VICTIM 05 : E
VICTIM 05 : Emanuele
Nagtagis ang bagang ni Emanuele nang mapagtanto nyang naisahan sya ni Lady Sy.
She's giving him a headache! Mayaman ang dalaga kaya't gusto nyang nakawan ito pero hindi nya magawa.
Hindi basta bastang natitibag ang account nito! She must be something really important..
Sino ba ang babaeng ito?
Emanuele Villareal, a 16 year old boy, sa murang edad ay nakakapaghack na sya ng iba't ibang server at website para sa sariling interes. Pati bank accounts ay nagagawa nyang mahack para labanan ang gutom sa araw-araw nyang pamumuhay. Yes he's skilled. Pero ang data na gusto nyang makuha kay Lady Sy ay hindi nya makuha.
His skills were not enough..
pero hindi sya naniniwala, hindi nya tanggap. He learnt from a good teacher. Masyado lang mahigpit ang account ng babaeng nasa harapan nya, and not to mention her account was not recorded to some companies..
Nagpanggap sya bilang kliyente ni Lady Sy hindi dahil kailangan nya ng tulong. Nandito sya para magnakaw pero hindi nya nagawa.
Oo biktima rin sya ng pagmamahal pero matagal nya nang gustong ibaon 'yon sa limot. Hindi nya mahanap ang taong hinahanap nya. Palipat-lipat ng tinitirhan ang hinahanap nyang tao kaya't napagdesisyunan nya nalang na tumigil na muna pansamantala.
"I know who you are, Emanuele."
Prenteng nakaupo ang dalaga habang nakatitig sya dito.
For the first time in forever.. Ngayon lang sya nabisto ng biktima nya,
Sino ba sya sa balat ng lupa?
Papaano nya nalaman pangalan ko??
Napakayaman nya at nagawa nya pang malaman ang tunay kong pangalan..
Yari ako dito, kailangan ko na tumakas.
"Hindi ako si Emanuele, Ako si Roger. " pagbabakasakali ng binata.
Tumawa ang dalaga sa narinig.
Maganda sya oo,
Grey kulay ng mata nya, ang ganda pa ng kilay, ang Tangos ng ilong tyaka mapula na talaga ang labi nya.
Sa totoo lang? Mukha syang anghel na bumaba sa lupa..
Maayos na bumaba sa lupa.
Pero dapat hindi ako magpakampante. Kailangan kong maging ligtas.
"Emanuele Villareal.. From the private server.. I once became your teacher."
Hindi makapaniwalang napatingin si Emanuele sa dalaga, she's a white hat hacker..
At ako ay black hat..
Sya yung nagturo sa akin nuon?
Iisa lang naman ang nagturo sa akin.. At sya iyon?
Nakakahiya.
Ang mga white hat hacker ay mabuti ang ginagawa, samantalang gaya ni Emanuele ay kabaliktaran..
Isa lang naman ang nagturo sa kanya kung paano gawin ang mga bagay na sa tingin ng iba at imposible .. At nasa harapan ko na ng binata ito ngayon.
Sa pagkatatanda ng binata ay may code name si Lady Sy na S12-35, He had no idea that she's a girl.
Hindu nya alam na babae pala ang nasa likod ng lahat ng iyon.
"Woahh.." Ang tanging nasabi ng binata. Kaya pala hindi ko makuha ang information sa account nya. Dahil isa syang sobrang malupet na nilalang at ako ay isang malupet lamang.
"Listen up, kid. I can help you find your parents. Hindi ba iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ka naging hacker?"
Tanong ni Lady Sy na sya namang ikinaasim ng pagmumukha ng binatilyo.
"Itinakwil nila ako, Ano pang saysay ng paghahanap sa kanila kung ako mismo ay ayaw nilang hanapin? Mas maganda nang ganito.. Yung parang wala silang anak. Yung parang wala ako. "
Lady Sy leaned on her chair. Ayaw nya sa lahat ay ang ganito.
"Kaya ginagamit mo ang natutunan mo sa akin para magnakaw ng perang hindi mo pinaghirapan?"
The boy just stayed silent. Nahihiya sya sa harapan ni Lady Sy.
He can't look at her, kinakain sya ng kahihiyan.
"wala na yon sayo, labas ka na doon Lady Sy."
That's his way of living..
At hindi na napigilan ni Celine na paikutin ang mata nya, this kid is frustrating her.. She really needs to do something even if he's not her client.
"Sasamahan kitang hanapin ang magulang mo. Bata ka pa, Sa edad mo gumagawa ka ng illegal. Hindi ako papayag."
Napatingin si Emanuele sa dalaga. Ano ba ang pakialam nito at bakit gustong gusto nyang magkaroon ako ng magulang? Nabisto nya na ako pero bakit nya pa rin ako tutulungan?
Hindi ko gets.
"di ko ho kailangan ng tulong nyo. Kaya ko na ang mag-isa"
Nagdilim ang mukha ni Lady Sy na syang ikinatakot ng binata. May nasabi ba akong masama?
Hindi ko lang gets kung bakit nya pa rin ako tutulungan..
Di naman ako karapat-dapat.
Sa bait nyang 'yan?
Sa kakupalan kong 'to?
Lugi sya.
"May mga bagay na gusto kong maranasan na hindi ko na mararanasan pang muli. Kaya nga tutulungan kita, may pag-asa ka pang sumaya. Binibigyan kita ng pagkakataon para maranasan ang mga bagay na sa tingin ko ay magmamarka sayo "
He just stared at her with confusion.
Hindi ba sya ordinaryo?
NAKAUPO si Emanuele at Celine sa passenger's seat habang nasa driver's seat naman si Thorn na nagmamaneho. Ang tanging dala lang ni Lady Sy ay ang kanyang baril na nakatago sa kanyang hita na natatakpan ng tela ng kanyang palda, at isang cellphone na customized.
"You're gonna hack that f*#king server with a phone?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Thorn sa dalaga habang nakatingin ito sa rearview mirror ng sasakyan.
"Language, Thorn. May bata. And yes, I'll do it with my phone. "
Nakadekwatrong nakaupo si Lady Sy sa loob ng sasakyan habang nagta-type sa kanyang cellphone habang si Emanuele naman ay tahimik lang sa tabi Celine.
"Binggo" bulong ng dalaga sa sarili nang makapasok sya sa server at may lumitaw na sattelite image sa kanyang phone screen.
"Found them!" May katiting na saya ang dalaga nang binanggit nya ang mga katagang iyon, pero napansin nya si Emanuele na nakayuko, tila ba'y malalim ang iniisip. She needs to talk to that kid.
Agad inutusan ni Celine si Thorn upang magmaneho papunta sa nahanap nyang lugar, at pagtapos non ay humarap sya kay Emanuele upang kausapin ito. It pains her seeing someone being misguided, sad and lonely.
Kahit na maikukumpara sa yelo ang puso ni Celine ay hindi pa rin mawawala sa kanya ang dating Celine na nakakaramdam ng pag-aalala.
"Hey.. Are you okay?" Tanong nya kay Emanuele na nag-angat ng mukha nang marinig ang boses nito. She saw him Smiled at her but she knew that it isn't real.
She knew that kind of smile too well.
"Syempre, Ako pa." Halata sa mukha ni Emanuele na napipilitan lang syang ngumiti. Alam na alam ito ni Lady Sy marahil ay ilang beses nya na itong nagawa.
NAGTAGAL ang kanilang biyahe at inabot sila ng ilang oras, finally, they've reach their destination. Nakarating sila sa isang maliit na bayan sa probinsyang Cavite.
Maraming pasikot-sikot ang kanilang tinahak hangang sa makarating sila sa isang kalye na napakaraming pinagkakaabalahan.
" That house, Emanuele. Nandoon ang magulang mo. Dito lang kami ni Kuya Thorn mo.. Go ahead.."
Ngumiti nang tipid ang dalaga kay Emanuele at nag-umpisa na nga itong lumabas sa sasakyan.
Hindi na sinamahan ni Celine ang batang si Emanuele marahil ay nag-iingat ito. She never walked publicly. Nang sa ganon ay walang makakapagturo sa kanya kung sakali mang malaman ni Sinclair na nabuhay sya.. Na nailigtas sya ng lalaking si Thorn.
"What's with the look?" Tanong ni Celine nang mapansin nyang nakangisi si Thorn na parang aso.
"Don't flirt with me, Mr.Thorn Amadeus . It won't work." dugtong nito.
Hindi sya tanga para hindi mapagtanto kung anong ikinangingisi ng binata.
"Bakit kapag ikaw ang bumabanggit sa pangalan ko ay parang dinadala ako sa kalangitan?"
Lady Sy chuckled fakely. Lalo syang humaharot habang tumatagal.
"Kapag ipinagpatuloy mo 'yang kaharutan mo? sa impyerno ka tutuloy." Then she smiled.
D*mn that smile. It's melting him.
Alam ng binata na hindi madadala sa biro si Celine kaya hindi nya na ipinagpilitan ang sinasabi nyang kalangitan.
"But you're still single right?" tanong ng binata sa dalaga.
"maybe."
"Great, I can't flirt with you.. So can I court you?"
"No."
Parang ganoon rin naman 'yon. Proper lang ang panliligaw at ang panlalandi ay di maunawaan.
"Okay.. But I won't stop." He's consistent. But also, he's confused. Hindi nya alam kung ano ang nararamdaman nya para sa dalaga, ang alam nya lang ay ayaw nyang mawala ito o mapahamak man.
Nababaliw na siguro ako
Thorn said to his mind.
"Whatever, Thorn Amadeus ." Mataray na tugon ni Celine pero hindi iyon pinansin ni Thorn.
"There! You've said it again! It sounds beautiful.."
It is final.
Thorn is certified being crazy.
BUMABA sa sasakyan si Emanuele, this is it, makikita nya na ang magulang nya.. Ano kayang sasabihin nila?
Makikilala kaya nila ako?
Papaalisin ba nila ako?
Tatanggapin ba nila ako?
" Kalma, kumalma ka Eman.. Kaya mo 'to.."
Nagtungo ang binata sa isang eskinita kung saan nasa dulo nito ang bahay ng kanyang magulang.
Kinakabahan sya.
Sa bawat hakbang na ginagawa nya ay parang gusto nya nalang lamunin sya ng lupa.
Bakit ba nila ako pinamigay?
Hindi ba nila ako mahal?
Nang makarating si Emanuele sa bahay ay natanaw nya sa bintana ang kanyang pamilya na masayang nagdiriwang ng kaarawan ng hindi nya kilalang lalaki, kapatid nya.
Ni kahit kailan ay hindi ko naranasang mag celebrate ng birthday..
Wala akong pamilya.
They look so.. Happy.. Parang walang kulang sa kanila?
Parang walang mali?
Huminga nang malalim si Emanuele at lumapit sa bahay.
"T-Tao po.." katok nya sa pintuan. Ilang segundo ang lumipas ay bumungad ang kanyang ama sa pintuan. Alam nyang sya ang tatay nya dahil ganoong mukha ang nakita nya noong mga panahong natuto na syang pumasok sa server na ninoman ay hindi basta-bastang magagawa.
"Ano 'yon? Bakit?" Kasabay ng tanong ng matandang lalaki ang pagsulpot ng isang ginang. Ang nanay ko.
Ang magulang ko.. Nasa harapan ko na sila..
"S-survey lang po.. Ilan po kayo sa iisang bahay? Kasama na ho ang nawala o namatay.. O umalis..pinaalis.." hindi masabi ni Emanuele sya yung anak nilang ipinamigay nila. Naduduwag sya.
"Tatlo lang kami dito hijo, ako, ang asawa at ang anak ko, kami lang, bakit? Para saan ang survey?"
Nadurog ang puso ni Emanuele sa narinig. Hindi sya kontento sa narinig.
"Sigurado ho ba kayo? Baka naman ho may nawawala kayong anak? "
"Tatlo lang talaga kami.. Bakit ba? Para saan ba 'yan?"
Tanong ng ginang.
"Huling tanong nalang ho.. Ilang beses ho nanganak ang misis nyo..? Wag nyo ho sanang masamain ang tanong.. Kailangan lang ho talaga sa s-survey.."
"Isa lang.. Hindi mo kami sinasagot hijo, para saan ang survey?"
"Survey po para ho sa populasyon ng Pilipinas sa nagdaang isang dekada.. S-salamat ho.."
At umalis na si Emanuele sa harap ng mag-asawa.
They just denied my existence.
Sa data na nakalap nya at dalawang beses nanganak ang mama nya..
Harap-harapan silang nagsinungaling nang paulit-ulit sa akin.
T*ngina.
Walang maramdaman ang binatilyo na kahit ano, walang sakit, walang emosyon, wala.
Ang tanging nasa isip nya na lamang ay ang umalis sa lugar na iyon, na magpakalayo at manatiling tago sa maraming tao.
Wala na syang pakialam.
Ayaw nya na sa lugar na iyon.
Masyado syang nasasaktan.
Akala ng binata ay matapang sya, na kaya nyang humarap sa magulang nya sa pagkakataong mahanap nya ito pero nagkakamali sya.
"WHAT happened?" Tanong ni Lady Sy sa kasasakay lang na si Emanuele.
He can't help but to shred tears.
He spent his childhood learning how to hack so that he can easily find his parents.. Pero ngayong nahanap nya na? Ay parang nawalan na sya ng saysay sa mundo.
Alam nya na ipinamigay sya ng magulang nito
Pero hindi nya alam na ginusto pala talaga nila na mawala ito.
"H-hey.. It's okay.. Umiyak ka lang.."
Niyakap ni Lady Sy si Emanuele at tinapik-tapik ang likod nito. Malamig man ang boses ng dalaga, hindi mapagkakaila na merong emosyon ang bawat salita nito.
Nakikita ni Celine ang kanyang sarili kay Emanuele.
Alone and hopeless.
Pero sa kabilang banda ay may nagseselos. It's Thorn, hiling nito na sana sya ay niyayakap rin ni Celine.
F*ck it.
"Kinalimutan na nila ako.. Pasensya na sa abala.. Mukhang di matutupad yung gusto mo.." Panimula ni Emanuele nang bumitaw sya sa pagkakayakap ni Lady Sy.
"Pasensya na talaga.." dugtong pa nito.
"Where are you going?" Tanong ni Lady Sy kay Emanuele nang akma nitong bubuksan ulit ang pintuan.
"Aalis, magpapakalayo.. Inaksaya ko lang oras nyo.."
Nagumpisang mamuo ang sakit sa puso si Lady Sy.
Hindi nya kayang tignan ang bata na umiiyak.
It's making her remember her past as well.
Sa pagkakataong iyon ay napagtanto ni Celine na may kailangan syang gawin.
"Don't leave, Emanuele." she said with a hint of authority.
Takang lumingon ang lalaki kay Celine. He's confused alright.
Hindi nya alam kung bakit ayaw ng dalaga na umalis ito.
"Hindi na ako magnanakaw.. Gagamitin ko yung tinuro mo sa akin sa maayos na paraan.. Wag nyo po akong ibigay sa ——" naputol ang sasabihin ni Emanuele nang magsalita si Lady Sy.
"Who said that I'll give you away? From now on, I'll be your guardian . I'll take care of you Emanuele. "
At hindi na napigilan ni Emanuele na mapayakap ulit sa dalaga. Sobrang saya nya.
Kahit na binata na sya ay sweet pa rin ito. Ito ang unang beses na may matatawag syang pamilya. Ito ang unang beses na magkakaroon sya ng..
" Ate.."
***
" Ako ano mo na ako?"
tanong ni Thorn.
"Shut up, Thorn. Puputulin ko na talaga ang dila mo."
"Just kidding Mi Amor"
for the first time in her life, she was able to form a small, but sincere smile.
(A/N: May kapatid na si Celine, ano Thorn? Hahaha! Galaw-galaw!
I'm open for name suggestions as usual, don't forget to vote! Have a nice day)
Ps. It's really possible for you to adopt someone as your younger sibling.
It needs papers and stuff, but she's Lady Sy.. She can do a lot of stuff to make it possible 🙊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro