Kabanata 7
Kabanata 7: Rest
“Uhm…alam na ba ng parents mo na natagpuan mo na kami?” hindi ko pa rin naitago ang hiya sa boses.
Saglit siyang natigilan. Sa reaksyon niyang iyon ay nasagot ang tanong ko; hindi pa.
“Sandali itetext ko lang,” dinukot niya ang cellphone mula sa likod ng suot niyang itim na slacks.
Nilaro ko ang tungki ng ilong ni Vyo habang nakikita ko sa gilid ng mata ko ang pagtitipa ni Vesper sa cellphone niya. Nasa sala kami ng second floor. Wala si Kap ngayong araw, nasa trabaho raw nito sa baranggay hall, sabi ni Greg.
Dalawang gabi na ang lumipas matapos ‘yong nangyari. Pinoproseso pa rin ng utak ko ang lahat, ngayon ay nakakaabante na naman na. Paunti-unti, naiintindihan ko na at tinatanggap ko na.
“Nasa Spain sila ngayon. Uuwi ‘yon sila agad ‘pag nabasa text ko.”
Inaabot ni Vyo ang daliri ko nang lubayan ko ang tungki ng ilong niya. Gumawa siya ng ingay kaya natawa ako. Pinahuli ko sa kaniya ang daliri ko bago binalingan si Vesper. May maliit na ngiti sa labi niya habang pinanonood si Vyo.
“G-Galit ba sila?”
Napunta sa akin ang tingin niya, hindi napawi ang maliit na ngiti. “Hindi sila nagagalit.”
Naalala ko ‘yong reaksyon ng parents niya no'ng nagsinungaling ako. Hindi ko man lang sila nakitaan ng galit noon. Ni hindi man lang nila ako pinagsalitaan ng kung ano, kahit na isang kasinungalingan iyong sinabi ko.
“Pasensya na pala roon sa sinabi ko…” umiwas ako ng tingin.
“I understand. I could see it in your eyes back then that you don't mean it. Pinilit ka lang na gawin ‘yon. I knew how big your heart is, Lavina.”
Ayo'kong aminin na pinilit lang ako. Ayo'ko ng isama si Mama sa usapang ganito. Ayo'ko na sisihin pa siya, kasi Nanay ko pa rin naman siya.
“You're guilty so you ran away, right?”
Huminga ako ng malalim at binalingan siyang muli. Bagal ang naging pagtango ko, pero ‘yon ang totoo.
“I want you to know, that you don't have to force yourself for hurting someone. ‘Wag mong piliting gawin ang bagay na hindi mo naman gawain.”
Umawang ang labi ko. Agad kong pinigilan ang sarili na magsalita. Marahang tumango na lang ako ulit sa sinabi niya.
Kaunti lang ang distansya sa pagitan namin. Nilamon niya iyon nang lumapit pa siya para yukuin si Vyo. Kinuha niya si Vyo mula sa akin at sinandal sa dibdib niya, dikit na dikit pa rin sa akin. Hindi naman ako makadasig kasi nasa armrest na ang nasa tabi ko.
Pilit tumitingala so Vyo sa ama. Simula no'ng tinabihan siya ni Vesper sa pagtulog ay gustong gusto na nitong ang ama ang kumakarga sa kaniya.
“Gusto mo na bang umuwi sa bahay natin? Malapit na, baby…”
Napag-usapan na namin kahapon ang tungkol sa pag-uwi. Uuwi na kami.
Humagikhik si Vyo. Napabuntonghininga ako. Iilang linggo pa lang siya no'ng pinanganak, pero ‘yong inaakto niya ay parang ilang buwan na siya. Bakit ang bilis lumaki? Gano'n ba talaga kapag bampira ang ama?
“I-Ilang taon ka na, Vesper?” bago ko pa mapigilan ang pagtatangka ay nagawa ko na.
“Thirty years old sa mundo niyo. Pero kung sa mundo namin, I'm three hundred years old already.”
Nalaglag ang panga ko. Twenty one years old pa lang ako. Ang layo ng age gap namin! Three hundred nine?
Nahalata niya yata sa mukha ko ang pagkagulantang. Hinarap niya ako. “Hindi pa naman ako masyadong matanda para sa'yo, ‘di ba? Bagay pa rin tayo.”
“Uh…oo,” sambit ko at agad napaiwas ng mukha.
Bakit ko pa sinabi iyon?
Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa labi niya bago ako nilubayan ng tingin para balingan si Vyo. Napatingin din ako sa cellphone niya na nasa ibabaw ng babasaging coffee table nang tumunog iyon.
“Kuya Davino is calling,” sambit niya at inupo sa hita niya si Vyo bago kinuha ang niya at sinagot ang tawag. “Kuya…”
Kukunin ko sana si Vyo sa kaniya para makapag-usap sila nang maayos ni Kap, pero sinenyasan ako ng kamay niyang nakaalalay kay Vyo.
“It's fine,” mababang aniya.
Yumuko na lang ako kay Vyo para halikan ang ulo nito. Pinanood niya ang paggalaw ng labi ni Vesper sa pagsasalita.
“We're going home today,” aniya, iyon ang napag-usapan namin.
“Sige. Hintayin niyo ako.”
Naka-loud speaker ang call kaya naririnig ko ang sinasabi ni Kap.
Napasulyap ako sa malaking dingding na salamin nang narinig ang tunog ng chopper. Nakita ko mula sa kinauupuan ang kulay puting chopper na palapit sa mansion. Bumababa ito patungo sa tagiliran ng malawak na bakuran ng mansion ni Kap.
“Okay, we'll wait for you.”
Naputol na ang tawag nang muli kong binalingan si Vesper. “M-May bisita yata si Kap. May bumaba na chopper sa tagiliran ng bahay,” saad ko.
“Doon tayo sasakay pauwi,” aniya sabay tayo.
Wala pa ako sa sariling sumunod na tumayo. Sasakay kami roon? Kung gano'n…ito ang unang beses ko na makakasakay sa gano'n.
Kasama ni Kap si Roselle nang dumating. Naiiyak na si Roselle habang nagpapaalam kami sa isa't isa kaya hindi naiwasang manubig ng mata ko.
“I'm so happy for you, Lav! Bibisitahin mo ako dito ah?”
“Oo naman. Salamat sa lahat, Roselle.”
“Naku! Wala ‘yon.”
“Uh, ‘yong ex mo pala. Akala ko ba babalikan mo siya?”
“Kapag nagkita kayo sabihin mo may asawa’t anak na ako, ha! ‘Wag na siyang umasa na babalikan ko siya at makikipagtanan sa kaniya.”
“Sira ka.”
Nilapitan niya si Vyo at ito naman ang pinanggigilan. “See you again, baby Vyo. Lablab ka ni Tita ninang!”
Nabaling ako kay Kap nang tumayo siya sa gilid ko. Pababa na si Vesper sa hagdan, hila-hila ang isang maleta at bag.
“‘Wag ka sanang magdadalawang isip na magsabi kapag may napapansin ka ng mali. ‘Wag ka ring matakot, hindi naman kayo pababayaan ni Vesper.”
“Salamat, Kap…”
“At…masanay ka sana sa kaniya. Tahimik lang ‘yan pero hilig niyang dumikit-dikit. Clingy ang isang ‘yan,” pasimpleng binulong pa ni Kap nang nasa kay Vesper ang tingin.
“O-Opo, Kap…”
Kung gano'n, dapat ko ba siyang batayan kapag may mga babaeng mag-aaligid sa kaniya? Kahit kaninong babae ba didikit dikit siya? Kahit hindi niya kaano ano?!
Nakaramdam ako ng inis. Dapat iwasan na niyang dumikit dikit sa ibang babae kasi…m-may anak na naman siya. Napabuntonghininga ako. Sabagay…sino ba naman ako sa buhay niya para harangin ang mga babaeng lalapit sa kaniya.
“Let’s go?”
Tumango lang ako at tahimik na sumunod sa kaniya. Nakasunod sa amin si Kapitan at Roselle. Hinatid nila kami ng tingin nang makasakay na kami sa maingay na chopped.
Magandang lalaki si Vesper. No'ng una ko pa lang siyang nakita, halos hindi na ako kumurap habang tinitingnan siya. Paano pa kaya kung ibang babae? Ako lang ‘yong naglakas loob na lapitan siya. Pero alam kong may iba rin na gusto siyang sunggaban kahit nasa malayo siya. Hindi na ako magtataka kung maririnig ko sa iba na marami na siyang naging nobya.
At panigurado akong…lahat sila ay may mga ibubuga. Kaya kung iisipin, kung hindi niya ako nabuntis…baliwala na lang ako sa kaniya, magiging hangin na lang ako sa kaniya.
“Kanina ka pa…tahimik. May problema ba?”
Wala ako sa sariling umiling. Nagising ako sa malalim na iniisip. Saka ko lang napansin na lumilipad na kami. Halos puro kagubatan ang nakikita ko sa baba, kung may bahay man ay iilan lang.
“Thinking about your mother?”
Hindi niya yata ako lulubayan kung hindi ako magsasalita. Bumuntonghininga ako.
“H-Hindi.” Ngunit nagsimula akong isipin na iyon.
Paniguradong manggagalaiti iyon si Mama sa akin kapag nagkita na kami. Lalo lang yata akong kinabahan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag muli kaming magkakaharap. Sisigawan niya ba ako? Sasaktan ng physical?
Marahas na talaga si Mama sa akin noon pa man. Hindi rin niya fini-filter ang mga salitang sasabihin niya sa akin. Kung ano ‘yong gusto niyang sabihin, iyon ang sasabihin niya. Hindi niya iniisip kung gaano makakapinsala ang masasakit na salitang binabato niya. Iyon…ay para mapasunod niya ako.
“‘Wag kang mag-alala. Hindi lang naman ikaw ang maghaharap sa kaniya kundi tayong dalawa.”
Bumaba ang tingin ko sa kamay ko nang hinawakan niya iyon at marahang hinahaplos ng daliri niya. Kahit na malaki ang kamay niya at mukhang mabigat, magaan pa rin ang paraan ng paghawak niya sa kamay ko… at may pag-iingat.
“Ano…kaya ko naman na harapin siya ng mag-isa. Kakausapin lang naman ako no'n kapag nagkita na kami,” sambit ko.
“You sure?”
Tumango ako. “At kung magalit siya, maiintindihan ko. Umalis ako nang hindi nagpapaalam kaya maiintindihan ko ang galit niya.”
“Maiintindihan ka rin niya kung bakit mo ginawa iyon. At kung hindi man, ‘wag kang mag-alala…nandito kami ni Vyo.”
Lumapag ang chopper sa private na paliparan. May ilang chopper pa ang naka-part sa malawak na nilapagan namin, na pinapalibutan ng malalaking bahay na may tigta-tatlong palapag. May magarang sasakyan ang tumigil sa malapit namin nang bumaba kaming tatlo.
“Maligayang pagbabalik, Master,” yumuko iyong lalaki kay Vesper sunod ay sa akin. “Sa inyo rin po, Miss Salvacion. Ako po si Vlad, ang kanang kamay ni Master Vesper,” ang naka-formal suit na lalaking kalbo na bumaba mula sa itim na SUV.
“B-Bampira rin siya?” baling ko kay Vesper.
“Yeah. May mga kanang kamay kaming mga lalaki,” aniya.
Napatango ako. Si Kap ay meron din, si Greg. Pati rin pala mga pinsan ni Vesper. Kung gano'n pati mga Papa nila?
“P-Pati ba si Vyo magkakameron?” tanong ko habang palapit na kami sa sasakyan.
“Kapag nag-legal age na siya.”
Ilang malalaking bahay lang ‘yong dinaanan namin ay pumasok na ang sasakyan sa malaking gate ng mansion. Tulog na si Vyo sa braso ko. Hindi ko na halos nararamdaman ang braso ko dahil sa kanina ko pang karakarga si Vyo.
Si Vlad na ang nagbitbit ng maleta at bag na dala namin at nauna ng naglakad papuntang mansion. Nakaalalay sa ulunan ko ang kamay ni Vesper habang bumaba ako ng sasakyan.
“Akin na so Vyo.”
“Ha? Ayos lang…”
“Kanina mo pa siya karga. Ako naman.”
“Sige…”
Maingat niyang kinuha si Vyo sa akin. Gumalaw lang ang kamay ni Vyo pero bumalik din agad sa mahimbing na pagtulog. Kinuha ni Vesper ang isa kong kamay at kinawit sa braso niya. Nahiya ako kaya inalis ko agad, ngunit binalik niya.
“‘Yong mga bahay na nakita mo kanina, bahay ‘yon ng kamag-anak natin. Nasa iisang village lang kami nakatira.”
May iilang kasambahay ang namamataan ko na nasa labas. Mayroong nag-aalaga sa malawak na lawn, pool area na nasa tagiliran lang ng bahay, at sa kung saan-saan pa.
“Is it okay kung dito tayo? Sila Mama ang makakasama natin dito pero madalas naman silang wala.”
“W-Wala namang problem.”
“You sure? Ayaw mo bang nakabukod tayo?”
Sobrang laki nitong bahay. Iniisip ko na kung bubukod kami, saan? Malayo ba rito? Malayo ba kina Mama? Kaya lang, iniisip ko rin na kung bubukod kami…parang delikado. Hindi magiging payapa ang isip ko dahil sa pangangamba na baka bigla na lang magpakita sa akin ‘yong lalaki na kailangan kong iwasan. Ayo'kong mapahamak si Vyo para lang masunod ang gusto ko.
Nakikita ko pa lang ang mansion, ramdam ko na agad na magiging ligtas dito si Vyo. Lalo pa at pinalilibutan kami ng kamag-anak ni Vesper.
“Ayos na kami rito. Ayos lang ba sa parents mo na nandito kami?”
“Yeah. Hinihintay na rin nila kayo.”
Nakakahiya sa parents niya. Pagkatapos kong akusahan ang anak nila sa bagay na hindi naman nito ginawa, at pagtaguan–ngayon magpapakita ako. Parang wala akong mukha na mihaharap sa kanila.
“Don't worry, they're not mad. They're excited to meet you again and to see Vyo.”
Pinawi ng mahina niyang tawa ang pangamba ko. Siguro kitang-kita niya sa mukha ko ang kaba at hiya kaya mas lalo niya akong nilapit sa kaniya habang palapit kami sa mansion.
Papasok pa lang kami ay naririnig ko na ang yapak na tila nagmamadali. Pagkarating namin sa sala ay saktong kababa lang ng mag-asawa sa grand staircase. Napahigpit ang kapit ko sa braso ni Vesper nang lumakad sila patungo sa amin.
Hindi ako makatingin sa mata nila. Iyong ngiti ko, kahit hindi ko tingnan, alam kong halata ang kaba sa nanginginig kong labi.
“Therese, welcome home, hija,” sa akin dumiretso ang Nanay ni Vesper at niyakap ako.
Natigilan ako. Hindi agad ako nakakibo. Marahil naramdaman pa ng Mama ni Vesper ang paninigas ng katawan.
Hindi ko inasahan na sa kabila ng panggugulong ginawa ko sa kanila, sa akin siya unang lumapit para salubongin ako ng yakap. Yakap na magaan, maingat…at may pagmamahal. Na ni minsan ay hindi nagawa ng sarili kong Nanay sa akin.
“Feel at home, hija. Magiging bahay mo na rin naman ito,” aniya nang kumalas sa yakap.
“T-Thank you po.”
Nahagip ng mata ko si Vesper na nakatayo pa rin sa gilid ko. Pinanonood niya ang mukha ko kaya parang nahihiya na rin ako.
“And where's my baby Vyo?” mapaglarong sambit ng mama ni Vesper sabay baling sa mag-ama. “Oh my!”
“‘Ma, he's asleep,” sita ni Vyo dahil napalakas ang boses ng ginang.
“He's so cute!” hindi nagpapigil ang ginang. Tuwang-tuwa nitong nilaro ang pisngi ni Vyo.
Lumapit naman sa akin ang tatay ni Vesper kaya ito ang nabalingan ko. May maliit na ngiti itong pinakita sa akin.
“How are you, hija?”
“Uh…ayos lang po. Magandang hapon po.”
“Salamat naman at walang masamang nangyari sa inyo. Feel at home. I hope you like it here.”
“Salamat po…”
Tumango pa siya bago nilapitan na rin si Vyo. Kinukuha na ng Nanay ni Vesper si Vyo kaya walang nagawa si Vesper kundi ipaubaya ang anak. Hindi naman nagising ang bata.
“‘Ma, kakatulog pa lang…”
“Hindi ko naman gigisingin, anak. Look, parang ikaw no'ng bata pa. Pero mas pogi ito sa'yo, anak. Ang ganda-ganda ng labi oh, nakuha sa Nanay.”
“Hayaan mo na ang Mama mo, Vesper. Kagabi pa ‘di makatulog ‘yan, hindi na makapaghintay na dumating kayo. Pinagawan niya na rin ng nursery room si Vyo,” ang natatawang ama ni Vesper.
“Wait, what?” hindi makapaniwalang usal ni Vesper sabay baling sa ina. “‘Ma, ako ang magappagawa ng nursery room ni Vyo…”
“Nakapagpagawa na ako…”
“Tss.”
“Sa susunod na baby niyo na lang. Ikaw na magpapagawa, ‘di na kita pangungunahan,” sabi ng ginang na hindi makatingin sa anak.
Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Nagkunwari na lang ako na walang narinig. Napabaling ako kay Vesper nang lumapit sa akin.
“Do you want me to call your family to let them know that you're here na? Paniguradong pupunta iyon sila rito…”
Nakagat ko ang ibabang labi. Dahan-dahan, tumango ako. “Sige…”
Tumango tango siya. “‘Kay. Now get some rest. Ako na lang ang magbabantay kay Vyo kapag nagising.”
Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayong nakatuon sa akin ang tingin niya at ganito pa kami kalapit sa isa't isa.
“H-Hindi naman ako pagod…”
“Oh, Therese, your eyes can't lie to me,” gumuhit ang mapaglarong ngiti sa labi niya. “You need the energy para sa pagparito nila Mama mo. Let's go.”
Bago pa ako makatanggi, hinawakan niya na ang kamay ko at dinala sa kwartong pinahanda niya sa amin ni Vyo. Kung saan dinala ni Vlad ang mga gamit namin. Hindi niya ako nilubayan hangga't hindi ako humihiga sa kama.
Paglapat ng likod ko sa malambot na kama, parang henihele ako. Napapikit ako sa masarap na dulot ng lambot ng kama. Napadilat lang ako nang gumalaw ang makapal na kumot. Tinabunan ako ni Vesper ng hanggang leeg na kumot.
“Rest, my lady…” awtomatikong pumikit ang mata ko nang lumapat sa noo ko ang malambot niyang labi.
Dahil doon…mapayapa akong nakatulog.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro