APMBSBNL
Unknown's POV
Nagising akong maaliwalas na umaga ang bumungad sa akin. Naririnig ko ang mga huni ng ibon na sumasabay sa galaw ng mga bulaklak at mga dahon.
Hindi muna ako bumangon at nilasap ko muna ang lambot ng aking kama at ang bango ng amoy nito. Nilibot ko ang aking mga mata sa loob ng aking kwarto at kitang-kita ko ang kalinisan nito.
Bumangon na ako at iniligpit ang higaan ko. Pagkatapos kong magligpit ay naligo na ako. Hindi na ako gaanong nagtagal sa banyo ng pakiramdam kong presko na ako.
Pagkatapos kong maligo ay nag suot ako ng maayos na puting bistida na may maliliit na makukulay na bulaklak. Humarap ako sasalamin at agad na inayos ang aking sarili. Dahan-dahan kong sinuklay ang mahaba at makintab kong buhok.
Sabi nila pag may maayos, maganda at presentable na buhok ang isang babae ay nadadala nito ang buong pagkatao nito. Kaya alagang-alaga ko ang buhok ko. Hindi na ako nag-atubiling ayusin ang mukha ko kasi kahit papaano ay may itsura naman ako.
May mapupungay akong mga mata, medyo matangos na ilong, mapula-pulang mga labi at higit sa lahat ang palagi nilang sinasabi sakin na matatamis kong mga ngiti. At dahil doon ay napangiti ako habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin.
Naaalala ko pa ang sinabi ng aking lola 'Apo, kahit ano pa ang itsura mo ay dapat ipagmalaki mo ito. Maganda ka man o hindi.
Kaya maayos kong dinadala ang sarili kong may pagmamalaki sa tuwing nakaharap ako sa ibang tao. Hindi naman ako ganoon kataas pero may magandang hubog naman ang aking katawan.
Matapos kong ayusin ang sarili ko ay agad na akong bumaba para mag-agahan. Nakita kong abala si mama sa paghanda at nasa lamesa na anga king papa at nakakabatang kapatid.
'Halikana at kakain na.' yaya ni mama.
Kaya pumwesto na ako sa lamesa.
'Ang sarap nito. Sigurado akong mapapadami ako ng kain ngayon.' magiliw kong sabi.
'Anak, dahan-dahan kalang sa pagkain at baka madumihan ang iyong damit. Maganda at bagay pa naman sayo ang damit mo. Mas lalo kang gumanda.' papuri ni mama.
'Mama naman' sagot ko.
'Oo nga ate. Mas lalo ka atang gumaganda ngayon. Inlove ka noh? Ooooy!' pabirong tukso ng kapatid ko.
'Hindi ah!' pagkukubli kong sagot.
'Tama na yan.Kumain na tayo.' sabi ni papa.
At kumain na kaming apat. Busog na busog ako pero hindi halata dahil narin sa pangangatawan ko, nananatili ang hubog nito. Matapos kaming kumain ay nilinis namin ni mama ang aming pinagkainan.
Pagkatapos ay umakyat na ako kaagad sa aking kwarto. Kinuha ko aking cellphone at binasa ang mga text. Pare-pareho lang ang mga text, mga umagang pambati. Pero may isang text nanakakuha ng aking pansin, ang text ni Kevin.
Si Kevin ay matagal kong crush at nagpapahiwatig din siya na may pagtingin din siyas a akin. Binasa ko kaagad ang text niya.
'Goodmorning beautiful. Pwede ba tayong magkita mamayang 10am sa park? May gusto lang akong sabihin sa iyo na importante. Hihintayin kita.<3'
Matapos kong mabasa ang text ni Kevin ay kinilig ako lalo na sa pinakahuli na may kasama pang <3. May pakiradam akong mas lalong gaganda ang umaga ko.
Naghintay ako hanggang sa mag alas dyes nang umaga. Agad akong bumaba at nagpaalam kay mama.
'Ma, aalis muna ako. Babalik din ako.' paalam ko kay mama at tumango lang siya na may kasamang ngiti.
Umalis ako sa bahay na may baong ngiti saking mukha. Habang naglalakad ako sa daan ay ramdam kong nakatingin sakin ang mga tao at naririnig kong may sinasabi sila.
'Ang ganda talaga ng batang iyan.'
'Natural ang kanyang ganda.'
Yan ang mga naririnig ko sa kanila. May isang lalaki pang nagsabi sakin ng..
'Miss, mala-diyosa ang iyong ganda.'
Napangiti ako sa mga narinig ko. Hindi na ako makasagot sa kanila at puro mga ngiti nalang ang tugon ko sa mga papuri nila.
Ang sarap sa pakiramdam na pinupuri ka nila. Malapit na ako sa park at natatanaw ko na si Kevin. Kumaway siya sa akin at agad din naman akong kumaway.
Ng tuluyang nagkaharap na kami ni Kevin. Agad siyang nagsalita at sinabing..
'Ikaw na ang pinaka-mabait at mapagkumbabang babae nanakilala ko. Mabait ka at mapagmahal sa pamilya. Sweet at higit sa lahat ay ikaw na ANG PINAKAMAGANDANG BABAE SA BALAT NG LUPA. Payag ka bang maging nobya ko?'
Natulala ako sa mga sinabi niya. At wala akong ibang naisip kundi ang sagutin siya.Matagal ko naring gustong maging nobyo si Kevin.
At sinagot kosiya. 'Oo, payag ako.'
Niyakap niya ako at niyakap ko din siya. Ng dahan-dahang lumapit ang kanyang mukha sa akin. Sabihin man nating mabilis pero alam ko kung ano ang mangyayari.
Kaya pumikit ako at hinintay na lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko. Pero ilang segundo pa ay wala akong naramdaman paglapat at hanggang naging minuto pa ito. Nakapikit parin ako at naghintay pero walang nangyari.
At dahan-dahan kong binuklat ang akingmata at bumungad sakin ang aking kwarto. Hindi maaariito.
Bakit ganun?
Panaginip lang pala ang lahat.
Dismaya akong tumayo at agad na dumungaw saking bintana. Nakita kong marami ng mga tao sa labas. Tinignan ko ang orasan at insaktong alas diyes na pala ng umaga.
Dumungaw ako ulit sa bintana at nakita si Kevin na muntik na maging akin. Yun pala panaginip lang ang lahat. Nakita kong kasama niya ang nobya niya at masayang-masaya siya.
Siguro hanggang doon lang ako.
Sa panaginip at pagpapantasya lang.
Sa panaginip lang ako gaganda at pupurihin ng mga tao.
Sa panaginip lang ako papansinin ni Kevin.
Dahil imposibli ang lahat.
Dahil isang hamak na BAKLA lang ako na nag-iilusyon.
At hinarap ko na ang totoong buhay ko.
Gora gurl!
📍📍📍📍📍
Raw and unedited. Expect typo and grammatical errors. Thank you for reading, lovies.
Yours truly,
ATENG ZK
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro