Chapter 42
Paper
Zam nodded like he was convincing himself to believe what I just said. Ilang sandali pa at tinahak na namin ang daan patungong bahay.
The car was filled with silence I could hear crickets from somewhere. Ang babae ay tahimik lamang na nakamasid sa labas. Si Zam ay seryoso naman sa pagmamaneho.
Lumalim ang paghinga ko at nasisiguro kong nakikiliti na ang parteng leeg ko dahil sa posisyon namin ni Gab. Yumakap pa ang braso ni Gab sa tiyan ko hanggang sa halos sumubsob ang ulo niya sa dibdib ko. I'm wearing an off-shoulder top and I will have wardrobe malfunction if he keeps moving unsteadily.
Mabuti na lamang at may sari- sariling mundo kaming lahat sa loob ng kotse or else mahihiya talaga ako sa estado naming dalawa. Not that I couldn't take to be clingy with him around my friends, but this is not something that I wanted them to see.
Sa naisip na lasing siya at ginagawa niya ito ay nasasaktan ako. It only means he could do it to anyone. Maliban na lamang kung nakikilala niya talaga ako at aware siya sa mga nangyayari sa paligid niya kahit na nakainom. I'd never seen him so drunk, so I really don't know what to assume in this situation. But, nevertheless, I really missed getting so close to him as this.
Pagkarating sa bahay, tinulungan ako nina Zam at ng babae na maihatid sa loob si Gab. I still have the key with me, so we didn't have problem opening the gate and the house.
Nilibot ng dalawa ang mga mata sa loob ng bahay matapos pinwesto si Gab sa sofa at pinahiga doon. Nasisiguro kong malalim ang tulog niya dahil hindi nito naramdaman ang pagbawi ko ng kamay.
"Wow. Ang ganda! It's not as big as I expected but this is warm and cozy," sabi ni Zam at humilata din sa kabilang sofa. Ang babae naman ay panay sulyap sa akin at sa portrait namin ni Gab noong kinasal kami.
"Ikaw yan?" turo nito sa larawan ngunit nakatingin sa akin.
I nodded. "Yes."
Tumuwid ng upo si Zam at kumunot ang noo. Sinundan ng tingin ang paglapit ng babae sa dingding at nang tumingala ito ay tumayo si Zam at lumapit na rin dito.
"Ang ganda ng mga mata mo, nangungusap," she said in a low tone but enough for me to hear.
Pumwesto si Zam sa likuran nito at humalukiphip. "Tingnan mo siya sa personal. Huwag diyan sa larawan."
Hinarap siya ng babae at inirapan. Nilagpasan niya si Zam at lumapit sa akin. Her eyes scanned my face for a while then she stepped back. "Pahinging tubig, please."
I stood up and went to the kitchen to get water. Napansin kong walang halos laman ang ref. Tubig na lang yata ang nakaimbak doon. Pagbalik ko may dala na akong pitsel at baso.
Mabilis na nagsalin ng tubig ang babae at nilagok agad iyon. Halatang uhaw ito dahil kumuha pa ito ng tubig.
"Thank you, Miss."
"Tiffany," pakilala ko. Nakita kong tumango siya.
"Sierra," sambit niya. "And he is?" sumulyap kay Zam.
"Luis Zamuel Tan." Hindi napigilang itirik ni Zam ang mga mata nang banggitin ko ang buong pangalan niya. "Zam for short." I smirked at him.
"Oh," ani Sierra at bahagya siyang nilingon, perhaps, to annoy him.
Her natural brown cascaded perfectly down her back. Her brown almond-shaped eyes that match her hair make her more attractive. Matangos ang ilong at manipis ang mga labi.
I caught Zam looking at her intently. What the hell is happening?
Hindi naman ito kailanman nakipagrelasyon sa lalake pero alam kong bakla ang kaibigan namin. Or did we just assume that he is? He never said anything. We just considered as that because that's how we see him, and everyone thinks that he is because he's acting like one. Hindi ito nakikipagkaibigan sa mga kapederasyon nito at iyon ang nakakapagtaka. Kaming apat na babae ang lagi nitong kasama.
I firmly shook my head. Why am I thinking over this? Baka nagagandahan lamang siya kay Sierra.
Napasulyap ako kay Gab na mahimbing pa rin ang tulog. How can I take care of him when they're still here? I thought they'll leave after dropping us.
It took them a while before they realized they had to leave. Hinatid ko silang dalawa hanggang sa pumasok na silang dalawa sa kotse.
"Where will you take her?" tanong ko kay Zam na nasa driver's seat na.
"I don't know."
"Sasama ako kung saan siya pupunta. Tutal hindi naman natuloy ang lakad ko, " Sierra insisted.
Zam scoffed. "Don't insist that. I'm dropping you to the nearest terminal as soon as get out of this village."
"You can keep denying and ignore me but never I will let you command me." Pumasok na si Sierra at sinuot ang seatbelt. Desidido itong bumuntot kay Zam kung saan man ito pumunta.
Mahina ba ang radar ng babaeng ito at hindi nakakahalata? Or baka lang naman nakikipagkaibigan? Ako lang itong advance mag-isip.
Umatras na ako at kumaway sa kanila habang nakangiti.
"Salamat sa inyo," sinserong sabi ko. Tumango lamang silang dalawa bago pinaandar ni Zam ang kotse niya.
Siguro ay sila na ang bahala mag-usap. Parang nagkakaintindihan naman sila. I mean, it looks like there's an invisible string that connects them. Dahil dito kay Zam at Sierra, nawaglit sa isip ko ang tungkol sa dalawa ko pang kasama kanina.
May kissing session bang schedule ang mga babaeng 'yon ngayong gabi? I wasn't informed. Sana man lang nakaprepare ako kung sakaling makita ko sila.
Bumalik na ako sa loob at sinikap na mag-isa na maipasok si Gab sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung gising ito ngunit napasunod ko naman siya sa paglakad habang nakaakbay sa likod ko. Kung alam ko lang na ganito pala kahirap ay nagpatulong nalang ako kanina kina Zam at Sierra.
Maingat ko siyang pinahiga sa kama at hinubad isa-isa ang butones ng suot niyang long sleeved polo. Naghanda ako ng pampunas sa kanya at nang matapos ay pinasuotan ko na siya ng kumportableng damit. I let him sleep on his side with a pillow behind him. Umupo ako sa sahig at pinagsalikop ang mga kamay sa gilid ng kama at doon sinubsob ang ulo ko habang pinapanood ang maamong mukha ni Gab. His breathing, relaxed and steady, coupled with my heart thumping like a drum overtook the silence inside the room.
Nakatulugan ko ang pagbantay sa kanya. Plano ko sanang gisingin siya para painumin ng tubig or ipaghanda ng pagkain pero napahaba ang tulog ko.
Pagkagising ko, nakahiga na ako sa kama at may kumot nakabalot sa akin. Luminga ako sa gilid ko ngunit wala si Gab. It looked like he left after bringing me up to the bed. I can take a shower first. I still have my things inside the room that I didn't take as I told him.
Ganoon na lang ba kalalim ang tulog ko at hindi ko naramdaman ang pagbuhat niya sa akin?
Lumabas ako ng kwarto at umaasa akong makikita ko siya agad. Ang lukot sa sofa ay naayos na at halatang nalinis na ang buong sala. Tinungo ko ang kusina ngunit hindi ko siya nakita doon. Sa home gym ay wala rin kaya tinungo ko ang guest room. Tama ang kutob ko na doon ito natulog. Bakas pa ang ebidensya na may humiga nga doon. Hindi ko lang mapagtanto kung anong oras niya nilisan ang kwarto kung nasaan ako. Tila may nakatusok na patpat sa likod sa isipin na iniiwasan niya ako.
I checked the comfort room and it looked like someone showered in there. The musky scent and the aftershave smell attacked my nose. It hasn't worn off yet and it means he had just gotten out from there.
I was about to leave the room when a brown envelope at the top of the drawer caught my attention. I know I should never open it especially when it's something confidential but the fact that he's not here gave me the courage to do what I know is inappropriate.
Kinuha ko iyon at dinukot ang mga papel na nandoon. Pinasadahan ng mga mata ko ang papel at hindi na ako umabot sa ikalawang pahina dahil nanginig ang buong katawan ko, kinailangan ko pang humawak sa lamesa doon para sa suporta. Hindi na rumehistro sa utak ko ang lahat ng nabasa ko. But I'm aware what all that means. It's a petition for the annulment for marriage.
Binalik ko na sa envelope ang mga papel at maayos na nilapag ulit kagaya nang pwesto nito kanina. I lost all my energy to even read what's next. My heart couldn't take it anymore.
Gusto kong makita si Mommy. I want a hug from her.
I know I shouldn't be feeling this way. We talked about this even before we got married. Napag-usapan na namin ang magiging grounds ng annulment and he even assured me of an exceptional feat.
But I didn't expect things would turn out this way.
I didn't expect it will reach this point after everything we went through.
The paper reminded me that our contract ends after a week.
Oo. Isang linggo nalang. How can I save something when he's already given up? Kung saan buo na ang loob kong ipaglaban ang meron kami, ngayon pa nangyari ito.
Bumalik ako ng kwarto at kinuha ang cellphone sa loob ng bag ko. I called the driver from the house to fetch me, and I even emphasized he should make haste. Ayokong magkaabutan kami ni Gab.
I don't want to meet Gab after knowing everything. Yes, we might see each other as we should one of these days. Pero wag na muna ngayon. Binabawi ko na ang planong makausap siya. Call me weak but I'm losing all the courage and hope I have. I don't want to overthink but how can I not?
Soon after, dumating ang sundo ko. Hindi ko alam kong nasaan si Gab. He could have gone to his office. It's better this way. I can leave without him seeing me reaching my breaking point.
Hindi ako pinanday ng panahon para lang maging mahina at maging tanga ulit. Dapat ay natuto na ako noon. Why do I keep falling to the same force?
Bakit napakadali kong bitawan at sukuan?
It's clear that Gab had already made up his mind.
I love him in a way that I never expect I would, to the point I have given myself to him which I promised I would give to the person I tied the knot with and I'm sure I would spend my life with.
But how can I doubt amid everything? I know that my trust issues were over the moon but perhaps he's also given me reasons to doubt what I thought a love worth fighting for.
Or was the line "It's not you, it's me" ever true?
We left immediately. I asked the driver to take me back to our hacienda, but I changed my plan after he told me Mom arrived at our house here this morning. Doon ako nagpahatid sa kanya.
Agad kong niyakap si Mommy. I never explained and I thanked she did not ask why. Gumanti lamang siya ng yakap bago ako hinayaang pumasok ng kwarto. Hindi ako nagmukmok doon bagkus ay naghanda akong pumasok ng opisina kahit na mag-isa lamang ako doon buong araw. I tried to eat something before leaving for work when it's not really work-day.
Sa opisina ay naghalughog ako ng mga dokumento, nagbasa at nagpirma. Ang ibang trabahong para pa sana sa susunod na linggo ay nagawa ko na. I searched and read over the internet, looking for more prospects. Nang magsawa na ay nagpadeliver ako ng pagkain dahil ginugutom ako.
While eating pizza, I scrolled down through my unread emails. One particular email caught my attention. It was an invitation for a business summit to be held in Cebu for 3 days next week.
Without a second thought, I registered and shortly after, got a confirmation. I booked my flight and secured my hotel accommodation.
Where else would I be than right there on that inevitable day?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro