Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✰ Chapitre Douze: Wait Beside the River

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Iʼll just wait beside the river
But I will not do that forever
I badly want us to get back together
While our skin was touched by the moonbeamʼs silver sliver.

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Chapitre Douze:
WAIT BESIDE THE RIVER

—Wesley

"Tanginang ʼyan... Bakit ngayon pa tayo nasiraan ng kotse?!"

Ilang beses akong napamura habang patuloy na inaayos ang makina ng lumang kotse ng ama ko. Ilang minuto pa lang naman simula noong nasiraan kami ng kotse pero putangina naman, kung kailan nagpakita na ang Emerald Star sa aming dalawa ni Frankie ay bigla na lang ʼyon masisira.

Tumirik ang sinasakyan naming kotse sa gilid ng isang ilog. Ayoko mang isipin pero naiisip ko na naman ʼyong mga panahong kasama ko pa si Louisa na tumambay sa gilid ng ilog, habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.

Habang nag-aayos ako ay pasimple ko ring sinisilip si Frankie na nakaupo ilang dangkal ang layo sa ilog. Nakatingala at nakatulala na naman.

Buti na lang talaga, hindi ganʼong kalala ang naging sira ng kotse kaya naayos ko agad ʼyon sa loob lang ng ilang minuto. Pagkatapos nʼon ay lumapit ako kay Frankie habang pinupunasan ang mga kamay ko gamit ng isang tuwalya.

"Frankie, naayos ko na ʼyong kotse. Pwede na tayong bumiyahe ulit," tawag ko sa kanya, pero nanatili lang siyang nakatingala sa langit.

"Frankie? May problema ba?"

Lumingon siya sa akin at ngitinitan ako nang matipid.

"Wala naman." Tumingala na ulit siya sa langit. Tahimik akong tumabi sa kaliwang gilid niya, at doon, pareho na naming pinagmamasdan ang madilim na langit.

Libo-libong mga bituin na naman ang nasa madilim na kalangitan ngayon. Ngunit ang pinakamaliwanag doon ay ang Emerald Star, na hanggang ngayon ay sobrang nagliliwanag. Nanatili lang akong nakatulala doon, na para bang inaakit ako nʼon.

"May tanong ako," biglang nagsalita si Frankie, dahilan para mapalingon ako sa kanya. "Kung makakausap na natin nang personal si Emeraldimë, ano ang gagawin mo? Mga itatanong?"

Sandali akong napaisip sa tanong niya, pero nasagot ko naman agad ʼyon.

"Kung pwede, manghihingi ako ng tulong para makita ulit si Louisa, buhay man siya o patay na," tugon ko. "Hindi pa rin ako matahimik, sa totoo lang. Kahit halos limang taon na simula noong nawala siya ay hinahanap ko pa rin siya. Naghihintay sa muling pagkikita namin—kung magkikita pa nga ba kami."

Dahan-dahang tumango si Frankie. Halata sa mukha niyang nakikinig siya sa bawat isang salita na sinasabi ko sa kanya.

"Ako kasi... ang dami kong gustong malaman. Una na syempre doon 'yong tungkol sa kung sino at kung ano nga ba talaga ako," sambit naman niya. "I also wanna know if thereʼs a possibility that both of us had a connection to each other. Ginugulo pa rin ako ng samuʼt saring mga tanong, lalo na 'yong nangyari noon sa Georgeʼs Cocktail Paradise pati 'yong panaginip ko last night."

Dahil doon ay naalala ko na naman ang nangyari doon sa Cocktail bar na ʼyon—at sa totoo lang, pareho kaming dalawa na may napakaraming tanong tungkol sa nangyari sa kanya doon.

"Uh, may isa pa akong tanong." Bahagya akong nagulat nang nagsalita ulit siya. Akala ko kasi ay tapos na ang usapan.

"Ano naman ʼyon?"

Bahagya siyang napabugtong-hininga bago magsalita. "Hindi sa binibigyan kita ng false hope ah. P-pero papaano kung ako at si Louisa ay iisa? A-ano'ng g-gagawin mo?"

Ramdam ko ang kaba ni Frankie sa tanong niyang ʼyon. Bahagya nang nakakunot ang noo ko dahil doon.

"Bakit ko naman naitanong ʼyan sa akin?"

"As you said to me then, Louisa and I had so many similarities. You also said that we both looked almost the same. But as I told you, I donʼt give you any false hope with my questions."

Tinitignan ko siya sa mga mata niya. Totoo ang mga sinabi niya. Halos magkatulad talaga silang dalawa ni Louisa. Sinasabi ko na ʼto simula noong unang pagkikita naming dalawa, noong lumabas siya sa isang black hole at inahon ko siya mula sa dagat.

"Kung ikaw man si Louisa ay hindi na ako magugulat pa," tugon ko sa tanong niya kanina. "At ano naman ang gagawin ko? Simple lang naman. Hahalikan at yayakapin ka nang sobrang higpit—na hindi ko nagawa sayo nang halos limang taon simula noong nawala ka."

Tumingala ako at pumikit. Hinahayaang hampasin ang malamig na simoy ng hangin sa buong katawan ko.

"Sobrang na-miss ko ang ganito."

"Ang alin?" Tiningnan ko si Frankie sa mga mata niya bago magsalita.

"'Yong ganito. Tatambay sa gilid ng ilog tuwing gabi, tapos pagmamasdan mo lang mula sa madilim na langit ang bilog na puting buwan at ʼyong mga nagniningning na bituin."

"Hindi ka ba nalulungkot o nasasaktan ngayon kasi ginagawa niyo ni Louisa ang ganito dati?"

"Well, syempre nasasaktan pa rin at nalulungkot. Pero kahit na papaano ay masaya ako, kasi iyon ang isa sa mga alaalang hindi ko makakalimutan habang kasama ko pa siya noon."

Pareho kaming tumahimik. Tanging malakas na hangin lang ang naririnig ko na dumadaan sa tenga ko ngayon.

Matapos ng ilang minuto ay may isang short story ako na biglang naalala. Hindi ko ba alam kung bakit ko naalala ʼyon pero kinuwento ko na lang kay Frankie.

"'Wait Beside the River?'" may halong kuryosidad na pagtatanong ni Frankie.

"Yep. Bigla kong naalala ang short story na ʼyan," sagot ko naman. "May Friday night segment kasi ang radio station ng Muttering Trees Entertainment, at ang segment na ʼyon ay nagkukwento sila ng ibaʼt ibang short story entries mula sa mga senders nila."

Kitang-kita ko sa mga mata ni Frankie na talagang nakikinig siya sa kwento ko. Hay naku, hindi ko ba alam kung bakit ako dumaldal nang ganito, pero bahala na.

"Isa sa mga kwentong gusto ko doon sa segment nila ay ang 'Wait Beside the River'. Tungkol kasi ʼyon sa isang lalaki na si Al, na kada gabi ay pumupunta sa gilid ng ilog."

"Eh bakit naman niya ginagawa ʼyon?" biglang pagtatanong ni Frankie sa akin. Ipinagpatuloy ko ang pagkukwento.

"Doon kasi sa ilog na ʼyon ang lugar na kung saan niya huling nakita ang minamahal niyang babae, Bella naman ang pangalan. Sinabi doon sa kwento na lumingon muna si Bella kay Al habang may luhang umaagos pababa sa pisngi niya, bago tuluyang tumalon sa rumaragasang tubig sa ilog.

"Sinubukan namang pigilan ni Al sa pagtalon ni Bella sa ilog pero hindi siya nakaabot. Tinangay si Bella ng rumaragasang tubig hanggang makalayo siya sa pampang at hindi na siya nakita pa ni Al at ng kahit na sino mang tao."

"Feeling ko, hindi na nakita pa si Bella. Am I right?" Pagsingit ni Frankie. Tumango naman ako.

"Oo, hindi na nakita pa ang katawan ni Bella. Sinubukan naman raw hanapin ng mga awtoridad pero wala silang nakitang kung ano mang bagay na may kinalaman kay Bella doon sa ilog...

"Sobra naman akong nalungkot para kay Al. At ayon nga, kada gabi, pumupunta siya doon sa tabi ng ilog. Binabalikan niya ang lugar na 'yon, hindi lang para hintayin ang pagbabalik ni Bella sa kanya, kundi ang manghingi rin ng kapatawaran."

"K-kapatawaran saan?" Kumunot ang noo ni Frankie sa sinabi ko sa bandang huli. Napabugtong-hininga ako.

"May mga nasabi si Al na masasamang bagay kay Bella. Isa doon ay kung sana namatay na lang si Bella sa sakit niyang cancer."

"Ohhh." Nablangko ang mukha niya sa sinabi ko. "Kaya pala..."

"Nagkaroon ng depression si Bella dahil sa sakit niya pero nawala naman ʼyon noong naging cancer-free na siya. Kaso bumalik ulit ang depression niya at mas malala ʼyon kumpara sa una, nang dahil nga sa mga pinagsasabi sa kanya ni Al.

"Hindi na kinaya ni Bella ang sakit na nararamdaman niya na kagagawan ni Al. Kaya isang gabi, pumunta siya sa gilid ng ilog. At doon ang huling lugar na kung saan niya nakitang buhay ng nag-iisang tao na nagmahal at nanakit sa kanya nang lubusan, si Al."

Kinusot ni Frankie ang dalawa niyang mga mata. Siguro ay naluha siya sa kinuwento ko sa kanya.

"S-sigurado ka bang m-mula sa Muttering Trees Radio station ʼyang i-ikinuwento mo sa akin?"

"Oo nga, Frankie. Doon ko nga narinig."

Medyo naninggit ang itim niyang mga mata sa akin. Nagsalita naman siya.

"Akala ko kasi hindi. Alam mo naman ang ibang tao, kayang gumawa ng mga kwentong katulad niyan—base and inspired sa mga karanasan nila sa buhay."

Bahagya akong natawa sa kanya. "Pero seryoso, totoo lahat sinabi ko na galing talaga 'yan sa isang segment ng MT radio station."

"You sure?"

"O-oo nga—"

May mabagal na kanta ang bigla ko na lang narinig, dahilan para mapahinto ako sa pagsasalita. At rinig rin ʼyon ni Frankie dahil bigla naman niya akong tinitigan sa mata.

Napalingon ako sa may kotse. Alam ko na doon nanggagaling ang kantang naririnig namin ni Frankie ngayon. Wala naman kasing phone si Frankie at ang phone ko naman ay nasa loob ng kotse. Kami lang ring dalawa ang nandidito sa tabing-ilog ngayon.

Naglakad ako papalapit sa lumang kotse ng ama ko para hanapin ang kung saan man nanggagaling ang kantang naririnig namin ngayon. At sa paglibot ng mga mata ko ay nakita kong nakabukas ang radyo ng kotse. Nakakapagtaka lang kasi hindi ko naman binubuksan ʼyon.

Sinubukan ko rin palang hulaan ang kantang tumutugtog sa radyo ngayon. Familiar kasi sa akin.

𝅘𝅥𝅮 I will wait by the river
In the light of the moon
At the edge of the city
I will wait for you 𝅘𝅥𝅮

That was Wait by the River by Wraith Bikers. Kaya pala napakapamilyar sa akin ng kantang ʼyan dahil pagkatapos maikwento ang short story na Wait Beside the River sa radio station ng Muttering Trees Entertainment ay pinatugtog ang kantang ʼyan.

𝅘𝅥𝅮 Though I canʼt wait forever
Someday Iʼll be dead and gone
And I wonʼt be forgiven
For what Iʼve done 𝅘𝅥𝅮

Papatayin ko na sana 'yong radyo nang may biglang humablot sa kaliwang braso ko. Si Frankie.

"A-anoʼng gagawin mo?" pagtatakang tanong ko kay Frankie habang hinihila niya ako. Medyo malayo ʼyon sa kotse, pero hindi naman ganʼon kalayo para hindi namin marinig ang kanta.

Nang huminto na siya sa paghila sa akin ay tumayo siya sa harapan ko nang sobrang lapit, hinablot ang mga kamay ko at ihilagay iyon sa gilid ng baywang niya. Ipinatong naman niya ang mga kamay niya sa pareho kong balikat.

Pareho kaming nakatingin sa isaʼt isa. Sa mga oras na ʼto ay sobrang lakas na nang tibok ng puso ko. Binigyan naman niya ako ng isang malawak na ngiti mula sa mga labi niya.

"Letʼs dance."

𝅘𝅥𝅮 I will wait by the river... I will wait by the river... 𝅘𝅥𝅮

"P-pero hindi ako sanay magsayaw ng waltz!" Bahagya akong nagreklamo. "Eh ikaw ba? Marunong ka?"

"Well, I don't know. But we will see..."

𝅘𝅥𝅮 I will cry out to heaven
As it rains down on me
I will beg for forgiveness
Get down on my knees 𝅘𝅥𝅮

We both swayed our bodies slowly and synchronously. I am freaking serious na hindi talaga ako marunong sumayaw. Basta sinasabayan ko lang si Frankie. I just followed her body swaying and her feet stepping.

𝅘𝅥𝅮 If I canʼt change the weather
Maybe I can change your mind
If we canʼt be together
Whatʼs the point of life? 𝅘𝅥𝅮

My body was shaking a little bit. Hindi ko rin natagalan pang tumingin nang direkta sa mga mata niya kaya umiwas na ako sa mga mata niya. Sobra naman ang init na nararamdaman ko sa parehong pisngi ko ngayon. Damn, parang gusto ko na lang mamatay sa sobrang—what the fuck?! Kinikilig na naman ba ako?!

Naramdaman kong unti-unting nagdidikit nang mas malapit ang mga katawan namin ni Frankie ngayon. Halos magkadikit na rin ang mga dibdib namin at dahan-dahan namang naglalapit ang mga mukha naming dalawa. Hindi man ako direktang nakatingin sa mga mata niya ngayon ay kitang-kita ko siya na diretsong nakatingin sa akin, habang nakangiti nang bahagya.

𝅘𝅥𝅮 Baby, I didnʼt mean the things I said
I don't honestly wish you were dead
Iʼm a fool; Iʼm just a man
If I only could hold you again 𝅘𝅥𝅮

Biglang kumunot ang noo ko nang may naramdaman akong kung ano. I donʼt know exactly what is that, but I decided to look around.

Wala namang ibang nangyayari sa buong paligid, pero para bang pakiramdam ko na para bang wala na akong tinatapakang...

LUPA! NASAAN ANG LUPA?!

Napatingin ako sa baba. Wala na akong inaapakang lupa.

Lumulutang kaming dalawa ni Frankie, ilang metro na ang layo mula sa ibaba. Sa tantsa ko ay mga nasa limang metro na ang taas namin ngayon na dalawa.

Nataranta ako, at sa pagiging ganʼon ko ay muntik pa akong nahulog. Buti na lang talaga ay nahila niya agad ang katawan ko paitaas.

𝅘𝅥𝅮 And the stars fill the river
As it flows into the sky
And the mind leaves the body
And floats higher and higher 𝅘𝅥𝅮

"Mon arc-en-ciel, are you okay?" pagtatanong ni Frankie na may halong pag-aalala. Inayos ko muna ang sarili ko habang mahigpit pa rin ang kapit ko sa mga braso niya.

"Oo naman, Frankie. Medyo na-freak out lang ako—"

Natigilan ako sa pagsasalita nang mapatingin na ako kay Frankie. Ang mukha niya ay para bang wala nang bahid ng sugat o kahit na anong peklat, hindi katulad nʼong gabing iniligtas ko siya mula sa dagat. Makikita naman sa halos buong katawan niya na kuminis na rin iyon nang sobra ngayon at natatamaan na nang sinag ng buwan. Dahil sa pagtama ng liwanag sa kanya ay lumabas ang totoong kulay ng balat niya; kasingputi ng nyebe. Ang mga mata naman niya ay sobra ding nagniningning. At ang medyo nakakapagtaka lang ay katulad rin nito ang pagliwanag ng Emerald Star sa langit ngayon.

Natulala at halos napanganga ako sa itsura ni Frankie ngayon. Para ba akong nakikipagsayaw sa isang napakagandang diwata na nakatira sa ilog na bihira lang magpakita sa mga taong katulad ko.

Nanatili lang siyang nakatitig sa mga mata ko, at ganʼon rin ako. At habang patagal nang patagal ang pagtitig ko sa kanya ay nabibihag ako.

Nabibihag sa sobrang kagandahan niya.

Na katulad ng kay Louisa.

Nawala na ako sa huwisyo habang nakatingin pa rin sa kanya. Dahan-dahan ko namang inilapit ang mukha ko sa kanya, at may isang katarantaduhan akong ginawa na hindi ko man lang alam kung pagsisisihan ko bang ginawa iyon o hindi.

Hinalikan ko siya.

𝅘𝅥𝅮 If we canʼt be together
I will leave this world behind
If I canʼt touch your body
Can I touch the sky? 𝅘𝅥𝅮

Napapikit ako nang mahalikan ko na ang mga labi ni Frankie. At sa pagpikit na iyon ay may mga alaalang nanumbalik—hindi lang basta nanumbalik, nagpakita rin sa akin.

Lahat nang ʼyon ay tungkol sa aming dalawa ni Louisa. Kasama na doon ang unang araw na nagkita kami sa Muttering Trees Entertainment, ang pagtambay namin sa tabing-ilog na nasa White Forest, noong pumayag na siya na maging kami at ang unang halik na ibinigay ko sa kanya nang nga oras na ʼyon.

Pakiramdam ko ay para bang lumulutang ako sa kalangitan ngayon—well, lumulutang naman talaga kaming dalawa ni Frankie. Argh, basta... sobrang gaan ng pakiramdam ko habang inulit-ulit na pagdikitin ang mga labi at bahagyang pagbubuhol sa mga dila naming dalawa. I also felt those fucking little butterflies flying inside my stomach.

Sobra din akong nag-iinit. As in sobra.

𝅘𝅥𝅮 I will wait by the river... I will wait by the river... 𝅘𝅥𝅮

Sa pagbagal na pagtapos ng kanta ay dahan-dahan na rin kaming bumaba na dalawa mula sa pagkakalutang namin sa ere. Nang maramdaman kong may inaapakan na akong lupa ay kumalas na ako sa pagkakahawak sa mga braso ni Frankie at inilayo na ang mga labi ko sa kanya.

Pareho kaming walang imik sa isaʼt isa. Binibigyan niya lang ako ng isang matipid na ngiti, habang ako naman ay mabagal at malalim na humihinga sa bibig ko.

"F-Frankie, h-hindi ko s-sinasadyang—"

"Shhhhh, huwag ka nang magsalita," she interrupted me, pressing her left index finger in my lips. "I know that you are still confused about your feelings for me."

Sandali siyang huminto sa pagsasalita na para bang bumubuwelo pa siya. Ilang segundo lang ang makalipas ay dinugtungan na rin ni Frankie ang sasabihin pa niya sa akin.

"—And if you are confused about that thing, well... so am I to you."



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro