Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hunted and Beloved

Someone's P.O.V

"Two vampires spotted, one female and the other one is a male" I said through the earpiece I'm wearing.

"Where?" A stern voice asked.

"The abandoned house, sir"

"Level?"

"The female one is a level four and the male is a level three"

"Bantayan mo, don't let them out of your sight, if they do something wrong... Kill them"

"Yes sir, roger that" pag-katapos kong sumagot, in-off ko na ang earpiece ko.

Sumilip ako sa scope ng sniper rifle ko and saw them go inside the abandoned house, ilang segundo nalang sisikat na ang araw and from the looks of it, both of them are not Daybringer, mahirap na kung isa man sa kanila ay isang Daybringer.

I could just shot them here, pero kailangan ko malaman ang identity ng dalawa to know kung anong clan or coven sila galing, mahirap na kung galing sila sa isang kilalang coven, sigurado ako magkakaroon nanaman ng digmaan between humans and vampires pag nagkamali ako ng desisyon na barilin ko sila.

"Blue, are you there?" sabi ko sa earpiece, sa una puro statics lang narinig ko, mga ilang minuto narinig ko na ang boses ni Blue, ang partner ko.

"Here"

"Update"

"Shayenne Harford, level four, Aruta; Wind, a member of Eve's Coven, Scarlet sa tingin ko bumalik ka na sa HQ ibang level ang bampirang kasalukuyan pinagmamatyagan natin" dama ko ang pag-aalala ni Blue sakin, isang Eve's Coven member? Shit! bakit meron napadpad na bampirang katulad nya dito sa Wayward?

"Scarlet, I'm gonna report this to the boss, bumalik ka na sa HQ bago pa malaman ng Lv4 ang presensya mo" pag-katapos n'ya sabihin sakin yon bigla nya pinutol ang connection.

Pero first time ko maka-encounter ng isang bampirang ganitong kalakas, gusto ko siya'ng makalaban, gusto kong malaman kung malakas ba talaga ang bampirang ito, pero kung galing s'ya sa Eve's Coven sigurado akong malakas s'ya, ang leader nila na si Jade Ward ay kilala sa Hunter's world.

Si Jade Ward, isang Lv4, wala pang nakaka-alam sa Aruta nya, isang malakas na bampira pero Lv4 lang s'ya, may isang hunter ang naka-encounter sa kanya pero hindi na namin alam kung nasaan na ang hunter na yon, isa pa naman s'yang higher rank, it was just a rumor pero lumabas rin ang katotohanan na nawala nga, no one known what her real identity is, kaya gusto kong masubukan kung gaano kalakas ang miyembro ng coven nya pero ngayon...

Makapag-tago na muna.

Shay's P.O.V

"Kanina ka pa hindi mapakali dyan ah" usap ni Rence, ang hina ng sense ng bampirang ito! pagkapasok palang namin dito sa bahay naramdaman ko'na na may nag mamatyag samin. Pero sino?

Wayward, Wayward, Wayward, paulit-ulit kong inaalala kung anong meron sa lugar na ito, pero hindi ko mapagtanto dahil sa ingay ng lalaking ito.

"Ang dilim ng lugar na ito, oo nga pala yung babaeng nakita ko ang ganda! ligawan ko kaya?" tanong n'ya sa sarili n'ya, dedma ko lang s'ya, lagi naman ganito ang lalaking ito, kada makakakita ng magandang babae, "Ligawan ko kaya Shay?" ang itatanong sa kin, loko lang eh. Kaya sinasagot ko nalang, "Sige mag-sama kayo!" sabay tulak palayo, wala ng pagbabago, pero sa huli pinapatawad ko naman s'ya.

"Umupo ka nga at medyo lumayo sa bintana, pasikat na ang araw baka masikatan ka" pag-aalala sakin ni Rence, hindi ko rin ito matiis, masyadong maaalahanin, kaya mahal na mahal ko ang bampirang ito eh.

"Opo" sagot ko at lumayo ako sa bintana, ginamit ko ang Aruta ko para mag-masid ng paligid sa labas, at meron nga akong na-detect na nagbabantay samin.

"Rence, meron nagbabantay sa'tin" inform ko sa kanya, napatingin naman s'ya sakin at nanlaki ang mga mata wala pang tatlong segundo nasa tabi ko na s'ya.

"Sino?" bulong nito sa tenga ko, napangiti ako sa asal s'ya, kalalaking bampira madaling matakot, natatawa nalang ako, napakunot ang noo n'ya "Ano nakakatawa?" sersoyong tanong n'ya sakin, "Wala, hindi ko pa alam kung sino" pag-babalik ko sa usapan.

"Ganun ba?" kalma nito'ng sabi, dahan dahan s'ya nag-lakad papunta sa sofa at umupo. Napapangiti nalang ako dahil akala mo ang kalma nya pero sa totoo lang, kinakabahan na yan.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya, ngumiti sakin si Rence sabay thumbs up, natatawa talaga ako haha pero pinipigil ko nalang baka magalit sakin si Mahal.

Ramdam ko parin yung nagbabantay samin, siguro mga 30 metre ang layo n'ya sa bahay, hindi s'ya bampira, malamang isang tao, hmmm? Tao?

"Hunter" saad ko, napatingin bigla sakin si Rence "Hunter?!" tarantang sigaw nito, "Ang ingay mo!" panunumbat ko sa kanya, "Sorry naman"

Kaya pala pamilyar ang lugar na ito, Wayward, dito naka-based ang Head Quarter's ng mga hunters, kailan pa ako naging makalimutin!?

Oh well, once na malaman ng hunter na yon ang coven ko sure naman ako hindi ito mang-gagambala, sana lang kundi, hindi ako mag-dadalawang isip na hatiin ang bawat parte ng katawan nya gamit ang hangin.

"Nag-mumukha ka nanaman na parang demonyo" napa-tingin ako kay Rence, hindi ko namalayan naka-ngisi na pala ako, hahaha, I'm like a mad woman on high!

"Natatakot ako sayo minsan Shay" bulong nito, lalo naman akong ngumisi, minsan natatakot rin ako sa sarili ko, hahaha.

Hinataw ko siya sa balikat "Ano kaba! hindi ka na nasanay" sabi ko sa kanya, napahimas nalang s'ya ng balikat nya.

Kailangan ko na mabigay kay Jade ang Golden Leaves na-nakuha ko sa request, sana makapag-hintay s'ya hindi naman s'ya umaalis ng VC eh.

"Rence, hanap na tayo ng matutulugan" sabi ko kay Rence, tumayo s'ya sa sofa, "Tara" at nilibot namin ang bahay, 14 hours pa bago lumubog ang araw, medyo matagal pa yun.

~

Rose's P.O.V


"Nikko" tawag ko sa aking donor, pero may relasyon kami, may permisyo naman ako kay Jade kaya okay lang.


"Bakit Rose" tanong n'ya, niyakap ko lang s'ya, "Wala, na-miss lang kita" kakabalik ko lang kasi sa isang mission at ilang buwan rin yon mga eight months siguro akong nawaladito sa VC.

Niyakap n'ya rin ako, namimiss ko ang init ng isang tao.

"Rose, sorry" bulong sakin ni Nikko, "Huh, bakit ka nag-sosorry?" taka kong tanong, bigla n'ya akong binitawan, umatras sya ng dalawang hakbang patalikod, tapos biglang sumulpot si Hannah at niyakap n'ya si Nikko patalikod.


"Ano yan!?" sigaw ko kay Hannah, ngumisi lang ito ng parang nang-aasar, "Akin na si Nikko Rose, at kahit kailan hindi ka n'ya minahal, ako lang!" sigaw sakin ni Hannah, parang binuhusan ako ng malamig na tubig at ang emosyonko ay sasabok na sa galit.


"Kailan pa? Kailan pa ha! Nikko?" sigaw ko kay Nikko, nakatingin lang sakin ito, umiiyak pero alam ko peke ang mga iyak na yan, hindi ko rin namalayan na umiiyak na rin pala ako.

"Mag-sama kayo! Mag-sama kayo ng impokritang bampirang yan!" sigaw ko at ginamit ko ang teleportation Aruta ko at ---


"Hoy Rose" isang boses babae ang gumising sakin, hawak hawak n'ya ang kamay ko.


"Jade" bulong ko, nakita ko nakabukas na pala ang coffin ko at pinigilan ako ni Jade gamitin ang Aruta ko, "I thought vampires don't dream anymore..." sabi nya habang nakatingin sakin, "...and cry" pinunasan n'ya ang mga luha ko sa pisngi gamit ang kamay nya.

"Hindi naman ako nanaginip Jade" saad ko, nakita ko bigla s'yang nagtaka, "Bangungot Jade, hindi panaginip" sabi ko.


"Tungkol sa donor mo na inagaw ni Batchoy---I mean Hannah?" natatawa nitong sabi, napasimangot nalang ako, akala ko ba move on na ako sa taong yon?


"Forget about them, ano kaba! May kasabihan nga, pag-mahal ka babalikan ka, pero kung hindi ka binalikan, isa lang ibig-sabihin non hi---"


"Oo na! humuhugot ka pa eh!" pag-epal ko sa sasabihin nya, naku hugot pa Jade! Hugot!!!


"Hahaha, balik ka na ulit sa pag-tulog, buti nalang gising pa ako, kundi baka kung saan na mapunta ang mga coffin namin" natatawa parin nitong sabi, bumalik na s'ya sa coffin nya at sinarado na ito.


"Bwiset lang" buntong hininga ko, sinarado ko na ang coffin ko at bumalik nalang ulit sa pag-tulog.


+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++


Update! Short Update :)

Update once a week :D Filler Chappy!!!

Happy 400 reads! Woohoo!!! Salamat po sa pag-babasa ng kwento ko!

~JAYE


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro