Kapitulo - XXXVII
SA pagtungtong ng alas-syete ng gabi, lahat ng mga hayop sa paligid ay tila napaamo sa bagong sibol ng buwan. Nagsipasukan ang mga ito sa mga sariling lungga at walang anong huni ang maririnig.
Ang mga mamamayan ng San Fernando ay nabahala sa naging kalagayan ng buwan. Ang iba'y hinigpitan ang pagkandado at pagsara sa kanilang mga pintuan, ang iba naman ay pinili na tingnan sa kauna-unahang pagkakataon ang buwan na ngayon ay unti-unting binabalot ng kadiliman.
Sa kabilang dako, ang matandang si Himala ay nakatingala sa kalangitan, "Masamang pangitain" Pakli niya.
"Bakit po, lolo?" Tanong ni Julian.
"Mabuti pa ay pumasok na lang tayo." Pag-iiba ni Himala, pero sa kaniyang kaloob-looban ay may hindi tama sa mangyayari.
SAMANTALA, napaharap si Marco sa isang salamin at pinagmasdan niya ang sarili. Kalahati sa kaniyang kaliwang busilig ng mata ay unti-unting ginagapangan ng mapupulang maliit na ugat. Lubhang napakainit ng kaniyang katawan at gusto niyang magwala.
"H-hindi..." Tanging nasambit ng binata. Nakakaramdam siya ng sakit sa kaniyang mga kasukasuan at ibang parte ng katawan. Gusto niyang isuka lahat ng kaniyang kinain sa hapunan. Tagaktak ang kaniyang pawis at sumisingaw ang init sa kaniyang mga mata.
Napalingon siya nang may kumatok sa kaniyang pintuan.
"Kuya?" Boses ni Dolorosa sa labas ng silid.
"D-dolor! Huwag ka na lang pum-" Biglang napahawak si Marco sa kaniyang ulo at halos mapaluhod sa sakit na natatamasa. Kakaiba ang kaniyang nararamdaman sapagkat hindi ganito ka sakit mag palit ng anyo magmula noong naging hibrido siya.
Si Dolorosa na nasa labas ay napakunot-noo at nagkaroon ng pagkabahala sa kaniyang kalooban, "B-bakit, kuya? Nais mo bang tawagin ko sila ama?"
"H-huwag! Por favor, Dolor..." Nahihirapang saad ni Marco. Agad niyang tinulak ang malaking tukador sa pintuan kahit alam niyang hindi naman uubra iyon kung sakaling pumasok ang ama.
Hindi mapakali si Dolorosa at nais puntahan ang ama na nasa labas na ngayon at pinupulong ang mga cambiaformas.
BINUKLAT ni Liyong ang pulang libro na nanggaling sa mga prayle noon. Sinigurado niyang nakasara nang mahigpit ang pintuan. Gusto niyang alamin kung paano maging isang ganap na bampira ang isang tao para mapaghandaan niya ang pagpapanggap.
Kanina, noong nag-uusap sila ng kaniyang ama ay tumango lamang siya sa nais mangyari. Ayaw niyang maghinala ito sa kaniya kung kaya ay sasakyan niya lahat ng mga pagpapasya nito.
Napunta siya sa isang pahina na kung saan nakasulat sa wikang espanyol at sa kaniyang pagkakaintindi ay kapag sumapit ang kauna-unahang duyog ay magkakaroon ng nag-iisang alay para sumunod sa trono ng haring bampira. Kung likas na malakas na ang iaalay o may kakayahan na kakaiba na ay mas pabor dahil ito ang siyang magpapatuloy sa henerasyon at maging tagapangalaga ng pulang hiyas.
Kapag sasapit na ang hatinggabi sa huling araw ng duyog, sa isang parihabang semento, hihiga ang alay na nakasuot ng isang mataas na damit na kulay pula. Papalibutan ito ng labing-tatlong bampira, kapag nabalutan na ng kadiliman ang buwan ay sabay-sabay nilang kakagatin ang alay sa pulso, leeg, at hita.
Ang tatagas na dugo mula sa alay ay siyang isasalin sa isang kupita at itatapat sa buwan upang doon sa mismong dugo tatama ang repleksyon at pagkatapos ay iinumin ng mga ito ang dugo ng alay.
Nanghilakbot si Liyong sa nabasa, titig na titig siya sa bawat salitang nakalapat sa pahina. Pagkatapos ay inilipat niya muli ang isa pang pahina. Nang malipat ito ay napukaw ang kaniyang atensyon sa isang larawan ng taong-lobo. Binasa niya ang nakasaad doon.
Matapos basahin ng binata ay agad siyang napatayo mula sa kinauupuan. Tiyempo naman na narinig niya ang alulong ng iilang taong-lobo. Napatingin siya sa orasan, tumatama na ang oras sa alas dyis y media. Napakunot-noo siya sapagkat mukhang bumibilis ang pagtakbo ng oras.
"Nais kong puntahan muli si Dolorosa," Saad niya sa sarili, "Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyaring hindi maganda sa kaniya." Pagkatapos ay isinuot niya ang sombrero sa ulo.
Lumapit siya sa bintana at akmang tatalon na sana ngunit may nahagip siya sa gilid ng kaniyang mga mata.
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang dalagang si Olimpia na ginagahasa ng isang bampirang binata sa gawing masukal na bahagi ng hardin, "Hoy! Putangina mo!" Singhal niya at agad siyang napatalon sa bintana.
Napalingon ang binatang bampira at agad na nilubayan si Olimpia ngunit huli na ang lahat na siya'y makatakas nang bigla siyang bumulagta sa lupa.
Ang kawawang si Olimpia ay napayakap sa sarili habang humahagulhol sa iyak.
Pinaulanan ng suntok ni Liyong ang binata, "Walang hiya! Hindi kita bubuhayin! Putangina mo!" Nanggigil na usal niya rito.
"Tama na po, kuya Liyong!" Saad ni Olimpia, hindi na magkamayaw ang kaniyang mga luha, "Itakas mo na lamang ako, pakiusap"
Natigil si Liyong sa ginagawa, halos basag na ang bungo ng binatang bampira. Napatingin siya kay Olimpia at marahang tumango, "Pero, paano?"
"Iwan mo lang ako sa talipapa" Saad ni Olimpia na tila nawawalan na ng pag-asa, "Patapon na rin ang buhay ko, Kuya Liyong"
"H-hindi. Mas mainam na mamalagi ka muna sa aking silid. Masyadong delikado ngayon. Por favor, Olimpia. Ayaw ko rin na mapahamak ka, para na rin kitang nakakabatang kapatid" Litanya ni Liyong sa dalaga. "Pinapangako kong itatakas kita sa mala-impyernong lugar na ito. Ipapangako mo rin sa akin na hindi ka aalis ngayon"
Kitang-kita ni Olimpia ang senseridad sa mga mata ni Liyong. Wala siya sa sariling napatango, "S-sige po, kuya Liyong"
Pagkatapos ay dahan-dahan na tinulungan ni Liyong ang dalaga na makaakyat sa bintana.
Tanaw ni Olimpia si Liyong na tumatakas muli. Napapikit siya nang mariin at may mga butil ng luha ang nahulog sa kaniyang mga mata. Ilang beses na rin siyang nagahasa ng ibang bampira noong una pa lamang niya na naging isang alalay kung kaya ay hindi na ito magiging bago sa kaniya. Nais niyang wakasan ang sariling buhay ngunit nang dumating si Liyong na tinuturing na niyang isang nakakatandang kapatid ay nagkaroon ng pag-asa ang kaniyang masalimuot na buhay.
"AMA, s-si kuya Marco" Hindi mapakaling saad ni Dolorosa nang makalabas sa tahanan.
Nahinto ang pagsasalita ng don nang makita ang anak na nababalisa, "Bakit?"
Nagtaka rin si Agustin at Oliver sa kinikilos ng bunsong kapatid.
Magsasalita na sana si Dolorosa pero biglang nagkaroon ng malaking kalabog mula sa itaas na bahagi ng mansyon. Napatingala ang lahat at kahit na si Doña Araceli at Adrian ay napalabas ng bahay.
Kitang-kita nila ang napakalaking halimaw sa itaas ng bubong.
"S-si kuya Marco!" Bulalas ni Adrian.
Hindi makapaniwala si Don Xavier sa nakita. Hindi niya akalain na doble ang laki ni Marco at hindi niya maatim ang bagong anyo nito na tila isang diablo.
Lumundag si Marco patungo sa kanila. Umaangil ito nang makalapat sa lupa. Naglalaway at matalim ang kaniyang tingin na tila hindi na kilala ang mga kaharap.
"Kuya Marco! K-kilala mo ba kami?" Kinakabahang tanong ni Dolorosa.
Walang anong ginawang kilos si Don Xavier at nanatiling nakatingin sa anak at inoobserbahan ang magiging kilos nito.
"Xavier!" Halos panawan ng ulirat si Doña Araceli nang makita na dinambahan ni Marco si Oliver.
Nanlaki ang mga mata ni Dolorosa sa pangyayari. Biglang nagkagulo ang lahat at hindi na magkamayaw ang mga cambiaformas na pigilan ang panggugulo ni Marco.
"Ama!" Sigaw ni Dolorosa, kitang-kita niya kung paano ito nabahiran ng kalmot sa kaliwang braso. Kahit na nakapagpalit ng anyo ang ama niya ay hindi ito nakatakas sa kapahamakan.
Hindi niya na rin alam kung saan ang mga kapatid at ina dahil napakabilis ng pangyayari. Sinubukan niyang magpalit ng anyo pero may biglang humila sa kaniya upang ilayo siya sa kaguluhan.
"Liyong?!"
Walang naitugon si Liyong sa sinambit ni Dolorosa. Nais niyang iligtas ang babaeng mahal niya sa kapahamakan. Hinila niya ito patungo sa madilim na kakahuyan.
"B-bakit, Liyong? Nagkakagulo na! Nais kong tumulong!" Pagpupumiglas pa ni Dolorosa sa binata, "Hayaan mo ako, kaya ko naman ang sarili ko!"
"H-hindi! Mahina ka ngayon! Hindi uubra ang lakas mo kapag may duyog!" Ani Liyong, mahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa kamay ng dalaga.
Nahinto sa pagpupumiglas si Dolorosa, "W-wala na akong pakialam" Naiiyak na sambit niya.
"Dolor, por favor! Ayaw kong mapahamak ka--" Nahinto si Liyong sa sasabihin nang makita sa kabilang bahagi ng gubat ang mga bampira na nakasuot ng mga maiitim na talukbong, "Sumasalakay na sila!" Bulalas niya.
Napatingin si Dolorosa sa gawi ng kagubatan kung saan nakatingin din si Liyong, "Ano na ba ang nangyayari?! Hindi pwede 'to, Liyong, h-hindi pwedeng tingnan ko na lamang sila ama na nahihirapan sa pakikipaglaban!" Nababahala niyang litanya, buong pwersa niyang binawi ang kamay.
Nakaramdam ng pagkainis si Liyong at patakbong sinundan ang nakawalang si Dolorosa.
Pilit na iniiba ng dalaga ang kaanyuan pero hindi niya kaya at iyon ang di niya maintindihan. Napahinto siya sa pagtakbo at tiningnan ang mga kamay at braso na hindi man lang nababakasan ng pagbabago, "H-hindi! Hindi pwede 'to!"
Napapikit si Liyong at inabot ang hininga, muli ay inimulat niya ang mata "Makinig ka sa akin, hindi mo pwedeng makita ang buong kadiliman ng buwan, Dolor. Hihigupin ang iyong kapangyarihan at maaaring mawala sa iyo ang pagiging taong-lobo!"
Batay sa nabasa ni Liyong sa pulang libro, ang kauna-unahang babaeng anak ng pinuno ng mga taong-lobo ay lubhang hihina kapag sasapit ang duyog o ang buwan ng kadiliman. Kukunin ng bampira ang pagkakataon na ito'y paslangin. Noong hindi pa man nawawala ang kakayahan ng mga bampira na makabasa sa hinaharap ay nakita na nila na ang tatapos ng kanilang lahi ay ang babaeng anak ng pinuno ng taong-lobo.
"Ano?" Hindi maintindihan ni Dolorosa ang pinagsasabi ni Liyong sa kaniya, "Saan mo naman iyan nakuha?"
"Sa pulang libro ng mga prayle," Diretsong saad ni Liyong sa dalaga, "Kung kaya ay maghahanap tayo ng masisilungan. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili na mapahamak ka" Sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Dolorosa, muli ay hinawakan niya ang kamay nito.
Walang nagawa si Dolorosa at nagdadalawang-isip man na sumama kay Liyong ay hinayaan niya na lamang na ihakbang ang mga paa.
Ngunit nang tumakbo na ang dalawa papalayo sa balwarte ay hinarang sila ng mga bampira, isa na roon si Emilia na matalim ang tingin sa binata.
Napamura si Liyong sa isipan. Hinarangan niya si Dolorosa para hindi ito masaktan ng mga bampira, "Sige! Subukan niyo!"
"Sabi ko na nga ba, Leopoldo! May ugnayan ka sa dalagang iyan!" Galit na saad ni Emilia, "Ano na lang kaya ang masasabi ng iyong ama?"
"Wala na akong pakialam" Matigas na turan ni Liyong sa tiyahin.
Matalim na napatingin si Dolorosa sa dating maestra, nais niyang sugurin ito pero pinigilan siya ni Liyong.
"Ano sa pakiramdam ang walang lakas, Dolor?" Nakakalokong tanong ni Emilia sa dalaga.
Biglang kumulo ang dugo ni Liyong sa narinig, agad niyang pinaliyab ang isang kamay para takutin ang mga ito.
Nang magkaroon ng liwanag na nanggagaling sa apoy ay agad na hinila ng binata ang katabing baging. Niyakap niya si Dolorosa at buong pwersa niyang hinawakan ang baging at tila dinuduyan sila sa ere para lang makalayo sa mga bampira.
Agad na na bumitaw si Liyong sa baging at agad na niyakap si Dolorosa na ngayon ay nagsisigaw sa maaring sapitin. Tinakpan ng binata ang ulo ni Dolorosa at sinisigurado niyang hindi ito mapupuruhan kapag sila'y bumagsak sa lupa. Kahit siya ang masaktan o masugatan, huwag lang ang sinisinta.
Gumulong silang dalawa na magkayakap. Nang mapansin ng binata na nasa patag na sila ay kaniyang tiningnan si Dolorosa na nakapikit, "Ayos ka lang ba, kamahalan?"
Inimulat ni Dolorosa ang mga mata, kitang-kita niya ang maamong mukha ng binata na sobrang lapit sa kaniya. Napatango siya, pagkatapos ay tinulungan siya nito para makatayo.
Pero akmang maglalakad na sana silang dalawa nang makarinig na naman sila ng pag-angil mula sa likuran.
"S-si Kuya Marco!" Hilakbot na bulalas ni Dolorosa nang malingon niya ang nilalang na nasa likuran nila.
Pinaliyab muli ni Liyong ang apoy sa isang kamay. Luminga-linga pa siya habang tinatago ang dalaga sa kaniyang likuran. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita sa kaliwang bahagi ng gubat ang papalapit na hukbo ng mga taong-lobo. Nagkatitigan pa sila ng isang taong-lobo na kulay pula ang balintataw, sa kaniyang pakiwari ay si Don Xavier ito. Sa kanan na bahagi naman ay ang mga grupo ng mga bampira, hindi niya mahagilap ang ama na dapat ay nangunguna na ngayon.
"Napapagitnaan na tayo, Liyong!" Kinakabahang sambit ni Dolorosa.
Hindi makapaniwala si Don Xavier sa nakita, ang lalaking apoy na kaniyang pinupunterya ay si Liyong pala.
Unti-unting dumidilim ang paligid na kahit bituin sa langit ay hindi na mahagilap pa. Tanging liyab ng apoy na nanggagaling sa kamay ni Liyong ang nagsisilibing liwanag sa paligid.
Hindi nagdalawang-isip si Don Xavier na kunin si Dolorosa kung kaya ay umaangil siyang tumakbo sa gawi ng dalawa. Sa kaniyang isipan ay nais na kunin ng binata si Dolorosa kung kaya ay hindi niya palalampasin ang pagkakataon na ito'y paslangin.
"Pasensya na, Dolor. Kailangan kong gawin ito," Saad ni Liyong at agad na nagtapon ng bolang apoy sa gawi ng mga taong-lobo kahit na sa mga bampira ay hindi nakaligtas sa apoy.
Napaatras naman sina Don Xavier pero hindi ito nagpatinag at pinatuloy ang pagsulong.
Muling nagkagulo na naman.
Si Marco naman ay walang pinipili, mapa-cambiaformas man o mapa-bampira ay kaniya itong pinapaslang. Walang awa niyang pinapatay ang mga ito.
Samantala, biglang napaluhod si Oliver nang maramdaman ang matulis na bagay sa kaniyang likuran na tumagos sa tiyan. Kitang-kita niya ang paglabas ng usok dito.
"Kuya!" Sigaw ni Dolorosa, hindi na niya mapigilan ang sarili na humiwalay kay Liyong. Wala na siyang pakialam sa paligid. Kahit nakakaramdam na siya ng init ay hindi na niya iyon ininda. Ang nais niya ay makalapit sa kapatid.
Napangisi si Emilia sa nagawa, muli niyang hinugot ang mga matatalas kuko na gawa sa bakal sa pagkakabaon nito sa likod ni Oliver.
"H-hindi, hindi..." Usal ni Oliver. Umaagos na ang masaganang dugo sa kaniyang bibig. Unti-unting nanlabo ang kaniyang paningin at tumambad ng kadiliman bago siya bumagsak sa lupa.
"Kuya!" Agad na inangat ni Dolorosa ang ulo ng kaniyang kapatid at pinatong sa kaniyang hita. Nakadilat ang mga mata nito na tila hindi tanggap ang kamatayan. Umaagos na ang maraming luha ni Dolorosa, "K-kuya, lumaban ka!" Pagsusumamo pa niya kahit alam niyang patay na ito.
Samantala, halos bumagal ang mundo ni Adrian nang makita ang nakakatandang kapatid na ngayon ay nakahiga sa hita ni Dolor. Lalapitan na niya sana ito pero nakita niya rin sa hindi kalayuan ang kawawang si Agustin na ngayon ay limang bampira na ang nagtutulungan na patumbahin ito.
Kahit ang mga cambiaformas ay walang kakayahan na magpapalit-palit ng anyo dahil sa duyog.
Para siyang natuod sa pangyayari at hindi na niya alam ang gagawin. Hanggang sa...
"Adrian!" Sigaw ni Doña Araceli, hindi niya pinalagpas ang pagkakataon na harangan ang anak sa paparating na kalaban.
Natauhan na lamang si Adrian nang makita ang ina na napaigik.
Nasalo ng doña ang matulis na kuko ng bampira na sana'y para sa anak.
Agad na nadambahan ni Adrian ang bampira nang matauhan siya. Walang awa niya itong kinalmot sa mukha na halos matanggal na ang mga mata nito at halos kita na ang bungo sa ulo. Pagkatapos ay buong pwersa niya itong sinuntok sa mukha, sumabog ang ulo at nagkalat ang utak sa lupa.
Napaupo si Doña Araceli sa lupa at sinapo ang tiyan na may tumatagas na dugo. Wala na siyang lakas pa para makipaglaban, nais niya man na lumaban at maghiganti sa mga bampira ay hindi niya nagawa. Tumulo ang kaniyang luha nang makita si Oliver na nakahandusay na sa lupa at si Agustin na ngayon ay wakwak na ang leeg.
Sa kabilang dako, si Don Xavier ay halos mapagod na dahil sa mga bampirang bigla na lamang sumusulpot na gusto siyang paslangin. Napansin naman niya si Liyong na ngayon ay panay bato ng apoy sa mga bampira. Nagtataka siya sa kinikilos ng binata. Kakampi ba talaga ito o kaaway?
Samantala, si Dolorosa ay hindi na maiwasan na makipaglabanan na rin sa mga bampira. Gamit ang isang matulis na sanga ng kahoy ay ito ang kaniyang ginagamit para pumaslang. Nagagalusan muli ang mga braso niya, kahit na ang mga sugat na nagsisimula pa lamang maghilom ay nadodoblehan na naman ng panibagong sugat.
Sa ganoong istilo ng pakikipaglaban ay nagagawa niyang maghiganti. Naghalo na ang poot at galit sa kaniyang damdamin kung kaya ay hindi na niya mapigilan ang sarili na pumatay.
Mayamaya pa ay biglang may humila sa kaniyang buhok. Sa sobrang lakas ng pagkakahila ay tumilapon siya sa gawing ilog at napuruhan ang kaniyang ulo at agad na tumagas ang dugo.
NAMALAYAN na lamang ni Liyong at Don Xavier na unti-unting umaatras ang mga bampira. Kahit na si Marco ay nakaramdam ng panghihina at hindi na napigilan ang sarili na humandusay sa lupa na may maraming tuyong dahon.
"S-saan si Dolor?" Pagtatakang tanong ni Liyong sa sarili.
Kinakabahan na siya sa maaaring mangyari.
Sa kabilang banda, si Dolorosa ay nawalan na ng malay. Nakalubog na ang kalahating katawan niya sa tubig.
Mayamaya pa ay unti-unting lumapit naman ang libo-libong kuliglig dahil umiilaw at kumikinang ang katawan ng dalaga.
Sa eksenang iyon ay nangyari ang nakasaad sa pulang libro. Hihugupin ang kaniyang kakayahan bilang taong-lobo at babawiin ito ng duyog.
------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro