Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

Celebration

"Bakit may nakita akong petition paper sa guest room nang bumalik ako doon?" hindi ko napigilang itanong.

Napatigil siya at napaismid nang may maalala.

"Naalala mo noong inalok kita at sinabi kong nakahanda na ang mga dokumento para mapawalang bisa agad ang kasal?"

Tumango ako. He had clearly told me the papers were ready as he spoke. I was adamant to get out of the setup as soon as it ends. 

"You agreed right away knowing we'll get annulled after a year. I put it there because I didn't want you to see it in our room. I was about to discard it, Tiffany. That morning, dinala ko lang iyon sa guest room noong naligo ako doon dahil sira ang shower ng kwarto natin. Pero ibabasura ko na iyon nang araw na iyon. Gusto kong totohanin na natin ang pagsasama natin, Tiffany. Umalis lang ako ng bahay sandali noon para bumili ng magiging agahan natin. Pero pag-uwi ko nalaman kong umalis kana," he explained without taking his eyes off me.

All along, I was making wrong assumptions. From now on, I should throw away unnecessary thoughts and focus on what matters the most. I have to be honest with my own feelings and trust in love.

I'm sorry for not trusting him as much as I should. I guess it's my insecurities acting up because I thought he'd choose a childhood best friend over me. Or I kept thinking that our marriage would end up like my parents. 

"I'm choosing you, Stanley Gabriel Alcantara, over my pride, over my doubts, and over the faults, I have in my life," I sincerely said as I looked up at him. I hope that it was enough to assure him that I'm all ready to go on with life together with him.

"If you think I have given up on you, Tiffany Sheen Alcantara, then you're wrong. Mahal kita at pipiliin kita sa araw-araw. Hindi ko maipapangakong magiging perpekto ang relasyon natin but you can always be sure of me, I promise." He cupped my face and sighed softly. "No matter how hard and crazy things get, never doubt my love for you. You're more special to me than anything in this world. Kaya pakiusap, Tiffany, huwag mo na akong layuan. Hmm."

Tumango ako. "I give myself in a sweet surrender." 

I bit my lower lip before putting a smile on my face.

"Thank you." He gave me a soft kiss on my forehead.

Napahawak ulit ako sa tiyan ko. I could feel it quivering again. "I think I'm throwing up."

"Again?" nag-aalalang tanong niya.

Iginiya niya ako papasok ng banyo. Hindi ko alam na may isusuka pa pala ako.

"Are you sure it's not something serious?" tanong niya pagkalabas ng banyo. He put his hands on my shoulders. Sinuklay ng daliri niya ang buhok ko nang umupo ako sa tabi ng kama. "Do you think you should see a doctor, don't you?

Hindi ko pinansin ang tanong niya. Nakita ko ang perfume sa ibabaw ng bedside table. "Don't wear this perfume. Discard it."

"Why?" Kumunot ang noo niya at pinalandas ang mga kamay sa aking mga braso.

"I hate the smell. Ang baho, Gab! Kanina ko pa naamoy 'to sa eroplano. I prefer the one you were using before this."

"Kaya ba gusto mo kong lumayo sa'yo kanina?" Hindi maitago ang disappointment sa mukha niya.

"Pero hindi ko naman naamoy kanina habang nasa labas tayo ng kwarto mo. Nagkagulo lang ang tiyan ko nang nandito na tayo sa kama," banayad kong sabi.

Totoo naman kasi. Iyong perfume talaga ang salarin bakit naudlot ang seremonya.

Tumango ito na tila nakakaintidi. "I took a bath. Maybe, that's why. At nang dito na tayo sa loob, naamoy mo 'to dahil nasa bedside table lang."

Sa halip na itapon ay tinago niya iyon sa isang pouch at tinago sa closet.

"I'm sorry," tanging nasambit ko nang bumalik siya sa tabi ko.

"Para sa ano?" Bumungisngis ito. He was acting again like he didn't know what I really meant.

"Don't play dumb. You make me look like I'm the only one who wants it," maktol ko. Sa sobrang hiya, napatakip ako ng mukha. 

Humalakhak ito na mas lalong nagpainit ng mukha ko. "Huwag mo na kasing isipin ang bagay na iyon. I want to make it clear na hindi iyan ang habol ko sa'yo. It's enough that I know you want to keep me, babe," saad niya sa mababang boses. He pulled me closer to his chest. "You know I'm already hard down there. Pero marami pang pagkakataon, Tiffany. We'll make up for this postponed lovemaking and the next time, I promise to take you to cloud 9."

I chuckled lightly. "Literally or figuratively?"

"Both."

"Oh. Ilang beses mo na akong dinala doon." Bahagya ko siyang tiningala.  

"Isang beses lang kitang dinala doon. Aling cloud 9 ba ang iniisip mo na maraming beses kitang dinala?"

"You know what I mean." Napapiksi siya nang mahina kong tinampal ang braso niya.

He cleared his throat. "Pero bago kita dalhin doon, let's see a doctor first, shall we? I'm worried about your health. Hindi normal na bigla ka lang masusuka dahil sa perfume na ikaw mismo ang gumawa at hindi naman mabaho gaya ng akala mo."

I sighed. Mas siniksik ko ang ulo sa kanyang dibdib. "Okay lang ako, Gab. It normally happens to me these days. Any unpleasant smell made me want to vomit." 

"Kailan pa iyan?" Marahan niyang sinuklay ang buhok ko. 

"Mahigit isang buwan na rin," pag-amin ko. 

"All the more reasons to go to the doctor."

I got too caught up with the work to see a doctor. Hindi ko na masyadong naiisip ang health ko. I know it's wrong but then...

"Whatever. I'll go to my room now," paalam ko pagkatapos kong humilaway sa pagkakayakap.

"Sasamahan kita," alok nito, nakangiti.

Nagkibit-balikat ako. "Of course. You'll take care of me when I get drunk, right?"

His lips curved into a smirk. "You're not drunk." 

"Nalasing ako sa mukbang."

Gumuhit ang pagtataka sa mukha niya. "I'm afraid I don't understand."

I know he was just playing innocent when he actually understood what I meant.

I sneered at him. "I'm afraid your acting skill didn't improve at all." 

Hindi ko nalang pinansin ang pagmamaang-maangan niya dahil maaasar lang ako. Tinungo ko ang pinto. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa likuran ko.

"I'm not afraid of anything when I'm with you," he whispered to my ear. 

***

Nagparoom service si Gab ng agahan namin. Siya na rin ang kumain ng dapat sanang hapunan ko kagabi dahil nawalan ako ng gana. Isa pa, nanghina talaga ako pagkatapos kong maduwal. Kailangan pang lumabas ni Gab ng hotel dahil naghahanap ako ng chichirya. Medyo nainis pa ako dahil pagbalik niya, sa halip na chichirya ay prutas ang bitbit niya.

Kinain ko rin naman kaysa magutom ako. He stayed with me. Pagkagising ko kanina ay nakadungaw ito sa akin at halatang hindi kumpleto ang oras ng tulog, siguro sa pagbabantay sa akin.

"You should eat," he said as he handed me the food he ordered from the restaurant.

I firmly shook my head. "Wala akong ganang kumain."

"Ano bang gusto mong kainin?" Pinatong niya ang plato sa lameseta. Umupo siya sa tabi ko.

"Gusto ko ng Superbite, Sweet Corn, Safari, Muncher, Tattoos, Lumpia, Vinegar Pusit, Boy Bawang, Cheepee," I enumerated. Ano pa ba 'yong iba? 

"Goodness, Tiffany!" Mariin niyang pinikit ang mga mata. "Your cravings are weird. Aren't those classic Pinoy chichirya? Meron pa rin ba niyan ngayon?"

Hindi niya yata na-gets ang sinabi ko kanina na chichirya ang gustong kong kainin. But then, ang layo pa rin ng binili niya sa inutos ko. 

"Yes. Don't you see it when we shop for groceries?"

"Hindi. Ikaw lang kasi ang nakikita ko kapag magkasama tayo," he said so seriously.

I scoffed at him. "Ka-aga-aga Gab, h'wag mo akong binobola."

"Totoo naman," mahina siyang tumawa. "But speaking of chichirya, hindi naman kita nakikitang kumakain ng ganoon dati."

I had outgrown it and I wonder why I suddenly crave it at this moment.

"Ewan ko. Gusto ko lang kainin ngayon. Kaya, please, bilhan mo na ako," pakiusap ko sa kanya.

Mahina itong umiling bago bumuga ng hangin."Let's see a doctor first before buying that."

Hearing it made me frown. Wala na rin akong nagawa kundi ang tumahimik na. "But I still have to attend morning session. Ikaw ba? Diba nandito ka rin para sa conference?"

He nodded. "I already booked an appointment with my friend who's a doctor here. Malapit lang ang clinic dito kaya madali nating puntahan mamaya kapag bakante na ang oras mo. Bababa ako mamaya para sunduin ka."

"Okay. Then after that let's buy chichirya." I smiled at him, trying to convince him.

He seriously looked at me. "Depends."

Ngumiwi ako at humalukiphip. "What will you do when you see that woman again from the last night?" 

"Rescue me."

"Paano kung hindi ako darating?" tanong ko, nanghahamon.

"I'll run to you." Hinilot niya ang mga daliri sa kamay ko.

"Sure yarn?"

"Lagi naman kitang matatagpuan. At sa'yo lang ako uuwi," he replied.

I groaned. "Ikakasiya ba ng mga langgam kung sweet tayo?"

He smiled briefly. "Ikakagalit nila dahil maiinggit sila."

"Shut up!" Natawa na ako. I didn't know that he could get this cheesy. 

"Alam mo bang natawag ako ni Lola Gloria noong nakaraan?" pag-iiba niya ng usapan.

Kinakabahan ako sa maaring sabihin niya. "A-Ano raw?"

"Nag-asawa na raw ang apo niyang si Sandra."

Nagulat ako sa sinabi niya pero nasa tamang edad na rin naman si Ate Sandra kaya masaya ako para sa kanya at binuksan ulit niya ang puso para sa isa pang pagkakataon.

"At may naririnig daw siyang..."

"Ano?" mabilis kong tanong. Kinakabahan na naman ako.

"May nag-aaway na kapitbahay kaya pinapatay raw niya ang TV para makinig," mahinahong sabi nito at tinukod ang isang kamay sa kama.

Napakurap ako ng ilang beses. Ganoon pala. Akala ko naman kung ano na.

"Ang kulit ni Lola. Bakit ang hilig niyang mangialam sa buhay ng iba? Siguro nga dahil malakas ang pandinig niya, wala din naman siyang choice kundi makiusyuso." 

Tumikhim ito na nagpabaling sa akin. "May naririnig din siya mula sa bahay..."

"Na ano?!" bulalas ko.

"Pusang umiiyak. Sabi ko alaga ng kapitbahay na laging naliligaw sa bahay," paliwanag nito at lumabi bago tumingin sa akin.

"Ano pa ang ibang naririnig niya?" nanghihina kong tanong.

"Wala na. Iyon lang naman."

Laglag ang balikat ko nang muli akong bumaling sa kanya. "Kumpletuhin mo ang kwento mo sa susunod. Hihimatayin ako sa nerbyos sa ginagawa mo, eh."

He glanced at me wearing that naughty smile. "You didn't let me finish my sentence. What were you worried about?"

"Akala ko naririnig pa rin tayo," I blurted out. What's the use of hiding it from him anyway?

"Na ano?" Siya na ngayon ang nag-usisa. 

"Na nagwowork-out?"

He clenched his jaw. "Hindi na. Siguro iba na ang naririnig niya."

Mahina kong tinampal ang braso niya. "Alam mo bang nakakahiya iyon."

He laughed. "Bakit ka mahihiya ay nagsaya naman tayo?"

"Stop it!"

"I was just kidding, okay? Hindi naman tayo ang narinig ni Lola ng mga panahong iyon. Imposible iyon maliban lang kung sobrang lapit talaga." He laughed again.

"Eh, sino ba 'yon?" 

Nang makuha kung sino ang ibig niyang sabihin ay napatakip ako ng bibig. Okay. It should be private but it's really surprising.

"Ang apo niya at ang lalaking sikretong pinakasalan niya na hindi alam ni Lola na pinapapasok niya ng bahay sa gabi," she revealed.

"Bakit pa kasi kailangang itago ni Ate Sandra na kasal siya? Papayag naman ang Lola kung balak na niyang bumuo ng pamilya. At para namang magnanakaw itong lalaki, namamasok ng bahay sa gabi."

"Hindi naman kasi alam ng lalaki na may kasama pala sa bahay si Sandra. Dala lang ng kalasingan kaya nagpakasal silang dalawa. Nalaman lang daw ni Lola isang gabing may namataang sasakyan sa labas ng kanilang bahay."

Napaawang ang labi ko. "What a complicated story!"

"Ours is also a complicated one but I'm grateful for giving us a shot," he softly said as he stared at me with those eyes I can't ever resist looking at. He's the only person I know who laid eyes on me the way nobody ever did.

"What would your colleagues think if they see you acting like this?" I said then pouted my lips.

"They'd think I'm smitten."

"You are." I giggled.

"Your fault. So take responsibility," mahina siyang tumawa at inabot ang kamay ko.

"How?"

"By staying with me no matter what," madamdaming sabi niya. 

I cupped his face. "I promise."

                                                               ***

Sabay kaming kumain ng tanghalian pagkatapos niya akong sunduin. Nasa second floor lang naman ang convention nila at ayon sa kanya ay sabay daw matatapos ang dalawang events kaya pwede niya akong samahan kung saan ko gusto pagkatapos ng sadya namin rito.

Nakatanggap siya ng importanteng tawag at pinapabalik siya agad ng convention dahilan para hindi matuloy ang pagpunta namin sa doctor.

Sa third day ng summit, naging abala ako at ganoon din si Gab. Hindi na namin magawang mag-usap at natulog nalang kami agad pagkatapos kumain dahil sa sobrang pagod.

"Happy Anniversary, babe," he huskily whispered to my ear as soon as I woke up. He leaned over to plant kisses on my lips.

"Happy Anniversary!" I replied.

"Let's see a doctor now that we're free."

"Oh. You're boring! You should take me to the best places here instead of a clinic. Don't worry, I'm very fi-..." napabalikwas ako na bangon at humangos papuntang banyo.

"Bakit ganoon, babe? I didn't smell your perfume but my stomach feels quivery all of a sudden," parang batang sumbong ko sa kanya matapos kong masuka. Marahang hinimas niya ang bandang likuran ko at iginiya sa sink.

"Don't be stubborn anymore. Let the doctor check on you to be sure." I heard him speak after washing my face. May inabot siya sa aking tuwalya na agad ko namang pinunas sa mukha ko.

Tumango ako at humilig sa dibdib niya. I felt him rubbing my hair gently as he embraced me. Humalik pa ito sa noo ko.

Pagkarating sa clinic, masaya kaming sinalubong ng doctor na kaibigan ni Gab. OB Gyne pala talaga ang planong pagdalhan niya sa akin. Sure na sure na ba ito sa inaakala niya?

"Buntis si Misis, Gabriel!" balita sa amin ng doctor pagkatapos ng ilang tests. "Congratulations sa inyo."

"Really?" Napaawang ang bibig ni Gab bago dumako ang tingin sa akin.

"For real, Doc?" Sa huli ay natagpuan ko ang sariling tinig. Ilang segundo pa yata akong natulala. 

In the past few days, I can tell he was implying that I might be pregnant but chose not to say it out. Siguro ayaw lang nitong pangunahan ang magandang balita. For some reason, mas mainam nga na manggaling mismo sa doctor ang announcement.

Nakangiting tumango ang doctor.

"I'm so happy, babe!" Naramdaman ko ang pagyakap ng asawa ko. I hugged him back while my tears keep rolling down my face.

Feeling ko lang talaga nang nakaraan pero parang hindi naman. Nang tinanong ako ng doctor kanina kung kailan ako huling dinalaw, napaisip pa ako nang matagal kung kailan ba ako huling dinatnan. Si Gab pa ang sumagot ng ilang tanong ng doctor dahil tila mas alam pa nito ang monthly period ko. Feeling ko may period tracker app 'to sa cellphone niya kaya alam niya kung kailan ang dalaw ko at kailan ako fertile.

Tumikhim ang doctor. "Kaya lilistahan kita ng mga dapat mong gawin at dapat mong kainin at dapat mong inumin na gamot. Bibigyan din kita ng referral sa doctor na pwede mong lapitan pagbalik mo ng Maynila."

Napuno ang tenga ko ng mga habilin. Mariin niyang sinabi na iwasan ang junkfoods kaya bilang pagsuko, pipiliin kong kumain ng para sa ikabubuti ni baby.

Gusto kong suntukin ang sarili dahil naging pabaya ako sa mga nakalipas na araw. How could I not think it's possible for me to get pregnant? 

Bumalik din agad kami ng hotel pagkatapos ng check-up na iyon. Medyo matagal pa bago namin nag-sink in nang tuluyan ang balita. Akala ko naproseso na ng utak ko noong nasa clinic kami. Hindi pa pala. Habang palabas kami ay ni wala halos gustong magsalita sa aming dalawa. Nag-usap lamang kami ulit nang kailangan na naming kumain.

"I'm excited to become a mother," I told him. Humiga siya sa kama ko at umusog palapit sa akin. "Ikaw ba? Excited ka na rin maging daddy?" 

"Yeah." Tumango ito at pinaunan ang ulo ko sa braso niya. 

"Scared at the same time," I honestly said. Hindi ko maiwasang mangamba sa bagay na iyon. Do I have what it takes to be a good mother?

"There is no such thing as perfect parents. We'll surely make mistakes- lots of them. But we'll try to give our children the love in the best way we know," madamdaming wika niya. Bahagyang kong inangat ang tingin sa kanya.

"Yes," I agreed. I pursed my lips and scooted a little closer to him. "I'm sorry. Hindi natuloy ang lakad natin."

After nalaman ko na buntis ako, parang ayokong lumabas muna. Gusto ko nalang manatili sa kwarto na kami lang dalawa.

"It's okay. I feel content knowing that we're together on this day. That's more than enough already, " he softly said as he caressed my arm.

"This is not the celebration that I expected," I chuckled. "I thought this would be our last day."

Pinagsalikop niya ang aming mga daliri.  "You said you'll spend another day with me, right? I hope you'll never be so strict over that one extra day," banayad niyang wika.

Na kaarawan din niya. Thinking about it made me reminisce his last birthday we spent together.

"It's useless anyway. I already promised I'll spend the rest of my life with you." Napakagat ako ng labi nang maramdaman ang malalim niyang paghinga. Tumawa ito at saka pinisil ang ilong ko. 

Inangat niya ang baba ko at matiim na tumingin sa mga mata ko. Mas nilapit pa ang mukha at dinungaw ang mga labi ko. 

Pinikit ko ang mga mata nang maghinang ang aming mga labi at nagsalo sa isang mabagal at mainit na halik. 

A/N

Umay! Hahaha.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro