Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11

Kabanata 11: Umbok ni Vesper 




“Dito muna kayo tutuloy kay Kuya Davino. Babalik ako the day after tomorrow para sunduin kayo, is that okay?” 

Hinawi ko ang buhok na humahampas sa mukha ko gawa ng malakas na hangin na dulot ng chopper. Kakalapag lang namin sa tagiliran ng mansion ni Kapitan, kailan na rin kasing bumalik agad ni Vesper kaya hindi na ako magpapahatid hanggang loob. 

“Sige. Ingat…” 

“Vyo and you, too. At kung maari, isasama niyo si Vlad kapag aalis kayo ng mansion ni Kuya.”

Tumango ako sa kaniya. “Oo…”

“‘Kay. I need to go,” yumuko na siya para gawaran kami ng halik ni Vyo. “I will miss you both.”  

Pinanood ko ang pag-alis na kinasasakyan niya bago binalingan si Kap na naghihintay sa amin sa pintuan. Lumakad na ako patungo sa kaniya, nakasunod naman si Vlad sa akin. 

“Kap…”

“Maligayang pagbabalik sa inyong dalawa. Hi, baby Vyo. Pogi ni Tito ‘no? Ano? Mas pogi ako sa tatay mo? Haha salamat!”

Natatawang napailing na lamang ako.

“Hindi ako naniniwala na sa susunod na araw pa kayo babalikan dito ni Vesper. Tingnan natin, mamayang gabi dito ‘yon uuwi.”

“Parang ang hassle po niyon, Kap. ‘Tsaka iyon na po talaga ang usapan namin. Abala rin siya sa mga trabaho niyang ilang linggo niyang iniwan,” sambit ko. 

“Naku, alisin mo ‘yang formality mo,” natawa siya. “Pakiramdam ko kasi ang tanda-tanda ko ng Kapitan katulad ng Kapitan sa ibang baranggay.”

“E…nasa three hundred years na rin po siguro kayo. ‘Di ba sobrang ganda na no'n?”

“Grabe ka, nasaktan ako. Tsk, bahala ka nga. Basta ang mahalaga mas pogi ako sa mga bampirang kilala mo.” 

Tumawa na lang din ako. 

Hindi lang ako nandito para kay Roselle. Nandito rin ako para mabigyan ng proteksyon ni Kap. Proteksyon sa pagkauhaw sa dugo, sa ingay, at sa kakayahang magbasa ng isip ng mga tao. Si Kap lang daw ang may kakayahang magbigay ng proteksyon, bilang panganay sa mga magpipinsan. Kumbaga, sa henerasyon nila siya ang hari. 

Dahil katulad na rin nila ako, kailangan ko ng respetuhin ang mga tao. Ayo'ko rin naman na manakit ng kapwa ko tao. Kahit na bampira na ako, kalahati pa rin sa akin ay isang normal na tao. 

Sa gabing ‘yon, inukitan ako ni Kap ng letter s sa kaliwang bahagi ng likod ko, gamit ang kaniyang pangil. Pinainom niya rin ako ng dugo niya. 

“Bawal kang uminom ng dugo galing sa tao, kaaway mo man ito. Mapapatawan ka ng malaking parusa kapag kumitil ka ng isang inosenteng tao. Ang dugo ng ‘yong kabiyak lamang ang maaari mong inumin o ang dugo na pinadadala para sa mga katulad nating may royal blood,” paliwanag ni Kap. 

“Opo…”

Parang hindi si Kap ang kaharap ko ngayon. Ibang-iba ang awra niya ngayon, malayo sa awra niya no'ng nakilala ko siya. Seryoso siya, at para bang hawak niya ang lahat ng kapangyarihan sa mundo kaya kung titingnan siya ngayon ay isa siyang makapangyarihang nilalang.

“At ang iyong anak na si Vyonscent Carlestille, ay makakaramdam lamang ng pagkauhaw sa dugo kapag siya ay tumuntong ng dise otso anyos. Mamumuhay siya na parang isang normal na tao sa dise syeteng taon.”

Kung gano'n, saka lang siya bibilis at magkaroon ng kakahayang makabasa ng isip ng mga tao, kapag dise otso na siya. 

“Sa kaniyang legal na edad, saka niya haharapin ang mga responsibilidad na itinakda sa kaniya. At kung hindi niya ‘yon magagawa nang tama…siya ay haharap sa dalawang pinakamabigat na parusa. Kapag hindi niya nagampanan ang tungkulin niya, itatakwil siya sa mundo natin, o ‘di kaya ay babawian ng buhay…”

Napalunok ako sa kaba sa huling sinabi ni Kap. Gano'n kabigat ang parusa…

‘Wag kang mag-alala, Vyo, nandito kami ng Papa mo para gabayan ka…

Maaga kaming nagising ni Vyo kinaumagahan kaya naghanda na kami para sa pagpunta sa Tita ninang niya. Kung hindi man namin ito madatnan sa apartment ay pupuntahan ko na lang sa pinagtratrabahuan niya. 

“Sa apartment na ‘yan ni Vlad,” sambit ko sa kanang kamay ni Vesper na siyang nagdadrive. 

“Hihintayin ko na lang po kayo rito, Ma'am.” 

“Sige.” 

Pagbaba ko karga-karga si Vyo ay namataan ko si ate Corazon na napasilip sa labas ng gate. Ngumiti ako nang nagtama ang tingin namin. Dali-dali siyang naglakad patungo sa amin at binuksan ang gate. 

“Lavina! ‘Yan na ba si baby Vyo?”

“Opo, ate Corazon,” nakangiting saad ko. 

Natutuwa niyang nilapitan ang anak ko at kinausap, tinitignan lang naman siya ni Vyo.

“Hali kayo. Ang alam ko ay walang pasok ngayon si Roselle sa trabaho.”

“Kung gano'n nandyan po pala siya.”

“Oo. Ewan ko ba sa babaeng iyon. Minsan ay napapansin ko na wala sa wisyo, bihira na lang pumasok sa trabaho at laging nagkukulong,” bakas ang pag-aalala sa tono ni ate Corazon. 

Sumunod ako sa kaniya nang nagpatiuna siyang lumakad. Sarado ang pinto at bintana ng apartment ni Roselle kaya kumatok si ate Corazon at ilang beses tinawag ang pangalan ni Roselle. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba at pag-aalala. 

“Roselle, gising ka na ba hija? Nandito si Lavina at si baby Vyo!” pinasigla ni ate Corazon ang boses. 

Ilang minuto lang ay narinig namin ang pagpihit ng door knob. Bumukas ang pinto at sumilip si Roselle na halatang kagigising lang. 

“L-Lavina?” 

“Roselle…” 

“Oh siya maiwan ko na muna kayo. May niluto akong agahan, dadalhan ko kayo,” mabilis na nawala si ate Corazon. 

Niluwagan ni Roselle ang pagkakabukas ng pinto. “Pasok ka. Naku, pasensya na kagigising ko lang. Anong oras na ba?” 

“Alas otso y medya. Pasensya na kung masyado kaming napaaga,” paumanhin ko. 

Napatitig ako sa tiyan niya nang mapansin ko ang maliit na pamumukol niyon. Buntis nga siya. Iniwas niya ang tiyan sa akin nang napansin na napatitig ako roon.

“Ano…b-buntis na rin pala ako no'ng pinagbubuntis mo si Vyo,” aniya, hindi makatingin sa akin.

Bumuntonghininga ako at nilapag sa cushion si Vyo para maharap siya. “Kaya ba sumama ka sa paglalayas ko?” nag-iingat na sambit ko.

“K-kailangan ko kasing ilayo sa tatay niya…”

Lumapit ako sa kaniya para yakapin siya. Ramdam ko sa panginginig ng boses niya ang bigat ng dinadala niya. Narinig ko ang mahinang hikbi niya sa balikat ko. 

“Ayo'kong makarinig ng balita sa kaniya, pero gusto kong malaman,” tiningnan niya ako. “Alam kong tsismosa ang ate mo, ano ang binalita niya sa'yo?” 

Halos maningkit na ang mga mata ni Roselle dahil sa pag-iyak. Namumula na ang gilid ng mata niya at ang ilong. 

“Roselle, sa tingin ko m-mas mabuting ‘wag mo na lang malaman…”

“Lavina, sabihin mo na…” 

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya sa mga mata niya. “‘Yong anak ng mayor na sabi-sabi roon na nakabuntis sa'yo…ikakasal na raw. B-Buntis na rin daw ‘yong babae…” 

Hinaplos ko siya sa likod niya nang rumagasa ang luha sa pisngi niya. 

“A-Ano pa?”

“Roselle…”

“G-Gusto kong masaktan, Lavina. Ano p-pa ang nabalitaan mo?” 

Siguro gawa na rin ito sa pagbubuntis niya. Huminga ulit ako ng malalim bago nagpatuloy. 

“‘Yong ex mong may tricycle, inaako na siya raw ang ama ng pinagbubuntis mo–”

“Aba gago siya! Hindi naman ako nagpapakasta sa kaniya ah!” bigla siyang parang nairita. 

“Iyon nga, ‘tapos…nagkainitan daw sila no'ng anak ng mayor dahil doon kaya nagkasakitan.”

Biglang tumigil ang pagtulo ng luha niya. Kahit anong pagpipigil niya sa ngiti ay hindi niya napigilan. “‘Ganda ko talaga! Nag-away pa talaga sila dahil sa akin!”

“Roselle…”

Tumatawa siya habang nagpupunas ng luha pero hindi naman tumitigil ang pagluha niya. At kahit tumatawa siya, kitang-kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. 

“M-Magpapakasal na siya,” natawa na naman siya. “‘Tapos buntis na rin ‘yong pakakasalan niya. Edi mas lalo kong itatago itong anak niya. Kahit malandi ako, hindi ako papayag na maging kabit!” 

Pagbalik ni ate Corazon ay dala-dala na nito ang champorado na namumuti ang gatas sa ibabaw. Natakam doon si Roselle kaya kumalma na rin ito at tumigil na sa pag-iyak. 

“Lavina, sino pala ‘yong kasama mo? Pati ibang nangungupahan ay napapatanong. Naku, kung dalagang-dalaga lang ako katulad niyo lalapitan ko talaga iyon!” ani ate Corazon.

“Si Vesper ba? Bakit hindi mo pinapasok?” 

“Hindi, parang…personal assistant ni Vesper. Maboboryo lang iyon dito sa loob,” sabi ko.

“Naku! Kaya ayon, pinagpapantasyahan na ng mga kadalagahan sa taas.” 

“Single pa?” tanong bigla ni Roselle. 

Napangisi ako. “Binatang-binata.” kaso bampira. 

“Ipakita mo naman ako! Baka ma-love at first sight sa akin!”

“Malamig ang awra no'n, parang ‘yong ibang pinsan ni Vesper.” Napanguso siya dahil doon. 

“‘Wag na nga, magmo-move on muna ako.”

Maganda ang panahon kaya napagpasyahan namin ni Roselle na magpahangin sa malapit na baybayin. Nagpamaneho kami kay Vlad na wala namang imik na sumusunod. 

Kalongkalong ko si Vyo sa mga hita ko habang nakaupo kami sa batuhan sa tabi ng dagat. Low tide kaya umuusli ang gray na buhangin. Wala masyadong tao sa gawi namin, nasa dulo na kasi. 

“Lavina, pansin ko lang ha…mukhang mas nagblooming ka ngayon. Mas nagmukha kang diwata! Ano ang sekreto mo?” 

Napatingin pati ako sa sarili ko. “Ha? Wala namang nagbago.”

“Pa-humble pa! Mas lalo kayang kuminis ang balat mo tas nadagdagan ng puti. Parang hindi ka man lang nagbuntis oh! Virgin na virgin kang tingnan.” 

“H-Hindi naman!” 

“Naku…kinukulong ka lang yata ni Vesper sa kwarto niyo, eh. Tapos araw-araw may dilig!” 

Anong dilig? Halaman ba ako? 

Umiwas na lamang ako ng tingin. Ang lawak ng karagatan sa harapan namin. Ang presko ng simoy ng hangin. Napakakalmado ng dapat. 

“Ano na ang plano mo ngayon?” sambit ko. 

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagbaling niya sa harapan kung saan ako nakatingin. Bumuntonghininga siya. 

“Hindi na ako aalis sa lugar na ito, Lavina. Dito ko na palalakihin ang anak ko.”

“Paano kung hanapin ka ng tatay?” 

Matabang siyang natawa. “Bakit pa? E magkakaanak na naman siya sa iba. ‘Tsaka imposibleng hanapin ako non. Una pa lang, sinabi na niya sa akin na ayaw niyang magkaanak bago namin ginawa ‘yong napagkasunduan.” 

Ito ‘yong reyalidad ng buhay. Ang hirap makatagpo ng taong mamahalin kang talaga. 

“Kaya kong palakihin ng mag-isa itong anak ko. Hindi naman lahat ng babae kailangan ng lalaki sa buhay. Kaya kong mabuhay ng walang dilig ‘no!” 

“Tama, tama,” tango-tango ko para iparating na kakampi niya ako. 

Binalingan niya ako at nginisihan. “Kaya makipaghiwalay ka na kay Vesper at magtago,” aniya sabay halakhak, ngayon, nakikita ko na sa mga mata niya na masaya talaga siya. 

“Hindi ko na magagawa ‘yan,” kasi katulad na rin nila ako. 

“Biro lang. Nasa happy ending ka na kaya bakit mo pa sisirain, ‘di ba? Nararamdaman ko na hanggang dulo na ‘tong saya niyo.”

Hindi ko masasabing oo…dahil nasa kabanata eleven pa lang kami. Marami pang kabanata ang parating, marami pang mangyayari. 

“Sana nga,” sambit ko.

Tumayo na kami ni Roselle pagkalipas ng ilang minutong pagkukuwentuhan. Namataan ko si Vlad na nakasandal sa sasakyan na nakaparke sa tabi ng daan. 

“Ouch!” 

Nalingon ko si Roselle nang dumaing siya. Pagkakita ko sa daliri niyang dumudugo ay parang nanuyo ang lalamunan ko. Umiwas ako ng tingin ngunit nanuot naman sa ilong ko ang amoy ng dugo niya. Naramdaman ko ang pag-igting ng mga ugat ko. Bumilis ang paghinga ko sa pagpipigil na lapitan ang daliri niya at sipsipin ang dugo. Nabigyan nga ako ng panguntra, hindi ko pa naman napag-aaralan kung paano magpigil. 

Bago ko pa balingan ulit si Roselle nawala na ang amoy ng dugo niya. Unti-unting kumalma ang kalamnan ko. Dahan-dahan, binalingan ko siya. 

“S-Salamat, Vlad…” 

Natalian na ni Vlad ng maliit na tela ang sugat ni Roselle. Ni hindi ko namalayan ang bilis ng paglapit niya sa amin. 

“Mag-iingat ho kayo minsan. Iwasan niyo ang masugatan kayo,” ani Vlad kay Roselle. 

Mabuti na lang pala kasama namin si Vlad. Kung hindi…

Mariin akong napapikit at napailing iling. Hindi ko dapat iniisip ang kabrutalan na iyon. Hindi ko dapat maisip na magagawa ko ‘yon sa nag-iisa kong kaibigan. 

“Umuwi na tayo…” saad ko. 

“M-Mabuti pa nga. Mukhang napagod na si Vyo sa paglalayas, nakatulog na.” 

Hindi ko alam kung napansin ba ni Roselle ‘yong naging reaksyon ko kanina dahil sa pananahimik nito sa sasakyan habang patungo kami sa apartment niya. Ngunit napapansin ko naman ang pasimple niyang pagsulyap kay Vlad sabay iiwas ng tingin at pamumulahan ng mukha. 

“Uuwi na rin kayo bukas?” 

“Oo. Hindi ko alam kung kailan ulit kami babalik.”

“Basta pupuntahan mo ako kapag pupunta kayo rito ha! Ingat kayo! Salamat sa pagbisita!” 

Nakangiti akong tumango sa kaniya. Sinulyapan niya pa si Vlad bago bumaba at sinara ang pinto ng sasakyan. Kumaway pa siya nang umalis na ang sasakyan. 

Napabuntonghininga ako at napapikit na napasandal sa upuan. 

“Ma'am, sinabi ko kay Master ‘yong nangyari.” 

“P-Pasensya na, hindi ko nakontrol. Hindi ko alam kung paano.”

“‘Wag ho kayong mag-alala. Tuturuan din kayo ni master kung paano.” 

Si Vesper talaga ang magtuturo? Baka…iba na naman ang ituro no’n! Dapat iba na lang! 

“Hindi ba p'wedeng ikaw na lang?” inosenteng tanong ko. 

Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Vlad kaya nakaramdam ako ng hiya. Baka ayaw niya…

“Ma'am, uh…si master po lagi ang magtuturo niyon sa inyo. Baka po mawalan ng dugo ‘yong magtuturo sa inyong iba kung hindi si master.” 

Gano'n ba iyon? Napatango na lang ako. 

Nagulat ako kinagabihan nang dumating si Vesper. Mas nagulat ako nang sinabi niyang hindi siya pumunta dahil sa sinabi ni Vlad; pumunta siya kasi nami-miss na niya kami ni Vyo. 

“Sabi ko sa'yo e. Tahimik lang ‘yan pero batak ‘yan magpalambing,” iling-iling ni Kap habang pinanonood namin si Vesper na karga-karga si Vyo. 

“Isasabay niya na raw niya kami bukas pabalik, Kap,” sambit ko at binalingan si Kap.

Tumawa si Kap. “Ewan ko ba sa pinsan kong ‘yan. Masyadong halata.” 

Dahil sa sinabing iyon ni Kap ay muli kong nilingon ang mag-ama. Dumapo ang tingin ko sa ibaba ng tiyan ni Vesper. Sa suot niyang itim na pants ay nkikita ko ang umbok doon, hindi na ako inosente, alam ko kung ang umbok na ‘yon. 

Tama nga si Kap, masyadong pahalata si Vesper. Halata kasi iyong umbok niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro