Kabanata 2 (Warning)
Kabanata 2: Pang-aakusa
“Ano ang nangyari kagabi? Bigla raw kayong nawala sa plaza nong lalaki sabi ni Roselle! Saan ka niya dinala?!” bungad ni Mama nang nagising ang diwa ko.
Pagsulyap ko sa labas ng bintana ng kwarto ko ay mataas na ang araw. Natigilan ako sa paghikab nang may pumasok na ala-ala sa akin mula kagabi.
“Ano?! Sumagot ka, Lavina Therese! Bakit ka natigilan?”
Galit na galit si Mama nang nilingon ko, sa likuran niya ay si ate at Roselle.
“Roselle…paano ako nakauwi?”
Napasapo si Mama sa noo niya. Nakagat naman ni Roselle ang labi niya at umiling iling sa akin. “Hindi ko rin alam sa'yo, Lav…pinuntahan nga kita rito kagabi…tulog kana.”
“At mukhang pagod na pagod ka! Paano ka nakauwi nang hindi namin namamalayan?! Saan ka dumaan?” sumulyap si Mama sa bintana ng kwarto ko, pero imposible kung iniisip niyang doon ako maari dumaan…eh kahit pusa hindi makakadaan.
“H-Hind ko rin alam, ‘Ma…”
“Ano'ng hindi mo alam?!” handa na si mama na sugurin ako.
“Lav, saan ba kayo nagpunta nong lalaki kagabi?” singit ni Roselle kaya muli akong napatingin sa kaniya.
Dahil sa tinanong niyang iyon ay inalala ko ang nangyari. Tuluyan akong natigilan at halos mahigit ang hininga. Tanging ulo lang ang naigagalaw ko, sinalubong ko ang mata nilang nag-aabang ng sagot.
“Ano…sa kakahuyan tapos…”
“Ano…” napasinghap sila, mas lalong nagalit ang mata ni Mama.
“‘Tapos po…s-sinaksak niya ako roon…”
Nanlaki ang mata nila. Hindi nakagalaw si Mama samantalang agad akong tinakbo ni Roselle.
“Sinaksak ka?! Saan?! Bakit ngayon mo lang sinabi! Nasaan at isusugod ka namin ng hospital!”
Pigil ko ang pagdaing nang kumirot ang gitna ng mga hita ko dahil sa pag-aalog ni Roselle sa akin. Nakita niya ang pagngiwi ko kaya tumigil siya.
“H-Hindi naman kutsilyo ang pinangsaksak niya…”
“Itak?!” hindi makapaniwalang bulalas ni ate.
“Sino ang lalaking iyon!” lumapit sa akin si Mama at mahigpit na hinawakan ang mga braso ko. Hindi ko napigilang mapadaing. “Kailangang managot ang lalaking iyon! Pinagsamantalahan ka niya! Roselle, kilala mo ba ang lalaking iyon?!”
“‘Ma…” inalis ko ang mahigpit na pagkakahawak ni Mama. “H-Hindi niya naman po ako pinagsamantalahan…ako po…bumigay rin.”
“Diyos ko!” pabalik-balik ng lakad si ate habang nakasabunot sa buhok niya.
Naramdaman ko ang pagdaloy ng luha sa mata ko. Sa takot, pangamba, hiya, at konsensya…
“Sorry po, ‘Ma…”
Tuluyan silang natigilan. Para bang isang kagimbal gimbal ang sinabi ko. Sa bagay, nakakagimbal naman talaga…nagimbal din pati ako kagabi. Pero huli na ang pagsisisi…
“Teka…a-ano ‘yang nasa leeg mo?”
Nakapa ko ang leeg. Napasinghap ako nang mahaplos ko ang banda kung saan ko naramdaman na may bumaon kagabi. Kumirot iyon at… nangangati.
“Tinuklaw ka ng ahas?!”
“H-Hindi ko po alam, ‘Ma… sorry po…”
“Tita, kilala ko ‘yong lalaki na iyon! Pero hindi ko po alam kung saan siya nakatira. Ang alam ko lang po ay kaibigan siya ni Engr. Brion Villafranca, dayo lang din po kagabi.”
“Roselle…” gusto ko siyang pigilan. Kasalanan ko rin naman…
“Hali ka! Samahan mo ako sa bahay ni Engr., Roselle! Bilisan natin at baka nando'n pa ang lalaking nanamantala kay Lavina!”
Na-alerto ako nang tumalikod sila kaya agad akong bumaba ng kama para pigilan sila. Hinila ko ang kamay ni Mama pabalik.
“‘Ma… ‘wag na po. K-Kasalanan ko rin naman…bumigay po ako. Hayaan na po natin…”
“Baliw ka ba?! Kailangan niyang panagutan ang ginawa niya!”
“Pero, ‘Ma… ginusto ko rin naman.”
Nanggagalaiti akong hinarap ni Mama matapos kong sabihin iyon. Nanginig ako sa takot. Malakas niya akong sinampal kaya pigil ko ang malakas na pag-iyak, sapo-sapo ang pisngi na sinampal niya.
“‘Yan ang ‘wag na ‘wag mong sasabihin sa harap nino man! ‘Wag na ‘wag mong sasabihin na bumigay ka!”
“Pero, ‘Ma…”
“Magtigil ka, Lavina Therese! Kaibigan iyon ng Engr. kaya malamang mayaman din iyon! Kung hindi ka niya pananagutan, magsasampa tayo ng kaso! Sasabihin mo sa kanila na pinagsamantalahan ka niya…na ni-rape ka niya… naiintindihan mo?” mariing singhal ni Mama habang dinuduro-duro ang sintido ko.
“Tama si Mama, Lavina. Kung mayaman nga iyon, paniguradong hindi ka no'n pananagutan. Gagawa at gagawa iyon ng paraan para takbuhan ka, kaya kailangan mong ipalabas na ni-rape ka niya para kahit hindi ka niya panagutan…bibitaw siya ng malaking pera para patahimikin ka,” kalmadong pagpapaintindi ni ate.
Hindi ko maipaliwanag ang kirot na dumaan sa dibdib. Ayaw tanggapin ng isipan ko na maari ngang…totoo iyon. At kung mangyari man iyon…bakit parang ngayon pa lang…nasasaktan na ako?
“Hindi mo ba nakikita iyang mga pasa sa katawan mo, Lavina? Pinanggigilan ka niya kaya dapat lang na managot siya at magbayad!” patuloy ni Mama.
Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko, hindi na makapagsalita. Ni hindi ko na matingnan ang mga pasa na tinutukoy ni Mama. Basta, maliban sa kumikirot kong gitna…pakiramdam ko ay binugbog din ang katawan ko. Gano'n pa man, mas ramdam ko…ang kirot sa dibdib.
“Hahagilapin namin ang lalaking iyon. Ikaw, manatili ka rito at linisan ang sarili mo kasi kapag natagpuan namin siya…ihaharap ka namin agad sa kanila.”
Niyakap ako ni Roselle at hinagod-hagod ang braso ko para patahanin…pero mas lalo lang akong naiyak.
“I'm sorry, Lav…para rin ito sa sa'yo…”
“Tandaan mo, Lavina…‘Wag mong sasabihin na bumigay ka. ‘Wag na ‘wag mong sasabihin na nagustuhan mo ang nangyari. Sabihin mo sa kanila na ni-rape ka niya.”
Sa takot na manlaban, sunod-sunod na lamang akong tumango.
“Hali kana, Roselle!”
Bantay sarado ako ni ate. Ni hindi niya ako pinalabas ng bahay. Hindi rin naman ako makakilos nang maayos dahil sa mga kumikirot na parte ng katawan ko. Kaya habang naglilinis si ate, nanonood lang ako. Sa panonood ay hindi ko namalayang nakatulog ako.
“Talagang nag-eskandalo ako sa harap ng bahay ni engineer!”
Nagising ako sa boses na iyon ni Mama. Pagtingin ko sa labas ay gabi na. Wala namang ibang…tao. Nakatingin na sila Mama sa akin nang napatingin ako sa kanila.
“Wala na raw iyong lalaki! Dali-dali raw umalis kagabi! Sinasabi ko na nga ba…”
Umupo si Roselle sa tabi ko.
“H-Hindi niyo naabutan…” sambit ko.
“Si Engr. Villafranca ang nakausap namin. Ang sabi niya, kakausapin na lang daw niya at sasamahan niya na pumunta rito…”
“Binigay ko itong address natin! At sabi ko, kung hindi sila makakapunta bukas na bukas dito sa bahay, mag-e-eskandalo ako ulit sa kanila! At kung hindi pa rin…wala na silang magagawa kasi magsasampa agad ako ng kaso bukas ng gabi!” ani mama.
“‘Ma, ‘wag na kayong mag-eskandalo ulit sa bahay ni Engr. kasi baka mamaya niyan siya ang magsampa sa atin ng kaso dahil sa panggugulo niyo. Kung hindi sila susulpot dito bukas, edi magsampa na agad tayo ng kaso,” suhesyon naman ni ate.
Napabuntonghininga ako. Gusto ko na lang na magtago. Baka hindi ako mapakali kung makakaharap ko ulit ang lalaki. Hindi ko siya kayang harapin pa…nahihiya ako.
Nilingon ko si Roselle nang sinundot niya ako. Lumapit pa siya sa akin para may ibulong.
“Ano ba kasi ang nangyari? Bakit bigla kayong nawala kagabi? Nagtagay lang ako, tapos pagtingin ko sa mga nagsasayawan hindi ko na kayo nahagilap.”
Bumuntonghininga ako ulit. “K-Kasi…sabi ko sa kaniya titingnan ko iyong wallet niya, umbok na umbok kasi sa harap ng pants niya. B-Balak ko sana na kunin kung may lamang pera…”
“Sira ka! Hindi wallet iyong umbok na iyon sa harap!” bulalas niya. “Kaya ka nasasaksak, eh!”
Napanguso ako at napayuko. Nahihiya pa rin ako kapag naaalala iyon…
“Mukha nga…kasi hindi na niya sa akin naipakita iyong wallet niya,” sambit ko.
“Oh tapos ano na…sabi mo kanina dinala ka niya sa kakahuyan?”
Nakagat ko ang labi, tumango. “Oo…hindi ko natingnan masyado iyong mukha niya kasi madilim.”
“Eh iyong…ano?”
“Ano?” nilingon ko siya.
“Iyong ano niya!”
“Ano nga?” kunot-noo ng tanong ko, hindi ko alam iyong ‘ano’ na sinasabi niya.
“Ay jusko! May nangyari na’t lahat inosente mo pa rin!”
Napakamot na lang ako sa ulo. Hindi ko talaga makuha ang sinasabi niya.
“Pero alam mo, Lav,” binabaan niya ulit ang boses niya. “Ang s'werte mo pa rin…kasi mayaman at ang pogi ng first time mo! Sulit na sulit ang pagkapunit!”
“Pagkapunit ng alin?”
“Pagkapunit ng balat!”
“Ha? Bakit naman mapupunit ang balat?”
“‘Di ba kapag sinasaksak napupunit? Lalo na kung jumbo hotdog ‘yong panaksak!”
“Ha? ‘Di ba nabubutas kapag sinasaksak? ‘Tsaka…mapuputol ‘yong hotdog kapag ginamit panaksak, ‘di ba? Kaya…”
“Hindi ‘no! Basta matigas na matigas!”
“Ah…” napatango-tango ako. Gano'n ba ‘yon?
Hindi agad ako dinalaw ng antok sa gabi. Si Roselle ay sa tabi ko natulog, ang lakas humilik. Hindi ko na namalayan kung anong oras akong nakatulog. Paggising ko ay mataas taas na ang araw, wala na si Roselle sa tabi ko.
Hindi na ako nag-abala pang magsuklay. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko, uhaw na uhaw. Kaya lalabas ako ng kwarto ng naka-maikling short at silky red sando na may manipis na strap. Binuksan ko ang pinto ng kwarto habang naglilinis ng mata, napahikab ako.
Naiwang nakabuka ang bibig ko nang natigilan sa mga taong napabaling sa akin. Parang hinigop ng sahig ang dugo ko. Isa-isa kong dinapuan ng tingin ang mga matang nakatuon sa akin.
Bakit…may mga tao?
Limang babae ang nakaupo sa mahaba naming sofa at tag-isa sa single sofa. Iyong mga kalalakihan ay mga nakatayo sa gilid ng sofa at sa likuran…lahat nakabaling sa akin.
“Lavina! Gising ka na…” mabuti na lang at nilapitan ako agad ni Mama, dahil kung hindi ay tatakbo na sana ako pabalik sa kwarto.
Nakarinig ako ng pagbuntonghininga at tikhim. Hindi ko matingnan sa mata ang mga nakatingin sa akin. Parang hinahalukay ng tingin nila ang kaloob-looban ko. Nakakapanginig ang lamig ng tingin nila.
“‘Ma…sino po sila?” mahinang tanong ko kay Mama habang iginigiya niya ako sa isang single sofa, sa harap nila.
Gusto kong tumakbo na lang pabalik sa kwarto. Para akong nauubusan ng hininga. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba!
“Sila ang pamilya no'ng nanamantala sa'yo.”
Nakarinig ako ng tikhiman mula sa mga kalalakihan kaya hindi ko napigilan na angatan sila ng tingin. Walang emosyon na nakatingin sa akin ang mga nakaupo, gano'n pa man ay nagsusumigaw ang kapangyarihan na meron sila. Unang tingin pa lang, ramdam na. Sa mga alahas pa lang na suot nila, manliliit ka na. Para silang mga modelo na hindi tumatanda.
Nagmukha namang maliit ang sala namin sa matitikas na tindig ng mga kalalakihan. Siguro kung nabubuhay pa si Papa, hindi nagkakalayo ang edad niya sa mga lalaking nakatayo naman sa likuran ng sofa. Gano'n din si Mama sa mga babae. May pito rin na…kaedaran lang din siguro nong lalaking nanaksak sa akin kagabi…
“Nakikita niyo ba? Takot na takot ang anak ko! At dahil iyon sa ginawa ng lalaking ‘yan,” tinuro ni Mama ang lalaking pinagigitnaan ng mga kalalakihan, at nagsimulang umiyak.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ni hindi ako makatayo para damayan si Mama dahil nanginginig ang binti ko.
“‘M-Ma…”
“Sabihin mo sa kanila ang ginawa ng lalaking ‘yan sa'yo, anak! Nakikita niyo ba ang mga pasa ng anak ko? At itong nasa leeg niya. Natuklaw pa siya ng ahas dahil sa pagdala ng lalaking ‘yan sa anak ko sa kakahuyan!”
“Nasipsip mo naman yata ‘yong poison?” dinig kong sabi no'ng naka-maroon kagabi.
“Shut up, Mattius.”
Pagtingin ko sa kanila ay nasa leeg ko ang tingin nila. Malalim na bumuntonghininga ang mga kalalakihan at napaayos pa ng tayo, sinulyapan naman ng mga kababaihan ‘yong lalaki na inaakusahan ni Mama.
“I lost control…”
Parang nabuhay na naman ang kakaibang pagtibok ng puso ko nang marinig ulit ang boses na iyon. Nagtagpo ang mata namin. Wala akong mabasa sa mga mata niya, nakatitig lang sa akin. Gusto kong umiwas ng tingin pero ayaw gumalaw ng mata ko.
“Sabihin mo sa kanila, anak!” desperada na ang boses ni Mama kahit umiiyak na.
“Pagbayaran niyo po ang ginawa ng anak niyo sa kapatid ko. Hindi naman po kasi porke bobo ang kapatid ko at walang alam sa paligid niya, p'wede niyo na siyang pagsamantalahan. Gusto lang naman magsaya ng kapatid ko, pero ano ang ginawa niyang anak niyo?”
Parang sinampal ako ng katutuhanan sa sinabing iyon ni ate. Napabitaw ako ng tingin sa lalaki dahil doon. Inangatan ko ng tingin si ate, umiiyak na rin siya. Nanubig ang gilid ng mata ko, hanggang sa hindi ko na napigilan ang paglandas nito.
Gano'n ba ako sa paningin nila…bobo? Walang alam sa paligid? Marahil tama sila na wala akong alam sa paligid ko…dahil kinokontrol nila. Kahit no'ng nag-aaral pa lang ako, bantay sarado nila ako. At ang palagi nilang dahilan…
“Hindi ka man pinagpala sa utak, pinagpala ka naman sa mukha at sa ganda ng katawan. Kaya alagaan mo ang sarili mo at pagkakaperahan natin ‘yan!” palatak lagi ni Mama, sa tuwing may nagtatangkang manligaw sa akin.
Napaangat ako ng tingin kay Roselle nang lapitan niya ako at niyakap.
Pero ano ba ang magagawa ko? Kung hindi ko susundin ang utos ni Mama…baka habang-buhay na akong bobo at walang alam, sa buong buhay nila.
“Mrs. Salvacion, sigurado ba kayong tama ang pang-aakusa niyo?” tanong ng lalaki at binalingan ang lalaking katabi. “Vesper anak, magsalita ka…”
“At kapag sinabi niyang anak mong hindi, maniniwala kayo?! Eh paano naman itong anak ko? Hindi pa ba sapat na ebidensya itong mga pasa niya?”
Sa akin ulit nabaling ang tingin ng mga kaharap namin. Pagtingin ko kay Vesper…gano'n pa rin siya…wala pa ring nababasa sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.
“Hija, sabihin mo sa amin…ano ang ginawa ni Vesper sa'yo?” tanong ng ginang na nasa gitna.
Nakagat ko ang labi nang nagsimula itong manginig.
Nagkatitigan kami ni Vesper. Bakit ayaw mong itanggi ang pang-aakusa ni Mama…
Pinahid ko ang mainit na luhang kumawala sa mata ko. Nako-konsensya ako…mali ito…
Binaba ko ang tingin sa babaeng nagtanong. Bago ko pa ibuka ang bibig ay inunahan ako ng isang ginang na nakaupo sa single sofa.
“Eh paano kung kasinungalingan lang ang sasabihin niya? Look how desperate her family were!”
“Aerika!”
“Sinasabi ko lang kung ano ang napapansin ko. But it's still up to Vesper,” mataray na sabi nito at umismid kina Mama.
“Sandali…” lumakad si Mama sa gitna para harapin ang babae. “Anong sabi mo?! Hindi kami desperate! Gusto lang namin na panagutan ng pamangkin mo ang anak ko! Anong desperate!”
Pati ako ay napatayo na apra pigilan si Mama sa pagsugod sa babae, samantalang pinagtitinginan lang kami ng angkan ni Vesper. Sa totoo lang…naguguluhan ako kung bakit ang dami nilang pumunta. Ang inaasahan ko lang ay si Engr. Villafranca at Vesper.
“‘Ma…”
“Magsalita ka, Lavina! Ano hahayaan mo lang na ginahasa ka ng lalaking ‘yan?!” galit na galit ang mata ni Mama sa akin. “Kasi sa dinami-rami ng mga babaeng p'wede niyang galawin…bakit ikaw pa?! Siguro alam niya na medyo abnormal ka at sinamantala niya iyon!”
“‘Ma…” napahikbi na ako sa sakit ng salita nila.
“Sabihin mo sa kanila na pinagsamantalahan ka!” galit na galit na sigaw ni Mama sa akin kaya sa takot, sunod-sunod akong napatango.
“Opo! P-Pinagsamantalahan niya ako…sa gubat…” umiiyak na sabi ko.
“Dinala niya sa gubat ang anak ko para kahit anong sigaw niya, walang makakarinig!” dagdag ni Mama.
“Mrs. Salvacion, p'wede bang hayaan nating si Miss Lavina ang magsalita?” ani ng Papa ni Vesper.
“Hija,” tawag ng Nanay ni Vesper sa akin, pero nanatili sa anak nila ang tingin ko.
Itanggi mo, Vesper… Alam kong alam mo…na hindi mo ako pinilit! Ako ang kusang nagpaubaya…
Mariin akong napapikit nang hindi man lang nagsalita ang lalaki. Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy.
“L-Lumapit lang ako sa kaniya para ayain siyang sumayaw…hindi po ako nagpilit,” sabay sulyap ko kay engr. at sa mga pinsan niyang nakasaksi no'n, sa iba sila nakatingin pero sa sinasabi ko nakatuon ang atensyion nila. “Dinala niya ako sa gitna…para sumayaw. ‘Tapos…h-hinalikan niya ako. P-Pagdilat ko…nasa madilim na kaming kakahuyan…”
Suminghap sila at binalingan si Vesper. Hindi man lang sila binalingan ng lalaki dahil nasa akin ang buong atensyion niya.
“At doon ka niya pinagsamantalahan?” kalmadong tanong ng isang babae.
Sunod-sunod akong tumango. “S-Sinaksak niya po ako…”
“What?! You stab her?” tanong ng ama.
Pero hindi hinayaan ni Mama na magsalita si Vesper kahit naman halata sa mukha nito na wala siyang balak na sagutin ang tanong ng ama.
“Hindi namin ito palalampasin! Kung hindi pananagutan ng anak niyo ang anak ko, kailangan niyang pagbayaran ang ginawa–”
“Pananagutan ko siya,” sambit ni Vesper na kahit ako…nagulat.
Pero…bakit pananagutan? Hindi naman ako nabuntis?
“Sandali,” basag ng mama ni Vesper sa katahimikan. “Pagbabayaran namin ang ginawa ng anak ko, pero hindi pananagutan kasi…”
“Pananagutan ko siya, ‘Ma.”
Suminghap ang ina at hindi makapaniwalang binalingan ang anak. “Pero, anak…paano mo pananagutan kung wala namang nagbunga–”
“Meron, ‘Ma.”
Bumitaw ako ng tingin kay Vesper kasi parang hinihigop niya ang lakas ko. Unti-unting nanghihina ang tuhod ko.
“Vesper–”
“Umuwi na kayo, ako na ang bahala rito.” Umalis siya sa pagkakatayo sa likuran ng sofa at lumakad patungo sa akin.
“No, Vesper! Pa'no kung–”
“Mag-uusap lang kami.”
Gustong matunaw ng mga tuhod ko nang tumigil siya sa gilid ko. Ramdam ko ang lahat ng matang nakatuon sa amin.
“Vesper…” malambing na tawag ng ina.
Para akong mauubusan ng hininga sa lapit niya, at parang wala lang sa kaniya ang mga matang nakatuon sa amin!
Nagtayuan ang balahibo ko sa batok nang yumuko siya sa tainga ko. Napalunok ako.
“Let's talk,” bulong niya na ikinawindang ng puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro