Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

VICTIM 02 : B



VICTIM 02 : Beatrice




"Mabuhay ang bagong kasal!" Sigaw ng isang babae.

Bago ko ipagpatuloy ang nangyari sa kasalan, mag-umpisa muna tayo sa umpisa.

Ako si Beatrice Privada, isang normal na babae na may simpleng pangarap.

Nakilala ko si Daniel sa isang Library noong kami ay High School palang, kasama ko noon ang kaibigan kong si Patricia, napagalitan kasi kami kaya't inutusan kaming ayusin ang mga libro sa dalawang bookshelf.

That day was very tiring, I admit.
Pero noong nakita ko si Daniel? Yung pagod ko nawala.

Crush ko kasi si Daniel bata palang, kapitbahay namin sya at lagi ko syang nakikitang nagbabasket-ball kasi tapat ng bahay namin ay isang baranggay court.

Iyon ang dahilan kung bakit.. Naging tambay ako sa labas..

Nabanggit ko kanina na simple lang ang pangarap ko, iyon ay ang magkaroon ng marangyang trabaho.. Magkapamilya at mabuhay sa isang simpleng bahay.

"Ano bang napapala mo sa katatambay mo dyan sa labas ha? Bea tigil-tigilan mo nga ako! Kaya walang nagkakagusto sa'yo e!" ratrat ni Mama.
Nagagalit sya kasi panay labas daw ako kaya ako umiitim.
There's nothing wrong with it, I love myself just the way I am.

"Ma, maganda na nga yung maging pangit ako e, para kapag may nagkagusto sa akin, alam ko na hindi 'yon sa hitsura bumabase.. Na..tunay ang pagmamahal nya.. Sincere ba ma.. "
Paliwanag ko.

Hindi alam ni Mama na may crush ako kay Daniel.
E kasi naman, ang Mama ni Daniel ay kaaway ni Mama.
Kung sa binggo pa nga lang ay akalain mong may nagsasabong..
Paano pa kaya kapag nalaman nyang may gusto ako sa anak ng kanyang mortal enemy?

It'll be a disaster if ever..

Nang tumuntong ako sa kolehiyo ay napilitan akong umalis sa bahay, nag-dorm ako kasi napakalayo ng bahay namin sa school na pinapasukan ko, tapos si kupido? Ayon! Pinagtagpo ulit kami ni Daniel.

Hayy, ang pakiramdam ko ay maikukumpara sa nanalo sa loto, Just by imagining myself with him?
Shockss!!
Di bagay sa akin kiligin!

Biology ang kinuha ko, balak kong maging forensic pathologist kung sakali.
Weird huh?

One time I attempted to talk to him..
Sadly.. Hindi ako kilala ni Daniel.
Oo. Hindi nya ako kilala!
"Do I know you?" Sabi nya sa akin.
Dapat ba ay sumayaw pa ako ng macarena sa harapan nya para maalala nya ako?
No, may dignidad pa naman ako.

Sa tagal tagal kong naging kapit-bahay nya ay hindi nya ako kilala?
Great.

I will introduce myself then.
di ako sumuko.
Sa tagal naming magkapitbahay.. Hindi nya talaga ako kilala?
As in?
Hindi ako makaget-over lintek

O sadyang hindi lang ako kapansin-pansin?
Kasi ang pangit ko sa kanyang paningin?
Wait, ni minsan ba ay tinapunan nya ako ng tingin?
Palagay ko, hindi.

Gaya nga ng sabi ko ay hindi ako sumuko, sabi ko sa sarili ko na ang mukha ko ay tatatak sa utak nya.
To the point na hindi nya ako makakalimutan...
Kaya nag-umpisa akong mas lumapit lalo sa kanya.

Ang unang ganap ay sa canteen.
Para tuwing kakain sya ay maaalala nya ako.
Ibang kain ata nasa isip mo?

Kumakain sya mag-isa noon habang nagse-cellphone. Hindi ako nagpaalam at bigla nalang akong umupo sa bakanteng upuan, sa tabi nya. Okay ako na ang maharot, oo na.

Hindi nya ako pinansin nung una pero nang maamoy nya ang adobong niluto ko ay napalingon sya.
Alam kong paborito nya ang adobo, kapitbahay ko nga kasi sya..
I am not a stalker, that would be creepy.
Medyo chismosa lang ako slight.

So ayon nga, lumingon sya tapos nakatitig sya sa akin———este sa ulam ko.
Kaya ayon, nag offer ako sa kanya kung gusto nya ba.
Noong nakita nya yung mukha ko, bigla syang tumanggi. Bastos na nilalang kung ako ang tatanungin.

Pero nga dahil crush ko sya ay magiging mabait ako sa kanya.

Kaya walang sabi-sabi kong nilapag ang Tupperware sa tapat nya at sinabi kong "Eat well" at umalis nalang ako bigla..

Syempre hinanap nya ako hihi..
At nasa malayo na akong naka tanaw..
Nang tinikman nya ang adobo ko ay ginanahan sya kaya't kumain pa sya..
Masarap nga kasi ang luto ko.

Kinabukasan noon ay wala akong pasok. Kaya't pinayagan ko si mama na dumalaw sa dorm na tinutuluyan ko. At bigla nya akong tinanong...
"Nasaan ang Tupperware na pinagamit ko sayo, anak?"
At doon ay nabulabog ang buong sistema ko..
Ang Tupperware na hinahanap nya ay nasa crush ko..
Na anak ng kaaway ni Mama sa binggo.

Syempre napaiyak ako bigla.
Tinanong pa ako ni mama kung bakit daw ako umiiyak, sabi ko nalang naiwan ko sa school..

At nagumpisa nanamang mag-rap si mama.
Na mention ko na ba na bagay sila ng papa ko?
Marunong kasi magbeatbox si papa, tapos si mama naman yung rapper.
Perfect.

Ang totoo nyan..
Sinasadya ko naman kasi talagang iwan yung Tupperware para hanapin ako ni Daniel.. Para habulin nya ako.. Hihihi!

Pangalawang ganap ay sa classroom nila. Para di nya ako makalimutan ulit..
Gumawa ako ng eksena.
Kumbaga lalabas sya sa classroom nila tapos pagkalabas nya.. Boom!
Maghabanggaan kami tapos mahuhulog notebooks ko tapos titingin sya sa akin tapos maalala nya yung Tupperware na naiwan ko!

Iyon ang plano.

So one week later, inabangan ko talaga sya sa classroom nila.. As usual ay nakatutok sya sa cellphone nya. Tapos ayon na nga nabangga nya ako..

Nagsilaglagan notebooks ko..

Tapos di nya ako pinansin!

Walang tumulong sa akin..

Ganito ba talaga kapag pangit?




Lumipas ang taon ay nakapagtapos na ako ng kolehiyo. Agad akong kumuha ng trabaho para makatulong kay mama, tapos nagtagpo ulit kami ni Daniel.

This time? He remembers me.
"Ikaw yung sa adobo hindi ba?" tanong nya sa akin noon.
Then.. He asked me for a date.

I refused syempre. Oo tumanggi ako! Hahaha!
Sabi ko next time nalang, tapos binigay nya ang number nya sa akin, at mula noon ay naging magtextmate kami..
At dumalas ang pagdedate namin.

24 yrs old ako, naging kami.
At si Daniel naman ay 26.

Ngayon nasa tapat ako ng isang gusali kung saan narinig ko ang pangalang Lady Sy. na nagooffer ng tulong para sa mga taong naging biktima ng pag-ibig.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ako nandito.

Pumasok ako sa loob ng gusali at nagtungo sa pribadong opisina ng Lady Sy na 'yon. Hindi na ako nag sayang pa ng panahon at nagsalita na kaagad.

"Pagandahin mo ako"
At ngumiti lang si Lady Sy sa akin.
Wala nang stranger stranger.

Noong una kong nasilayan yung mukha nya noong umikot yung swivel chair nya.. Medyo umatras yung confidence ko..
Para syang anghel.. Na maayos na nakalapag sa lupa..

"Have a seat.. Beatrice"
Nagtaka ako dahil alam nya ang pangalan ko, sigurado kasi akong ito ang unang beses ng pagkikita namin..
Is she a freakin' stalker?!

She has long straight hair, makukumpara rin sya sa isang high paid na model..
Ang ganda nya..
Nahihiya akong kausapin sya sa hitsura kong 'to..

"Hmm.. Beatrice Privada.. 29 years old..——" She paused.

"——Interesting."
May binigay syang Card sa akin, may sinabi rin sya sa akin na mga katagang ninuman ay walang nakapagsabi.

Gaya ng gusto ko ay pumunta ako sa isang beauty salon at sa isang spa..
Kailangan kong maghanda para sa nalalapit na kasal.

Pumunta rin ako sa isang boutique na personal choice ni Lady Sy at doon nakatanggap ako ng magagarang damit na sa palabas ko lang nakikita. Larrah is a nice stylist. Wala syang arte.
Lady Sy helped me to have a complete makeover for free.

Kinausap nya muna ako dahil ang sabi nya wag daw dapat padalos-dalos. Pero buo na ang desisyon ko.

Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit libre.. Hindi ba sya nalulugi sa buhay?

Balik tayo,
And I must say.. Hindi ko na kilala ang sarili ko..

Maraming nabago sa loob ng isang linggo, maski ang sarili kong Ina ay hindi ako nakilala sa pagbabago ng hitsura ko..

Nabanggit ko sa simula ang tungkol sa kasal.
Now we can continue.

"I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride."
Masayang naghalikan ang bagong kasal na magkasintahan.

They're smiling happily, waving at their guests, telling them that "We're married"

Napuno ng hiyawan ang simbahan, pagtapos noon ay nagtungo sila sa isang venue para mag celebrate, kung saan nakatayo ang isang white screen upang makita ang mga litratong inilalarawan ng isang projector.

The couple was smiling so happily.. Sa bawat litratong ipinapalabas ay naaalala nila ang una nilang pagkikita.
Sa Library noong sila ay high school pa lamang.

Paano nagkaroon ng litrato ang magkasintahang iyon noong una nilang pagkikita? Hindi ba't hindi kilala ni Daniel si Beatrice noon?

"Mabuhay ang bagong kasal!" Sigaw ni Beatrice sa magkasintahan na syang dahilan ng pagtataka nilang lahat.

The music stopped as she enters the Venue. A walking goddess if you ask.

"Sino ka?" The bride asked. It was Patricia. Her best friend.

"Oh? Hindi ba ako invited? Nakalimutan nyo na ba akong lahat? Lahat ng kabatchmate natin ininvite nyo maliban sa akin?
Why? Are you guys afraid that I might spit some of your dirty secrets?——"
Beatrice smiled at them.

"—What's with your faces? Huwag kayong mag-alala, nandito ako para magpasa sa inyo ng blessings..
That's the meaning of my name.. Beatrice,bringer of blessings."
She winked at them.

Five years na silang magkasintahan ni Daniel.
Only to find out that he was engaged to someone else.

A video of Beatrice and Daniel starts playing. A video which clearly shows the happy relationship of Beatrice and Daniel.
Masaya silang magkasama habang nasa ferris wheel.
At sa mukha ni Patricia? Hindi nya alam na may AKO habang may SILA.

The bride ran away of course.
Ngayon ay alam na ni Patricia na bakulaw si Daniel.
I just saved her future!

Isn't that a blessing?

Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Lady Sy.


"You're already beautiful and brave enough to face this, but if you really want to do this, you have my support my dear"











(A/N: Celine is next)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro