Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8 (Warning)

Kabanata 8: Get Out




“M-Ma…” dinaga ang dibdib ko sa talas ng tingin ni Mama sa akin.


Napalinga-linga ako sa loob ng kwarto. Walang ibang tao kundi kami ni Mama. Nagising nang tuluyan ang diwa ko.

“Ma, dapat h-hinintay niyo na lang ako sa baba,” sambit ko. 

Bumaba ako ng kama para maayos na maharap si Mama. Hindi pa rin nagbabago ang expression niya. Kararating niya lang ba? Si Ate, kasama niya ba? 

Matalim pa rin ang tingin ni Mama sa akin kahit na gumuhit ang ngisi sa labi niya. 

“Mabuti naman at bumalik ka. Alam mo no'ng nagising akong wala ka sa kwarto mo, unang naisip ko na lumayas ka. Totoo pala. Hindi ko inisip na baka may dumukot lang sa'yo kasi imposible…maliban sa katawan mo, sa mukha mo, at laman-loob mo–wala na naman silang mapapala sa'yo.” 

Nilabanan ko ang marahas na titig ni Mama kahit pa dinudurog na ng mga salita niya ang puso ko. 

“Nakakapagka-init lang kasi pinatagal mo pa ang pagyaman ko! Kung hindi ka umalis, sana nasa magandang bahay na tayo pare-pareho nakatira, ‘di ba?”

“‘Ma, b-baka po may makarinig sa inyo.” 

“Naroon sila sa baba, abala sa anak mo. At alam nila na pupuntahan kita para kumustahin.”

Kinumusta…niya man lang ba ako? 

“‘Ma, pasensya na sa ginawa ko.”

“Palalampasin ko lang ang ginawa mo kung magbubukod kayo ng bahay,” aniya na ikinatuod ko sa kinatatayuan ko. 

Umawang ang labi ko, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Nanatili ako sa kinatatayuan nang nagsimulang humakbang si Mama palapit sa akin, kahit na nagsisimula ng manginig ang tuhod ko.

“Bumukod kayo ni Vesper at ng anak niyo. Iyong bahay ko ang palakihin niyo at doon tayo titira,” mariing utos niya. 

Umiling iling ako. Nakikita ko sa mga mata ni Mama na wala siyang pakialam sa amin ni Vyo. Gusto niya lang na palakihin iyong bahay namin. Ayo'ko, natatakot ako na baka pati si Vyo ay kontrolin niya o kaya ay saktan niya. 

“Sinusuway mo na ako, Lavina!” mariin niya nang sigaw sa mukha ko. 

“K-kung gusto niyo, ‘Ma…mag-aaral po ako. Kapag nakapag-graduate na ako, saka ko aayusin ang bahay natin.” 

“Bobo ka talaga!” 

Halos matigkal sa leeg ko ang ulo nang mariin akong dinuro ni Mama sa sintido. Namasa ang mata ko. Nanginginig ang kalamnan ko sa galit ngunit hindi ko siya magawang sigawan, o pantayan man lang ang galit niya. 

“Kahit kailan! Pareho kayo ng ama mo! Parehong walang kwenta!”

“‘Ma, kung gusto niyo talagang maayos ang bahay natin. Magtratrabaho po ako.”

“Kulang pa sa pagkain sa araw-araw ang kikitain mong bobita ka!” 

“‘Ma! S-Sumusobra na po kayo…”

“Aba! Pinagtataasan mo na ako ng boses ngayon?!” inulit-ulit niyang dinuro-dinuro ang sintido ko. 

Nagbagsakan ang luha ko. Para nang pinipino ni Mama ang pagkadurog ng puso ko sa pagduro-duro niya sa akin. Bago ko pa siya malabanan, may kamay nang humila palayo sa kamay niyang dumuduro sa akin, at paglapat ng braso sa tiyan ko upang ilayo ako kay Mama. 

“Stop! You're hurting my baby's mother!” pati ako ay halos manginig sa takot ng lalim ng boses ni Vesper.

“V-Vesper…” hinawakan ko agad ang braso niyang nakatiim na nakahawak sa kamay ni Mama na dumuduro sa akin. 

Nakitaan ko ng takot si Mama habang nakatingin kay Vesper kaya pumagitna na ako sa kanila. Ngunit hinapit ako ni Vesper palayo kay Mama. 

“‘Yan ba…’yan b-ba ang klase ng lalaking ipagpapalit mo sa amin ng kapatid mo, Lavina?” sa kabila ng takot, naroon ang pagkadismaya ni Mama. 

“Vesper,” hinarap ko siya. 

Nakaigting ang panga niya. Dahan-dahan, binaba niya sa akin ang tingin niya. Hindi siya nagsalita. Humakbang siya paatras at dahil nakapulupot ang braso niya sa baywang ko; nadamay niya ako. Tila nilalayo niya ako sa mabangis na halimaw na nasa harap namin. 

“Lavina, mamili ka!”

“Hindi niya kailangang mamili. Sarili niyo po ang pinapipili niyo,” mahinahon na ang boses ni Vesper. 

Hindi ko malubayan ng tingin si Vesper. Pakiramdam ko, mag-a-anyong bampira siya kung pagpipilitan ni Mama ang gusto niya. At ayaw kong malaman iyon ni Mama, na bampira si Vesper. Baka ikapahamak pa ng pamilya ni Vesper iyon. 

Hinaplos ko ang dibdib mo Vesper na hanggang ngayon mabilis ang pagtaas-baba, gawa ng pagpipigil. Kumalma iyon nang tuluyan, dahan-dahan…namungay ang mga mata niya. Kalmado na. 

Binalingan ko si Mama. Naroon pa rin ang talim ng tingin niya, na ngayon ay nakapukol na sa lalaking nasa tabi ko. 

“‘Ma, pag-usapan natin ito nang mahinahon.”

Marahas siyang bumuntonghininga bago ako binalingan. “Ayusin mo ang desisyon mo, Lavina Therese. Hindi mo gugustuhin kapag sinuway mo ako…” habol din ni Mama ang hininga. 

Sa nanlilisik na mata tinalikuran na kami ni Mama. Pagbaling ko kay Vesper ay nag-aabang na ang mata niya. 

“What is it? Ano ‘yong pinag-uusapan niyo para umabot siya sa gano'n?” kalmado, malamig niyang tanong. 

Huminga ako nang malalim. Pinakalma ko muna ang dibdib ko. Sa tensyon kanina ay halos pigilan ko na rin ang paghinga ko. 

“P-Papag-usapan ulit namin ni Mama sa susunod…”

“What is it?” 

Napaiwas ako ng tingin. Ayo'kong sabihin, baka sumang-ayon siya. Pero kung hindi ko naman sasabihin…parang ang unfair. 

Yumuko ako. Humugot ako ng hininga bago siya ulit inangatan ng tingin. “G-Gusto ni Mama na…doon kami ni Vyo sa bahay.” 

“Hindi niya kailangang duruin ka dahil lang gusto niyang doon kayo ni Vyo,” nag-igting ang panga niya at marahas na suminghap. 

“Gusto niyang…bumukod tayo sa parents mo at ’yong bahay namin ang ayusin para doon kami sama-sama.” 

“Mas importante sa akin ang desisyon mo, Therese. Gusto mo bang doon tayo?” seryosong tanong niya. 

Napakagat labi ako. Dahan-dahan, umiling ako sa kaniya. “Pakiramdam ko…mas safe si Vyo rito.”

Tumango tango siya. “Then we'll stay here. Ako ang kakausap sa family mo.” 

“Vesper…”

“Kung papayag siya na bibisita na lang tayo roon nina Vyo paminsan-minsan, ipapaayos ko ang bahay niyo. Pero kung hindi siya papayag…hindi rin ako papayag sa gusto niya.” 

Napabuntonghininga ako, napatango sa sinabi niya. “Okay…”

Sinundan ko siya ng tingin nang umalis siya sa tabi ko. Kumuha siya ng malinis na bimpo ni Vyo at bumalik sa harapan ko. Naghurumentado ang puso ko nang binaba niya sa chin ko ang daliri niya para iangat ang mukha ko sa kaniya. 

“Baka mapansin ni Vyo,” sambit niya at marahang pinunasan ang bakas ng luha sa gilid ng mata ko. 

Para ng kakawala ang puso ko sa lapit namin at sa ginagawa niya kaya umatras ako para magkaroon ng distansya sa pagitan namin. 

“A-Ako na…” 

Marahan lang siyang tumango at binigay sa akin ang bimpo. 

“S-Sumunod na rin tayo sa baba. Baka gutom na si Vyo.” 

“Gusto mo bang kunin ko na lang siya roon at dalhin sa'yo rito? Para hindi ka na bumaba.” 

Umiling ako agad. “Ayos lang. Tara na.” 


Nasa hagdan pa lang kami ay naririnig ko na ang boses ni Mama. Hindi naman siya nakasigaw at galit. ‘Yong tono niya ay para siyang humihingi ng tawad sa mga kausap niya. 


“Pagpasensyahan niyo na ang anak ko, sa edad na bente uno ay pangbata pa rin ang takbo ng isip niya. Kaya hindi ko ‘yan pinalalabas sa bahay ng hindi ako kasama o ng ate niya. Natatakot kasi ako na baka kung kanino na lang siya sumama kapag may umaya sa kaniya. 


“Naiintindihan po namin, Mrs. Salvacion.”


“Opo. Kaya pasensya na kung naisipan niyang maglayas. ‘Yong kaibigan niya kasing si Roselle, bad influence rin ‘yon kay Therese kung saan-saan inaaya minsan ang anak ko. Kaya kasalanan ng batang iyon ang pag-alis ni Therese, siguradong pinilit niyang maglayas ang anak ko.” 

Napatiim-bagang ako. Gusto kong sumingit at itama ang sinabi ni Mama pero umiyak na si Vyo nang nakita ako. Kumakawala na siya sa karga ni Mama. 

Napabaling sila sa amin nang nakalapit na kami. Tumayo naman si Mama para ibigay sa akin si Vyo. 

“Lavina…”

“Ate.” Nginitian ko si ate nang lapitan ako. 

“Na-miss kita,” aniya at niyakap ako ng mahigpit. “S'werte mo. ‘Wag mo kaming kalilimutan ni Mama ha,” mariin niyang bulong bago kumalas. 

“Gutom na po yata si Vyo,” sabi ko habang isa-isa silang tinitingnan. “Aakyat lang po kami sa taas.” 

“Naku! Mauna na rin kami, Mare. Babalik na lang kami ulit, siguro bukas. Na-miss ko kasi ang anak ko at gusto ko pang makalaro ang apo ko,” tumayo na rin si Mama habang nagpapaalam. 

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni ate habang nakatingin kay Vyo. Iniwas ko na lang sa paningin niya si Vyo. 

“Sige, Mrs. Salvacion. Welcome kayo rito parati,” mabait at may galang na sinabi ng papa ni Vesper. 

“Anak, mauna na kami ng ate mo,” baling ni Mama sa akin na agad kong tinanguan. 

“Ingat po kayo.” 

“‘Wag kang mag-alala, babalik din kami rito bukas,” ngiti ni Mama nang may kakaibang pinapahiwatig ang mata. 

Tumango na lang ako. 

“Ipahahatid ko lang sila,” sambit ni Vesper sa tabi ko. 

“Sige. Salamat.”

“Ah, hija. Magpapahanda na rin ako ng hapunan. ‘Wag ka na munang bumalik sa kwarto niyo. Kami na lang ang aalis muna ng Papa mo para mapadede mo si Vyo,” nakangiting ani mama ni Vesper. 

“Uh, sige po.” 

Nakangiti na lang silang tumango sa akin at nag-utos na nga na magpapahanda ng hapunan bago sila umakyat. 

Walang kasambahay na pakalat-kalat sa sala dahil abala sila sa kusina gawa ng inutos ng mama ni Vesper. Kami ni Vyo ang naiwan sa sala kaya pinadede ko na si Vyo. Gising na gising pa rin siya. Nakatitig lang siya sa akin habang dumedede. 

“Mahal ka ni Mama, Vyonscent Carlestille…” nakangiti usal ko habang nilalaro ang mga daliri ng anak. 

Humigpit ang hawak ni Vyo sa daliri ko at naramdaman ko rin na tumigil siya sa pagdede. Kasunod niyon ay ang malakas na pagtunog ng utot na nakulong sa diaper niya. Segundo lang, napatakip ako sa ilong nang sumimoy ang mabantot niyang dumi.

“Ew nagpupu ang baby,” pagbibiro ko. 

Natawa ako nang umiyak siya pagkatapos kong sabihin iyon. Nadatnan kami ni Vesper na nasa gano'ng sitwasyon. 

“Hey, ano'ng nangyari?” 

Natatawa pa rin, nginuso ko si Vyo. “Nagpupu na.” 

Lalong lumakas ang iyak ni Vyo kaya tumayo na ako para palitan siya. 

“Bakit siya umiiyak?” 

“Nahihiya,” natatawang sagot ko. 

Natawa rin si Vesper at sinilip ang anak. 

“Sabi ni…Mama mo… ‘wag na raw muna kaming umakyat kasi nagpapahanda na siya ng hapunan. Kaya lang kailangan kong palitan si Vyo, kaya aakyat muna kami.” 

Tumango siya kaya tinalikuran ko na siya. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin kaya nalingon ko siya. 

“Oh…aakyat ka rin?” 

Napatingin siya sa akin at sumulyap kay Vyo. Tumango siya. “Gusto kong manood…”

Manood? 


“Papalitan ko siya ng diaper. Nagpupu siya…”


“Yeah?” wala siyang balak na umatras. “Gusto kong makita kung matuto kung paano ang pagpapalit ng diaper ng baby,” aniya. 


“S-Sige…” wala na akong nagawa kundi hayaan siya. 

Pagkahiga ko kay Vyo sa kama ay inabot niya naman ang, baby wipes, pulbo at diaper. Umupo pa talaga siya sa mismong tabi ni Vyo, nilalaro ang anak. Tumigil na ang pag-iyak ni Vyo pero nahirapan akong tanggalin ang diaper dahil sa pagsisipa-sipa niya. 

“Let me.” Inabot niya ang hinahawakan kong pandikit sa diaper. 

Tumabi na ako dahil siya na ang pumalit sa pwesto ko. Tumahimik na lamang ako sa tabi. Pinanood ko siyang yumuko sa anak para alisin ang diaper. Natakpan ko ang bibig sa pagpipigil ng tawa nang biglang nagwiwi si Vyo, sapol ang dibdib ng Papa niya. 

“Tss.”

“Ako na…” 

“No, kaya ko,” pursigido talaga siya kaya hinayaan ko na. 


Binalot ng malaki niyang kamay ang dalawang binti ni Vyo. Tinaas niya iyon para pahirin ng baby wipes ang dumi sa pwet ni Vyo. 

“Hindi ka ba nababantutan?” tanong ko. 

“Wala namang mabangong pupu.” 

Pagkatapos niyang linisan ang pwet ni Vyo ay nilagyan niya ng pulbo saka sinuotan ng diaper. Akala ko manonood siya sa pagpapalit ko ng diaper kasi gusto niyang matuto, pero nagawa na naman niya ng maayos. Hindi ko man lang inasahan na magpapalit siya ng diaper ni Vyo. 



Bumalik sila Mama kinaumagahan. Pasikat pa lang ang araw ay dumating na sila. May dala si Mama na kakanin, na binebenta niya sa labas ng simbahan noon. 

“As long as gusto naming mag-stay, kaya lang sobrang importante ng gagawin namin sa Batangas,” paumanhin ng mama ni Vesper. 

May urgent meeting daw silang pupuntahan sa Batangas. Tungkol daw iyon sa resto bar na kapapatayo lang nila. 

Binalingan ko si Vesper. Nagtataka lang ako. Simula kasi no'ng natagpuan niya kami ay hindi na siya nawala sa tabi namin ni Vyo. Wala ba siyang trabaho? O kailangang asikasuhin? Mukha kasing may mga negosyo rin siyang kailangang pagka-abalahan. Napansin siya ang pagbaling ko sa kaniya kaya napalingon siya sa akin.

“May sasabihin ka?” 

“Uhm…ikaw, baka may mga importante ka ring gagawin,” sambit ko. 

“Kayo ni Vyo.” 

Gusto kong kumamot sa ulo kaya lang hawak ko si Vyo. “Ibig kong sabihin…’yong trabaho mo?” 

“Iniwan ko muna kay Vlad. Baka next week ako bumalik, o baka next month na.”

Next month? 

“Why?”

Umiling iling ako. “Wala naman…” sabay kaming bumaling ulit sa mga magulang, abala pa rin sila sa pagpapaalam. 

“Therese,” tawag niya kaya binalingan ko siyang muli. “Ayos lang ba sa'yo kung…civil muna kitang pakakasalan? Pasensya na kung hindi muna natin magagawa ang dream wedding mo.” 

Natigilan ako. Kasal? Teka…wala naman sa usapan na ikakasal kami. 

‘Tsaka…dream wedding? Wala naman akong gano'n, sa totoo lang. Hindi ako kailanman man nag-isip noon na ikakasal ako. ‘Tsaka, tingin ko…hindi dapat ako nagpaplano ng dream wedding ko kasi madidismaya lang ako kung hindi iyon matutupad. 

Masuyong hinawakan ni Vesper ang kamay ko. “I'm sorry…kung civil lang ang maibibigay ko sa'yo rito. Ang totoo kasi…ang mga katulad namin, kinakasal sa mundo namin. Kaya lang masyado pang delikado kung dadalhin kita sa mundo namin.” 

Umawang lang ang labi ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Doon pa lang sa sinabi niyang pakakasalan niya ako…naghurumentado na ang puso ko, hindi ko maipaliwanag ang sabik. 

“Ano…edi ‘wag na muna–”

“Ayo'ko. Gusto kong may suot ka ng singsing,” agad na putol niya sa sasabihin ko. 

“S-Sigurado ka ba?”

“Na pakasalan ka?” nakagat ko lang ang ibabang labi ko. “Yes, Therese, at hinihintay ko na lang ang ‘yong yes…” 

Hindi ako agad nakasagot kay Vesper nang naramdaman na may umupo sa tabi ko. Nginitian ako ni ate kaya umayos ako ng upo para maharap siya ng maayos. 

“Favorite mo ‘yong maja, ‘di ba? Iginawa kita.” 

“Salamat, ate.” 

“Uh, ikaw, Vesper? Kumakain ka ba ng kakanin? Anong ang gusto mo para maigawa kita sa susunod.” 

“Thanks. I'm okay.” 


“Uh…” tumango na lang si ate bago ako ulit binalingan. “Sayang at Wala si Roselle, mahilig din iyon sa maja. Tsk. Ano ba kasi ang nakain ng babaeng iyon at pinilit kang–”

“Ate, hindi niya ako pinilit. Ako ang kusang naglayas, sumama lang siya,” agad na pigil ko. 

Dumako muna ang tingin niya kay Vesper na kausap na ngayon ng Papa niya, bago sumagot ng pabulong sa sinabi ko. 

“‘Wag mo na ngang pinagtatakpan ang kaibigan mong iyon, Lavina. Iyon ang sinabi ni Mama. ‘Tsaka ang sabi-sabi ng mga kapitbahay natin, kaya ‘yon umalis ay dahil nabuntis nong baliw na anak ng mayor.” 

“Ate, kasinungalingan lang nila iyon. Hindi iyon totoo,” pakikipagtalo ko nang pinanatiling mahina ang boses. 

“Sige nga, bakit hindi siya sumama sa inyo pabalik?” 

Marahas akong bumuntonghininga. Ayaw bumalik ni Roselle kasi masaya siya sa lugar na iyon. Wala rin naman na siyang pamilya na babalikan dito. Doon nakalibing ang pinakamamahal niyang tiyahin kaya marahil gusto niyang doon na lang din siya mamuhay. 

Hindi ko na nasagot si Ate dahil tinawag na siya ni Mama. 

“Therese,” tawag muli ni Vesper sa akin kaya siya ang binalingan ko. “Ihahatid ko lang sila Mama sa labas.”

“Sige.” 

Inayos ko ang pagkakakandong ni Vyo sa mga hita ko. Abala lang ito sa nilalaro niyang pacifier. 

“Mauna na kami, Mrs. Salvacion. We'll make it up to you.” 

“Sige po. Ingat kayo.” 

Lumapit pa ang parents ni Vesper kay Vyo para humalik. 


Naiwan kaming tatlo nila Mama sa sala. May kasambahay na lumapit para maglapag ng inumin at cookies na nasa babasaging mangkok na malaki. Bagong gawa kaya amoy na amoy ko ang aroma. Pagkaalis ng kasambahay ay hindi na napigilan ni Ate ang pagtatanong sa akin. 


“Lavina, sabihin mo ang totoo. Sa tingin mo tanga sila para isiping anak iyan ni Vesper?”

“Ate, ano ba ang sinasabi mo?” 

Nagtaas ng isang kilay sa akin si Mama. Si ate, nagpatuloy sa pagsasalita niya. 

“Ang bobo mo talaga, Therese! Magtatatlong buwan pa lang no'ng pumunta sa bahay ang pamilyang iyon. Imposibleng ‘yang bata na ‘yan na ang pinagbubuntis mo noon!” 

Natigilan ako roon at hindi agad nakasagot. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila. Alam kong hindi nila ako maiintindihan. Hindi nga talaga kapanipaniwala na sa higit dalawang buwan ay naipanganak ko na agad ang pinagbubuntis ko. 

Hindi ko p'wedeng sabihin sa kanila ang totoo. Alam kong hindi rin nila maiintindihan iyon.

“Kaninong anak ‘yan, Lavina?” 

“‘Ma…”

“Lavina, hindi ‘sing tanga mo ang pamilya iyon! Akala mo nabilog mo na sila? Wala talagang laman ‘yang utak mo!” 

“‘Ma, hindi niyo maiintindihan.”

Natawa si Mama. “Hindi ka lang pala tatanga tanga. Desperada ka rin pala. Sa kadesperadahan mo, nagmumukha ka talagang inutil!” 

“Lavina, itigil mo na ang kahibangan mong ito! Gumamit ka pa talaga ng anak ng iba? My god! Nababaliw ka na…” 

Hindi ko p'wedeng sabihin na…gano'n talaga kasi…hindi normal na tao si Vyo. Na anak ng bampira si Vyo. 

Hindi ko na makaya ang mga pinagsasabi nila. Ngunit kailangan kong tanggapin iyon. Mas maigi ng tanggapin na lang ang masasakit nilang sinasabi kaysa sabihin ko ang totoo na alam kong hindi nila maiintindihan. 

Ayos lang…lilipas din naman ang sakit na dulot ng paratang nila sa akin. Sa punto na para bang hindi nila ako anak at kapatid para pagsalitaan na lang ng gano'n.

Nagsimulang umiyak si Vyo kaya binalingan ko siya para patahanin. 

“Ayan, umiiyak na. Malamang ‘yong tunay niyang Nanay ang hinahanap niyan,” sabi ni Mama.

“Maawa ka sa bata, Lavina,” si ate.

Nauubos na talaga ang pasensya ko sa kanilang dalawa. Ngunit bago pa ako makaimik ay natigilan ako nang nakita si Vesper na nakatayo na sa likuran nila Mama, walang emosyong nakatingin sa dalawa.

“Both of you, get out of my house.”

Parehong natihimik si ate at si mama matapos marinig ang malalim at malamig na boses ni Vesper. Sabay pa silang napatingin sa pinanggalingan ng boses nito. 

“Oh, Vesper…” nagulantang si ate nang nalingunan si Vesper. 

“Get out. If you won't stop speaking ill to my wife, don't show your face to me ever again.” 

“Vesper hijo, bakit mo kami ginaganito? Pamilya kami ni Lavina…” 

“Wala po akong pakialam. Alis.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro