Her Story - Lily Devereux
Year 1945
Ang mapayapang panahon ay unting-unti sinira ng digmaan, digmaan ng mga tao at ng mga bampira.
‘Ang sarap ng simo’y ng hangin’ napatingin si Lily sa kalangitan, nakatambay s’ya ngayon sa hardin nila, sinusulit ang huling mapayapang araw na makakamit n’ya, dahil nag-uumpisa na ang digmaan, at hindi mag-tatagal darating narin ito sa kanilang lugar.
“I’m almost twenty, and still not married...” buntong hininga ni Lily, “...and now this war! paano na?” galit n'yang sabi.
Isang malakas na tunog ang gumulat sa kanya, ang tahimik na paligid ay umingay dahil sa dumaan na mga tangke at ang mga sundalong kasama nito.
“No!” hindi s’ya makapaniwala na nandito na ang mga sundalo, “Lily!” tawag sa kanya ng isang boses, pero nabingi s’ya sa tunog ng mga tangke at yabag ng mga sundalo. “Hindi” bulong nito napayuko s’ya at napahawak sa ulo n'ya dahil sa nangyayari.
“Lily! get inside the house!” sigaw ng kanyang Ina, nag-aalala sa kanyang nag-iisang anak.
Isang malakas na pag-sabog ang yumanig sa kalupaan, parang napako sa kinatatayuan si Lily.
“Liliana! get inside now!” sigaw ulit ng Ina n’ya pero hindi siya makagalaw.
“No” isa pang malakas na pag sabog ulit ang tumunog at sumunod na ang mga tunog ng baril at sigaw ng mga tao at bampira sa digmaan.
Sigaw, tunog ng baril, tunog ng tangke, at usok ang pumalibot sa mapayapang lugar na tinitirahan ng Devereux.
Isang malakas na pag sabog ang naganap malapit sa lugar nila, ang ibang nakatira sa lugar ay tilang kumaripas umalis para hindi madamay sa digmaan.
“Liliana we need to evacuate now” hinatak ni Anna ang kanyang anak papasok sa kanilang bahay, “Hon” tawag nito sa kanya’ng asawa.
“Naka-impake na” sagot ni Leo, agad lumabas sila sa kanilang bahay at papunta na sa kanilang sasakyan ng makita nila’ng may mga sundalong nakalapit na sa lugar nila.
Ang tunog ng baril ay lalong pang lumakas, “Kailangan na natin makaalis!” sigaw ni Anna sa kanyang asawa at anak.
Pero ang hindi nila inaasahan, hindi na sila makakaalis at sangkot na ngayon sila sa digmaan ng barilin sila ng mga sundalong nakakita sa kanila.
Sinubukan nilang tumakbo, sinubukan nilang umiwas sa mga bala, pero dahil sa pa-daming pa-daming sundalo hindi na nila magawa ito at tuluyan na silang nilamon ng mga bala.
“Are they dead?” tanong ng isang sundalo sa kasamahan niya.
“Who wouldn’t die being shots so many times?” natatawang sagot nito.
“I guess” umalis na ang mga sundalo at nag hanap pa ito ng ibang nakatira sa lugar.
Ang hindi nila alam ay buhay pa ang anak ng mag-asawa kung saan ito ay hinarang para maligtas pero may mga tama ito’ng hindi naiwasan.
“Hindi!” iyak ni Lily, sinakripisyo ng magulang niya ang buhay nila para sa kanya.
Ikinalas niya ang sarili nya sa duguang katawan ng mga magulang n’ya.
Tumayo siya at naglakad palayo, ‘Kailangan ko makalayo dito’ ito ang nagbibigay lakas sa kanya para makagalaw kahit sobrang sakit na ng katawan nya dahil sa mga tama ng bala.
Dumaan siya sa kagubatan para maiwasan ang mga sundalo at ang mga bampirang umaaligid, dahil hindi magtatagal magiging pag-kain s'ya ng mga ito pag hindi n’ya agad magamot ang mga sugat n’ya.
Pero malas, nung sundalong pumapatay sa mga magulang n’ya ay nag-lilibot sa kagubatan na dinaanan n’ya.
“Hey!” tawag sa kanya, napatakbo siya sa wala sa oras.
“Hey! shit! let’s get her”
Pinagbabaril sya ng sundalo, naiwasan nya ang iba pero may tumatama parin, hanggang makalayo na sya.
“Bakit? bakit? ayaw kong mamatay, ayaw ko rin mamatay ang magulang ko! tulong!”
Hindi na kaya ng kanyang katawan at hindi narin tatagal, unti unti na sya’ng lalamunin ng kamatayan.
Nawalan siya ng malay at napahiga sa lapag ng kagubatan.
~
“Such a pity” a voice smooth as chocolate and as cold as ice greet Lily’s ears and stirred her in her consciousness.
Unti-unti n’yang binukas ang kanyang mata at bumunyag ang isang set of yellow reddish eyes na nakatitig sa kanya.
“Help me” makaawa ni Lily sa lalaking nakatayo sa harapan n’ya.
Lumuhod ang lalaki, “Tell me, why would I help you?” alam nya konti nalang oras nya at babawian na sya ng buhay.
“I want to live...” ang huli n’yang salita at tuluyan na s’yang binawian ng buhay.
Napatitig lang ang lalaki sa kanya, pinag-isipan kung tutulungan nya ba o hindi, napa-ngiti ito. “You deserve to live” he whispered. Binuhat n’ya ang katawan ni Lily at niyakap, kinagat n’ya ang labi n’ya at nag dugo ito “Like I said you deserve to live, make those people pay for what they’ve done to you” hinalikan n’ya si Lily at pina-inom ang kanya’ng dugo, napahigpit siya sa pagyakap, ihiniga nya ito dahan-dahan “Bye, my...”
~
“Lily!”sigaw ni Charlotte, miss na miss ko na ang boses ng babae’ng ito.
“Char” I used my enhance speed sabay yakap sa kanya. “Miss na kita!” tili ko sa tenga nya, napatakip ito sa tenga, “Bwiset lang ha? kanina ka pa dun nakatayo?” tanong sakin ni Char, sa totoo lang hindi eh, pero yung niyakap na nya si Vincent ayun lang ang naabutan ko.
“Oo kanina pa” ngisi ko, maaasar nanaman ito sakin.
“Tsk!” yabag nito, “Dahil nandito kana, ibig sabihin lang n’on natapos mo na ang request na binigay sayo?”
“Yup, tapos ko na” sagot ko, pinakita ko sa kanya ang reward na dala ko isang sako ng ore gems. “Bigay ko lang ito kay Jade, at kukuha ulit ako ng request” sabi ko kay Char.
“Aalis ka ulit? ang tagal mong nawala tapos aalis ka lang ulit? ilang taon ka na wala? isa, dalawa, tatlo?! tatlong taon kang wala Lily tapos kukuha ka ulit ng request?” hindi makapaniwalang sabi sakin ni Char, wala akong magagawa! ito lang ang paraan ko para mahanap ko s’ya! Kailangan ko s’yang makita, kahit ilang taon pang abutin!
“I need to go na...” hindi ko pinansin ang mga sinabi nya, iniwanan ko sya sa hagdanan para pumunta sa opisina ni Jade.
“Lily!!!” sigaw sakin ni Char, pero dedma ko lang sya... alam ko ang tagal ko na silang hindi nakita at nakasama pero I need to do this for my own sake, katulad nalang ng sinabi sakin Jade “You can join my coven, I won’t force you... you are free to do what you want”
“Nice seeing ya’ Lily” bati agad sakin ni Jade pagkapasok ko sa opisina nya, “Bakit sumisigaw si Char? ano nanaman ang pinag-awayan niyo?” tanong ni Jade sakin, napa-iling nalang ako at nilapag ang sako ng ore gems sa desk nya. “Ore gems fifty of ‘em”
“Request” business like kong tanong, napatingin lang si Jade sa sako at binuksan nya ito, tiningnan naman nya ako pag katapos inspeksyonin ang mga gems. Hindi ko alam kung ano ba kailangan nya sa mga gems na yan, dahil sya ang nag bigay sakin ng request at parang alam nya rin na pag-kukuha ako ng request ay dun sa mga malalayo ang lugar.
“No request for now...” huh?! did I heard that right? hindi pwede! kailangan ko ng request para mahanap ko sya, ayun lang ang paraan para makita ko sya.
“Jade!” I growled, “I need a goddamn request” I gritted my teeth, ayaw ko ng away, alam kong mas malakas sakin si Jade... halata naman eh, hindi nya lang pinapakita, hindi nya pa nga ginagamit ang ability nya sa labanan na tatalo na nya agad ang kalaban sa pamamagitan lang ng lakas nya bilang bampira, pero dammit!!! ayaw ko mag-wala!
“Three years kang wala, and I only heard one from you, ang mga request ngayon na hawak ko ay 5 years and up, gusto ko muna makisalamuha ka dito, babalik na rin ang dalawa, balita ko” sabi nito sakin, sobrang kalma dahil alam nya hindi ko sya kanyang sawayin.
“No...” sabi ko galit parin, “Kahit bumalik pa ang dalawa! wala akong pake!” sigaw ko, hinataw ko ang dalawa kong kamay sa desk nya nag-crack ito, pero sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko na namalayan, nahampas na pala ako sa pader, ang kamay ni Jade nakapalipot na sa aking leeg, at ang mga mata n’yang kulay silver kanina ay golden red na.
Hindi ako makawala sa hawak nya, unti-unti nya akong itinaas sa pader.
“I may said to you, to do anything you want... Pero member parin ikaw ng coven ko” her voice cold as ice katulad ng boses nya, boses ng bampirang bumuhay sakin.
Napalihis nalang ako ng tingin, “Fine” I said, binitawan nya ako, “Stay here for a year, at pagkatapos n’on dun lang kita bibigyan ng request” bumalik ito sa pagkakaupo nya sa swivel chair. Nakatingin lang ako sa kanya ng mag-salita ulit sya “Go now” nag-shape shift ako bilang bata. “You promise that, Jade” sabi ko, boses ko ay parang seven years old.
“Bawal ang mga bata dito Lily, bumalik ka nga sa dati mong anyo” natatawang sabi nito sakin, hays eh gusto ko ganito ang anyo ko eh.
“Oo na” bumalik ako sa dati kong anyo at lumabas na ng opisina ni Jade, napahawak ako sa leeg ko.
“This will leave a mark, kakaasar lang eh”
~
Updated!!! Like I said hindi lang po sa isang character iikot ang kwento! pero tugma tugma sila...
Comment of what you think, “Click the star”
Please support this story po kasi po sinubukan ko sya isali sa #Wattys2015 first time kong sumali kaya I don’t know what to expect :D
~jaye
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro