Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kapitulo - XVII

MULA sa kinauupuan ay natatanaw ni Immaculada si Adrian na kasama ang kapatid nitong si Marco sa kabilang mga upuan na kung saan nakatalaga ang mga kalalakihan.

Nagkaroon ng misa ang simbahan kahit Lunes dahil sa mga katawan ng mga namayapang binata na biktima ng mga kataw.

"Imma," Kalabit pa ni Dolorosa nang makaupo sa likuran na upuan.

"Dolor," Mahina ngunit masayang sambit ni Immaculada nang makita ang amiga. "Tumabi ka sa akin"

Tumango naman si Dolorosa at ngumiti at tsaka tumabi kay Immaculada.

Biglang lumabas ang kura kasama ang ibang prayle na may dalang ensenso na naglalabas ng usok.

"Inomini patri spiritu sancti" Salita ni Prayle Castillo habang nakatingin sa mga kabaong na nasa harapan niya, sabay napa-antanda siya.

NATAPOS ang usapan ng tatlo sa loob ng mansyon, inalokan pa sila ng gobernadorcillo ng serbesa.

"Kami'y nagagalak na pinapasok mo kami rito, salamat sa iyo na tulong upang ma resolba ang problema sa karagatan at mga ilog. Salamat sa salaping ibinagay para sa planong pagpapalinis sa karagatan at ilog," Sabi ng alcalde at ngumiti pa ito.

"Noon pa man ay nais ko nang makausap kayo. Pero sa aking kondisyon ay hindi ko magagawa. Masyadong sensitibo ang akin na balat sa alikabok at sa sikat ng araw," Paliwanag pa ng gobernadorcillo.

"Tunay ngang ikaw ay isang misteryoso, gobernadorcillo Alfonso---"

"Alfonso na lang ang itawag mo sa akin, Xavier" Pigil pa ng gobernadorcillo sabay bigay ng kupitang may laman na vino.

"Nawa'y makita ang iyo na presensya sa madla nang sa gayon ay makikilala ka nila," Seryosong pakli ni Don Xavier.

"Maaaring sa susunod," Tipid na sagot nito.

"Bueno, salamat at pinaunalakan mo ang aming pagdating. Muchias gracias, mi amigo" Ani Don Xavier at tumayo na upang magpaalam dahil naaalala niyang may misa pala ngayon na gaganapin malapit sa paaralan ng San Fernando. Pinadalhan siya ni Himala ng liham kaninang umaga.

"Maraming salamat, gobernadorcillo" Pakli ni alcalde Timoteo at isinuot na agad ang sombrerong itim.

NARATING ni Don Xavier ang naturang simbahan, nadatnan na niya ang seremonya na kung saan ang mga pamilya ng nasawi ay nakahelera sa harap ng altar upang masilayan sa huling pagkakataon ang namayapang mahal sa buhay.

"Tunay ngang ang buhay ay hiram. Hindi natin alam kung kailan ito kukunin, kung kaya ay bawat araw na ating natatamasa ay papahalagahan" Litanya ni Himala nang mapansin na nasa tabi na niya si Don Xavier, "Salamat sa Dios at nakahabol ka pa rito, Don Xavier. Akala ko'y tanging mga anak mo lang ang makakadalo at..." Hinahanap niya ang presensya ni Doña Araceli, "Ang iyong mahal na asawa, saan?"

"Sinamahan ang dalawang apo sa dating mansyon ng mga Romualdez" Tugon ni Don Xavier. Nakita niyang tumango tango si Himala, hindi niya akalain na nasubaybayan niya ito mula pagkabata hanggang sa ngayon na matanda na at may mga apo na.

Pagkatapos ng misa ay magkahawak ang kamay ni Dolorosa at Immaculada na naglalakad papalabas ng simbahan.

"Mga maririkit na dalaga," Saad ni Padre Castillo nang makita ang babaeng si Immaculada at kasama nitong kasingganda ng isang birheng Maria. Agad niyang inilahad ang mga kamay upang magmano sila at humalik sa likurang palad.

Nauna si Immaculada na gawin iyon, sumunod naman si Dolorosa pero napansin niyang may kakaiba sa mga palad ng prayle. Hindi niya iyon nabitawan agad kung kaya ay binawi ng prayle ang mga kamay.

"Hija, ano ang iyo na ngalan? Mukhang ngayon ko lamang kayo nakita rito," Tanong ni Prayle Alvarez kay Dolorosa.

"D-dolorosa ang aking ngalan"

"Kay gandang ngalan,"

"Salamat po, kura. tayo na Imma" Sabay hila ni Dolorosa dahil kakaiba ang kaniyang naramdaman sa dalawang prayle.

"Dolor, Imma!" Halina kayo, tawag ni Adrian sa dalawa. Nasa kalesa na siya kasabay si Marco.

"Ang akin na pakay lamang sana ay magsimba, kayo ba ay pupunta sa sementeryo?" Tanong ni Immaculada sa kanila.

"Sí, binibini" ikling tugon ni Adrian, "Ikaw ay sumama na lamang upang may kausap si Dolor,"

Ngumiti nang tipid ang dalaga at sinundan na lamang si Dolorosa sa loob ng kalesa.

Mayamaya pa ay sumakay na rin si Don Xavier at si Himala sa naturang kalesa.

Mabagal umusad ang kalesa gawa ng mga taong naglalakad sa kalsada at nakikiramay sa mga binatang namatay.

Napagitnaan si Immaculada ni Dolorosa at Adrian kung kaya ay kanina pa siya hindi makahinga nang maayos. Hindi niya magawang kumilos sapagkat katabi niya ang lalaking inaasam niya.

PINILI na sumilong ni Adrian sa isang mayabong na puno ng akasya habang pinagmamasdan ang mga taong nakikiramay. Pati na rin ang kaniyang ama na nakikipag-usap sa ibang mamamayan. Nakita niya naman si Dolorosa na kinukulit si Marco na kanina pa seryoso at walang imik.

"Bakit mo piniling mapag-isa?" Mahinhin na tanong ni Immaculada sa binata.

"At bakit mo piniling kausapin ako?" Mahinahong tanong din ni Adrian.

Natawa na lamang si Immaculada, nakita niya naman na ngumisi at napailing ang binata.

"Lumapit ka rito, mainit diyan" Saad ni Adrian, "Ano ba kasing pagkakagawa ng payong ninyo, tumatagos ang init,"

Napatawa nang mahina si Immaculada habang nakatabon ang pamaypay sa labi.

"Kumusta ka pala, binibini?" Tanong ni Adrian sa dalaga. Nakikita niya ang pamumula ng pisngi nito. Maganda si Immaculada, mula sa buhok nitong maitim na kulot at ang maputi nitong balat. Niligawan na ito ng kaniyang kuya Marco noon ngunit bigo ang kapatid.

"Ayos lang naman ako, ikaw, ginoo? Mukhang may pinagkaabalahan ka nitong nakaraang araw,"

Napahinga nang malalim si Adrian, "May kaibigan lang akong binibisita sa isang panciteria,"

"S-sino?" Biglang kumabog ang puso ni Immaculada dahil alam niyang ang babaeng ito ang dahilan kung bakit laging maaliwalas ang mukha ni Adrian.

Ngumiti si Adrian bago sumagot, "Si Aina. Nais kong makilala mo rin siya nang sa gayon ay maging kaibigan niyo rin ni Dolor"

"Nililigawan mo na ba siya?" Nakita niyang umiling si Adrian.

"Hindi pa,"

Sa kalooban ni Immaculada ay masyadong mabigat na ang kaniyang nalalaman, ang kataga ni Adrian ay nangangahulugang may balak nga siyang ligawan si Aina, "Mabuti..."

Napatingin si Adrian sa tinuran ng dalaga na ikinaiwas nito.

"A-ang ibig kong sabihin ay mabuti at nagkakamabutihan kayo," Sabay yuko. Pilit niyang pinapalakas ang loob na hindi maiyak. Gustong gusto niya si Adrian simula noong mga bata pa sila.

"Ayos ka lang ba, binibini?" Pagtatakang tanong ni Adrian, ngunit bago pa man niya  tingnan ang mukha ni Immaculada ay hinila ng dalaga ang kaniyang kwelyo at hinalikan siya sa labi.

"Lo siento," (Paumanhin) Saad ng dalaga nang mahalikan ang binata bago umalis at pumunta sa gawi ni Dolorosa. Mabuti na lamang at walang nakakita sa kanila dahil abala ang lahat sa pagpapalibing ng mga bangkay.

Samantala, natuod si Adrian sa ginawa ni Immaculada. Ang tibok ng kaniyang puso ay tila may karera sa sobrang bilis.

NANG makauwi sa tahanan sina Don Sarmiento ay agad na napayakap siya sa kaniyang esposa.

"Kumusta kayo?" Tanong ni Doña Araceli.

Agad na inagbayan ni Don Xavier ang asawa at sa sala-mayor sila'y nag-usap.

"Wari, may sasabihin ako!" Pagmamadaling saad ni Dolorosa, agad niyang hinila ang pamangkin patungo sa taas na papuntang silid.

"Dolor, mukhang hihiwalay na ang aking braso sa aking katawan. Ano ba ang nais mong sabihin?" Natatawang turan ni Kahimanawari.

Napaupo muna si Dolor sa higaan at sinapo ang noo bago magsalita, "Ang mga bagong kura ng San Fernando ay mga bampira! Nakita ko sa kanilang mga palad, walang guhit!" Madiin na bigkas niya pero pabulong.

"Mukhang kumakalat na talaga sila," Pag-aalalang sambit ni Kahimanawari, "Akala namin ay maiiwasan na namin ang mga bampira mula sa Europa, ngayon ay pumupunta na sila rito sa Las Filipinas"

"Malamang sa malamang ay tayo ang puntirya nila. Ang maubos ang lahi natin," Pakli ni Dolorosa, "Kanina ay kakaiba ang pakikitungo sa amin ng mga prayle. Tila gusto kaming akitin dalawa ni Immaculada. Nakakasukang tunay!"

"Hindi malabo na may biktima na sila. Sa Europa, laganap ang pagkawala ng mga dalagita--- birheng dalagita. Kailangan nila ang dugo upang magkaroon sila ng sapat na lakas at isa ito sa mga dahilan kung bakit kaya rin nilang mabilad sa araw nang ilang oras," Litanya ni Kahimanawari. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Dolorosa, "Dolor, maging mapagmatyag tayo. Kung tutuusin ay kailangan natin na tulungan ang atin na kapwa babae."

"Ng-ngunit papaano?"

"May tiwala ako sa'yo, Dolor. Bukas na bukas ay gumawi ka sa bayan. Magtanong ka kung saan namamalagi ang mga prayle," Seryosong saad ni Kahimanawari. "Ako na bahala rito. Pagtatakpan kita, k-kung sakaling hahanapin ka ni lola."

Seryoso na nakatingin sa mga mata ni Kahimanawari si Dolor. Tila isang suntok sa buwan ang makakalabas siya ng balwarte sapagkat may mga hukbo ng mga cambiaformas ang rumuronda. Noon ay nagkataon lamang na nakalabas siya ng balwarte dahil na rin ay nagpapahinga ang mga ito.

"Basta't ipapangako mo sa akin na makakabalik ka ng matiwasay dito sa bahay, Dolor."

"Sí, kapag nakapunta na ako sa lugar ng mga prayle ay anong gagawin ko?"

Huminga nang malalim si Kahimanwari at tumabi kay Dolorosa, "Magsiyasat ka, gamitin mo ang iyo na kakayahan na mabilis at matalas na pang-amoy"

Tumango-tango si Dolorosa, "Sige, ililigtas ko kung may bibiktimahin sila bukas"

Niyakap ni Kahimanawari si Dolorosa, "Kapag nakalagap ka na ng impormasyon at pangyayari ay maaari na nating isumbong kay lolo,"

"Sí," Ikling tugon ni Dolorosa at ngumiti nang tipid, "Para sa mga kababaihan,"

KINABUKASAN, nag-ayos ng sarili si Dolorosa. Simpleng baro at saya lamang ang kaniyang suot. Kanina pa sila nagkakatinginan ni Kahimanawari na tila nag papasahan ng mensahe sa pagitan ng mga mata.

Pagkatapos ng agahan ay hinahanda na niya ang sarili para sa gagawin ngayong araw. Naisip na niya na magkukunwari siyang mamimitas ng mga bulaklak sa daanan palabas ng balwarte upang hindi mapagdudahan ang kaniyang gagawin.

"Mag-ingat ka, Dolor" Saad ni Kahimanawari at agad na napayakap kay Dolorosa.

Sa likuran ng bahay si Dolorosa dumaan at kinuha ang buslo na siyang pagsisidlan ng mga bulaklak.

Habang siya'y naglalakad at nagkukunwaring pumipitas ng bulaklak ay nakakarinig siya ng kaluskos. "Kung sino ka man ay magpakita ka sa akin," banta pa niya.

"Tiya Dolor!" Masiglang saad ni Luna at napayakap pa sa likuran ni Dolorosa.

Napapikit si Dolorosa dahil wala sa plano ang paglitaw ni Luna, "A-anong ginagawa mo dito? Baka hanapin ka ng iyong ina"

"Naamoy po kita, nagpaalam ako sa kaniya na susundan kita" nakangiting sabi ni Luna.

Napakamot ng bahagya sa ulo si Dolorosa, "Mainit, umuwi ka na" nakita niyang sumimangot ang bata.

"Aking nararamdaman na may balak kang pumunta sa bayan," Saad ni Luna habang nilalaro ang mga mumunting bulaklak na kulay dilaw.

"O siya siya, ikaw ay aking isasama sa bayan ngunit ihahabilin muna kita kina tiya Ariana, naiintindihan mo ba? Huwag kang maingay kay lolo Xavier mo ha?"

Malapad na ngumiti Luna at tumango nang maraming beses.

NARATING na nila Dolorosa at Luna ang dulo ng barrio Querrencia. Naroroon ang mga nakabantay na guwardiya-sibil. Bago pa man makaapak sa bayan ng San Fernando ay kailangan pang may ipakitang cedula.

"Ngayon ko pa talaga nakalimutan," inis na saad ni Dolorosa sa sarili. Dahil nakalimutan niya ang cedula ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Luna at dahan-dahan silang pumunta sa talahiban.

"Hoy! Bakit kayo diyan dumadaan? Alam niyo bang may mga malalaking ahas diyan?!"

Napapikit si Dolorosa sa narinig. Huli na.

"Saan ang iyo na cedula, binibini?" Tanong ng gwardiya-sibil na malaki ang tiyan. Iba ito kung makatingin sa dalaga.

"W-wala po, ginoo. Ng-ngunit hindi po kami magtatagal sa bayan," Ani Dolorosa. Tagaktak ang kaniyang pawis habang hawak nang mahigpit sa kamay si Luna.

"Bueno,"

Nagsalpukan ang kilay ni Dolorosa nang mapansin na tiningnan siya ng gwardiya-sibil mula ulo hanggang paa. Nakayukom ang kaniyang kamao at handang isapo ito sa mukha ng lalaki kung may gagawin itong hindi kaaya-aya.

"Maganda ka naman at may mga matang nakakaakit..." Sabay hipo sa binti ni Dolorosa kahit na may mataas itong saya.

"Pwes, ito, hindi kaakit-akit!" Galit na turan ni Dolorosa at sinuntok sa mata ang gwardiya-sibil, "Luna! Tumakbo ka na!" Tumakbo na rin siya nang narinig niyang ipapadakip siya ng gwardiyang nanghipo sa kaniya. "Hintay, Luna! Baka ikaw ay mawala!"

Natawid na ni Luna ang maalikabok na kalsada, samantala si Dolorosa naman ay walang pakialam sa mga nababangga na mga tao, "Luna---"

Natigilan siya nang muntik na siyang masagasaan ng kalesa. Nagkatinginan sila ng kutsero na gulat din sa nakita ngunit hindi na niya iyon pinansin. Ang kaniyang nais ay maabutan si Luna.

Bumaba ang kutsero mula sa sinasakyang kalesa at pinulot ang nahulog na panyo ng dalaga. May nakaburda doon.

Bumaba rin ang isang dalaga mula sa loob ng kalesa. Singkit ang mga mata ito at kasing puti ng labanos ang balat. Matalim ang kaniyang tingin kay Dolorosa na ngayon ay hinahabol ng mga gwardiya-sibil.

------

Talaan ng salita:

Cambiaformas- ito ay mga shape shifter na mga taong-lobo na tagabantay ng Barrio Querrencia.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro