Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9

Kabanata 9: Civil Wedding 



“Hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko…” 

“Nandito naman ako.” 

Gustong bumagsak ng mga luha ko. Ngunit nakakahiyang makita niya iyon. 

“Salamat, Vesper…”

“Basta para sa inyo ni Vyo,” sinulyapan niya ang anak na natutulog na sa crib nito.

Kahit gustong-gusto ko ng paalisin sila Mama dahil sa mga pinagsasabi nila, pinigilan ko…bilang respeto na lang. Nagpapasalamat ako nang si Vesper ang gumawa niyon. Kasi alam kong hindi nila ako titigilan kahit lumaban ako. 

“Vesper, kahit na gano'n sila sa akin…gusto ko pa rin na maayos ang kalagayan nila,” sambit ko. 

“I understand. Don't worry, may inutusan naman akong magbabantay sa kanila nang hindi nila alam.”

“Salamat.”

Ang dami na ng mga kabutihang ginawa sa akin ni Vesper. Wala man lang akong naisusukli. 

Umupo ako sa tabi ng kama, hinarap ang crib ni Vyo. Nananatili namang nakatayo si Vyo sa kabilang gilid ng crib.

“Uh, Vesper…”

“Hmm?”

“Mabilis lang din ba ang paglaki ni Vyo? Katulad no'ng pinagbubuntis ko siya?” 

Umikot siya sa crib para mapunta sa gilid ko. Napadasig ako ng bahagya nang umupo rin siya sa tabi ng kama, sa tabi ko. Tama nga si Kap…mahilig dumikit itong si Vesper. Pero komportable naman ako. 

“Hindi. No'ng nasa tiyan siya, bampira ang pagkatao niya kaya gano'n kabilis siyang lumaki. Pero pagkapanganak sa kaniya, mamumuhay siya na parang normal na tao lang din. Dahan-dahan lang ang paglaki niya.” 

Napatango-tango ako. “B-Bampira pa rin naman siya?” 

Mahina siyang natawa. Mula kay Vyo ay bumaling siya sa akin. “Yeah…he has a royal blood. Sa mundo namin, kabilang siya sa mga makapangyarihan na bampira. Kapag lumaki na siya, tuturuan ko siyang kontrolin ang mga dapat kontrolin.” 

Iyon siguro ay ‘yong mga kakahayan nilang mga bampira. 

Huminga ako nang malalim bago itanong ang kataanungang ilang beses ng bumabagabag sa akin. 

“D-Dadalhin niyo rin ba siya sa…mundo niyo?” alam kong mahahalata niya ang pangamba sa boses ko. 

Malalayo si Vyo sa akin kung gano'n. Kaso napapaisip ako…pa'no kung mabilis ang paglipas ng araw sa kanila? Kung magtatagal si Vyo roon, kapag bumalik siya…baka uugod ugod na ako…

“Kasama ka.” 

Hindi ko inaasahan iyon kaya napaawang ang labi ko. Kasama ako. Ibig sabihin, hindi lang siya at ang mga pinsan niya ang bampirang makakasalamuha ko…marami pang iba. 

“Don't worry, saka pa naman tayo pupunta roon kapag maayos na ang lahat. Hindi ko pa kayo madadala roon lalo at umaaligid doon si Valdimer.”

Napatango ako. Naiintindihan ko iyon sa parteng iyon. 

“Posible bang…kunin niya sa atin si Vyo?” ngayon ay nabakasan na ng takot ang boses ko. 

Pumihit siya upang mas maharap ako. Kumalma ang kalooban ko nang hawakan niyang balikat ko upang maituon sa kaniya ang buong atensyion ko. Nakatitig ang mga mata namin sa isa't isa. 

“Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Hindi mawawala si Vyo sa tabi mo, okay? Mananatili siya sa tabi natin,” malambing niyang pagpapagaan sa loob ko. 

Nakahinga ako nang maluwag. 

“Kahit ikaw, hindi ka niya makukuha. Hindi ka mawawala sa tabi ni Vyo. Mananatili ka sa namin ni Vyo…” 

Ngayon naman ay parang naririnig ko ang malakas na tibok ng puso ko, matapos ng sinabi niya. Ngayong titig na titig ang mga mata niya sa akin, pakiramdam ko hinihigop ang lakas ko. 

Nakakapanghina talaga kapag ganito siya sa akin. 

Nakagat ko ang labi, tumango ako. “A-Ayo’ko rin malayo sa inyo.” 

Shit! Dapat kay Vyo lang ‘yong sinabi ko! Pero huli na para bawiin ko pa iyon dahil unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi niya. 

Ramdam ko ang pag-init ng buong mukha ko kaya umiwas na ako ng tingin. Nawala na rin sa balikat ko ang kamay niya. Nag-isip agad ako ng p'wedeng pag-usapan, kasi kung matatahimik ako ay mas lalo lang nakakailang.

“Uh, Vesper.”

“What is it? Hmm?” 

“Ano…may laban ba ako kung matututo akong mag-martial arts?” 

Mabibilis ang katulad nilang nilalang. Hindi ko mapapantayan ang bilis nila kahit magaling ako sa martial arts.

Tumagilid ang ulo ni Vesper, parang pinag-iisipan ang tanong ko. 

“H-Hindi ‘di ba?” nahiya ako. Nakakahiya, nagtanong pa ako alam ko na naman ang sagot.

“My lady, kailangang mabilis din ang kilos mo…” 

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya dahil naramdaman ko na naman ang muling pamumula ng mukha.

“S-Sabi ko nga…”

Narinig ko ulit ang mahina niyang tawa at nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-ayos niya ng upo.

“Pero magagawan naman ng paraan kung paano ka magiging kasing bilis namin,” aniya kaya agad ko siyang binalingan ulit. 

“Talaga? Ano?” 

Bumaba ang tingin niya sa leeg ko, mabilis din namang sinalubong ang mga mata ko. “Kailangan mong maging bampira rin.” 

Napaayos ako ng tayo. Hindi ko napigilang mapalunok. “H-Hindi pa pala ako bampira? ‘Di ba…kinagat mo ako noon sa leeg?” 

“Yeah, I bit your neck and sucked your blood. Pero ‘yon ay para mabuntis ka,” aniya nang may naglalarong ngisi sa labi. 

Pakiramdam ko ay may sumilab na apoy sa mukha ko dahil sa labis na panginginit. Hindi pa ako nakakapagsalita ay nagpatigil niya.

“Ano…ano p-pala ang kailangang gawin para maging bampira rin ako?”

“Gusto mo?” 

Agad akong tumango. Gusto rin naman protektahan si Vyo, hindi ‘yong siya lang ‘lagi. Para kahit wala siya, kung may mangyari man na hindi namin inaasahan, kahit papaano…makakalaban ako. 

“Marry me then.”

“B-Bampira na agad ako no'n?” 

Naroon pa rin ang mapaglarong tuwa sa mga mata niya kahit wala na ang mapaglarong ngisi sa labi niya. 

“No…”

“Ha? Edi pa'no–”

“We need to do ‘it’...again.” 

Ha?

“Kailangan ulit nating magtalik pagkatapos ng kasal.” 

Tuluyan na akong napaiwas ng tingin sa kaniya. Gano'n pala iyon? 

“Teka…m-maliit pa si Vyo,” halos pabulong ng sabi ko. 

“Don't worry hindi ko na naman ibabaon masyado. ‘Yong kagat na lang.” 

Sana lamunin ako ng sahig, ngayon na. 

Sa kagustuhan kong protektahan din si Vyo, susundin ko na lang ang mga kailangang gawin. 

“Sige…” 

Tumayo siya nang sinabi ko iyon. Seryoso na siyang bumuntonghininga. “Sabihan mo lang ako kung kailan mo gustong mgsimula. Ako ang magti-train sa'yo.” 

Nanlaki ang mata ko. Ha? Hindi yata ako makakapag-focus kapag siya ang nagturo! 

“Hindi p'wedeng iba ang magtuturo sa'yo. Dapat ako.” 

“Kahit si Vlad na lang…magaling ba siya?”

Tumiim ang bagang niya, para bang may nasabi ako na hindi niya nagustuhan. 

“Mas magaling ako kaysa sa kaniya.” 

Lagot. Mukhang hindi ako matuturuan kung pagpipilitan kong iba ang magtuturo! 

“Paano ‘yong trabaho mo?” 

Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ko. “Gusto mo bang matututo at maging magaling sa pakikipaglaban?” 

Sunod-sunod akong tumango. 

“Kung gano'n ako ang magti-train sa'yo.”

“S-Sige na nga…” napakamot ako sa ulo. 

Ngumisi siya. “Parang napipilitan ka pa ah? Don't worry magiging magaling ka rin kasi magaling ako. And I'll make sure na hindi boring ang bawat session natin.”

“Okay…”

“Ituturo ko sa'yo ang lahat ng posisyon sa pakikipagbakbakan.” 

Sa pagbisita ulit nila Mama ay nakauwi na ang parents ni Vesper. Naroon pa rin ang awra nila Mama na hindi nila ako titigilan hangga't hindi nila nakukuha ang gusto nila. Hindi na nila ako madalas sinisingit sa usapan nila. Napansin ko rin ang pagsulyap-sulyap nila kay Vesper. 

Kumakain kami ng hapunan sa likod ng mansion nila Vesper, sa tabi ay may dalawang pool na magkadikit at malaki. Iyong mga puno rin ng pine tree na nakahelira sa gilid ay ginagapangan ng pailaw-ilaw. Nakukuha niyon ang atensyion ni Vyo kaya maya't maya ang paglingon ng bata. 

Nasa kabilang side kami ng lamesa, katabi ko si Vesper. Sa kabila naman ay ang mama ni Vesper katabi sila Mama. Nasa gitna ang papa ni Vesper nakaupo. 

“Pasensya na kung naaabala ko kayo sa pagpunta niyo rito, ha. Salamat sa pagpunta.”

“Ayos lang, Mare! Iyong pagtitinda lang naman namin ng kakanin ang pinag-aabalahan namin,” ani Mama. 

“Kapag kami naman ang nagkaroon ng time, kami naman ang dadayo roon sa bahay ninyo,” nakangiting ani Mama ni Vesper. 

“Naku, Tita. Nakakahiya po ang bahay namin. Kami na lang po ang bibisita rito. Nakakahiya na patuluyin kayo sa bahay namin na ang sikip-sikip na nga, luma pa ang mga gamit.”

“Walang problema, kami ang maghahanda kung gano'n para hindi na kayo mag-abala. Magpapadala ako ng mga kasambahay para sa salu-salo natin.” 

“Oo nga, Mrs. Salvacion. ‘Tsaka minsan lang naman,” ani Papa ni Vesper. 

Nakikinig lang ako sa kanila. Si Vesper ay tahimik at abala sa pagpapakain kay Vyo ng pagkain ng baby, habang nakaupo ang bata sa isang hita niya. 

“Baka rin gusto ni Therese na bumisita naman sa bahay niyo,” sali ni Mama ni Vesper sa akin kaya inangatan ko sila ng tingin. 

“Naku, ang sabi ko nga ay kung doon na lang sila ni Vyo sa bahay.”

“Mas mabuti kung nandito sila,” singit ni Vesper gamit ang malalim niyang boses na sobrang lamig. 

“Sabi ko nga rin…kasi lumang-luma na rin ‘yong bahay namin. Kailangan na ring ipaayos,” ani Mama. “Kaya todo ang pagbebenta namin nitong anak ko sa kakanin para makapag-ipon kahit paano sa pagpapaayos ng bahay.”

“Oh, I want to help.” 

“Talaga po?!” si ate na natigil sa pag-iinom. 

“Naku, Mare…nakakahiya naman,” si Mama. 

Tumawa ang mama ni Vesper kaya napatawa rin sila Mama. “It's okay, gusto kong tumulong. ‘Wag muna kayong umalis pagkatapos nating kumain, pag-uusapan natin ito ulit.”

“Thank you po, Tita!” tuwang-tuwa ani Ate. 

Sunod ay kinumusta ng parents ni Vesper ang ginagawa nila Mama na pagtitinda. Noon pa man ay masipag na talaga si Mama sa pagbebenta ng kakanin. Minsan kapag walang pasok si ate ay magkatulong sila, habang ako ay kinukulong lang nila sa bahay para hindi ako makipaglaro sa mga bata sa labas. 

Kaya noon, nakasilip lang ako sa bintana namin. Nabu-bully pa ako dahil doon. Tinatawag nila akong bampira kasi buong araw lang daw akong nasa bahay, hindi lumalabas. ‘Tapos ‘yong kulay ko maputi na namumutla talaga. Nag-medyo tan lang ang balat ko no'ng nag-high school, palaging mainit kasi ang klase namin. At kapag nalalaman ni Mama na may lalaking lumalapit sa akin, pinaparusahan niya ako sa likod ng bahay namin. Binibilad niya ako sa sikat ng araw habang nakaluhod sa mga buo-buong asin. 

Ayo'ko ng balikan ang mahahapding ala-alang iyon. At ayaw ko rin na ipagsabi pa sa iba. Mananatili na lang iyong nasa nakaraan. 

“Ikaw, Vesper? Ano ang plano mo? Ilang linggo ka ng naka-leave sa company mo. May mga nagtatanong na sa amin kung kailan ka raw ba babalik? May mga importante raw kasi sana silang proposals sa'yo.” 

Napatingin din ako sa Papa ni Vesper nang sinabi iyon. 

“Plano kong magpakasal kami ni Therese, ‘Pa.” 

Narinig ko ang pagbagsak ng mga kubyertos sa plato. Napatikhim lang ang papa ni Vesper at nagpatuloy sa kinakain. 

“Kailan ang plano niyo?” 

Nagpalipat-lipat sa amin ni Vesper ang mata ng parents niya at nila Mama. Bumuntonghininga ako. Nilingon ako ni Vesper kaya napabaling na rin ako sa kaniya. Ramdam ko naman ang tingin nilang lahat sa akin. 

“When is your birthday?” tanong ni Vesper. 

“January 14,” sagot ko. 

Tumango siya bago binalingan ang mga nakatingin sa amin. “Magpapakasal kami sa kaarawan niya. Two weeks from now.” 

“W-Wala namang problema sa amin. Kahit kailan niyo gusto,” tanging naikomento ni Mama. 

“Nice! Maid of honor ako, Lavina, ha!” 

Binalingan ko si ate at tipid na nginitian. “Civil wedding lang kami, ate.”

Umawang ang labi niya. “Hala bakit?” agad niyang natutop ang bibig nang pasimple siyang siniko ni Mama. 

Araw-araw ng nagagawi sila Mama sa mansion nila Vesper. Kahit papaano ay natutuwa ako na nakikita ko sa kanila ang pagkasabik sa kasalan, kahit pa simple lang iyon. Pinaghahandaan na nila kahit ilang araw pa ang magdadaan. May kung anu-ano pa silang suggestions. 

‘Wag mong sabihin na iimbitahan mo pa ang Roselle na ‘yon?” bulong ni ate sa akin.


Nasa kusina ako, nagtitimpla ng gatas ni Vyo. Nasa sala naman ang mga magulang namin. Ang ilan sa tiyahin at tiyuhin ni Vesper ay naroon. Si Vesper naman ay nasa kwarto namin ni Vyo, kasama ang ilang pinsan niya. 

“Bakit naman hindi ko siya iimbitahan, ate?”

Pinalakihan niya ako ng mga mata, hindi makapaniwala sa sinabi ko. “Baliw ka ba? Matapos ka niyang piliting lumayas?” 

Maayos kong hinarap si ate sa sinabi niyang iyon. “Ate, hindi nga pinilit ni Roselle. Ako ang nag-isip na lumayas, sumama lang siya–”

“‘Wag mo na ngang ipagtanggol ang babaeng ‘yon, Lavina.”

“Ate naman, parang wala naman kayong pinagsamahan ni Roselle.”

“Hoy, nakikipagplastikan lang ako sa kaniya. Ni hindi ko tinuring na kaibigan ang malandi mong kaibigan na ‘yon. Siguro nga kaya kayo nagkakilala ni Vesper ay dahil sa kalandian ng babaeng iyon! Tinulak ka niya kay Vesper, ano?” 

Huminga ako ng malalim at napailing na lang na tinalikuran siya. “Mabait si Roselle, ate, hindi siya katulad ng iniisip niyo.” 

“Akala mo lang ‘yon–”

Hindi ko na siya pinansin at nilampasan na. Ayo'ko ng marinig ang pinagsasabi nila tungkol sa kaibigan ko. Alam ko namang hindi gano'n si Roselle. Hindi nila alam na si Roselle lang ‘yong kakampi ko kapag pinagtutulungan nila ako ni Mama. 

Dumating ang araw ng kaarawan ko. Sa malawak na likuran ng mansion nila Vesper ginanap ang kasal, na kami-kami lang ang naroon. Ang mga tiyahin, tiyuhin, mga pinsan at ang mga kanang kamay nila–lang ang nakasaksi ng kasal namin. 

Simple lang ngunit hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. Basta masaya ako…at kuntento. 

“Welcome to our family, Mrs. Lavina Therese Sacheverelle…” yakap sa akin ni Mama Veivian, mama ni Vesper. 

“Salamat po, Mama.” 

“Salamat din sa pagtanggap sa anak ko at sa pamilya namin, hija…” 

Nakasemi white dress lang ako habang puting long sleeve at itim na slacks si Vesper. Naka-suit din si baby Vyo. 

Pinalibutan ako ng mga tiyahin ni Vesper habang magkakaharap naman sila ng mga tiyuhin at mga pinsan niya. Nakapunta si Kap, pero si Roselle ay hindi. Nagpadala na lang siya ng regalo sa akin. 

“Salamat po sa pagtanggap sa anak kong si Lavina kahit na ganito lang siya.” 

“Your daughter is beautiful and smart, you should be proud of her,” ani ni tita Thiana, Mommy ng pinsan ni Vesper na si Arcturus.

“Uh…oo naman! Proud naman ako sa kaniya kahit ganiyan siya!” tawa ni Mama at tumango tango sa mga ginang. 

“Maganda naman po talaga itong kapatid ko, pero s'yempre mas maganda ang ate!” singit ni ate na may pagyayabang. 

Ngumingiti na lang ako sa kanila. Hindi ko naiiwasang mapasulyap-sulyap sa mga kalalakihan para kay Vyo. Kalongkalong kasi ni Vesper si Vyo. 

Marunong makisama ang pamilya ni Vesper. Mababait sila, hindi katulad ng naiisip ko pagdating sa mayayamang tao noon–na palaging sinasabi sa akin ni Mama. Na ang mga mayayaman, mataas ang tingin sa sarili nila at mayayabang; maraming pera pero masama ang ugali. 

Masungit tingnan ang iba sa tiyahin ni Vesper, pero kapag nakausap na ay mahinahon sila kung magsalita at palangiti. 

Alam nila na walang alam ang mama ko at si ate sa katauhan nila kaya naroon din ang pag-iingat sa kanila. 

“Ewan ko ba roon sa anak ko. Nag-usap usap yata sila nina Ignatius at Davino na huli silang mag-aasawa.”

“Gusto yata nilang ang mga bunso muna,” tawa ni Mama Veivian. 

“Hindi ako siguro riyan ha. Si Enzo nga na pinakabunso sa kanila, siya pa yata itong hindi mag-aasawa,” iling-iling ni tita Ezme.

“Hayaan na natin sila. May mga usapan na yata ang magpipinsan na ‘yan,” sumulyap sila sa kinaroroonan ng mga kalalakihan kaya napasulyap din ako. 

Nagtagpo ang mga mata namin ni Vesper. Tila may kung anong kuryente ang dumaloy sa ugat ko. Ramdam ang tila pag-init ng puso. 

Oo nga pala…mamaya ‘yong ano…para maging bampira na ako. 

Uminit ang buong mukha ko kaya agad na akong napaiwas ng mukha. Hindi ko na yata maaalis sa utak ko ‘yong mangyayari na iyon. Ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko. 

Magiging bampira na ako mamaya…pagkatapos ng.

“Vesper hijo!” 

Naramdaman ko ang panlalamig ng katawan ko sa narinig na iyon. Ayo'kong lumingon. ‘Wag kang lilingon, Lavina, namumula pa ang buong mukha mo. 

“Nagugutom na yata si Vyo,” boses ni Vyo na nasa likuran ko na! 

Huminga ako ng malalim bago dahan-dahan silang nilingon, pero hindi ko sinalubong ang mga mata ni Vesper na ramdam kong nakatingin sa akin. 

Kinuha ko si Vyo nang inabot niya sa akin. 

“Naku, inaantok na ang baby Vyo,” mapaglarong tawa ang narinig ko sa isa sa mga pinsan ni Vesper. 

Nakita ko sa likuran ni Vesper ang papalapit niya na ring mga pinsan at tiyuhin sa amin.

“Inaantok na ‘yong anak, ‘yong ama paniguradong gising na gising ‘yan,” sabi ni Kap na sinegundahan ng tawanan. 

Hindi na ako makaangat ng tingin kay Vesper. Lalong uminit ang buong mukha ko! 

“Pagkakataon na ni Vesper,” mapang-asar pang tudyo ng isang pinsan.

“Umuwi tayo ng maaga nang hindi na makaabala.” 

“Mauna na kami, Therese,” si Kap. “Vesper, pakihinaan lang ha…’yong aircon para hindi lamigin si Vyo.” 

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang kapilyuhan sa tawanan at pagsipol ng mga magpipinsan. 

Gusto ko ng lamunin ng lupa. Ni hindi ko matingnan sa mata ang mga tiyahin ni Vesper nang angatan ko ng tingin para magpaalam. May mga pinagkukwentuhan din naman sila at mukhang hindi napagtutuonan ang kapilyuhan ng mga anak.

“Tulog na po si Vyo. Ihihiga ko na.”

“Sige, hija. Magpahinga ka na rin. Good night sa inyo.” 

Makakapagpahinga kaya ako nito? 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro