PROLOGUE
-•-
"So, ano na? Saan na tayo nito pupulutin? Pwede kain muna tayo te, gutom na gutom na ako tapos ang init pa." Pagrereklamo ng matalik na kaibigan ni Mariel na si Anne.
Binabagtas nila ang kahabaan ng Ortigas para maghanap ng trabaho. Nakailang walked-in at pasa na rin sila ng resume sa iba't-ibang kompanya mula kaninang alas'syete pa ng umaga pero mag a-alas'dose na ng tanghali ay wala paring tumatanggap sa kanila.
Sa panahon ngayon, sobrang hirap na talagang maghanap ng trabaho. Kailangan malakas ang loob at matatag ang paninindigan mo dahil dugo't pawis ang kailangan para hindi ka mapag-iwanan.
"Mauubusan na ako ng xerox copy ng resume. Nakailang pasa narin tayo tapos hindi naman nila binabalik. Buti sana kung mura lang 'yong pagpapa-xerox." Pagmamaktol naman ni Mayie habang pinapaypay ang hawak na brown envelope sa mukha.
"Kaya nga. Ay ewan, bakit ba kasi walang tumatanggap sa'tin? Graduate naman tayo sa college with honors pa tapos may itsura naman tayo. Ano pa ba ang kulang sa atin?" Segunda naman ni Anne.
Napatingin naman si Mayie habang nakataas ang isang kilay sa kaibigan na naglalakad din katabi niya sa mataong sidewalk.
"Oh bakit?" Tanong ni Anne habang nakakunot ang noo.
"Ano namang kinalaman ng itsura sa pag a-apply ng trabaho?" Naguguluhang tanong ni Mayie.
Ginawaran siya ng kaibigan ng isang mataray na tingin. "Duh! Syempre sa panahon ngayon hindi lang utak ang puhunan, kailangan may maiibuga rin 'to." Tinapik-tapik nito ang baba niya gamit ang likod ng kanang kamay nito.
"Minsan nga kahit wala kang utak basta may itsura ka, pwede na." Pagpapatuloy pa ni Anne.
Gano'n ba 'yon? Kailangan talaga maganda ka o gwapo para matanggap sa trabaho? Paano naman 'yong mga hindi pinalad pagdating sa pisikal na anyo?
Parang ang unfair naman ata no'n. Pero sabagay, medyo may punto rin ang sinabi ng kaniyang matalik na kaibigan dahil sa panahon nga namang ito, minsan hindi basihan kung matalino ka o may bukal na kalooban, basta't maganda ka o gwapo, nakakaangat ka parin sa iba.
Oh well, wala naman siyang pakialam, ang importante makahanap siya ng kompanyang tatanggap sa kaniya kahit hindi siya kagandahan o katalinuhan. Masipag naman siya at handang gawin ang lahat may mapakain lang sa kaniyang pamilya.
"So, ano na nga? Kakain ba muna tayo o diretsuhin na natin 'yong job fair sa Shaw?" Tanong ulit ni Anne. Napatingala naman si Mayie sa langit habang namumungay ang mga mata dahil sa sikat ng araw. Tirik na tirik na ito ngayon at kanina pa siya nilalagkit sa suot na longsleeve na blouse at pencil cut skirt.
Kung bakit pa kasi kailangan pormal na pormal ang suot kapag nag a-apply ng trabaho. Ang uncomportable kaya at ang hirap gumalaw. Napabuntong-hininga nalang si Mayie habang taimtim na nagdarasal sa kan'yang isipan na sana matapos na ang araw na 'to ng sa gano'n ay makauwi na siya at makapag-palit ng damit.
"Sige tara na nga. Kain muna tayo. Doon nalang sa jabe malapit sa MRT station." Pagsang-ayon niya sa kaibigan.
Napatigil naman sa paglalakad ang dalawa dahil naging kulay green na ang stoplight. Gamit ang palad, ipinahid 'yon ni Mayie sa noong may mga butil ng pawis.
Hindi maiwasang mapangiwi ni Mayie ng kumirot na naman ang paltos niya sa paa na kanina pa niya iniinda dahil sa suot na high heels. Kung bakit ba naman kasi kailangang magsuot ng ganito? Shit talaga. Gustong-gusto ng hubarin ni Mayie ang nakamamatay na bagay sa kaniyang paa pero pinigilan niya nalang ang sarili.
Kung pwede lang ay ibinato na niya ito sa malayo pero hindi naman 'to sa kaniya at hiniram lang niya sa nakatatandang kapatid.
Konting tiis pa Yie. Pagkatapos nito, hinding-hindi ka na ulit magsusuot ng may stilettos. Pangungumbinsi niya sa sarili.
Nang lumipat ang ilaw ng stoplight sa kulay pula, nag-uunahang maglakad papuntang kabilang dulo ang mga tao, kasabay na roon sila Mayie at Anne pero nasa gilid na siya ng kalsada at ilang hakbang nalang ay sidewalk na nang bigla namang masira ang takong ng sapatos na kaniyang suot.
Napamura ng malakas si Mayie sa isip ng muntikan na siyang matapilok mabuti na lang nagawa niyang ibalanse ang sarili.
"Bwisit naman oh!" Mahina niyang daing. Ang kaniyang matalik naman na kaibigan ay napatigil din sa paglalakad at napalingon sa gawi niya.
"Nangyari?" Tanong nito. Gusto niya sana itong irapan pero mas inuna niya muna ang pagtanggal sa nasirang stilettos.
"Shit! Magagalit nito si Ate. Bakit ba kasi ako nagsuot ng ganto!?"
"Nasira?" Mayie glanced at Anne with a deadpan looked. Kabobohang tanong ba 'yon o ano?
"Ay hindi te. Gusto ko lang modeling dito sa gilid ng kalsada." Sarcastic niyang sagot habang ang loka-loka ay mahina namang tumawa.
"Ang malas mo naman ngayon. Wala na ngang trabaho, gutom pa, at amoy araw tapos nasira pa 'yong sandal." Ibabato na sana ni Mayie ang hawak na sapatos sa kaibigan dahil sa pang-aasar nito nang may isang malakas na bumusina ang nagpaiktad sa kaniya.
Masama ang tingin na ipinukol ni Mayie ang buong atensiyon sa kung sino mang lapastangan ang nanggulat sa kaniya. Sobrang badtrip na siya at frustrated at handa na siyang makipag-bungangaan sa kahit na sino kung pwede lang. Gusto na niyang mailabas ang sama ng loob.
"Te gilid ka kaya, medyo nakaharang ka kasi sa daan." Saway sa kaniya ni Anne na hinapit pa siya sa kanyang siko.
"Wow ah. Nasa gilid na nga ako ng daan tapos dito pa naisipang dumaan ng bwisit na driver ng mukhang mamahaling sasakyan na 'yan!" Inis na sabi ni Mayie.
Pareho silang nakatingin ng kaibigan sa ngayo'y nakahintong sasakyang ilang metro lamang ang layo kung saan sila nakatayo. Bakit pa 'to huminto? Tumabi na nga siya para padaanin 'to. Siguro para ibalandra at ipagsigawan kung gaano karangya at kamahal ang sasakyan nito. Hmp!
Dahan-dahang bumukas ang driver's door ng sasakyan at hindi na hinintay ni Mayie na makalabas ang lulan nito dahil agad niyang isinuot ang nasirang sapatos at padaskol na tumalikod habang paika-ikang naglakad palayo.
Makabili na nga lang ng mumurahing sandal. Bawas na naman sa allowance niya. Napabuga nalang ng isang marahas na hininga si Mayie ngunit agad ding natigilan sa paglalakad ng mapansing hindi pala nakasunod sa kaniya si Anne.
"Hoy! Tara na. Bibili pa ako ng flat shoes." Sigaw niya rito pero ng hindi ito tumalima ay padabog niya nalang itong nilapitan at hiniwakan sa braso para hilahin pero nanatili lamang itong nakatayo sa kanina pa nitong posisyon.
"Wow. Te tingnan mo oh. Ang gwapo! Shit! Parang nahulog ata ang panty ko. Maluwang pa naman ang garter no'n." Sabi ni Anne na may kasama pang mahinang tili.
Pinag-sasabi ng bruhang 'to?
Akmang pupwersahin na niya sana ang paghila rito ng isang nakakahalimuyak na amoy pabangong panlalaki ang bigla nalang nanuot sa ilong niya.
Unti-unting napabaling ang mga mata ni Mayie sa bulto ng lalaking nakatayo sa harapan nila mismo. Kinailangan pa niyang itingala ang ulo para dahil sa tangkad nito na sobrang taas at nangingibabaw.
Mula sa peripheral vision ni Mayie ay napansin niyang may iilang mga tao ang napahinto sa paglalakad at napalingon sa gawi ng lalaki.
Matikas at matipuno. ang pangangatawan na nababalot ng suot nitong itim na suit. He's standing erect and proud like he own the place. He's also radiating dominance and power at hindi maiwasang mapaatras ng bahagya ni Mayie ng ang kulay itim na itim nitong mga mata ay sumalubong sa kulay tsokolate namang sa kaniya.
Gwapo at mayanan. Mga salitang unang pumasok sa kaniyang isipan ng mapagmasdan itong mabuti. With thick black eyebrows, long lashes that accentuates his prominent and high cheekbones, tantalizing and hypnotizing set of eyes, pointed and straight nose, square and sharp jawline, and lastly, those luscious and plump reddish lips. Wow. Para itong isang greek god na hinubog ng mga bihasa at kilalang sculptor.
Napalunok ng laway si Mayie at nanunubig ang bagang habang nakipagtitigan dito. Tinalo pa ata nito ang mga modelo at artistang nakikita at napapanuod niya sa telebisyon at billboards.
Napakurap siya ng tatlong beses at nag-aalangang binawi ang tingin.
Sobrang gwapo, hindi niya 'yon ikakaila pero ang mga katulad nito ay para lamang sa mga magaganda at mayayaman din.
"Halika na nga. Nagugutom na ako." May diin niyang sabi sa kaibigang titig na titig parin sa lalaki. Iniiwasan niyang pagtuonan ng pansin ang estranghero pero pakiramdam niya'y mas lalong uminit ang paligid.
Hindi naman ito nagsasalita kaya hindi niya alam kung bakit bigla na lamang itong tumayo sa harapan pa nila mismo. Hindi naman sila nakaharang sa daan at lalong hindi naman nila ito kilala.
"Bes naglalaway kana kakatitig at kung hindi ka titigil iiwanan talaga kita." Pananakot niya sa kaibigan na tila na estatwa na sa kinatatayuan.
Para naman itong nakabalik sa kasalukuyan ng may nagtatanong na tingin ang ipinukol sa kaniya.
"Tara na." Ulit niya pa at tinalikuran na nga 'to.
Bwisit! Sobrang pinag papawisan na siya at pati ang kaniya mukha ay nagmamantika na. Kung gaano kagwapo at kaaliwalas ang mukha no'ng lalaki, gano'n naman kapangit at ka-haggard ang sa kaniya. Tapos nagawa niya pang makipagtitigan dito, medyo nakakahiya pero wala naman siyang pakialam.
Hindi pa siya nakakalayo ng may mainit naman na kamay ang bigla nalang humawak sa palapulsuhan niya at pinigilan siya nito sa paika-ika niyang paglalakad. Sa isiping si Anne ito ay pagod at nakaarko ang isang kilay niya na humarap siya rito.
"Ano na na—"
"Can I get your number?"
Naputol ang iba pa niyang sasabihin nang ang gwapong mukha ng lalaki ang sumalubong sa kaniya kasabay niyon ay ang baritono at malalim nitong boses.
Napatanga siya sa harapan nito at medyo nanlalaki ang mukhang nakatingin rito.
"Huh?" Sinubukan niyang labanan ang kabang bigla nalang lumukob sa kaniya at ang mabilis ng pagpintig ng kaniyang puso.
What the hell?
The man is looking at her intently, his eyes held an unexplainably emotions and it even stole her breathe away. Anong nangyayari?
He cleared his throat even speaking again, "can I get your number?" Ulit nito na siya namang ikinabingi niya.
Ano raw? Number? Kaninong number?
"Ha? Kaninong number?" Kunot-noong tanong niya, nagkukunwaring walang epekto ang presensiya nito kahit na ang totoo ay para na siyang mahihimatay lalo na't ang lapit ng katawan nito sa katawan niya.
His manly and musky scent only added on the turmoil in her head. Her heart is beating erratically and everything feels like fell into slow motion.
Kakaiba talaga ang epekto ng lalaki sa kan'ya at hindi maintindihan ni Mayie kung bakit. Siguro dahil ito 'yong unang pagkakataon na makatagpo siya ng isang adonis personification.
"Yours." Maikli nitong sagot while still looking at her like she's the most beautiful woman in the world.
Hindi maiwasang mapangiwi ni Mayie sa sagot nito. Nakahithit ba 'to ng katol?
"Bakit mo naman hinihingi ang number ko?" Pagtataray ni Mayie kahit wala naman siya sa lugar. Hindi man siya kagandahan pero siguro naman ay may karapatan parin siyang magtaray lalo na sa gwapong lalaki na mukha atang nakasinghot ng rugby.
"I just want to. Will you give it to me?" He sounds like almost begging. Weird.
Ang mata nito ay hindi man lang nabaling sa ibang direksyon at patuloy lamang siyang pinakatitigan.
Positive. Nababaliw na nga ang lalaki o kaya naman isa 'tong actor sa mga gag show or prank na napapanuod niya sa Youtube at television.
Bumaba naman ang tingin ni Mayie mula sa gwapong mukha ng lalaki hanggang sa malalaki at mahahabang daliri nito na nakakapit parin pala sa palapulsuhan niya. Parang napapasong iwinaksi niya ang kamay at humakbang paatras.
Pinagloloko lang siya ng lalaki, nasisiguro niya 'yon. Dahil wala namang matinong gwapong lalaki ang bigla-bigla nalang manghihingi ng number lalo na sa kagaya niya na ni wala nga sa kalingkingan ng antas nito.
"Kung ano man 'yang nahithit mo na kemikal, bawas-bawasan mo ah at h'wag ako ang pagtripan mo."
The man's eyebrows furrowed in utter confusion. And Mayie can't help herself but to clap internally because of how well he was acting.
"I don't know what you were talking about. I just only want your number." Napalunok ulit siya pero imbes na sagutin ito ay nilampasan niya na lamang ng lakad saka malakas na hinila sa braso ang kaibigang kanina pa manghang nakatingin sa kanila na animo'y nanunuod lang ng sine pagkatapos ay nagtuloy-tuloy lang ang lakad niyang nilampasan na naman ang lalaki.
Ang malas niya talaga ngayon. Una, wala pa siyang trabaho, pangalawa, pagod at pawisan na siya, pangatlo, 'yong tiyan niya kanina pa nag r-riot, pang-apat, nasira ang takong ng sandal ng ate niya tapos ngayon naman may gwapong lalaki na may saltik ata sa ulo at pinagtitripan siya.
"Te ano sabi no'ng gwapong lalaki? Boking ba?" Tanong ni Anne pagkatapos niyang bitawan ang pagkakahawak sa braso nito. Buti nalang at naisipan na nitong sumunod sa kaniya. Mayie just rolled her eyes and continue walking, ignoring the curious and penetrating gaze of her best friend.
'Wala. May saltik ata 'yon sa ulo." Bulong niya.
'Huh? Yo'ng mukhang yo'n? Maniniwala pa ako kung ikaw yo'ng may sapi. Jusko ang gwapo-gwapo no'n oh.'
"Eh kung ipasagasa kaya kita para naman makakuha ako ng insurance at nang may pakinabang ka sakin." Seryosong sagot ni Mayie na ikinatigil naman ng kaibigan niya.
"Hey. I said I want your number." Dinig niyang sabi ng lalaki sa medyo may kalakasang boses.
Napatampal naman sa nuo si Mayie. At talagang hindi siya nito tatantanan ah!
"Kursunada ka talaga te. Ano papalag pa ba. Bigay mo na para naman malahian ka ng magandang genes." Natatawang bulong ni Anne samantalang napabuntong-hininga naman siya.
Ano bang problema ng lalaking 'yon? Takas ba 'yon sa mental o ano?
Marahas siyang humarap dito na may ilang metro na ang layo sa kanila. "Ayoko!" Balik-sigaw niya rito.
"Why?" May pagtatakang tanong nito.
Aba't! Talagang may pa why-why pang nalalaman, hindi ba nito nakikita ang katotohanan?
"Kasi magkaiba tayo ng mundo!" Sagot niya sabay talikod ulit sa huling pagkakataon at dire-diretso ng naglakad samantalang si Anne naman ay tinawanan lang siya.
Baliw ata 'yon! Bahala siya sa buhay niya! Wag ako!
Nasisiguro niyang wala lang magawa sa buhay ang lalaking yo'n kaya naman naghanap ng mapag-didiskitahan at sana lang talaga hindi na magkrus pa ang landas nilang dalawa dahil ang gwapo ay para lamang sa maganda at kahit bulubaliktarin mo man ang mundo, hindi 'yon magbabago.
-•-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro