Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✰ Chapitre Neuf: Who Am Really I?

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

As I looked into the unknown
I always wonder:
What am really I?
Who am really I?

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Chapitre Neuf:
WHO AM REALLY I?

—"Frankie"

I still donʼt know who I am. So, I named myself Frankie... for a while.

Ever since I was saved by Wesley for being black-brained from that Vide Noir, I've been asking myself who I am. Why canʼt I remember anything about my past? Why canʼt I remember anything about me?

I kept asking and asking that to myself but I got no answers. I just have more questions.

Sa ngayon ay kasama ko si Wesley, na nakahiga sa malaki at nag-iisang kama na nandidito sa kwarto na kung saan kami namamahinga ngayon. Simulaʼt-simula pa lang talaga ay nagtataka na ako sa ikinikilos niya, lalo na kapag nag-uusap kaming dalawa. Hindi niya ako makausap nang maayos at hindi rin siya makatingin nang diretso sa akin. Pero nang ikinuwento na niya ang tungkol sa ex-girlfriend niyang si Louisa Green ay naintindihan ko na rin kung bakit.

Hindi ko naman kasi aakalain na may napakabigat na dinaramdam ʼtong si Wesley—well, halos lahat naman ng tao, diba? At hindi ko rin aakalain na madadagdagan pa ʼyon dahil nga sa sinabi niya na "halos" kamukha ko raw ang ex-girlfriend niya.

Narinig ko na napabugtong-hininga si Wesley, na nakahiga sa kaliwang gilid ko pagkatapos niyang magkwento. Nagsalita naman ako.

"Kaya pala hindi ka makatingin nang diretso sa akin at hindi mo rin ako makausap nang maayos... dahil pala ʼyon sa sa ex-girlfriend mo," sambit ko habang nakatitig sa kisame.

"Oo, pasensya na—"

"Hindi, ayos lang naman. You donʼt need to say sorry kasi wala ka namang kasalanan." Lumingon ako sa kanya at bahagya ko siyang nginitian. "You should never blame yourself for that, okay?"

Biglang kinusot ni Wesley ang mga mata niya gamit ng kanang kamay niya. He also sniffed and mourned. Loudly.

"P-Putangina naman oh," he cussed while wiping his tears. "Iʼm an ugly c-crybaby. Nakakahiya n-naman na umiiyak a-ako nang ganito sa tabi ng hindi ko kakilala. A-at sa babae pa."

"Psh, no worries," I slightly smiled at him. "Pero teka, maiba tayo konti."

"Hmmm?"

"May picture ka ba niya?"

"Picture ng ano?"

"Ng ex-girlfriend mo? Si Louisa?" I changed the topic slightly—I guess? Well, Iʼm also curious about what Louisa looked like. Kung kamukha ko ba talaga siya o ano.

"Oo, may picture ako ni Louisa. Hmmm, sandali lang, hanapin ko." Tumalikod muna siya sandali at may kinalikot na kung ano sa gilid niya. Ilang segundo lang ay humarap ulit siya sa akin.

"I donʼt know how but her face became blurred in this photo," sabi ni Wesley sa akin habang ipinapakita sa akin ang isang maliit na polaroid picture ng isang babae na may black sleeveless dress, white gloves, at may blurryface na para bang naka-censored ʼyon.

Bahagya rin siyang umusod papalapit sa akin. Halos magkadikit na ang mga mukha naming dalawa dahil sa paglapit niyang ʼyon. Ramdam ko na rin sa kaliwang tenga ko ang paglabas ng hangin mula sa ilong niya.

Hindi ako nakakaramdam ng kahit na anong pagkailang kay Wesley. Basta kahit na tahimik kaming nakaupo sa isang gilid. I am very comfortable when Iʼm with him, even though weʼre just strangers.

—Uh, are we?

Alam ko ang iniisip niya ngayon. Na kung bakit siya umusod papalapit sa akin. I knew that Louisa was still haunting him, not just in his eyes but also in his heart. I guess that he sees her in me. Again.

"Damn, bakit kaya nagkaganito ʼto?" Wesley asked, maybe in himself. "Ito pa naman 'yong nag-iisang picture niya na meron ako."

"Sayang naman, hindi ko makikita ang mukha niya," I sighed.

"Well, halos kamukha mo naman kasi siya so letʼs say na pwede mong i-compare ang sarili mo sa kanya."

I suddenly chuckled. And I donʼt know why but it feels so good. It was like my very first time to chuckle, after many ages.

"Itong mukha ko?" Itinuro ang mukha ko habang bumubungisngis. "Itong mukhang bangkay na ʼto? Na amoy bangkay rin?"

"Frankie, huwag mo namang insultuhin ʼyang sarili mo," aniya.

"Wesley, Iʼm not insulting myself. Iʼm telling the truth! Look at me, fresh from the graveyard!"

Napatawa ako nang malakas, habang siya naman ay nakitawa na lang din. At sa pagtawa niyang ʼyon ay para bang nakaramdam ako ng kung ano sa tiyan ko. The butterflies, I think? But why?

Hold up. Am I blushing? Because of his laugh?

Ilang segundo lang ay tumigil rin kami sa pagtawa. Tumitig ulit ako sa kisame at ganʼon rin siya.

Rinig ko ang tunog ng mga kuliglig na nasa labas. Pero mas malakas ang paghingang ginagawa ni Wesley.

Hindi ko na siya nakikita at nararamdaman pang kinakabahan o kung ano sa mga oras na ito. At sa unang pagkakataon ay nakita ko na rin siyang kumportable at hindi naiilang sa tabi ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming walang imik sa isaʼt-isa. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakaharap sa pwesto ko habang yakap-yakap na ang isang puting unan.

Nagkatitigan kami sa mata. Halata sa mga mata niya na inaantok na niya.

"Inaantok ka na ba?" pagtatanong ko sa kanya.

"Hmmm, yeah..." Sa pagsabi ni Wesley nʼon ay humikab siya nang malakas.

"Matutulog na ako..."

Ipinikit na niya ang mga mata niya at mas hinigpitan pa ang pagyakap doon sa puting unan na yakap niya kanina pa.

"Goodnight, Lou..." Bahagya naman akong nagulat sa binulong niya. Hindi ko na tinangka pang magsalita. Alam ko namang antok na antok na si Wesley kaya niya nasabi ʼyon at tsaka isa pa, kamukha ko nga "raw" si Louisa.

Dahil hindi pa ako makatulog, tumitig na lang muna ulit ako sa kisame at tumulala. To be honest, ang sarap tumulala sa hangin. Magmuni-muni. Nagiging payapa ang buong paligid ko dahil doon at nakakalimutan ko rin ang mga problemaʼt tanong na gumugulo sa utak ko, kahit papaano.

Habang nagmumuni-muni ako ay bigla na lang kumirot ang ulo ko. Bahagyang pareho ʼyon ng sakit na naramdaman ko noong nasa Georgeʼs Cocktail Paradise kaming dalawa ni Wesley. Idagdag ko na rin siguro noong habang nasa Madamme MBʼs Psychic Readings rin kami. At ang iba pang mga oras na bigla na lang sumasakit ang ulo ko.

Madalas nang sumakit ang ulo ko simula noong nasa cocktail bar kaming dalawa. I think thereʼs something that triggered me. I did not tell Wesley about this kasi ayoko nang madadagdag pa ang iisipin niya tungkol sa akin.

Tsaka isa pa pala, bigla ko rin naalala 'yong tungkol sa nangyari sa akin sa cocktail bar. That still haunts me too because—what the heck?! How did I float myself in the air? How did I make my eyes glow? And one more thing, why in neon emerald green light?

I have some theories that I donʼt know if these things have a sense to you or what. Naalala ko kasi ʼyong kinuwento ni Claira sa aming dalawa ni Wesley doon sa campsite nila. Ang kwento tungkol kay Emeraldimë, ang Emerald Star. Iʼm not sure but I feel that star and I were interconnected to each other. Mukha mang nakakatawa pero hello? Nasa Frozen Pines kami ngayon. At katulad nga ng sinabi ni Wesley sa unang chapter pa lang ng story na 'to na dito sa Frozen Pines ay marami daw na nangyayaring misteryo at kababalaghan.

Heck. That happened to me, especially in that cocktail bar... It still scared the shit out of me. It was like, who am I really? What kind of creature am I? Am I something that shouldnʼt exist in this world? Do I really have a connection with that Emerald Star? Or what?!

Ugh, nevermind all about that! Ang dami ko nang tanong na hindi man lang masagot-sagot pa sa ngayon. Masakit na ang ulo ko, ayoko nang mas sumakit pa dahil sa mga tanong na ʼto.

Okay, medyo change topic muna.

Well, I have some realizations. Since I met Wesley and we joined together, I noticed some things that I think are connected to my past self before I forgot about who I am.

First. I'm often speaking in English, especially when Iʼm talking to myself. See? Et je peux aussi parler en français! Am I French? Or studied in a French school? Or what?

Second. I enjoyed talking with myself. Hindi ko alam kung bakit pero gumagaan ang loob ko sa tuwing kinakausap ko ang sarili ko. Tawagin mo na akong baliw, basta hindi ako titigil na kausapin ang sarili ko. Bahala kayo dyan.

Third. Ang lalim ko kung magmuni-muni. Minsan napapaisip na lang ako na kung totoo nga ba ʼyong sinabi ni Carl Sagan na "we are made of stars"—teka?! Sino ba ʼyon?!

Psh, basta ayan pa lang ang mga ʼyon. At ngayon ko lang napansin ko na medyo pareho ang mga ʼto sa ugali ng ex-girlfriend ni Wesley.

Hmmm... Maybe, I am Louisa Green. But thatʼs impossible.

Bordel, I donʼt want to give false hope to Wesley that I am his ex-girlfriend. Itʼs because that is way too possible that I am her. Kamukha ko lang naman siya, at hanggang doon lang ʼyon.

Siguro? Siguro...

Hay, Frankie. Sino ka ba talaga?

Ano ka nga ba talaga?

▬ • ★ • ▬

April 12, 2020.

"WESLEY, HELP ME!" I scream at the top of my lungs. Iʼm in the middle of nowhere. There is nothing in this place. Just a black, empty ocean of unknowns—a black void

May humahawak na kung ano sa mga paa ko, at hinihila ako nʼon papalubog sa itim na kawalan. I keep myself for not drowning pero pagod na akong pigilan pa ang paglubog ng buong katawan ko doon. Akmang susuko na ako at hahayaan na lang na malubog ang buong katawan ko nang may isang nilalang na may puting bestida ang biglang humila sa kaliwang braso ko papaangat.

I tried to recognize her face but I failed. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, ang mukha niya ay blurry. Siguro ay dahil ʼyon sa nagliliwanag siya nang sobra-sobra na para bang araw sa tanghaling tapat.

Nang maiahon na niya ako, may isang lagusan kaming pinasukan. Sapat na ang laki ng lagusang ʼyon sa laki ng mga katawan naming dalawa. Pagkapasok ay bigla na lang siyang nawala. Lumingon-lumingon ako, nagbabakasakaling makita ko pa ang babaeng ʼyon. Pero hindi ko na siya nakita pa.

Nasa kalagitnaan naman ako ngayon ng puting kawalan. Wala akong nakikita na kahit na ano, pero may mga naririnig akong mga boses. Mga bulong.

I don't know if itʼs in my head or if I really heard some whispers. I listened and it became louder and louder.

Bigla na lang sumakit ang ulo ko. At sa pagsakit ng ulo ko ay lumakas pa nang lumakas ang mga boses. I covered my ears, but it doesnʼt help not to hear those loud voices. Those voices only said some random words that canʼt understand clearly. It was like theyʼre saying something random to me.

One bold voice called my attention. It was a woman's voice, I guess. Her voice was so clear that I tried to listen to what she was saying.

"You... and me... We are one..." she said. Suddenly, I saw something. Iʼm not sure if those are my lost memories or what but those things suddenly flashed to my eyes.

The first thing that I saw was a river. It was nighttime and Iʼm sitting beside it. I looked up to the sky and I saw thousands of stars blinking.

The second one was Iʼm in the middle of somewhere, a stage. I noticed that Iʼm holding a vintage microphone and Iʼm wearing some kind of white gloves. A spotlight was hitting my face, making me close my eyes.

As I closed my eyes, I saw a woman standing in front of me. She was wearing an emerald green dress, with different accessories with green gemstones. She has long, black hair. Both of her eyes were glowing, in emerald green light. In her back, there was an emerald green star that also shone so bright.

The Emerald Star.

Malakas ang kutob ko na siya si Emeraldimë, ang Emerald Star. Nagsalita naman siya, gamit ang mala-anghel niyang boses.

"Hurry up, my light is slowly dying now," she said. "Follow the Emerald Star... Now..."

It was just a dream. Or nightmare. Or something. At nang dahil doon ay nagising ako na pinagpapawisan. Umupo ako sa kinahihigaan ko at pinunasan ang pawis sa noo ko gamit ang mga palad ko.

"Ano'ng ibig sabihin nʼon?" pagtatanong ko sa sarili ko.

Bigla naman akong napatingin sa pwesto ni Wesley na kung saan siya natulog. At doon ko lang napansin na wala na siya doon. Sisimulan ko na sanang hanapin siya nang may nakita akong isang maliit na pilas ng yellow paper na nakapatong sa ibabaw ng hinigaan ni Wesley. Kinuha ko iyon at napansin ko na may nakasulat doon.

Frankie,

Lalabas lang ako para bumili ng makakakin natin. Huwag kang aalis dyan, sandali lang ako.

—Wesley

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla akong napangiti. Ewan ko, siguro ay dahil ʼyon sa cute penmanship ni Wesley. Ang cute naman talaga kasi. I like his way of writing, in cursive words na para bang gumawa siya ng love letter sa akin kahit na hindi.

Heh, he's making me blush again. Oh, bordel, why in the world am I blushing because of him without any exact reason?

Naisipan kong manood na lang muna. Binuksan ko ang mala-vintage na TV na nandidito sa kwartong tinutuluyan namin ngayon ni Wesley. Pagkabukas ko nʼon ay may apat na lalaki ang lumitaw sa screen.

Sa bandang ibaba ng screen ng TV ay may nakasulat na Not Dead Yet by Wraith Bikers. Lahat sila ay may pinapatugtog na instrument. May acoustic guitar, bass guitar, electric guitar, at drum set. May isa sa kanila ang nasa harapan, may bitbit na acoustic guitar at may hawak na microphone. Siguro siya ang lead singer.

Pinanood ko lang silang magpatugtog, and to be honest, ang ganda ng kantang 'yon.

𝅘𝅥𝅮 You got holes in your clothes
Booze on your breath
You look like hell
And you smell like death
Oh-ohh 𝅘𝅥𝅮

Those lines caught my attention. Parang ako kasi ang tinutukoy dyan.

After they sing, I changed the channel. Napunta naman ako sa isang news channel. Ililipat ko na sana ng ibang channel dahil wala ako sa mood na manood ng balita nang bigla kong makita ang kung ano ang nakasulat sa headline.

Blurry Face of Louisa Green

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. 'Di ba ayan 'yong ex-girlfriend ni...

Hindi ko muna inilipat ng ibang channel. Pinanood ko muna ʼyon.

Kumakalat ngayon ang usap-usapan na halos lahat ng litrato ng dating singer na si Louisa Green, o mas kilala sa tawag na Frankie, ay nagiging blurred. Sinasabi ng ilan na technical problem lang iyon. Pero may ilang nagsasabi na some sort of magic raw, gawa ng mga dumukot sa kanya, o kaya naman ay isa lamang biro iyon dahil kahit raw sa mga traditional photos kagaya ng mga polaroid ay nagiging blurred ang mukha niya. Wala pang inilalabas na kahit na anong statement ang mga awtoridad at ang ina ng dating singer na si Fieona Green.

Si Louisa Green ay dating singer at entertainer sa Muttering Trees Entertainment na bigla na lang nawala nang parang bula noong 2015—na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakikita...

So, hindi lang pala ʼyong picture ni Louisa na ipinakita sa akin ni Wesley ang may blurred? Hmmm, I wonder why.

Habang pinapanood ang balitang iyon at bigla akong napaisip. Nasaan na kaya si Louisa ngayon?

I became bored while watching TV so I turned it off. Pagkapatay na pagkapatay ko nʼon ay bigla na lang sumakit ang ulo ko. I also heard a very high-pitch noise.

Napahawak ang kanang kamay ko sa noo ko. At sa paghawak kong ʼyon ay nakita ko ang The Balancerʼs Eye bracelet na nakasuot sa wrist ko...

Na nagliliwanag.

Dali-dali akong lumingon sa paligid at may isang bagay na umagaw sa atensyon ko. Isang salamin iyon na kasinglaki ng normal na pinto. Umagaw ʼyon sa atensyon ko dahil sa repleksyong ipinapakita ng salaming iyon.

Dahan-dahan akong lumapit doon, habang hawak pa rin ang noo ko at nagliliwanag pa ang bracelet na suot ko. Pinagmasdan ko ang ang repleksyon ko doon. At sasabihin ko na sa inyo, kamukha ko ʼyon pero hindi ako ʼyon.

She is wearing an emerald green dress, with different accessories with green gemstones. She has long, black hair like mine. But both of her eyes were glowing, in emerald green light.

Heck, siya iyong nasa panaginip ko! Pero bakit kamukha ko siya? T-teka? Kamukha ko rin ba ang nasa panaginip ko kanina? Argh, hindi ko na maalala—

Biglang nagbago ang reflection ko nasa salamin. Una ay ang babae na nasa panaginip ko. Ang pangalawa naman ay isang babae na may blurry face at black sleeveless dress. At ang pangatlo naman ay ako.

Papalit-palit ang nasa repleksyon ng salamin. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla na lang nagliwanag ang salamin. May humampas sa akin na napakalakas na hangin at tinangay ako papalayo mula doon sa salamin.

Napahiga ako sa sahig. Bahagya rin akong nawalan ng malay. Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa harapan ng salamin para makita kung iba pa rin ba ang repleksyon ko doon. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na. Ang suot ko rin na the Balancer's Eye bracelet ay hindi na rin nagliliwanag ngayon.

Kailangan kong mahimasmasan. Ayan ang unang bagay na naisip ko pagkatapos mangyari ang mga ʼyon. Dumiretso ako papunta sa loob ng banyo at agad kong hinubad lahat ng damit na suot-suot ko.

I sat in the bathtub while taking a cold shower. I stared at the wall in front of me, blankly. Ano ba kasi ang ibig sabihin ng panaginip ko? Pati ang reflection na nakita ko sa salamin? Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng mga ʼyon?

Ilang minuto rin akong nag-shower. Siguro mga fifteen minutes rin.

Tiningnan ko ulit ko ang sarili ko sa salamin na nasa ibabaw ng bathroom sink. Bahagya nang nag-iba ang itsura ko. Konting bakas na lang ng naaagnas ang nakikita ko sa buong katawan ko. Halos nawawala na rin ang mga itim na ugat na kung dati ay kitang-kita. Lumiliit na rin ang malaking sugat na nasa kanang pisngi ko. Unti-unti namang nawawala ang mga pasa at sugat sa mga brasoʼt binti ko. Pero wala pa ring ipinagbago ang mga mata ko. Itim pa rin ang mga ʼyon hanggang sa ngayon.

Tinitigan ko ang mukha ko. Dahan-dahan kong hinawakan ang kaliwang pisngi ko. Sino ka ba talaga? Ano ka ba talaga?

Napaisip rin ako bigla kung halos kamukha ko nga si Louisa ay halos ganito rin ba ang itsura niya? Katulad rin ba dito sa mukha na mayroon ako ngayon?

Habang pinagmamasdan ko ang mukha ko ay nakarinig ako na ngumitngit. Napatingin agad ako sa pinto at laking gulat ko na may isang gunting na lumulutang sa ere at pumasok dito sa banyo na kung nasaan ako.

I slightly freaked out. But I let the scissors float until they reached my palms. Anong gustong ipahiwatig ng gunting na ʼto sa akin?

Napatingin ulit ako sa salamin na nasa itaas ng bathroom sink. Hinawakan ko ang mga hibla ng buhok ko at dahan-dahang ginupit iyon. Ipinantay ko iyon sa ibabaw ng mga balikat ko.

Bahagya akong nanibago dahil maiksi na ang buhok ko ngayon. Heh, ano kayang reaction ni Wesley kapag nakita niyang—

Biglang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwal nito si Wesley na hingal na hingal. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil na-realized ko na hanggang ngayon ay wala pa rin akong suot na kahit na ano.

"U-Uh... W-Wesley..." Sinubukan kong magsalita pero pinangunahan ako ng hiya. And also, I felt the hotness in both of my cheeks. I felt embarrassed. Bordel.

Ilang segundo nakatulala si Wesley hanggang sa ma-realized niya rin na hanggang ngayon ay nakahubad pa rin ako. Kitang-kita sa kanya ang sobrang hiya. Ang mukha naman niya ay sobra din kung mamula na katulad ng isang kamatis. Dali-dali siyang umiwas ng tingin at isinara ang pinto.

I couldnʼt move from where I was standing. He saw me naked and the embarrassment was slowly eating me! And the butterflies? Well, they are flying again in my stomach.

I quickly grabbed the bathrobe provided here in the motel and wore it. Before I went to the bathroom, I sighed slowly and deeply.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Then, I twisted the knob and finally went outside.

I saw him, already preparing some sort of food to eat. Pumunta naman ako papalapit sa isang cabinet para maghanap ng masusuot na damit.

Napakatahimik sa buong kwarto, pero binasag iyon ni Wesley sa pamamagitan ng isang tanong.

"B-Bakit mo nga pala ginupitan ʼyang buhok mo?"

Natigilan ako sa pagsuot ng pink sweatshirt jumpsuit na bigay rin sa akin ni Claira. Napatingin ako sa kanya na nakatingin rin sa akin.

"Well, bagay naman kasi sa 'yo ang mahabang buhok. Pero ayon nga, medyo nagtataka lang ako kung bakit mo pa pinaikli ʼyang buhok mo." Habang sinasabi ni Wesley ʼyan ay naglalakad siya papalapit sa akin at umupo sa tabi ko.

"To be honest, I want to help you," bigla kong sambit sa kanya.

"For what?"

"To forget about Louisa Green for a while. To erase her image in me from your eyes."

Kita ko sa mukha ni Wesley ang pagkalito sa mga sinabi ko. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Yes, I almost looked like her as you said then. But it doesnʼt mean that I might be her. Alam ko na hinahanap mo pa rin siya, at nagpatibay ʼyang kutob mo na buhay pa rin siya hanggang ngayon dahil sa sinabi sa atin ni Madamme MB.

"Dahil doon, gusto kong tulungan ka na huwag nang isipin si Louisa kapag nakikita mo ako. Okay, hindi pa natin alam kung sino ba talaga ako, pero huwag natin—huwag mong i-assume na ako siya. Ayokong matriple pa ang sakit na nararamdaman mo kung inakala mong ako siya but in the end, hindi naman pala.

"I cut my hair short, para hindi na ang mukha ni Louisa ang nakikita mo sa mukha ko. And also, gusto ko rin na magkaroon ng temporary personality habang alam mo na? Seeking some answers about who I really am."

I smiled widely at him. Habang siya naman ay nakatitig lang sa akin. As is nakatitig lang. I placed my hands above his and leaned forward, a few inches away from his face.

"You were right, Wesley. We need to help each other. You have always helped me since we met. And now, itʼs time for your Black-brained Frankieʼs turn to help you."

We will search for the answers to all of our questions. We will also be going to find that Emerald Star.

And lastly, we will find a way to know the truth about our lives.





To know who I really am.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro