Prologue
"Hi, friend!"
Malayo pa lang ay narinig ko na ang boses ni Zam nang mamataan akong pababa ng escalator. May pagmamadaling sinalubong niya ako ng yakap. Nagbeso siya sa akin bago pinasadahan ng tingin ang kabuoan ko.
"Zam!" Niyugyog ko ang dalawang kamay niya.
Ngumiti ito. He scanned me again as if checking for changes. "Wow. Hindi naman halatang prepared masyado ang bride, ah!"
I didn't know what he meant by that. Maybe, I've become fairer than the last time I left. Or dahil nga todo alaga nga naman ako sa sarili ko ni kahit isang taghiyawat lang ang tumubo sa mukha ko ay naghihisterya na ako.
Inagaw nito ang isang luggage ko at nauna na sa paglakad.
I flipped my hair. "Of course. Hindi pwedeng masapawan mo ang ganda ko," I confidently said, pulling my other luggage as we walked.
"Ganda yarn? Pero seryoso, kamusta na? It's just been a year since the last time we met, parang hindi na kita makilala. "
I sighed and then smiled. "I'm okay. Medyo sabog lang dahil abala sa paghahanda sa kasal."
Kailangan kasing pumunta ni Aldrin last week sa Australia at may aasikasuhin na project doon. May inayos muna sa trabaho. Hindi na namin nagawang magkita ulit bago ako umalis ng Hong Kong dahil alam kong busy na siya at paalis na nga ako.
"Sabog ka pa sa lagay na yan?" ismid nito nang nilingon ako.
Hindi na kami masyadong nag-usap but in my heart I know everything is going smooth for our wedding.
"Chill, Tiffany. Kapag ganyan ka, talagang masasapawan kita!" untag nito nang hindi ako kumibo.
"Ayos lang!" I simply said it like it wasn't a big deal. "Aldrin will still choose me." I winked at him.
He scoffed. "Hindi natin sure."
I furrowed my eyebrows. "What do you mean?"
"Hindi ko pa siya naaakit. Ayaw mo kasi akong payagan."
"Zamuel!" Pinilit kong gawing seryoso ang boses ko. But deep inside, I wanted to laugh at him. He would always tell me he's going to seduce Aldrin.
Pinaningkitan niya ako ng tingin. "Don't use that against me, girl! You know I've been wanting to forget that name. Sabi ko sa'yo ako si Zamantha"
"It didn't change the fact that you're still Luis Zamuel Tan."
"Sige. Tama na! Suko na ako. Tawagin mo na ulit akong Zam."
"Iyan lang pala ang kahinaan mo, eh."
"Kahinaan ko ang lalaki."
"Bakla ka talaga."
"Ikaw. Parang bakla kung magmahal."
Nagulat ako sa akusasyon niya. I raised a brow. "Gaga. I am not. I am in a very healthy relationship. Patas kami pagdating sa effort, " pagdidiin ko.
Sumakay agad kami nang dumating ang sundo ko. Magkatabi kami ni Zam sa backseat. He said, a friend dropped him to the airport so he didn't have his car. Hindi na ako nagtanong kung babae or lalake ang friend na iyon.
Diretso ako ngayon sa bahay namin sa Manila. Mommy will be there waiting for me. Hindi na ako nagpasundo sa kaniya dahil si Zam na ang nag-alok na maghintay sa akin. Wala naman siyang gagawin ngayon kaya marami siyang time.
"Excited na akong magmake-up sa'yo sa wedding day mo. Pwede ba paki-usog ng araw?"
"You don't know how to do it. My gosh, Zam, huwag mong pagdiskitahan ang mukha ko!" May plano pa yatang gawin akong clown sa kasal ko. He's a self proclaimed make-up artist. He thinks he knows how to do it, but really he doesn't. I can attest to that. "May napili na akong make-up artist. At huwag mo akong madaliin. Hindi pa pulido 'yong paghahanda namin."
Humalukiphip si Zam. Mukhang hindi naman ito nasaktan sa sinabi ko. "Naku. Alam mo kinakabahan talaga ako kapag masyadong prepared, eh."
"Bakit naman?" baling ko sa kanya habang nakakunot ang noo.
"Parang di matutuloy," sambit nito na may pag-aalinlangan.
"Paano mo nasabi?"
"Diba kapag nagplano tayo ng outing noon, hindi natutuloy?" Sumulyap ito sa akin bago nagpatuloy. "Alam mo yung pulido na ang plano tapos may aatras at magdadahilan na ganito, ganyan."
I heaved a sigh before shifting my gaze outside the window. "Wag mong itulad ang kasal ko sa outing. Mga walang isang salita lang talaga iyong mga kaibigan natin."
Ang galing lang talagang magplano, mauuwi lang pala sa drawing ang lahat.
"Okay. Enough of that. Saan mo gustong gumala ngayong nandito kana ulit sa Pilipinas?"
I faced him and smiled. "Samahan mo ako sa Intramuros bukas. Gusto kong puntahan ang Manila Cathedral."
"Huwag mong sabihin na mag-eensayo ka doong maglakad sa aisle?"
Inirapan ko siya. Hindi ako ganoon ka-excited para mag-ensayo pa para sa ganoong kasimpleng paglakad. Gusto ko lang naman makita muna ang simbahan kung saan idadaos ang kasal namin ni Aldrin.
Pagdating sa bahay, nadatnan namin si Mommy na naghahanda para sa tanghalian. Sinalubong niya ako ng yakap at pagkatapos ay nakipagbeso kay Zam. Agad niya kaming inakay palapit sa mesa para kumain.
"Damihan mo ang kain, Zam," ani Mommy at bumaling sa akin. "Ikaw din, anak."
"She's not going to eat more, Tita. She's trying her hardest not to gain weight dahil takot na hindi magkasya ang gown sa kasal niya," nakangising sabi ni Zam na tumingin pa sa akin na tila nang-aasar.
That's a month away. Wala namang kaso kung kumain ako ng marami dahil pakiramdam ko hindi naman ako tumataba kahit damihan ko ang kain. If I did, I could lose few pounds when I work out again.
"Hindi totoo iyan," tanggi ko at nagsimulang kumain.
Nakita kong umiling si Mommy dahil sa daloy ng usapan. May inabot ito kay Zam na bowl ng ulam bago tumingin sa akin.
"Kailan pala uuwi si Aldrin?" she asked.
"After two weeks, Mommy," I replied. Iyon ang sabi sa'kin ni Aldrin.
When he arrives, then we still have two weeks to finalize wedding details together.
Pagkatapos kumain ay nagpa-alam din si Zam. Susunduin nalang daw ako bukas bago kami tumulak ng Manila Cathedral. Natulog ako buong maghapon bago sinubukang tawagan si Aldrin. Hindi ito sumasagot. Ilang araw na rin na hindi niya sinasagot ang tawag ko.
It was normal. Hindi naman ito ang unang beses na nangyari. Isang week din kaming hindi nag-usap noon at napag-alaman kong abala lang ito sa trabaho.
Maaga akong dinalaw ng antok pagdating ng gabi dahil na rin sa pagod mula sa biyahe.
Abot-tenga ang ngiti ko nang gumising pagkaumaga. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Aldrin at gusto nitong magkita kami mamayang hapon. Hindi na ako tumawag pa para alamin kung bakit biglaan ang pag-uwi niya. My mind was conditioned to wait for two weeks before I could see him.
Kailan siya umuwi? Gustuhin ko mang magtampo na hindi niya ako pinaalahanan na uuwi siya ay hindi ko magawa. Tutal nandito na rin naman siya ay mas mainam nga na magkita kami.
"Oh, satisfied kana ba?" tanong ni Zam sa akin nang nakalabas na kami ng Intramuros. Ako ang nagmamaneho kaya saglit akong bumaling sa kanya at saka itinuon ang mata sa daan.
"Oo naman," nakangiting sabi ko. "Saan mo gustong kumain?"
Mahina itong tumawa. "Libre mo?"
"Tinatanong pa ba iyan? Kahit kailan hindi ka naman nanlibre."
"Mas mayaman ka naman sa'kin," he reasoned out that made me frown.
"No, I'm not. Mga magulang ko lang ang mayaman. Hindi ako. Sa ating dalawa, ikaw pa rin itong mapera."
Totoo. Mayaman talaga si Zam. He's an architect and he has held many projects, big and small, that have helped define the city landscape. But more than that, his family owns the country's leading building materials company.
"Ewan ko sa'yo. Pa-humble ka pa diyan. Sige, sa Binondo nalang tayo kumain. Alam ko na-miss ko iyong kinakain natin noon ni Camille."
Speaking of our other friend, nandoon pa rin Hong Kong.
Magana kaming kumain sa isang restaurant doon. Pagkatapos ay pumunta kaming mall at pansamantalang gumala ni Zam. We just enjoyed browsing items without buying anything. Just like the old times, we believe that we can enjoy a free cost of shopping, no money involved. That's something we have learned from Rosie who keeps reminding us that proper budgeting can help us save more money.
Hinatid ako ni Zam sa café kung saan naming napagkasunduan ni Aldrin na magkita.
"Sigurado ka bang ayaw mong hintayin kita?" tanong ni Zam habang nakatitig sa akin.
I shook my head as I unbuckled my seatbelt. "Huwag na. Kasama ko naman si Aldrin. Siya na ang bahalang maghatid sa akin sa bahay."
Tumango ito. "Ah. Pwede naman akong manood lang sa inyo," suhestiyon niya. He looked worried.
I chuckled. "Huwag na. Mababagot ka lang at mangisay sa inggit habang nanonood sa'min." I hung my bag over my shoulder. "May panlibre ako sa'yo ng pagkain pero pang-ospital, wala!"
I glanced outside in the hope to see Aldrin. He might be inside already.
I heard Zam laugh. "Grabe namang babaeng 'to. Sige. Tawagan mo nalang ako kung sakaling may kailangan ka."
I scoffed. "Parang ang sama ko namang kaibigan sa sinabi mong iyan," tampo ko. "Siyempre tatawagan kita kahit hindi kita kailangan."
"Ang drama mo! Umalis kana nga! Naghihintay na iyong groom mo sa loob. Pwede na kayong dumiretso ng Manila Cathedral kung gustuhin niyo," pagtataboy nito sa akin habang humahalakhak.
I waved my hand at him. "Thank you, friend!" paalam ko at bumaba na. Ilang sandali pa at umalis din siya at pumasok na ako ng café.
Nahagip agad ng mata ko si Aldrin na seryosong nakaupo sa bilog na mesa malapit sa glass wall. He was staring blankly outside. Makulimlim ang panahon sa labas. Humakbang ako papalapit pero pansin ko na mas madilim ang mukha niya.
He turned to me seriously and looked surprised when he realized I was already sitting across the table.
Kinaway ko ang kamay malapit sa mukha niya. "Hey!"
He sighed and plastered a small smile on his lips. "Nandito kana pala. Kanina ka pa?"
Naramdaman ko ang tamlay sa boses niya. I shook my head and smiled.
"I just came, hon. I was with Zam the whole morning," panimula ko. Marahan siyang tumango. He knew how close I am to my friends. He met them before.
Kinwento ko sa kanya ang tungkol sa biyahe ko pauwi hanggang sa kung ano ang ginawa ko buong umaga. Aldrin was patiently listening to me as I shared everything that I wanted him to know since the last time we met.
"I visited the church this morning, hon. It's indeed beautiful. I couldn't wait for the day I'll be able to walk in the aisle while you're wai-"
"Tiffany..." he weakly called. Bumaba ang tingin ko sa kanya.
Mula sa pagkakayuko ay inangat nito ang ulo. I didn't know he wasn't looking at me when I was talking. Akala ko talaga ay nakikinig ito dahil hindi ito umiimik.
And why didn't he call me using our endearment?
Paano kasi ay bahagyang nakatingala ako habang nagkikwento like I was talking to heavens so I had no idea what was going on with him.
"Tiff, I'm sorry..." mahinang sambit nito.
Gumuhit ang pagtataka sa mukha ko. At tama ba ang nakita ko? Nangilid ang luha sa gilid ng kanyang mga mata?
What was he apologizing for?
Dahil ba hindi niya ako nagawang kausapin sa nakalipas na mga araw? I could let that pass. I'm not so demanding in our relationship and he knows that.
"What do you mean, Aldrin?" Mahabang minuto pa ang nakalipas bago ko naapuhap ang salitang sasabihin.
He looked at me and with his head lowered down, he started telling me his reason. Parang pinagtatarak ako ng bawat salitang namutawi sa bibig niya.
Pagkatapos niyang magsalita ay natagpuan ko na lamang ang sariling pinupukol siya ng matalim na tingin. Even when I opened my mouth, no words came out from it. My breath was caught in my throat. Dama ko ang pamamanhid ng panga ko dahil sa pagtagisan ng ngipin ko.
"I'm sorry, Tiff. Hindi ko sinasadyang saktan ka," sabi ni Aldrin at atubiling ginagap ang kamay ko.
Marahas kong hinawi ang kamay ko sa pagkakahawak ni Aldrin. I feel the need to leave this café while my sanity is still intact. Baka ano pa ang magawa kong kahihiyan kung mananatili ako sa loob lalo na at kaharap ko siya.
"I'm sorry, Tiff. Please, kausapin mo naman ako," ulit na sabi niya sa boses na tila nagmamakaawa.
I glared at him and bit the inside of my cheeks to hold my tears. I am torn between wanting to make him feel that I deserve to be chosen and letting him know that apart from him, I can still get a life.
"Nagkulang ba ako sa relasyon natin, Aldrin?" I sobbed. Ayoko mang umiyak pero tumulo pa rin ang luhang kanina pa nagbabadya.
For 3 years...
I've come to know everything about him, his ideals in life and dreams...
We weaved dreams as we built our future together...
I prepared myself for changes coming to me once I get married to him...
I was so sure of him. I believed he's the one for me.
He proposed to me a year ago and my life had never been the same since then. The thought of embracing the role of a wife and a mother sent flutters to my heart. I already left the work I used to love and abandoned everything I indulged myself with before just so I could be with him. I was getting so excited to become Mrs.Tiffany Sheen Montero in a few weeks. I even practiced my new signature bearing his name.
Everything is already settled. Only his decision is not. He's a willing participant to cancel the wedding when it's actually just around the corner. Mas malinaw pa sa mga pangako niya na hindi na matutuloy ang kasal.
He's choosing his childhood best friend over me he has known for 3 long years. How can I fight against his past? Mas naunang dumating si Fatima sa buhay niya.
Tears raced down my cheeks despite my attempts to stop them.
"It's not you. It's me," mahinang sambit niya.
That bullshit reason! What's that supposed to mean?
"B-Bakit umabot sa ganito, Aldrin?!" my voice cracked. Wala na akong pakialam kung pagtinginan man kami ng mga tao sa loob ng café. "It hurts. So much. I thought we're both solid in our relationship. Why are you suddenly pulling away from me?"
"I'm really sorry, Tiff. Saktan mo na ako ngayon at lahat kung iyan ang makakapagpagaan ng loob mo. Tatanggapin ko," he weakly said. "I couldn't leave Fatima just like that now that she's pregnant with our baby."
"And you have the nerve to leave me just like that!"
He didn't speak. Tumungo lamang siya at mahinang iniling-iling ang ulo.
"Minahal mo ba talaga ako?" I asked, expecting the answer I have in mind.
He heaved a deep sigh.
"I tried, Tiff. Or, maybe, I did love you at some point." Umiling-iling siya at mariing pinikit ang mga mata. "You're the perfect woman any guy could wish for. It's just that-," napabuga ito ng hangin at diretsong tumingin sa akin. "I can't go on with this wedding."
I cupped my face and continued crying.
Why did I feel that he really loved me when he only tried? He never made me feel neglected. He was thoughtful and considerate of my feelings and even my plans for our future. Sa totoo lang ay ayaw niyang umalis ako sa trabaho ko bilang childcare worker sa isang academy sa Hong Kong ngunit pumayag din siya sa aking pasya na mag-focus sa paghahanda sa kasal at sa bubuoin naming pamilya after we tie the knot.
Is this what I get after choosing a kind guy? A kind guy will still be kind regardless, I thought. But sadly, Aldrin is kind enough to let go of me when I don't want him to.
He has taken my back...and burnt my heart out of me.
He has my heart all the way because of so many reasons. But he's tossing it away.
It's never a whole since he announced that Fatima is pregnant with their child.
He will become a father of someone's child!
"You would regret this, Aldrin," I firmly said while looking straight into his eyes.
Ano pa bang mukha ang ihaharap ko sa mga kakilala namin? Our invitations had already been sent to our friends here and abroad. Plane tickets for his family and our expected guests coming from different parts of the world were already booked.
Pinagsalikop niya ang dalawang kamay na nakapatong sa table. "I'm sorry, Tiff. This is really an embarrassment to your part."
I wiped my tears running down my cheeks using my hand before speaking. "Why would I be embarrassed? I'm not the one who left."
We locked eyes. At nakikita ko sa kanyang mga mata, wala na ang dating pagmamahal doon.
"Hindi ko agad sinabi sa'yo ang tungkol kay Fatima dahil ayokong saktan ka."
Kailan ba nagsimula ang lahat sa pagitan nila ni Fatima? Noon pa ba? O nitong huling uwi niya sa Pilipinas para subaybayan ang pagpapatayo ng bahay?
Saan ba akon banda sa ilang taong relasyon namin? My mind is already tired of making guesses.
"And you ended up hurting me, Aldrin. I hate you!" I spat.
Nahagip ng mata ko ang paglingon ng ilang customers sa gawi namin ni Aldrin dahil sa lakas ng boses ko.
He bit his lower lip. His tired eyes narrowed as he composed himself. "Hate me as long as you want, Tiffany. I deserve it," his voice trembled. "I'm doing it because I don't want to see you get hurt even more."
"If you really care about my feelings, you wouldn't have made such a stupid decision, Aldrin," I cried.
I met his gaze and knew the answer already before he could even speak.
I know I could do better. Hindi ko kailangang magmakaawa.
Ngayon ko kailangan ng tapang at gusto ko iyon iparamdam sa kanya ngunit sa bawat pagsalubong ng aming mga mata, mas lalo kong napagtantong isa akong talunan.
Eyes truly talk better than words.
"I'm sorry, Tiff," he replied.
"Kanina mo pa sinasabi iyan. Are you not tired of saying it?"
Umiling ito. "I will keep saying that until I have your forgiveness."
"Don't you know that it's too much to ask now?"
"I'm sorry."
"One more word from you, Aldrin, and you'll see the worst in me! Nasaktan mo na ako! You couldn't take back what's had been said and done. Umalis kana kung tapos na ang pakay mo!"
He was stunned but after few seconds, he walked out of the café leaving me alone.
Sa labis na emosyon, napangawa ako. Dinukot ko ang cellphone sa bag at agad na hinanap ang number ni Zam.
Nakailang ring pa bago niya sinagot ang tawag. Nagtanong pa ito ngunit tumigil din ito nang marinig ang pag-iyak ko.
"Hoy! Gaga! Anong nangyari?" si Zam sa kabilang linya.
"Zam, please, sunduin mo ako dito." Patuloy sa pagtulo ang luha ko. Hindi na muna ako nagsumbong.
"Sabi ko na nga ba, eh. May katarantaduhan talagang ginawa ang Aldrin na iyon, eh," sambit niya kahit hindi ko pa man nalahad sa kanya ang nangyari.
Natigil ako sa pag-iyak. Bakit parang may alam siya? All this time ba ako lang ang walang idea sa mga nangyayari?
Hindi na ako nagtanong pa at tinapos din naman ni Zam ang tawag at halos 30 minutes pa bago siya dumating para ihatid ako sa bahay.
My life is fvcked up. This day rushed like a hurricane and it feels like I was tossed alone in a billowing sail.
Buti nalang at hindi naman nagtanong si Zam, kahit nga pakiramdam ko ay may alam ito. Hinayaan niya lang akong tahimik na nakamasid sa labas.
Tumigil na kasi ang luha ko bago pa man siya dumating. Sana hindi na ulit tumulo.
Diretso akong tumuloy sa kwarto ko pagkarating ng bahay. Padapa akong humiga sa kama at siniksik ang ulo sa unan. Gusto kong makalimutan ang nangyari at kailangang may gagawin ako. Hindi pwedeng magpakalunod ako sa lungkot.
Mayamaya pa ay inaya ko si Zam na magparty.
Katulad kanina ay hindi pa rin ito nagtanong ng tungkol sa naging usapan namin ni Aldrin. Matapos akong ihatid sa BGC ay umalis din agad ito. Tinawag niya ang ibang kaibigan namin para samahan ako at hinabilin ako sa kanila dahil hindi na ito makahatid sa akin mamaya.
Maaga pa daw itong aalis para sa isang meeting bukas at ayaw nitong ma-late.
Alas diyes na nang pumasok kami sa isang club. Puno ng mga tao doon dahil Friday nga. But the noise didn't help much to make me feel alive again. It only made me feel worst every minute I watch people going wild.
"First time mo mag-aya magparty. Anong nakain mo?" tawa pa ni Rosie. She seemed bewildered that I asked them out.
Si Klea na nakahalukiphip ay tumawa rin. We stayed on the VIP floor and sipped our hard liquors on the terrace while watching the people on the dance floor. Masakit sa mata ang ilaw at nakakabingi ang ingay.
"She's probably enjoying the most out of her single life. She'll miss this after she ties the knot with Aldrin," may kalakasan sa boses na sabi ni Klea.
My heart pounded a little faster when I heard his name. I wanted to tell them everything but I'm afraid I'd break down in front of them. Fresh pa ang lahat. Now, I wonder where I got the courage to simply just go to the club after that heart-breaking moment. What did I really have in mind? Na mahuhugasan ng alak ang lahat ng sakit?
Of course, they didn't know what happened to me today. I wouldn't expect them to comfort me.
Rosie works as an accountant in a firm. Klea, on the other hand, is an editor-in-chief of a popular lifestyle magazine. We're friends since our college years. Magkakaiba man ng kurso pero nagkakasundo kaming lima. We're very supportive of each other.
Both are part of my entourage. Pero ngayon, paano ko sasabihin na hindi na nga matutuloy?
Hindi ako umimik. Siguro kanina pa nila nahahalatang wala ako sa mood na makipag-usap. I would normally get drunk after taking so much. I finished another glass and the two looked at me suspiciously.
"My, my, what's your problem?" si Rosie nang may napuna.
"Kailangan ba talaga may problema kapag uminom?" I said, irritated, not because of them but the way things are now.
Sandali silang tumahimik. Nakita kong may binulong si Klea kay Rosie. Hindi ko marinig dahil nga sobrang ingay naman talaga. Hindi ko sila pinansin at kumuha nalang ulit ng inumin. Matapos kong ubusin ang laman ay kumuha ulit ako.
They were just watching me while drowning myself in alcohol. Pasasaan at malalasing din ako at makakatulog at baka sakaling makalimutan ko pansamantala ang mga nangyari. Siguro pag-gising ko kinabukasan, malalaman ko nalang na masamang panaginip lang pala ang lahat.
Pero sa halip na malasing ay mas lalo lamang naging malinaw sa akin ang mga bagay na kanina'y malabo.
"It's okay if you can't tell us just yet, Tiff. Alam namin na may problema ka ngayon," may pag-aalalang sabi ni Klea.
Umiling ako at matabang na ngumiti. "Okay lang ako."
"You're not," may diin sa boses na sabi ni Rosie. "We're going out of here. This place is not what you exactly needed."
Hindi na ako nagprotesta nang hilahin ni Rosie ang kamay ko habang si Klea naman ay marahang tinutulak ako sa likod hanggang sa nakalabas kami ng club. Naging kalmado ang pakiramdam ko nang wala na akong ingay na naririnig.
Maybe, it's the tranquillity I needed.
They took me to Rosie's car. Klea opened the door of the backseat and guided me inside. Sumunod din ito at tumabi sa akin.
I heard Rosie slam the door shut beside her after she sat on the driver's seat.
I felt Klea's hand on my shoulder. She was rubbing it gently trying to console me kahit hindi ko alam kung may alam nga siya.
I saw Rosie scrolling on her gallery. She turned to show us the image on her cellphone.
Picture iyon ni Aldrin at Fatima na magkasama sa golf club.
Noon, walang ibig sabihin ang larawan na iyon. Ngayon, malinaw nga na may something sa dalawa.
Kumibot ang gilid ng bibig ko at lumandas ang luha sa mga mata ko. "You're right all this time."
They seemed to have understood everything after I said it.
"We've been trying to tell you that there's something between them but you kept ignoring us," sikmat pa ni Rosie. Hindi maikakaila ang disappointment sa boses nito.
Hindi ko kailanman pinagdudahan ang pagkakaibigan nina Aldrin at Fatima. Matagal na silang magkaibigan, simula pa lang pagkabata. Hindi naman pwedeng basta-basta ko nalang sabihin kay Aldrin na layuan si Fatima. I thought they'd never pass as more than friends.
Aldrin proposed to me and I thought everything was going all right between us. I never had the slightest thought that he'd cheat over me.
Hindi ako sumagot. Patuloy lang ako sa paghikbi habang marahang hinahagod ni Klea ang balikat ko. "You'll get through this, Tiff."
Tumindi lamang ang paghikbi ko dahil sa sinabi niya.
"Napakagagong Aldrin 'yon! Makakatikim talaga ng suntok iyon kapag nakita ko ulit!" nanggagalaiti na himutok ni Rosie. "Alam ko hindi mo pa nasampal ang gagong iyon!" baling nito sa akin.
Tama nga siya sa bagay na iyon. Pero ano ba ang makukuha ko kapag gagawin ko nga?
"Where do you want to go now?" pag-iiba ng usapan ni Klea. Hindi gaya ni Rosie na kanina pa gigil na gigil, kalmante lamang si Klea.
"Please, take me to Tarragona," I replied.
Rosie sighed before starting the engine. Bagamat hindi na ako nakarinig ng anuman sa kanya, I know she's mentally cursing Aldrin. Matiwasay kaming nakalabas ng Manila at sa huli ay dinalaw ako ng antok. I closed my eyes and silently prayed that it's all just a bad dream.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro