Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kapitulo - XXI

"SIGURADO ka na ba rito, binibini? P-pwede naman na ipagpapabukas natin ito," Saad ni Liyong sa dalaga.

Samantala, si Dolor naman ay nagbabakasakali na mapansin siya ng matandang patpatin na nagbabantay sa pintuang daan ng monasteryo, "Basta't tingnan mo lang ako. Gusto kong pumasok bilang serbedora ng monasteryo,"

"Dios mio, ang apo ng mayamang pamilya sa San Fernando ay maninilbihan bilang isang serbedora?" Hindi makapaniwalang saad ni Liyong kay Dolorosa.

"Kanina ka pa sabat nang sabat ha? Gusto mo bang ipagkukuha kita ng tabako upang may hithitin ka para matahimik ka?" Inis na turan ni Dolorosa sa binata.

Napangisi ang binata, "Bakit? Hindi ako humihithit ng tabako,"

"Dahil kapre ka," Pabirong saad ni Dolorosa.

Tumawa na lamang si Liyong at napailing. Mayamaya pa ay biglang may lumapit na uwak sa gawi ni Dolorosa, may papel ito sa tuka.

Agad na kinuha ng dalaga ang papel at binasa ang nakasulat dito.

Hinahanap ka na ni lola. Panay na ang pagtatakip ko sa'yo rito. Nawa'y hindi magtagal at makauwi ka na.

-Wari

Naitiklop ni Dolorosa ang papel at isinilid ito sa bulsa, "Dapat na makausap ko na ang matanda," Agad siyang tumungo sa pintuang daan at kinawayan ang matanda. Agad naman itong lumapit sa kaniya.

"Ano ang inyong nais, binibini?" Tanong ng matandang patpatin.

"Pwede ho ba pumasok bilang katulong ng monasteryo?" Tanong ni Dolorosa, napansin naman niya na napatingin ang matanda kay Liyong.

"A-ako rin, gusto kong manilbihan sa monasteryo" Ani Liyong at napangiti ito sa matanda.

"Pasensya na, ginoo at binibini ngunit hindi na tumatanggap ng tagasilbi ang mga prayle rito sa monasteryo" Ani matanda at akmang tatalikod na sana.

"Tay! Sige na naman po, o?" Pakiusap pa ni Dolorosa.

"Papasukin mo sila,"

Napatingin ang tatlo sa nagmamay-ari ng boses--- si Prayle Castillo.

Walang nagawa ang matanda kundi buksan ang pintuang bakal.

Nagkatinginan pa si Dolorosa at Liyong bago pumasok.

NANG makapasok ang dalawa sa monasteryo ay dinala sila ni Prayle Castillo sa isang silid na kung saan pinupuntahan ng mga Arsobispo at Diyakuno kapag may pagpupulong.

"Bueno, nais kong malaman ang ngalan ninyong dalawa. Lalo na sa iyo, binibini" Ani Prayle Castillo at napangiti ito. Sa kaniyang isipan ay parang nakita na niya ang dalaga dati pa.

"A-ako po si Leopoldo Sevilla, at siya ang aking kapatid na si Via Sevilla." Wika ni Liyong, kumindat siya kay Dolorosa para sabayan ang kaniyang sinabi.

Bahagyang napataas ang kilay ng prayle, "Bakit tila hindi kayo magkawangis?"

"Ah, kagalang-galang na kura, kami'y magkapatid sa ina. Ang apeliyido ho ng kaniyang ama ang gamit ko dahil hindi ko po kilala ang aking tunay na ama," Paliwanag pa ni Dolorosa.

"Opo, kung kaya ay naisip namin na manilbihan dito ay para matulungan namin ang aming ina na may malubhang karamdaman. At isa pa, hindi ko po rin hahayaan ang aking kapatid na siya lamang ang magtatrabaho. Mahal ko siya at ayaw kong maiwan siyang mag-isa," Saad ni Liyong at ang huling linya ay pinaparinggan niya na ang dalaga.

Napatango-tango si Prayle Castillo at napangiti, "Bueno, ikaw, ginoong Leopoldo ay magiging tagasilbi ng sakristan mayor, at ikaw naman binibining Via..."

Nakaramdam ng pagkailang si Dolorosa sa tingin sa kaniya ng prayle.

"Maninilbihan ka sa akin bilang serbedora kasama ng iba pang binibini, ayos lamang ba iyon?"

Pilit na ngumiti si Dolorosa at tumango na lamang.

"Bukas ay pwede na kayong manilbihan dito,"

"Maraming salamat, kagalang-galang na kura" Tugon ni Liyong.

Bumitaw ng buntong-hinga si Dolorosa nang makalabas sila sa monasteryo ni Liyong.

"Huwag kang mag-alala, Dolor. Kaya kitang ipagtanggol kung ano man ang mangyari," Saad ni Liyong na puno ng senseridad.

Napatango si Dolorosa at napangiti.

TAKIPSILIM na nang marating ni Dolorosa at Liyong ang Barrio Querrencia. Bakas sa mukha ng binata ang lungkot dahil magkakahiwalay na naman sila ni Dolorosa.

"Hanggang dito na lang, ginoong Liyong. Huwag mo na akong ihatid sa aming tahanan at baka makita ka pa ni ama," Pakli ni Dolorosa.

"Bukas, doon pa rin tayo magkikita sa hardin ng mga kalasutsi. Hihintayin kita roon, iyon na ang magsisilbi nating tagpuan" Mahinahong sambit ni Liyong.

Ngumiti muli si Dolorosa at napatango, "Hanggang sa muli, Kapre."

Napatawa nang mahina si Liyong, "Ikaw lamang ang tumatawag sa akin ng ganiyan,"

"Totoo naman," Pabirong sabat pa ni Dolorosa at napatawa pa siya dahil kahit na tinutukso na niya ay hindi nakakakitaan ng pagkapikon ang binata.

"Dolor!"

Nagulat si Dolorosa nang makita ang ama mula sa kalayuan, "Naku, Liyong! Umalis ka na, basta alam ko na ang plano"

Agad na napatango si Liyong at tumakbo papalabas sa barrio.

Nanlamig ang kaniyang buong katawan nang malapitan ang ama, seryoso ang mukha nito habang nay tabako sa bibig. "Isang lalaki ba ang iyong kausap sa bandang talahiban?"

Napakagat ng labi si Dolorosa, "Isa sa mga cambiaformas, ama. Huwag kayong mag-alala, wala ho akong nobyo at kung magkaroon man ay sasabihin ko agad sa inyo, walang sekreto p-po."

"Siguraduhin mo lamang iyan, anak. Masasapol ko sa mukha ang may nais itanan ka." Seryosong pakli ni Don Xavier, "Halika na, at malapit ng gumabi. Tiyak na may nakahandang hapunan na ang iyong ina" Saad niya pa. Sa huling pagkakataon ay sinipat niya ang talahiban dahil sa kaniyang wari ay may nakamasid.

Habang si Liyong ay hanggang leeg ang kaba habang nagtatago sa malagong talahiban, pero masaya na siya, na sa ngayong araw ay nakasama niya ang binibining bumihag ng kaniyang puso.

NAKAUPO si Andrus sa isang trono habang nilalaro ang apoy na kulay puti sa kaniyang mga kamay. Hindi na sila nagkakibuan ni Joaquin at wala na siyang pakialam.

"Andrus, ano at kami'y iyong pinatawag?" Tanong ng isang kasapi ng dalakitnon.

"Nais ko kayong lahat na labing-tatlo ay uminom ng aking dugo!" Saad ni Andrus at agad na napatayo sabay pinalutang ang mga malilit na bote na korteng dyamante.

"Subalit, Andrus! Tiyak na kagagalitan tayo ni Joaqui---"

"Husto na kay Joaquin! Hindi pwedeng habang buhay na tayo'y makianib sa mga engkantong mahihina!" Buwelta ni Andrus, "Tayong mga dalakitnon ay may natatanging kakayahan na wala sa mga engkanto! Kung kaya ay inumin niyo ang aking dugo!"

Agad na kinuha ng mga kasapi ni Andrus ang mga boteng nakalutang at ininom agad ito.

Biglang may nangisay na kinagulat ng lahat.

"Andrus, kami'y ba ay iyong nilalason?!" Saad ng dalakitnong babae.

Ngumisi lamang si Andrus at tiningnan lamang ang isang kasapi na ngumisay at nagsisimula ng mag-iba ng anyo. "Tingnan niyo lang!"

Ang dalakitnong nangisay ay nagsimulang umiba ang kulay ng balat, naging kulay itim ito. Napapahawak siya sa kaniyang ulo na nananakit na tila dinambahan ng maraming bato. Napapasigaw siya sakit ng kalamnan.

Ang mata ni Andrus ay nababakasan ng pagkasabik sa nilalang na siyang lumikha, "Simula na ng lagim!" Sabay halakhak niya. Tiningnan niya ang nangisay na tinutubuan ng malaking sungay na mahahalintulad sa isang kalabaw at kasing-talas na mahahalintulad sa isang toro.

Napupuno ng alikabok ang kinaruruonan ng bagong nilalang.

Nagulat ang lahat sa naging anyo ng kasapi. Matipuno ang katawan nito at ang mga kamay at paa'y mahalintulad sa kalabaw, samakatuwid, siya'y kawangis ng kalabaw na korteng tao.

Umuusok ang ilong nito at anim na talampakan ang laki.

"Nakakamangha! Ang ganda ng aking likha!" Parang nababaliw na turan ni Andrus. "Ikaw ay hihirangin bilang isang bagong nilalang na tatawagin kong sarangay!" Narinig niyang pumalakpak ang kaniyang mga kasapi. "Simulan mo na ang paglusong sa balwarte ng mga taong-lobo! Kunin mo ang aking mahal na si Dolorosa!"

Mas umusok ang ilong ng Sarangay at lumuhod ito upang magbigay galang.

ISASARA na sana ni Dolorosa ang kaniyang bintana ngunit naaninag niya ang napakaraming alitaptap malapit sa masukal na parte ng barrio. Kaniya iyong tiningnan nang mabuti, "Dios mio, santisima!" Napabulalas siya nang maaninag ang mapupulang mata. "Ama! May paparating na kalaban!" Agad siyang bumaba sa hagdan.

"D-don Xavier!"

Nanlaki ang mata ni Dolorosa nang makita ang isang cambiaformas na lubhang nasugatan sa tiyan. Halos lumuwa na ang bituka nito.

Walang ano-ano'y nag-iba ng anyo ang kaniyang ama at dalawang kapatid at agarang lumabas ng tahanan. Kahit ang kaniyang ina ay nakakakitaan na ng pagkabalisa habang nakatingin sa bintana.

"Dolor! Huwag kang lalabas, ako'y susugod din!" Ani Doña Araceli.

"Pero ina---"

"Makinig ka, anak!"

Walang nagawa si Dolorosa kundi ang pumasok muli sa loob ng silid. Hindi siya mapakali sa loob at nais na tumulong. Marami nang umaalulong sa labas. "Mag-isip ka ng paraan, Dolor! Mag-isip ka!" Nagiging dilaw na ang kaniyang balintataw at tumutulis na ang kaniyang pangil.

Samantala, kitang-kita ni Don Xavier ang malaking kalabaw na korteng tao--- ang Sarangay.

Tumakbo ito patungo sa kaniya habang binibida ang malalaking sungay nito.

May mga cambiaformas na ginaya ang anyo ng Sarangay ngunit para lang silang mga papel na tumilapon sa ere.

"Ama! Ako na ang bahala" Biglang saad ni Marco nang sinugod sila ng Sarangay, "Marami na kaming problema, dumagdag ka pa!"

Nang makalapit ang Sarangay sa kanila ay bigla na lamang itong tumalon nang mataas at nagsilabasan ang mga alikabok mula sa lupa na halos ikanapuwing ng lahat.

"Putangina!" Mura pa ni Don Xavier at pilit na hindi matinag sa mga alikabok. Hanggang sa nakahanap siya ng pagkakataon na ilabas ang kaniyang mga matatalas na kuko at agad na kinalmot sa dibdib ang Sarangay.

Umungol ang nilalang na mahahalintulad sa kalabaw ngunit doble ang lakas nito na tila isang trumpeta na dumadagundong.

Sumunod si Adrian, pinaulanan niya ng tadyak at suntok ang kalaban sa bandang likuran na sanhi ng pagbulagta nito sa lupa na halos yumanig pa.

"Nakakahanga, kapatid! Pinatumba mo ang putanginang nilalang na 'yan!" Masayang saad ni Marco.

Umalulong ang lahat at inundayan ng kalmot ang Sarangay.

Nang humupa na ay unti-unti na silang bumabalik sa dating anyo. Ngunit sa ganoong eksena ay bumangon muli ang Sarangay. Gumagalaw ang kaniyang paa na tila humuhukay na inahin sa lupa.

"Mierda!" Mura at bulalas pa ni Don Xavier, "Ako na ang bahala!" Agad siyang nagpalit ng anyo.

Ngunit hindi natinag ang ibang kasapi, nais din nilang tulungan ang pinuno. Kahit na si Doña Araceli ay nagpalit na rin ng anyo. Ayaw niyang hayaan ang esposo na saktan ng kalaban.

Tumakbo si Don Xavier patungo sa Sarangay, ganon din ang Sarangay na patungo rin sa kaniya.

Magtatagpo sila. Mata sa mata, ngipin sa ngipin.

Naglikha iyon ng napakaraming alikabok, kitang-kita ang paglipad ng mga bato at lupa sa paligid.

Gamit ang matalas na kuko ni Don Xavier ay sinikap niyang mawakwak ang sikmura ng Sarangay. Nagtanggupay naman siya at hinila ang mga bituka nito na tila isang lubid na halos mahila na rin ang buong Sarangay dahil lumalaban ito at hinihila nito ang sariling bituka.

Hinila pa nang hinila ni Don Xavier ang bituka ngunit nagtataka siya kung bakit dumoble ang lakas ng kalaban at ngayon naman ay siya na naman ang hinihila at tila nagkakaroon ng buhay ang bituka nito dahil kusang pumulupot ito sa kaniyang mga kamay at pulsuhan.

"Walanghiya! Ano ba itong bituka mong animal ka?" Nanggagalaiting tanong ni Don Xavier.

Nais man na tulungan ng mga cambiaformas ang pinuno ngunit napakakapal na ng alikabok para sumuong sila.

Ngunit mula sa kawalan ay ang pag ungol ng isang taong-lobo na doble ang laki at halos ikinayanig ng lahat ang alulong nito. Nakihalo ang naturang taong-lobo sa makapal na alikabok.

Iwinaksi nito ang matigas na sungay ng Sarangay. Humiwalay ang laman nito sa ulo at bumulwak ang itim na dugo. Tinambangan niya ito ng suntok at kalmot na halos bumulwak na ang utak ng Sarangay sa lupa.

Napaubo si Don Xavier habang nakahiga sa lupa habang katabi ang lasog lasog na katawan ng Sarangay. Umabot na ang bituka sa leeg ng don kung kaya ay malaki ang pasasasalamat niya kung sino man ang tumapos sa nilalang.

"Ligtas ka na, ama. Wala ng makakapagpasakit sa inyong lahat dito sa barrio na ito"

Kahit nahihilo ang don ay agad niyang naaninag ang nagsasalita, "Anak, Dolor?" Hindi niya makapaniwalang saad.

-----

(Werewolf by Motionless In White)

Happy talaga ako dahil may ganitong kanta ang MIW. So, yeah! 🤟

Talaan ng Larawan:

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro