Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kapitulo - XVI

"KILALA mo ang matandang iyon, ama?" Pagtatakang tanong ni Adrian nang mapansin na tila naging seryoso ang mukha ng ama na sinusundan ngayon ng tingin ang nagngangalang Arturo.

"Wala na tayong oras pa, tayo na at pumunta sa baybayin" Ani Don Xavier at naunang naglakad papunta sa tabi ng dagat.

Napansin ng dalawa ang pag-iiwas ng kanilang ama sa tanong kung kaya ay napakibit-balikat na lamang si Marco at sumunod sa ama. Samantala, si Adrian naman ay naiwan ng ilang segundo bago patakbong sinundan ang kapatid.

Nang marating ng tatlo ang baybayin ay tanging nakakabulag na kadiliman lamang ang kanilang natunghayan sa malapad na karagatan ng San Fernando. Walang katao-tao at kahit ang mga bapor ay wala ni isang tao ang nakabantay.

"Ngayon pa ba kayo lalayo at hindi haharap sa amin?! Narito na kami mga lapastangang kataw!" Sigaw pa ni Don Xavier sa harapan ng dagat.

Si Adrian naman at Marco ay nanatiling nakamasid sa paligid at pinakikiramdaman ang bawat galaw o kaluskos sa mga kahoy o sa buhangin. Ngunit natigil lamang iyon nang mapansin nilang tatlo ang pagbulwak ng bula sa unahan ng dagat at bigla itong umangat. Nakapatong ang kataw doon na sa kanilang wari ay ito ang pinuno sa lahat. Unti-unting nag-aanyong tao ito habang binababa siya ng nakaangat na tubig patungo sa paroroonan ng tatlo.

"Ama, isa siyang babaeng kataw!" Mahinang bulalas ni Marco. Napaatras pa sila nang kaunti sa nasaksihan.

"Hindi naman kita tatalikuran, Xavier. Hindi ko kailanman tatanggihan ang pinuno ng mga taong-lobo," Seryosong saad ng babaeng kataw at bigla itong nagpalit ng anyo. Kulay tanso ang buhok at kayumanggi ang balat, may perpektong hubog ito ng katawan. Tanging makakapal na lato lamang ang nakatabon sa kaselanan at dibdib nito.

"Bueno, huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Bakit kayo nanggugulo rito sa bayan?" Tanong pa ng don.

"Dahil ang aming tahanan ay pinupugaran na ng mga basura! Ang ibang mangingisda ay gumagamit ng pampasabog sa karagatan upang makakuha sila ng maraming isda." Paliwanag pa ng babaeng kataw, "Kailangan namin ang hiyas ng pulang buwan upang maibalik sa ayos ang karagatan ng San Fernando. Nakakarindi ang tawanan ng mga nilalang na nabibilang sa alta sociedad habang nakasakay ng bapor tabo, habang tinatapon nila ang kanilang mga basura, at ang ibang mamamayan din dito ay ganoon din ang ginagawa!"

Napasingkit ang mata ni Don Xavier at napahinga nang malalim.

Patuloy na nagsalita ang babaeng kataw, "Kami ay mabubuti. Bagkus, ay tinutulungan namin ang ibang mangingisda na hindi gumagamit ng pampasabog na lumapit sa kanila ang libo-libong isda, kami ay tumutulong sa mga nalulunod. Ang aming mga pinaslang na mga anak ng mangingisda ay bayad lang nila iyon sapagkat hindi makatarungan ang kanilang ginagawa sa mga ilog at karagatan. Nais nga namin na patayin ang isa sa mga encomendieros na gustong magpatayo ng bahay na bato sa gitna ng ilog."

"Ama, ano ang ating nararapat na gawin?" Tanong ni Adrian.

"Pasensya na ngunit hindi ko maibibigay sa inyo ang pulang hiyas," Ani Don Xavier, nakita niya naman na seryoso pa rin na nakatingin sa kaniya ang babaeng kataw.

"Kami'y hindi masasama, titigil lamang kami sa isang kondisyon..." Sabay halukipkip ng babaeng kataw at sumilay ang ngiti, "Ipapalinis ang aming karagatan, at kung wala pa ring nangyayari ay hindi na kami papayag pa na magpaabuso. Gigisingin na namin ang aming mababangis na mga nilalang na natutulog lamang sa ilalim ng karagatan at mga ilog,"

Napaigting ang panga ni Don Xavier sa narinig, nagkatinginan din sila ng babaeng kataw gamit ang mga seryosong mga mata.

MADALING araw na ngunit hindi pa rin nakakatulog si Alcalde Timoteo dahil na rin sa mga inaasikasong isyu patungkol sa bayan at sa natanggap na liham galing sa Kongregasyon. Nasa loob siya ngayon ng kaniyang sariling opisina, at tanging liwanag lamang ng nakasinding lampara ang tanging namumutawi sa loob ng silid.

Magsisindi na sana siya ng tabako nang may kumatok sa pintuan.

"Alcalde, may mga bisita ho kayo"

Nabosesan naman ng alcalde ang tao sa labas kung kay ay tumayo na siya at tumungo sa pintuan. Agad niya itong binuksan.

"Alcalde, nandito po ang pinuno ng Barrio Querrencia." Ani guwardiya sibil na nagbabantay sa harapan ng munisipyo.

"Papasukin mo sila," utos pa ni Alcalde Timoteo.

Tumango naman ang gwardiya at agad na bumaba ng hagdan upang papasukin ang mga panauhin.

Bumalik sa pagkakaupo ang alcalde at tuluyan na niyang sinindihan ang kaniyang tabako. At mayamaya ay nakikita na niya ang pagdating ni Don Xavier at ang dalawa nitong mga anak. "Magandang umaga, ninong. Ano at naparito po kayo?" Sabay lahad ng mga palad upang makipagkamayan sa don.

Tinanggap ni Don Xavier ang kamay ng alcalde, pagkatapos ay inalokan pa sila na maupo sa isang mahabang sofá. Hindi na rin siya nag alinlangan na sabihin ang lahat sa alcalde kung kaya ay nagsalita na siya agad, "Nakausap namin ang pinuno ng mga kataw kanina, hindi man ako makapaniwala at nananatili pa rin akong walang tiwala ngunit ang sinabi ng pinuno ay sila ay mga kaibigan"

Kunot-noong napatingin ang alcalde sa kanila at napaayos pa ng pag-upo, "Pero bakit sila pumapatay?"

"Dahil gusto lamang nila ng katiwasayan sa kanilang tahanan. Nais nilang malinis ang dagat at ilog," Saad pa ni Don Xavier, "Timoteo, hindi naman sa pagsasawsaw sa'yo bilang isang alcalde ng San Fernando... payo ko lamang ito bilang iyong ninong at matalik na kaibigan ng iyong ama, nais kong huwag kang masilaw sa mga mayayaman na nag mamaraka-bahala na lamang."

"A-ano po ang iyong ibig na ipahiwatig?" Pagtatakang tanong ng alcalde.

"Nais kong ituon ang iyong plataporma at pagpapatupad ng pangangalaga ng kalikasan. Isa rin ang kalikasan na nakakatulong sa iyo na kakayahan, hindi ba?"

Napatulala si alcalde Timoteo sa tinuran ni Don Xavier, pagkatapos ay tumango tango siya bilang pagsang-ayon. "Bueno, tama ka nga, ninong. Marahil ay ito ang susi para hindi na muli maghasik ng kaguluhan ang mga kataw. Idudulog ko ito sa gobernadorcillo mamayang alas dyis ng umaga."

Huminga nang malalim si Don Xavier at tumango nang marahan bago tumayo. Napansin naman niya ang dalawang anak na nakasandal at nakaidlip na.

KINABUKASAN ay nagising na lamang si Dolorosa sa ingay sa labas ng kaniyang silid. May mga tawanan at pag-uusap ang naroroon. Napansin din niyang wala na sa kaniyang tabi si Kahimanawari. Nag-ayos muna siya ng sarili bago lumabas.

"Kumain ka na, kapatid. Wala sila ina dahil sinamahan si Kalayaan at Kahimanawari sa dating mansyon ng kanilang lolo, si ama naman ay pumunta muli sa bayan"  Ani Marco.

Natulala naman si Dolorosa sa nakita dahil sa presensya ng mga kaibigan ng kaniyang kuya lalo na kay Andrus na napangiti sa kaniya.

"H-hindi pa ako nagugutom. S-saan si kuya Adrian?" Seryosong tanong ni Dolorosa sa kaniyang kapatid.

"Nasa silid niya, hindi pa---"

"Sasabay na lamang ako sa kaniya, magandang umaga sa inyo" Saad ni Dolorosa sabay talikod at pumanik at pumasok muli sa kaniyang silid. Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita ang kaniyang kuya dahil sa pagkailang sa presensya ni Andrus.

"Pasensya sa ugali ng aking kapatid," Ani Marco sa mga kaibigan.

"Ayos lamang, nahahalata kong naiilang lamang siya dahil tayo'y mga lalaki" Tugon pa ni Andrus at napapunas ng labi at tumayo, "Disculpe," (Excuse me)

Lumabas si Andrus at tumungo sa tapat ng bintana ni Dolorosa. Nakikita niya ang dalaga mula sa taas na nakaharap sa isang mahabang salamin at sinusuklayan ang sariling buhok nito.  Nabigla na lamang siya nang nagkatinginan silang dalawa. Nagdadalawang-isip man ay ikinaway niya ang kaniyang kamay sa dalaga.

Lumapit si Dolorosa sa bintana at nagsalita, habang hawak ang abaniko "Huwag mong aksayahin ang iyong oras sa pagsulat ng mga liham dahil hindi ko sila binabasa," tsaka itiniklop ang abaniko senyales na hindi siya interesado sa ginoo.

"Pasensya, nabasa ko rin ang iyong liham. Alam kong wala akong pag-asa, pero sana ay hinayaan mo muna akong patunayan sa'yo ang aking nais" Pagsusumamo pa ni Andrus kay Dolorosa. Totoo siyang may nararamdaman sa dalaga ngunit tinatago niya ito upang hindi mapaghalataan ni Joaquin, ang kaniyang pinuno. Ngunit sa kaniyang kalooban ay ito na ang simula ng pagbabago sa pakikitungo.

"MAAWA na po kayo, padre!" Pamamakaawa pa ng isang dalaga na nagawi sa silid ng mga dominacanong prayle. Isa ito sa mga bagong serbedora.

"Mas kailangan namin ang iyo na sariwang dugo! Hindi ito masakit at makakaramdam ka ng langit!" Saad ng mga isa sa mga prayle, may katandaan na ito at sobrang puti.

Nakikita sa mukha ng dalaga ang hilakbot habang siya'y nakagapos at nakahiga sa isang mesa. Napapalibutan siya ng mga itim na kandila. Samakatuwid, siya'y papaslangin at kukunin ang kaniyang dugo. Tumatagaktak ang kaniyang pawis sa nakikita, mga mapupulang mata at may mahahabang mga pangil, "Mga diablo kayo!" Sabay hagulhol ng dalaga.

"Hindi ka maririnig ng mga tagapagtanggol na mga aso rito sa San Fernando!" Salita pa ng isang prayle at humalakhak.

Lima silang sasaluhan ang dugo ng birheng dalaga.

"¡Esta oportunidad es para que la aprovechemos, la sangre de esta joven saciará nuestros cuerpos sedientos!" (Ang pagkakataong ito ay samantalahin natin, ang dugo ng dalagang ito ang magpapatid sa mga uhaw nating katawan!) Mala-demonyong saad ng prayle na nakahawak ngayon ng isang balisong na may nakaukit na mukha ng isang tupa na may sungay.

Nagsisigaw ang dalaga lalo na nang hinawi ang panuelo nito at hinimas himas sa kaniyang leeg ang malamig at matulis na bakal ng balisong. "H-huwag! Hindi! Maawa kayo!" Palahaw pa nito.

Tila isang musika ang hagulhol ng dalaga sa kanilang tainga. Isang sensasyon sa kanilang kalamnan ang makitang nahihirapan ito.

Walang ano-ano'y inilaslas ang matulis na balisong sa lalamunan ng dalaga na tila isang manok lamang na ginulgulan ng leeg. Parang isang tubig sa isang puwente ang pagbulwak ng pulang likido.

Kahit nanlalabo ang paningin ay naaaninag pa rin ng dalaga ang pagsalin ng mga prayle sa kaniyang dugo sa kanilang mga baso. Kagalkal na ang kaniyang boses para makasigaw pa ng tulong.

Pagkatapos ng ganoong eksena ay pinagsamatalahan nilang lima ang kawawang katawan ng dalaga. Binaboy at winarak ang puri. Namatay ang dalaga nang itinarak ang balisong sa puso nito, dilat pa ang mga mata nito nang binalot ito ng itim na tela.

"Itapon ito sa balon," utos ng prayleng may hawak na balisong.

Tumango naman ang matandang patpatin sa kanila. Siya ang naatasan na itapon ang bangkay ng dalaga. Marami na rin siyang naitapon sa balon. Matatagpuan ito sa pinakailalim na bahagi ng monasteryo. Nagawa ang nasabing balon noong umalis na ang mga prayleng heswita.

"Pasensya na, mga pobrecita" Malungkot na sabi ng matandang patpatin. Hanggang kailangan ay itikom niya ang bibig dahil hawak ng mga prayleng dominicano ang buhay niya.

Samantala, sa monasteryo ay naghahanda na ang mga prayle sa gaganaping misa. Tila walang nangyari at malinis ang kanilang mga sutanang suot. Handa na silang ipakita ang kanilang maamong mukha sa madla.

"Aking napag-alaman na may dalawang mag-aaral dito sa ating colegio na mga taong lobo," Saad ni Prayle Castillo-- ang paring nagdala ng balisong kanina.

"Sí, padre. Sila'y mga anak ni Don Sarmiento," Tugon ni Prayle Alvarez.

Ngumiti nang malumanay si Prayle Castillo sa narinig. Hindi siya tumugon at tinuon ang sarili sa paparating na dalaga. Ito'y nagmano sa kaniya, "Kaawaan ka ng Diyos. Ano ang iyo na ngalan, hija?"

"Immaculada, po"

Nagkatinginan ang dalawang prayle at bakas sa kanilang mga mata ang sabik.

"NAIS namin na makita ang gobernadorcillo," Ani Don Xavier sa nakabantay na gwardya sa labas ng malaking mansyon.

"Hindi tumatanggap ng mga bisita ang gobernadorcillo," seryosong saad ng gwardiya-sibil.

"Pakisabi na nandirito ang alcalde at pinuno ng mga taong-lobo," Sabat pa ni alcalde Timoteo.

Tinibayan ng gwardiya-sibil ang loob na hindi magulat dahil kaharap na niya ngayon ang pinakamalakas na taong-lobo. "Bueno, aking sasabihan si Gobernadorcillo Echeverria"

"Maraming salamat," Ani Don Xavier.

Pumasok ang gwardiya sa loob ng mansiyon at nadatnan ang gobernadorcillo na umiinom ng sariwang dugo sa isang kupita, "May nais kang makausap, ang alcalde at pinuno ng mga taong-lobo"

Napangisi ang gobernadorcillo, "Papasukin mo sila,"

"Kayo po ba ay seryoso?"

Lumingon ang gobernadorcillo na kanina'y nakatalikod at nakaharap sa isang malaking larawan. "Ako'y seryoso,"

Agad na bumalik ang gwardiya sa labas at tinanguan ang dalawa na pumasok.

Pagpasok pa lamang ni Don Xavier ay may kakaiba na siyang naramdaman dahil na rin sa sobrang sirado ng mansyon at ang malaking aranya lamang ang nagsisilbing ilaw sa tahanan.

"Bienvenido!" Masiglang bati ng gobernadorcillo sa dalawa.

Hindi makapaniwala si Don Xavier sa nakita. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit hindi lumalabas ang gobernadorcillo dahil may problema ito sa balat. Kasing puti ng nyebe ito at halos makikita na ang kulay ng ugat sa mga kamay nito. Kulay tsokolate ang buhok nito at may mapipilantik na daliri.

Nagkamayan silang dalawa ngunit kakaiba ang tingin sa kaniya ng gobernadorcillo. Tila isa itong banta.

-----

Talaan ng Larawan:

(Gobernardorcillo Alfonso Echeverria.)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro