Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE


PROLOGUE


All says that the youngest is always the spoiled one, the pampered, and the favoured child. Maganda daw maging bunso dahil siya ang inaalagaan at mas pinagtutuunan ng pansin ng magulang.

Pero ibahin niyo ako, iba ang pamilya namin dahil kabaligtaran lahat ang trato sa akin.

Ako ang pinabayaan at palaging wala sa mga plano nila, sa lahat ng bagay ay hindi pabor ang mga magulang ko.

Paano ako masasabing spoiled na bunso kung limitado lang ang binibigay sa akin, kumpara sa mga ate ko na lahat ay nakukuha nila sa isang salita lang.

Palagi na lang ako ang nalilimutan kapag may pupuntahan sila, palagi na lang ako iniiwan sa babysitter na kanilang binabayaran taon-taon. Pwede naman sila ang mag-alaga sa akin, mas gugustuhin ko na sila ang katabi ko palagi kaysa babaeng ito na walang inatupag kundi ang matulog sa harapan ng telebisyon.

Madalas akong nalipasan ng gutom dahil hindi ako marunong magluto, minsan nakakatulog na lang ako dahil sa sakit ng tyan ko. Nakakain lang ako kapag may naiuwing pagkain ang mga ate ko galing sa mga restaurant na kanilang pinuntahan, sa akin nila tinatapon dahil ayaw nilang mag bayad ng fee.

Nagsimula lahat ng ito pag hantong ko sa edad na tatlo, sa pagkakatanda ko walang alaala na masaya at worth it na ipagmalaki sa iba na inaalagaan nga ako ng mga magulang at kapatid ko.

Hindi na ako nagreklamo dahil wala naman akong magawa, kahit anong iyak at pagwala ang ginawa ko sa harapan nila ay sa basement ako tinatapon hanggang sa hindi ako tumigil. Sa madilim at nakakatakot na lugar na siyang madalas na aking nagiging kwarto, madalas na nakakalimutan nila akong nakakandado sa lugar na iyon.

Gaya lang ngayon na tatlong araw na akong naka upo sa malamig na semento ng tahimik at madilim na lugar na ito, naka bestida ako ng puti na hindi na gaano magandang tingnan gaya nung unang ibinigay sa akin. Hanggang tuhod ko na rin siya dahil matagal na ang panahon na ang huling palit ko ng bagong damit, ang una at panghuling regalo nila sa akin.

Ito ang pinakapaborito ko kaya ito madalas ang suot ko, may dalawa pa naman akong damit pero nadumihan na iyon dahil sa mga utos nila na siyang marumi. Paglalaba ng kanilang mga damit, paglilinis sa kanilang mga maduming sapatos, paghuhugas ng mga plato, at pagwawalis sa buong bahay.

Siyam na gulang ako ngayon at bukas ay kaarawan ko na, ganito ba dapat ako magsalita? Hindi niyo naman ako masisi dahil maaga akong namulat sa hirap ng buhay, kinailangan kong matuto sa sarili kong sikap dahil kapag hindi— alam ko na hindi na nila ako mapapansin.

Pinapansin lang nila ako kapag may nagagawa akong maganda at karapat-dapat na bigyan ng pansin, bilang nga lang ang atensyon na nakukuha ko sa kanila eh.

Tinatanggap ko na ang sitwasyon namin, tanggap ko na ang mga trato nila sa akin na alam kong ginagawa nila ito para sa ikabubuti ko.

Kahit nasasaktan ako sa mga pagkukulang nila sa akin ay tanggap ko na dahil hindi ko naman deserve ang atensyon nila, makukuha ko lang yun kapag nakapag aral ako.

Matagal ko ng ipinagdadasal na sana bigyan nila ako ng pagkakataon na mag-aral, at ngayon ay ito pa rin ang hiling ko sa kaarawan ko na sana ay matupad na.

Napapikit ako at nang hihinang nakasandal sa pader ng marinig ko ang pagbukas ng bakal na pinto, hindi ko kayang buksan ang mata ko dahil sa ilaw na ngayon ko lang nakita makalipas ang apat na araw.

Hindi na ako makapalag nang hinatak ako ng kung sino at binuhat na parang isang sako ng bigas, naramdaman ko na lang ang katawan ko na nakasampay sa balikat nito.

“You're in luck that someone reminded you father to get you out of this room.”

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng lalaking ito pero napangiti ako ng marinig ko ang salitang father, alam ko ang meaning no'n dahil ito ang palaging itinatawag sa tatay namin.

Tahimik lang akong dinala ng lalake paakyat, hindi ako pumalag dahil hinang-hina na ang katawan ko sa apat na araw wala akong nakain. Gusto makita ang kalagayan ng bahay, sa tagal ko sa basement alam kong walang naglinis ng bahay.

Naramdaman ko na ang pagbigat ng ulo ko ng bigla na lang tumigil sa pag lakad ang lalake, kahit masakit ay pinilit kong inangat ang ulo ko at buksan ang bibig ko para itanong kung ano ang nangyayari ng marinig ko ang boses na matagal ko ng inaasam na marinig.

“Take her to the room and pack her things. She will be leaving tomorrow morning.”

Nahulog ang puso ko sa sinabi niya at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman, hindi ko na alam ang sunod na nangyari matapos akong iakyat sa kung saan man ako dadalhin ng tatay ko.

“You will be free from this hell milady, finally free.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro