdag pa natin ang baho mo na umaligasaw nang maging obsessed ka nang sobra kay Louisa."
Dahil yata sa mga nabanggit ko ay binitawan na ni Halester ang collar ko. "Sige lang, asarin mo lang ako. Pero alalahanin mo rin kung nasaang posisyon ka ngayon, Wesley Vernon. Anytime soon, mapapatay na rin kita nang dahan-dahan—sa kahit anong paraan na gusto ko. At pagkatapos mong mamatay, magsasaya kaming dalawa ni Louisa. Bakit? Dahil napatay ko lang naman ang nasa pinakahuli ng main bloodline ng mga Vernons."
He gave me a huge evil smirk on me, then laughed slightly. While I just gave him a very cold stare in his eyes.
Magsasalita pa sana si Halester nang mapatigil siya dahil sa pagkasok ulit ni Dean dito sa kwarto. Sa pagkakataong ito, mayroon siyang hawak na isang pilas ng papel na mukhang nilipasan ng panahon. Manilaw-nilaw na rin kasi ang kulay ng papel at para bang pinunit lang 'yon galing sa isang notebook or journal.
"Pagpasensyahan na sa panggugulo ko habang nasa kalagitnaan pa kayong dalawa ng usapan..." sabi ni Dean habang nakangiti. "Pero kailangan ko ring kausapin si Wesley. Privately."
Pagkasabi niyan ni Dean ay napatingin siya kay Halester. Tumango naman siya na para bang naiintindihan niya ang sinasabi ni Dean.
"Oh, maiwan na muna kita rito. Pupuntahan ko lang muna ang aking Marakata. See you the soonest, Wesley. At sa muling pagkikita natin, sana iyon na rin ang huling mga sandali mo bago ka mamatay sa mga kamay ko." Nakangising tumingin muna sa akin si Halester bago niya kaming iwan ni Dean dito sa kwarto. Nanatili lang akong nakadungaw sa kanya hanggang sa hindi ko na siya makita pa.
Bigla namang nagsalita si Dean, dahilan para sa kanya naman mapatingin ang mga mata kong nangangalit.
"Marami-rami na sigurong naikwento si Lester sayo... Pero sa totoo lang, wala pa siya sa kalahati." May isang upuan na hinila si Dean papalapit sa akin at doon siya umupo.
Inialok naman niya sa akin ang isang papel na kanina pa niya hawak.
"Basahin mo ʼyan, Wesley."
Hindi ko kinuha ang papel at tinitigan ko lang siya nang masama sa mga mata niya.
"Just read this damn note that was written by the traitor in your family." May halong ngisi na utos sa akin ni Dean.
"T-traitor? Who?"
"Your grandfather, Thaddeus." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinambit niyang 'yon.
W-what the fuck? Lolo Thaddeus was a traitor? What did he fucking mean about that?!
Ayokong magpaloko sa mga putanginang ʼto, pero kailangan ko ring alamin kung tama ba ang inaakusa nila sa lolo ko. Hinablot ko ang papel na kanina pa inaalok ni Dean sa akin. Binasa ko nang tahimik at masinsin ang nakasulat doon.
Journal No.: ------
Date: ----------- --, 2007
If you wanna know, the current version of your drug still didn't have its abinity to take over the whole earth and cosmos.
When I got one emerald postcard from one year in the future, I found out that there is aniither ingredient. Another ingredient that will make you finish your new and improved version of Vide Noir.
It will take yor some years to find that—but I will gfve you an exact year, my dear brother: two yeare. Youʼre going to find thkt ingredient, two years after starting the day I will give you this paper.
And that ingrediant... is the dust of a cosmic servantʼi star.
— T. Vernon
Pamilyar ako sa penmanship ni lolo. Cursive letters siya kung magsulat at bahagya ring naka-slant. Kaya nga halos nanlaki ang mga mata ko dahil kamukha ng penmanship ni Lolo Thaddeus ang pagkakasulat sa note na ʼto. Nakita ko rin ang pirma ni lolo sa dulo ng note kaya mas lalo pa akong magtaka.
T-totoo bang isinulat ni lolo ang lahat ng ʼto?
Pagkatapos kong basahin ang nakasulat sa papel ay binasa ko ulit ʼyon. May mga nakita kasi akong mga salita na mali ang spelling: ability, another, you, give, years, ingredient, at servantʼs.
Napatingin ako kay Dean—na nakatingin rin sa akin. Binibigyan niya ako ng tingin na alam niyang may napansin akong kung ano dito sa note ni Lolo Thaddeus.
Nag-isip ako sa mga posibleng paraan para ma-decode ko ʼto. Kung titingnan mo ang mga words, wala kang mabubuong sentence or phrase dyan na matino. Pero kung titingnan mo ang mga letters kung saan nagkamali...
abiNity = L
anIIther = O
yoR = U
gFve = I
yearE = S
thKt = A
ingrediAnt = E
servantʼI = S
May makukuha kang LOUISAES, o kaya naman ay LOUISA at ES—teka, pangalan ni Louisa?!
"May nakuha kang pangalan, diba?" biglaang pagtatanong sa akin ni Dean. "LOUISA at ES... Hindi ko pa rin maisip kung papaano na-predict 'yan ng lolo mo noon—well, your grandfather was a real weirdo, afterall..."
Sang-ayon ako kay Dean sa part na ʼyan. Lolo Thaddeus was very weird while he was alive and still with us in our house. Kung hindi siya nakakulong buong maghapon sa office room niya ay kinukwentuhan naman niya ako tungkol doon sa isang journal na kinakaabalahan niyang isulat habang nagkukulong siya sa office room. He called it "Postcards from the Future"—at hindi man lang niya ipinapabasa 'yon sa amin o sa kahit na kung sino man ang buong journal na iyon.
"I immediately decoded that note after I killed your grandfather, thirteen years ago. I also had guesses and theories that Louisa Green is the Emerald Star—but I found out... it was not just that.
"Kapag kinuha mo ang mga bawat letters na ginamit as typographical errors, may makukuha ka ring scrambled letters: NIIRFEKAI— or FRANKIE at II. At first, I had no idea what they meant. Not until I consulted with the other ancient cosmic beings..."
Bahagyang lumuwag ang panga ko dahil sa mga narinig ko. Dean has a point in his findings about the Emerald Star—and what the hell?! Nandoon rin ang pangalan ni Frankie!? Why and how?!
"Frankie is Louisaʼs twin sister, as I thought. We do not know much about her, but that theory was possibly true," Dean continued. "As of this time, I knew that they are the Emerald Star—and also, they are sisters."
I slowly crumpled the paper where the note was written. After doing that, I threw it away. Angrily.
"So bakit sinasabi mo lahat nang ʼyan sa akin ngayon?" pagsingit ko. "Ginagawa mo ba ʼyan para makumbinsi mo ako na kamuhian ang pamilya ko? Kinukumbinsi mo ba ako na magtanim ng poot sa kanila—kahit na patay na silang lahat? Kinukumbinsi mo rin ba ako para kumampi sa inyo?"
Suminghal naman si Dean, dahil na rin siguro sa mga pinagtatatanong ko.
"Wesley, I know that you really had a galaxy brain... but my answers are yes and no. Yes, dahil sa note pa lang niyan ng lolo mo ay mukha na siyang traydor. And no, kasi hindi ko pa rin alam ang totoong intensyon ng lolo mo at ibigay niya sa akin ʼyan..."
"At ano namang ibig mong sabihin tungkol dyan?"
"Because Thaddeus told me some things that I still can't understand up to this day. And to be honest, I really donʼt know what his true intentions are," Dean answered.
"When he came here thirteen years ago, I was very shocked. Do you know why? It's because I already killed him and threw his body in Lake Hureon. Well, I had been chasing him since he and Diana ran away from Roseberry, way back in 1977. Nagtanan kasi silang dalawa nang malaman nilang buntis si Diana. And at that time, I'm still dating your grandmother. I became very angry when I found out Thaddeus got Diana pregnant, so I chased him. Then after almost two years, I found them hiding in Unnamed Forest. All of this time, doon sila nagtago hanggang sa ipinanganak na ni Diana si Henry.
"Hindi rin sana namatay si Diana kung hindi pa sila nagpumilit na tumakas nang makita na namin sila noon. Wala nang nagawa ang lola mo kundi magpaagos na lang sa ilog, habang ang lolo at tatay mo naman ay tumakas nang hindi siya kasama..."
Panandaliang tumigil sa pagsasalita si Dean nang mapapikit siya nang dahan-dahan.
"Iniwanan nila si Diana... Iniwan niya si Diana," mabagal niyang sambit nang may konting diin. "Sobrang selfish talaga ng lolo mo, so I killed him out of rage then threw him in the lake. Pero sobrang nagtataka pa rin ako kung papaano ulit siya nabuhay..."
Habang pahaba nang pahaba ang istoryang kinukwento sa akin ni Dean ay naguguluhan pa nang naguguluhan naman ang isip ko. I donʼt know what to think, especially about Lolo Thaddeus. First, the note. Second, his "resurrection". Then, whatʼs next?
"Fast forward... Pinuntahan niya ako rito sa factory place namin. Para bang kusa niyang isinuko ang sarili sa akin noon. Pagkapunta ng lolo mo rito ay may mga inutos din siya sa akin na gawin ko. Sa una, medyo nagtataka ako sa ikinikilos niya. Pero may halong ma-awtoridad ang tono ng boses ni Thaddeus, kaya kahit papaano ay nagtiwala ako sa kanya—tutal, sinabi niya naman na makakatulong ʼyon para sa pagbuo namin ng new and improved Vide Noir. At nakakatuwa lang din dahil totoo ang halos lahat ng mga sinabi niya sa akin...
"Gusto mo rin bang malaman kung ano-ano ang mga inutos sa akin ng lolo mo?" biglang pagtatanong sa akin ni Dean na may halong ngisi nang masama.
"Wala akong pakialam, basta bahala ka," angil ko naman.
"Teka, iisa-isahin ko," tumikhim muna siya nang ilang beses.
"Una, ang patayin siya. Pangalawa, sundan ang nakasulat sa note niya. Pangatlo, patayin ang leader ng The World Enders kapag nagpakita siya sa amin..."
Medyo napatalon ako kung sa sahig na kung saan ako nakasalampak nang biglang in ilapit ni Dean ang mukha niya sa akin. Halos isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin, at nararamdaman ko rin ang pagbuga niya ng hangin—malamig at amoy kamatayan na hangin. Nagtitigan kami ng ilang segundo bago ulit siya magsalita.
"At ang pang-apat, patayin din ang anak ng gang leader na ʼyon."
Kumunot ang noo ko.
"Pero bakit parang ako ang gusto niyong patayin ngayon? Siguro ngaʼt parte rin ako ng pamilyang kinamumuhian ninyo. Pero hindi ako anak ng isang gang leader."
Isang malakas na palakpak ang biglang ginawa ni Dean. At sa paggawa niyang ʼyon ay natawa rin siya na para bang nasisiraan na ng bait.
"Sigurado ka ba talaga tungkol dyan? Kasi kung oo, kawawang bata ka naman na walang kamalay-malay." Dean mockingly did some sad face in front of me. I just slightly rolled my eyes. "In fact, may kasama ngang isang pangalan ang nabanggit sa akin si Thaddeus. And that name is Emery, the son of Avery."
I was very dumbstruck, yet still very confused as fuck. Tangina, nagkataon lang naman yata na Emery din ang pangalan ng anak ni Avery—
"Totoo ang mga sinasabi ko, at hindi nagkataon lang ang mga ʼyon," biglaang pagisingit ni Dean habang halos napapasigaw na ako sa utak ko dahil sa pagkalito.
"Ayaw mo pa ring maniwala? May ipaparinig na lang ako sayo," dugtong pa niya. "Sabi rin pala ng Lolo Thaddeus mo, iparinig ko daw 'to pagkatapos mong mabasa ang note niya."
When Dean suddenly snapped his fingers in his left hand, I immediately heard a very familiar voice that came from nowhere. It was Lolo Thaddeus' voice.
T: Nire-record mo na ba?
D: Yeah. Just speak.
T: Okay... So before I start, kaya ko pinapa-record ʼto dahil alam kong hindi agad maniniwala si Wesley kung ang note lang ang ipapakita niyo sa kanya pagkatapos niyo siyang hulihin in the future...
D: Hmmm... And then?
Sandaling tumahimik ang mga boses sa record. Pero maya-maya lang ay nagsalita rin si lolo.
T: Th----, gusto kong gawin mo ang lahat ng ipapagawa ko sayo pagkatapos mo akong patayin ulit... Then follow my note in that paper. Alam kong kayo ang gumagawa ng Vide Noir at ang lahat ng products sa LHSN. At bilang kapatid mo, gusto kong makatulong sa business niyo at makabawi sa'yo—
D: —Hindi kita kapatid at itinuturing na kapatid, Vernon.
Biglang pumintig ang mga tenga ko sa narinig ko. Magkapatid sila? Well, hindi rin naman ako sigurado dahil may ibang sinabi na pangalan si lolo na hindi ko rin narinig nang malinaw—pero baka ayon ang totoong pangalan ni Dean.
Tinuloy ni lolo ang mga sinasabi niya.
T: Kung hindi mo na talaga ako itinuturing pang kapatid mo ay hindi na kita kukumbinsihing ibahin pa ang nasa isip mo. Basta ang nasa sa akin lang ay gusto kitang tulungan na maiayos ang ingredients niyo sa Vide Noir.
D: Ayan lang ang ipapagawa mo?
T: Meron pa. Dalawa. Habang hinahanap niyo ang pinaka-importanteng ingredient sa Vide Noir na nakasulat na rin sa note ay gusto ko ring patayin niyo si Avery.
D: Huh? Sino?
T: Avery, the future leader of The World Enders. Kusa rin siyang lalapit sa inyo, at kung may kasama siyang babae ay isama niyo na rin 'yon sa papatayin niyo. Wala kayong sasabihin na kahit ano kina Avery at doon sa kasama niyang babae tungkol rito—basta pahirapan niyo lang silang dalawa, black-brained them with Vide Noir, at itapon sa harapan ng bahay nila.
Napamura ako. "T-Teka... Putangina—?"
"Wait, wala ka pa sa nakakatuwang parte," Dean shushed me.
T: Pagkatapos niyan, makakasagap kayo na namatay na si Avery at ang kasama niyang babae. Kapag nasagap niyo na 'yan, hanapin niyo naman si Emery, ang anak ni Avery—pero huwag niyo agad siyang papatayin. Basta magmasid-masid lang kayo dahil habang nabubuhay pa ang anak ni Avery ay may mga ilang bagay pa kayong mahahalungkat na makakatulong sa inyo—at makikita niyo na rin sa wakas ang pinaka-importanteng ingredient na hinahanap niyo...
D: Sandali lang. Papaano kapag hindi ko ginawa ʼyang mga sinasabi mo sa akin?
T: Tingnan na lang natin ang mangyayari, in the future.
D: Hmmm... Alam kong may balak ka, Vernon. Wala akong ideya sa kung ano man 'yan, pero hindi kita hahayaang magtagumpay sa kung ano man ʼyang pinaplano mo.
Huminto ng ilang segundo si Dean bago magpatuloy sa pagsasalita.
D: At tsaka isa pa, bakit ba parang sa tono ng pananalita mo ay sigurado kang mangyayari lahat nang pinagsasasabi mong 'yan? Bakit, Vernon? Nakita mo na ba ang future?
Naghintay ako sa kung ano mang sasabihin pa ni Lolo Thaddeus. At sa pagsabi niya ng sagot sa tinatanong sa kanya ni Dean doon sa record ay nakaramdam ako ng matinding goosebumps.
T: Well, yes... In my lonesome dreams...
Wala na akong magawa at masabi pa. Nanatili na lang akong nakatulala, habang humihinga nang dahan-dahan—pinoproseso pa ang lahat ng mga bagay na binigay sa akin ni Dean. Mula doon sa note ni Lolo Thaddeus, hanggang sa record na pinarinig niya sa akin.
"Hindi baʼt ako ang pumatay sa mga magulang mo? Then, ang isa pang pangalan na ibinigay nila saʼyo ay Emery? At syempre, hindi nagkataon ang mga sinabing ʼyon ni Thaddeus... Wesley, ikaw ay anak talaga ng isang gang leader... ang leader ng The World Enders... si Henry, o mas kilala sa tawag na Avery."
It really looks like Dean knows about my entire family more than me. Well, heʼs some sort of a dark creature. A supernatural being, to be exact—kaya hindi na rin ako masyadong magugulat pa na kilala niya ako at ang buong pamilya namin. Pero hindi ko pa rin talaga maproseso sa utak ko ang lahat ng mga pinagsasabi niya sa akin ngayon.
Oh putangina, nahihilo na naman ako...
Dahil sa mga nabanggit sa akin ni Dean, may mga lumang tanong na kahit papaanoʼy nagkaroon na ng mga sagot. Pero sa kabila ng mga ʼyon, may mga bagong tanong ang unti-unti namang naiipon sa isipan ko ngayon. Mga bagong tanong na hindi lang tungkol sa Emerald Star, kundi sa kung sino nga ba talaga ako. At ano-ano pa ang mga sikretong itinatago ng buong pamilya ko...
Nakabuka na ang bibig ni Dean para may sabihin pa yata sa akin na kung ano, nang biglang may tumunog na galing sa kabilang bulsa ng suot niyang pantalon. Phone niya ang tumunog, na dali-dali naman niyang hinablot papalabas.
Pagkatingin niya sa screen ng phone niya ay nakita ko ang ngiti ng umukit sa mga labi niya. Hindi ko alam ang dahilan ng pag ngiti niyang ʼyon, pero may kutob ako na may mangyayaring hindi maganda.
"Tapos na ang huling paggawa ng new and improve Vide Noir!" masayang banggit ni Dean sa akin, habang nakaukit pa rin ang ngiti sa labi niya. "Iʼm going to announce it to our fellow customers later, then we will have a grand launch on Lemonopolis... But sadly to say, mukhang hindi mo na maaabutan ang launch namin kasi mamamatay ka na. Mapapatay ka na."
Pagkatapos niyang sambitin ang mga ʼyon ay bigla naman siyang nawala sa paningin ko nang parang bula. Hindi ko ba alam kung namamalikmata lang ba ako, pero nilingon ko ang buong paligid para hanapin siya.
Hindi rin naman ʼyon nagtagal ng ilang segundo, dahil naramdaman ko ang mabigat na presensya niya sa kanan ko. Bahagya akong nanigas at hindi makagalaw.
"It seems that Thaddeus became a traitor before he died, and I feel that he has a continuous plan I still do not know today. But whatever it is, I do not mind it at all now," Dean said to me with pride. "I already completed the vials, and I do not need to be bothered by his undying riddles. Also, I can't wait to start invading the whole cosmos... Eating all the matter by my black holes, vanishing the light with my void... The universe will become dark and empty as I badly want it to be... forever..."
Mas nakaramdam pa ako ng bigat nang unti-unting dumilim ang buong kwarto. Ngayon, nakita ko naman si Dean na malapit sa metal door. Handa na para umalis.
"Bago pala kita iwanan dyan, may ilang mga bagay muna akong lilinawin ulit sa'yo—mga bagay na gusto kong sabihin sa huling pagkakataon..." Kahit na malayo na siyang nakatayo sa akin ngayon, nakikita ko pa rin ang hanggang ngayon ay malalawak na mga ngiti.
"Ang pamilya mo ay sadyang maraming tinatago na mga sikreto. At tingnan mo, ngayon mo lang nalaman na ang isa pala sa kanila ay hudas na traydor."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro