Kabanata 14 (Warning)
Kabanata 14: Meeting Valdimer
“Do you want to come? May mga ime-meet kaming mga doctor para sa hospital para sa hospital natin.”
Napakurap-kurap ako. “Uh…hindi na naman ako kailangan doon.”
“Baka naboboryo ka na rito sa bahay.”
“Hindi naman…” pero ang totoo ay oo, minsan. Pero kung minsan ay nag-eensayo ako mag-isa kapag natutulog si Vyo.
Ini-imagine ko na iyong punching bag ay mukha ni Valdimer. Pangpatanggal din ng guilt dahil sa ginawa kong pananakot kay Marlon. Mas lalo akong kinabahan, no'ng kinaumagahan na hindi ako pinuntahan ni ate. Baka…mas lalong kinukumbinsi ni Valdimer si Marlon kaya hindi ito tuluyang natakot at nagpatuloy sa paglapit kay ate. Isang linggo na rin ang nakalipas.
Bumuntonghininga si Vesper kaya nakuha niya ulit ang atensyion ko. Nakababa ang tingin niya sa akin, seryoso.
“I'll take a leave next week. Mamamasyal tayong tatlo ni Vyo.”
Hindi ko napigilang mapangiti. Gusto ko rin iyon…
“P-Paano naman ‘yong trabaho mo?”
Lumapit siya sa akin para yakapin. Mahigpit ang yakap niya habang timatalonton ng ilong niya ang balat sa balikat ko. Napasinghap ako. Nagtatayuan ang balahibo ko gawa ng pagdadampi ng hininga niya.
“What about my business?”
“Oo…kasi baka kailangan ka roon–”
“Kailangan din ako ng mag-ina ko. Sila muna. Next week, sa inyo muna ang oras ko. Hmm…”
Nanlambot ang tuhod ko nang maramdaman ang matitilos niyang ngipin na nagbabadyang kumagat sa leeg ko mula sa likuran. Mariin akong napapikit nang bumaon ang mga pangil niya.
“Vesper…” nasabunutan ko ang buhok niya.
Masakit ang kagat pero nahahaluan ‘yon ng init at sarap sa pakiramdam. Hiningal ako nang tumigil na siya sa pag-inom ng dugo ko. Kiliti ang hatid niyon pagkatapos, idagdag pa na dinidilaan niya iyong kinagatan niya para maghilom ang sugat na gawa niya.
“So sweet…”
Mabilyang galaw, umikot ako para humarap sa kaniya. Nakangisi na siya sa akin nang nagtagpo ang mga mata namin. Namumula pa ang mga mata niya.
“Ako naman,” sabi ko at agad siyang kinagat sa leeg.
Init ang naging hatid ng haplos niya sa baywang ko habang sumisipsip ako sa dugo niya.
“Therese…” parang halimaw niyang daing nang dinilaan ko ang pinagbaonan ng pangil ko.
Nginisihan ko siya ng pilya. “Sweet…”
Napasinghap na lamang ako nang naramdaman ang malambot na kama sa likuran ko at ang agad niyang pagsampa sa ibabaw ko. We ended up making love in bed.
Naghihintay ni si Mama Veivian at Papa sa sala nang bumaba kami ni Vesper.
“Are you going with us, hija?” nakangiting tanong ni Mama Veivian habang buhat-buhat si Vyo.
“Uh…hindi po, ‘Ma. Bibisita po kami ni Vyo kina Mama.”
“Oh…”
“Ilang araw na ring hindi pumupunta rito ang mama at ate mo, hija. Ikumusta mo kami sa kaniya,” ani Papa.
“Sige, po.”
“Uuwi na lang nang mas maaga, ‘kay?” sambit ni Vesper.
“Sa bahay ni Mama ka na lang dumiretso. Doon ka na lang namin hihintayin ni Vyo para sabay-sabay na tayong umuwi.”
“Sure. Take care. I love you.”
Kinuha ni Vesper si Vyo sa nanay at hinalikan ito sa ulo bago binigay sa akin. Magkakasama silang tatlo na umalis. Binihisan ko naman si Vyo at naghanda ng mga kailangan niya para sa pagpunta namin kina Mama.
“Lavina, ikaw na ba ‘yan? Parang ang bilis mo namang nanganak,” bungad sa akin ng isang kakilala na kapitbahay, pagkababa ko ng sasakyan.
Tipid ko silang nginitian. “Ah, opo…”
“Sino ang ama niyan? Iyon bang pogi na nakamamahaling sasakyan na pumunta rito no'ng nakaraan para sunduin kayo?”
Wala akong utang na paliwanag sa kanila, pero kung umasta sila ay parang meron. Sila iyong Nanay ng mga nangbu-bully sa akin, at minsan nakikisali rin silang mga Nanay sa pambu-bully sa akin.
Tipid ko lang silang tinanguan at tinalikuran na.
“Grabe, nakabingwit lang ng mayaman akala mo kung sino na.”
“Ang bilis niyang nanganak ha. Baka naman anak ‘yon ng engkanto?”
Rinig ko pang bulong-bulongan nila na hindi ko na lang pinansin. Ngumiti ako kay Mama nang lumabas ito sa pinto para tingnan ang nagdo-doorbell.
“Lavina?!” singhap ni Mama nang nakalapit sa gate.
Parang gulat na gulat siya na pumunta ako. Ayos na rin sa akin na ganiyan ang reaksyon niya. Pumasok ako nang pagbuksan niya kami ni Vyo ng gate.
“Hindi po kasi kayo bumisita nitong mga nagdaang linggo. Pinakukumusta rin kayo ng parents ni Vesper.”
“Naku, Lavina…hindi ka na dapat pumunta rito.”
Nawala ang ngiti sa labi ko.
“Kasi, Lavina…”
“Oh, dumating pala ang magaling kong kapatid.”
Hindi ako nagulat nang nandito si ate kasi rest day niya ngayon, kaya ngayong araw ko rin napagplanuhang pumunta rito. Ngunit hindi ko naiwasang magulat sa tono ng pananalita niya at sa paraan ng tingin niya sa akin.
Mula kay ate na nakangisi at malamig ang matang nakatingin sa akin, bumaba ang tingin ko kay Mama. Kaya ba ganito…na parang ayaw niya akong nandito?
“Hali kayo sa loob.”
Nauna si Mama na pumasok sa bahay. Tumigil naman ako nang nasa tapat na ni ate. Ang sama-sama na ng tingin niya sa akin.
“Ate–”
Naiwan sa ere ang sasabihin ko nang tinalikuran niya ako. Sumunod na lamang ako sa loob. Kinuha ni Mama si Vyo sa akin pagkapasok ko at agad dinala sa kusina, kakain daw sila.
Bakit ganito ang pakikitungo ni ate sa akin ngayon? Hindi kaya nagsumbong si Marlon?
Malalim akong bumuntonghininga bago binalingan si ate. Napabaling din sa kabila ang mukha ko nang sinalubong niya ako ng malakas na sampal.
“Ano'ng karapatan mong takutin si Marlon, Lavina?!”
“Ate–” muli niya akong sinampal. Nag-igting ang panga ko at hindi na rin napigilan na taliman siya ng tingin.
“Tang ina nanahimik ‘yong tao, binantaan mo?! Alam mo noon pa na may gusto na ako kay Marlon! Alam mo bang ipakikilala na niya sana ako sa pamilya niya sa probinsya?! Naghintay ako buong araw sa pagdating niya, pero hindi nangyari! Ilang araw niya rin akong iniwasan. Kahapon, inamin niya sa akin na kung hindi niya ako titigilan ay mapapahamak siya! Tinakot mo raw siya, Lavina! Totoo ba ‘yon?!”
“Oo, Ate! Para protektahan ka–”
“Talaga, Lavina?!” lumapit pa siya at malakas na tinulak ang noo ko. “O malandi ka lang talaga?! Hindi pa ba sapat sa'yo si Vesper kaya pati si Marlon gusto mong maging sa'yo?!”
“Hindi ko ‘yon ginawa dahil diyan, ate!” panlalaban ko.
Napawi ang galit na umuusbong sa dibdib ko nang tumulo ang luha ni ate. Kahit tumatawa siya, lumuluha ang mga mata niya. Kitang-kita ko na nasasaktan siya. Mas lalo akong na-guilty. Ngunit paano ko ba mapapaintindi sa kaniya na ginawa ko iyon para sa kaligtasan niya…
“Sasabihin ko ito kay Vesper! Sasabihin ko na may gusto ko sa manliligaw ko! Para pareho na tayong walang lalaki sa buhay! Alam man lang ba ni Vesper na umalis ka sa bahay niyo at iniwan ang anak mo para makipagkita kay Marlon?”
Napalunok ako. Pakiramdam ko isang kasalanan ang ginawa ko kapag nalaman ni Vesper na iniwan ko si Vyo para makipag-usap sa ibang lalaki…nang hindi niya nalalaman. Pero magpapaliwanag naman ako sa kaniya. Alam kong pakikinggan niya ako.
“Akala mo palalampasin ko ang ginawa mo, Lavina?” mariin niyang saad na ikinakabog ng dibdib ko.
“Ate…makinig ka–”
“Tumigil ka na, Lavina! Kahit anong paliwanag mo hindi mo na maibabalik si Marlon. Umalis na siya sa trabaho! Hindi ko na siya makikita pa!”
“Makakahanap ka pa ng ibang lalaki, ate…pero hindi ngayon,” delikado pa.
“Wala kang karapatan na diktahan ako sa gagawin ko!”
Sinundan ko siya ng tingin nang lampasan ako. Gusto ko siyang sundan ngunit ayaw gumalaw ng mga paa ko. Galit na galit siya. Siguro palilipasin ko na lang muna kasi hindi kami magkakasundo kung ganiyan siya kagalit. Ngayon lang kami nagtalo nang ganito…kasalanan ko pa.
Tumigil si Mama sa pagsubo nang nakita akong pumasok sa dining.
“Kumain ka na ba? Kumain ka na.”
“Kumain na ako, ‘Ma…”
Bumuntonghininga si Mama. “Bakit mo naman kasi ginawa iyon, Lavina?”
Humikab si Vyo nang kunin ko kay Mama kaya hiniga ko ito sa braso ko at marahang tinapik-tapik ang hita.
“Hindi ko na rin alam ang nangyayari sa'yo, Lavina. Simula lang no'ng nagkatagpo kayo ni Vesper ay nagbago ka na,” aniya, dismaya ang mga matang nakatingin sa akin.
Bakit pa ba ako umasa na may kakampi ako sa kanilang dalawa.
“‘Ma, maiintindihan niyo rin ni ate kung bakit ko ‘yon ginawa.”
“Mas mayaman si Vesper kaysa kay Marlon, Lavina. Sa tingin mo mas gaganda ang buhay mo kapag kay Marlon ka sumama? Mag-isip ka nga.”
“‘Ma, hindi naman po ganiyan ang ibig sabihin ng ginawa ko.”
“Ewan ko sa'yo, Lavina. Nakapangasawa ka lang ng mayaman nagbago na ang ugali mo,” asik ni Mama at nilampasan ako.
Bumigat ang dibdib ko. Lumabas na lang din ako ng kusina at tumungo sa kwarto ko. Kung hindi lang namin napag-usapan ni Vesper na dito siya dumiretso pag-uwi niya ay umuwi na lang sana kami ni Vyo.
Sana ay lumamig lamig ang ulo ni ate para maayos kaming mag-usap.
Habang natutulog si Vyo ay ako na ang nagluto ng pananghalian. Hindi pa rin lumalabas si ate sa kwarto niya. Si Mama naman ay umalis saglit para bumili ng gulay na lulutuan niyang ulam para mamayang hapunan. Bibili na rin daw siya ng lulutuin niyang meryenda.
Tapos na akong magluto nang nakarinig ako ng tunog ng makina ng sasakyan na tumigil sa tapat ng bahay. Siguro ay si Mama na. Kaya nang napatay ko na ang apoy sa kalan ay naghanda na ako ng platong kakainan namin. Tahimik ang bahay at ang tanging nililikha ng mga kubyertos at plato na hawak ko ay ang tanging ingay na naririnig sa buong kabahayan.
“Sana malamig na ang ulo ni ate o di kaya ay gumaan man lang ang loob niya sa akin,” bumuntonghininga ako habang nakatingin sa paboritong ulam ni ate, na niluto ko para sa kaniya.
Lumabas ako ng dining nang natapos na ang paghahain sa lamesa upang tawagin si ate. Nalingunan ko ang pintuan. Nangunot ang noo ko nang nakita si ate na may kinakausap na lalaki, sa mahinang boses.
“Ate?” wika ko.
Lumakad na ako patungo sa kanila ngunit natigilan nang pagharap niya sa akin ay nakita binigay niya sa lalaki si Vyo.
“Ate, ano’ng ginagawa mo?” dinaga ang dibdib ko at mabilis na humakbang patungo sa kanila.
“Bilisan mo! Ayusin mo ang pagtatago mo!” sigaw niya sa lalaking kausap habang pinagtutulak.
“Ate! Saan mo dadalhin si Vyo?!”
Nilampasan ko si ate upang habulin ang lalaking mabilis na tumatakbo palayo. Ngunit halos mapanot ako nang naabot ni ate ang buhok ko. Napadaing ako sa sakit dahil ‘yong sakit na dulot ng ginawa niya ay humapdi ang anit ko.
Bumagsak ako sa tiles ngunit agad akong tumayo. Masulyapan kong nakalabas na ng gate ang lalaki at pasakay na sa itim na motor. Nag-init ang dibdib ko. Wala akong pagpipilian kundi gamitin ang bilis. Ngunit bago ko pa maihakbang ang paa ko ay tinulak na naman ako ni ate.
“Ate, ano ba!”
Kung galit siya sa kaninang pagtatalo namin, mas galit siya ngayon. Pero putang Ina mas galit ako!
Lalo akong nanggalaiti nang narinig na ang mabilis na pagharorot ng motor paalis.
“Ito ang kabayaran ng kasamaang ginawa mo, Lavina! Kung mawawala sa akin si Marlon, mawawala rin sa'yo si Vyo!”
“Ate!” nanggigilid ang luha ko sa sobrang galit. Ramdam ko ang panginginig ng kamao ko sa pagpipigil na sakmalin siya sa leeg.
Ngumisi si ate at mas lalong nag-apoy ang mga mata sa galit. Humakbang pa siya palapit sa akin habang umiigting ang panga.
“Hayaan mo na ang batang iyon, Lavina! Hindi mo naman siya anak talaga!”
“Nababaliw ka na ate!”
“Ikaw ang nababali na, Lavina! Hayaan mo na ang batang iyon dahil ibabalik ko lang naman siya sa tunay niyang ina–” natigil siya sa malakas kong pagsampal.
Ang ingay ng pagsisigawan namin na sumasakop sa buong bahay ay natahimik pagkatapos ng malakas na lagapak ng sampal ko sa kaniya.
“Lavina…”
“Anak ko si Vyo! At kapag may nangyaring masama sa kaniya, ate…” diniinan ko ang bawat salita. “Kalimutan mo ng may kapatid ka. Kasi kapag nalagay sa kapahamakan ang anak ko…pagsisisihan mong nakilala mo pa ako!” sigaw ko sa pagmumukha niya.
Sa nanginginig na binti ay nilampasan ko siya para habulin ang kumuha sa anak ko. Pumikit ako nang mariin upang alamin kung nasaang parte na kaya maari dinala ang anak ko. Gusto kong sumigaw sa galit nang hindi ko malaman kung nasaan na dinala ang anak ko, tila ba may pumoprotekta sa kaniya.
“Papunta na si Mama, anak…” nanginig ang boses ko.
Sa pagdilat ko ay isang nakangising lalaki ang nakatayo na ngayon sa harapan ko.
“Gusto mong ako ang maghatid sa'yo sa kaniya?”
Nagtayuan ang balahibo ko. Hindi ako nakaimik agad. Iyong boses niya…pamilyar na pamilyar sa akin.
Napasinghap ako at napahakbang paatras nang humakbang siya patungo sa akin nang hindi nabubura ang nakakakilabot na ngisi sa labi. Naka-itim itong kasuotan at may kapa na mayroong hood.
“V-Valdimer…” sa nanginginig na boses ay nausal ko iyon.
Lalong lumawak ang ngisi niya, na ikinanginig ng mga tuhod ko. Para bang…kahit hindi niya pa ako nadidikitan ay may kakayahan na siyang burahin sa mundo.
“Nice meeting you, Therese…”
Inangat niya pa ang kamay niya sa harapan ko para makipagkamay. Nanatili akong nakatitig sa mga mata niyang nababalot ng panganib. Hindi ko maikalma ang pagkabog ng puso ko gawa ng takot.
Bakit ganito? Ibang-iba ang awra niya sa tuwing kapag boses niya lang ang naririnig ko…
“Kapag nailigtas mo ang anak mo magpasalamat ka sa ate mo kasi dahil sa tulong niya…nakilala mo na ako.”
Umigting ang panga ko.
Hind ko na maihakbang bigla ang mga paa ko. Hindi ko na rin maigalaw ang mga parte ng katawan ko, kahit ang mga daliri ko ay tila pinipigilan. Ni hindi ko umiwas ng tingin sa kaniya dahil tila kinokontrol niya ang katawan ko.
Gusto kong sumigaw at manlaban ngunit sa tingin niya lang…tila hawak na niya ang katawan ko.
“Naiintindihan ko kung bakit baliw na baliw sa'yo ang pamangkin kong iyon. Sorry to him…mas mababaliw siya ngayon.”
Nahigit ko ang hininga nang hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Napadaing ako nang maramdaman ang matinding paghapdi ng balat ko na tila nasusunog sa hawak niya.
Demonyong ngumisi si Valdimer.
“Pagsisisihan nilang binuhay pa nila ako.”
Sa isang kisap-mata ay bumungad sa akin ang makulimlim na kapaligiran. Gusto kong yakapin ang katawan ko dahil sa sobrang lamig ng kapaligiran na bumalot sa akin, ngunit hindi ko pa rin maigalaw ang katawan ko. Nakatayo ako sa masukal na tuyong dahon na halos nangingitim na sa abrang tagal ng pagkalaglag sa lupa. Ang mga nakahilirang puno na nasa harapan ko ay mga nangingitim na rin at walang ni isang dahon.
“Welcome to my own world, Therese Sacheverelle.”
Pagkatapos iyong ibulong ni Valdimer sa tenga ko mula sa likuran ko, dumilim ang paligid ko at naramdaman kong bumagsak ang katawan ko sa mga tuyong dahon.
At sa paggising ko…nakatali na ang mga kamay ko sa kadina sa isang kwarto na walang kalaman laman na kahit anong gamit. Walang bintana. Habang ang anak kong si Vyo…ay halos naninigas na ang nanginginig na katawan dahil sa sobrang lamig ng paligid namin.
Bumuhos ang luha ko habang pilit na kumakawala sa kadina. Ramdam ko ang tila paghihiwalay ng laman ko sa buto sa pulsuhan ko dahil sa pagpupumilit na kumawala.
Sumisikip ang dibdib habang nakatingin kay Vyo. Wala ng boses na lumalabas sa pag-iyak niya.
“Kung hindi makakarating agad si Vesper…ngayon pa lang, magpaalam ka na sa anak mk,” ang demonyong nakangisi sa madilim na parte ng kwarto.
“P-Pakawalan mo si Vyo!” malakas na sigaw ko sa sobrang galit.
Halos hindi ko na siya nakikita nang maayos dahil sa panlalabo ng mga mata gawa ng pagraragasa ng luha. Pero naaninag ko siya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kahoy na upuan at naglakad papuntang gitna kung nasaan kami ni Vyo.
Tumigil siya sa tapat ni Vyo. Kumakawala na ako sa mga kadina ngunit makakaawala lang yata ako kung mapuputol ang braso ko.
“Dalawa lang ang daan para makawala rito ang anak mo, Therese. Iyong isa, kung makakarating agad si Vesper…at iyong pangalawa…ay kung hindi agad makakarating si Vesper.”
Na-alerto ako nang ipatong niya ang isang paa sa dibdib ni Vyo.
“L-Lumayo ka sa kaniya…” nanginginig na ang buong kalamnan ko habang umiling-iling sa kaniya. “Layuan mo ang anak ko!”
Isang demonyong ngisi lang ang sinukli ni Valdimer. “Parang gusto kong mapadali ang buhay niya. Tutal…siya ang aagaw sa korona ko,” aniya.
“‘Wag…p-pakiusap!”
Tuluyan akong nilubayan ng hininga nang umangat ang paa ni Valdimer na nakapatong sa dibdib ni Vyo, upang kumuha ng bwelo sa pag-apak na gagawin nito sa anak ko.
“‘Wag!” pakiramdam ko ay may napatid na ugat sa leeg ko sa lakas ng pagsigaw.
___________________________________________________________________________
Note: hello po, medyo matatagalan po ang next update ko gawa ng hindi pa rin po maayos ang pakiramdam ko ಥ_ಥ. pinilit ko lang na magsulat, at mukhang mas sumama lang pakiramdam ko dahil doon. bawi po ako sa susunod kapag okay na, promise! salamat po. see u next update!♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro