Chapter 37
Birthday
Lumipas ang mga araw at naging mas matamis ang pagsasamahan naming dalawa ni Gab. I feel like I can live like this forever. Every night, we would cuddle and sleep peacefully in each other's arm. Nagsimula na rin siyang magturo pagkatapos ng trabaho niya at so far wala namang problema. Pagdating ng bahay ay sabay kaming kakain at magtatrabaho ng kaunti at matutulog na ng sabay.
"Bakit ka umiiyak?"
Nagising ako sa boses ni Gab na may kinakausap sa kanyang cellphone. Sandaling katahimikan bago nagsalita ulit.
"I'm sorry. I really can't come. I'm with Tiffany. Hindi ko siya basta-basta lang iiwan dito na mag-isa."
Tila may humaplos sa dibdib ko sa narinig at gusto kong kiligin ngunit pinapaalahanan ko ang sarili na huwag lumikha ng ingay.
"I'll go with you, tomorrow. Don't worry. Just sleep it off for once and we'll try to see how we can fix your problem. Ipahinga mo muna iyan. Okay?"
Sino naman kaya iyon? Malabong kliyente niya iyon kung ganoong parang kaibigan lang ito makipag-usap. At bakit hating-gabi ay tatawag ito para papuntahin doon si Gab?
Mayamaya ay narinig kong bumuntong- hininga si Gab at humakbang palapit sa kama. Tanging ilaw lamang na nagmumula sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa kwarto at hindi iyon nakatulong para bumalik ako sa pagtulog. All I could feel is Gab's warmth against my back. He nuzzled his head on my neck and his breath fanning against my skin and his hand resting on my belly only made the butterflies on my stomach go wild.
Nangilid ang luha sa mga mata ko at pinipigilan ko ang humikbi para hindi mapukaw ang pansin ni Gab na humigpit pa lalo ang yakap sa akin. Sukat isipin na aalis din ito bukas para samahan kung sino man iyon ay mas lalo lamang nagpatibay ng paniniwala ko na hindi pa talaga ako handa magtiwala.
"I love you, babe," bulong nito na nagpamulagat sa akin.
Does he realize I'm awake and have been listening to his convo with the midnight caller?
At alam din ba nito kung anong meron bukas? Ayoko namang umasa pero sa kaloob-looban ko, I'm expecting him to know about it.
Hindi ako sumagot dahil nga tulog ako. Diba? At isa pa, I'm not yet ready to answer it although I know my answer already. Noon ko pa iyon alam sa sarili ko. Naunahan lang niya ako.
Maaga akong gumising para maghanda ng agahan. Bahagyang nagulat pa ito nang madatnan ako sa kusina at naghahain ng pagkain sa mesa. Kumain na kami kahit kanina ko pa hinihintay na may gagawin siya.
It looks like he really doesn't know. Ano pa bang aasahan ko?
"I told you I'm going back to hacienda today," sabi ko at ngumuya.
Kumunot ang noo niya. "Did you? Hindi ko maalala. I would have remembered if you did." He looked like he really didn't really remember I said it.
I cocked an eyebrow. "Yes. You were too preoccupied that time so you might have forgotten about it easily."
"Wait for me here. Sasamahan kita," he said firmly as he looked at me.
"I can drive myself, Gab. We talked about it already. Hindi mo ako kailangang ihatid. Don't worry about me. I'll be fine. Alam kong busy ka at may nakaline-up na gagawin ngayong araw."
He shook his head and then sighed. "I'll go with you. Wait for me here. May pupuntahan lang akong sandali. I'll be back right away."
"Saan ka pupunta?" hindi ko na napigilang itanong.
"Kay Ralph."
At hindi ako naniniwala. Si Ralph ba ang tumawag sa kanya nang madaling araw? Eh, mukhang babae naman 'yon!
Tahimik na kaming dalawa hanggang sa matapos ang umagahan. Mabilis itong nag-ayos at nagpaalam umalis.
I packed my things and left the house without informing him, Eh bakit pa? May kotse naman ako at kaya kong ipag-drive ang sarili ko. I'll focus on the company, the hacienda and his hacienda that's soon to be under my name. I made myself believe that I could get that before I agreed on marrying him.
This is going to be a long drive pero may alam akong shortcut so it will only take at least 2 hours and 30 minutes. My hands longed for the steering wheel. I should drive more often and go to places I only imagined.
I heard my phone ringing and I never bothered to look who was calling. I immediately canceled it. Then, it rang again. I turned it off so I could drive in peace. I need some music, so I turned on the stereo. It looked like I was just pretending to be in the mood for some music.
Naghahanda na ng tanghalian sina Mommy pagdating ko.
Nam ran to hug me. I bent down to reach for her face. Pinanggigilan ko ang kanyang pisngi.
"Nandito ka pala, baby," bungad ko. I carried her in my arms.
"Tita Tiff," sambit nito sa malambing na boses at ngumiti nang malapad. "Saan si Tito Gab?" dugtong nito at bumaling sa likuran ko na tila inaabangan ang pagsulpot ng inaasahan niya.
"May trabaho siya."
I put Nam down on the chair and went to Mommy and gave her a kiss on the cheek. "Hi, Mom!"
"Hello, Tiff. Happy birthday," she said while hugging me. Nagsibati rin ang mga kasambahay na masaya kong pinasalamatan.
I sat beside Nam when all the food was on the table.
"Nasaan ba si Gab, anak?" tanong ni Mommy bago kami nag-umpisang kumain.
"He's not coming, Mommy," I told her while filling my plate with food.
I couldn't just feast my eyes on them. I want them all on my plate.
"Ahm. Anak, the food's not going anywhere. Just eat what you can finish," puna ni Mommy na pakiramdam ko kanina pa nakamasid sa akin.
"I can finish this, Mommy. You'll be proud of me."
"Are you sure you're not pregnant, anak? Ba't ang lakas ng appetite mo ngayon?"
Biglang may bumara sa lalamunan ko nang marinig ko iyon. I sipped some water and shook my head. "I'm not, Mommy."
We have not yet consummated our marriage! Parang gusto kong sabihin pero alam kong magugulat si Mommy kaya tinago ko na lamang iyon sa sarili ko. Baka mag-isip lamang ito na may problema kaming mag-asawa kahit okay naman kami at may hinihintay lang na pagkakataon.
"Well, anyway, hindi naman kailangang magmadali. Kusang ibibigay iyan sa tamang oras. For now, you can enjoy your time together just the two of you."
I nodded, smiling. I went back to eating. A moment later, I felt Nam's finger poking my arm.
I turned to her. "Yes, baby?"
"Gagawa ka po ba ng cake?"
"Ay! Birthday ni Tita Tiff mo ngayon. Dapat tayo ang magbibigay ng cake para sa kanya," paliwanag ni Pamela sa anak. Banayad na pinunasan ang gilid ng bibig ni Nam na nabahiran ng sauce.
"Gusto mo turuan kitang mag-bake?" sabi ko. I saw Nam's face brightened.
"Yes, Tita Tiff!"
"Naku. Baka magkalat po," biglang agap ni Pamela at bahagyang umiling.
"Bata pa si Nam. It's okay to make a mess as long as she's learning. Don't worry. Akong bahala sa anak mo."
"Sige. Thank you po, Maam."
"Are you sure your husband's not coming, anak?" si Mommy, nagtataka. "This is so unlikely of him to not be around on your birthday. Can he not set aside his work for a while to spend time with you today?"
It's not like he has been in any of my birthdays before. But, yeah, hindi talaga ito ang aasahan mo sa isang asawa. Pero ayun nga, hindi ko naman kasi sinabi na birthday ko at hindi naman ako nagpaalam na aalis ako. So how will he know?
"He's a busy as a bee, you know."
"Or he just wanted to have you all for himself. Siguro hinayaan ka lang niya na makasama ka namin ngayon dahil sosolohin ka niya mamayang gabi." Tinapik ko ang pisngi kong pakiramdam kong namumula na sa sobrang init. "He might be preparing a surprise for you when you come home as we speak."
"Oh. He's not like that, Mommy. Making surprises is really not his thing," I said dismissively. Gab wouldn't pull something like that.
"You still don't know him fully, anak. Of course, he would never let you know that he's preparing something behind closed doors." Nagkibit-balikat si Mommy at nagpatuloy sa pagkain. Nahimigan ko ang panunukso sa boses niya.
I scoffed. "Kung meron nga. But I'm staying here tonight."
"Oh. Why would you? May bahay naman kayo," aniya na tila dismayado sa narinig.
"It sounds like you don't want me to stay."
"Hindi naman sa ganoon, anak. I'm just saying that you should be with your husband."
"How are you so sure that he will come?"
"Because he's here, anak," she said, looking behind me.
"What?"
Napabaling ang tingin ng lahat sa likuran ko kaya lumingon ako at nakita si Gab na nakahalukiphip sa hamba ng pintuan.
Mom stood and went to him then soon after he was already sitting next to me after greeting everyone at the table.
Matapos kumain ay tumulong ito sa pagliligpit kahit hindi naman kailangan. I could feel Gab staring at me even without looking at him. I stayed silent and I noticed everyone kept glancing at us like they feel something's wrong with us.
"What if you take her outside, Gab?" utos ni Mom sa asawa ko.
"Huwag na, Mommy," matigas kong sabi. Nilagpasan ko silang dalawa at tumungo sa counter. "Nam and I will bake a cake, right?"
"Ganoon ba? Maybe you should teach Nam together," she suggested. Panira talaga ng plano 'to si Mommy.
"What? Hindi po siya marunong, Mommy," sabi ko sabay sulyap kay Gab. Sumalakay na naman ang inis sa mukha ko.
"Edi silang dalawa turuan mo. Now our problem is solved," aniya at binuksan ang refrigerator. May kinuha doon para sa lulutuin niya. Bumalik din agad ito sa pwesto nina Gab at Nam.
"I'll just watch them do it, Mommy," sabad ni Gab saka alinlangang ngumiti.
Nakita kong may binulong si Mommy kay Gab bago pumanhik ng sala. Bumuntong-hininga ako at saka pinagdadampot ang mga kakailanganin namin.
"Akala ko ba may pupuntahan ka? Bakit mo ako sinundan dito?" tanong ko na hindi bumaling sa kanya.
Naramdaman ko siya sa likuran ko. I could feel him so close that I can feel his heat towering behind me.
"And I remember asking you to wait for me, Tiffany. Bakit ka biglang umalis nang hindi nagpapaalam sa akin? I couldn't reach you. Anong nangyari sa cellphone mo? You don't know how worried I was thinking what could have happened to you."
I scoffed. "I thought you're not going back soon. Akala ko magtatagal ang pag-uusap niyo ni..." bahagya ko siyang nilingon, "Ralph?"
Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "Sinabi ko naman na babalik ako agad, diba?" Kulang nalang ay ihilamos ang palad sa kanyang mukha sa sobrang inis marahil. "And do I detect some jealousy from you?"
Tumalikod ako. "Kanino naman ako magseselos?"
"Kay Ralph." Bahagya ko siyang nilingon. Sa sinabi ay pinigilan ko ang humalakhak. Pinanatili ko ang seryosong mukha."Kasi siya lang naman kausap ko kanina."
"Why would I be jealous of him?" I asked, feeling amused.
"Exactly my point!" he said, looking displeased. "Kaya nga hindi kita maintindihan."
"Nag-aaway po ba kayo?" tanong ni Nam na nakaupo pa rin sa upuan, nakatunghay sa amin.
Saglit akong nakalimot na may bata pala kaming kasama. Marahil ay kanina pa ito nakikinig sa usapan kaya napaghahalataang nag-aaway kami ni Gab.
"Kita niyo pati bata nagtataka sa inyong dalawa," singit ni Mommy nang bumalik ito sa kusina.
"Hindi, baby. I'm sorry you had to see that. Ganito lang talaga kami magmahalan ni Tita Tiff mo." Hinapit ni Gab ang beywang ko. He kissed my temples. "There. I kissed her already. Hindi talaga kami nag-aaway."
"Nasaan ang baby niyo?" nagtatakang tanong ni Nam. Parang kuntento naman ito sa nakita.
Pero nakakapagtataka na nagtanong ito ng tungkol sa baby?
"Gagawa pa lang kami mamaya," sagot ni Gab na tila siguradong-sigurado.
Lumapit si Mom kay Nam at binuhat ito palabas ng kusina. Nakita ko pang kumaway ito bago nawala sa paningin ko.
"Tigilan mo nga 'yang kalokohan mo!" suway ko kay Gab at kinalas ang kamay niyang nakapalibot sa beywang ko. Sa halip na makalayo ako sa kanya ay pinihit niya ako paharap sa kanya dahilan para umarko ang likod ko sa counter at kailangan kong ikawit ang kamay ko sa leeg niya. Napasinghap ako nang maramdaman ang palad niyang marahang lumapat sa likod ko para sa suporta.
"Should we?" bulong nito.
"What?" Mas lumalim ang paghinga ko dahil sa pagkakalapit ng aming mga mukha.
Nakita ko ang paggalaw ng Adam's apple niya. "Make babies."
"Isa lang muna," tugon ko at kumurap-kurap. Maging ako ay nagulat sa lumabas sa bibig ko.
"Oh, there you said it. I'm so damn excited, babe. I'm taking you home now," sabi nito. Bahagya siyang umatras kaya napatuwid ako ng tayo. Dahan-dahang dumulas ang kamay niya sa aking braso at hinimas ang palad ko.
"Excuse me, dito ako matutulog sa bahay," mataray kong sabi.
"Should we sleep in your room then?" Nilalaro nito ang mga daliri ko sa kamay habang nakatitig sa mukha ko.
I scoffed. "Who told you we're sleeping together?"
He sighed and bit his lower lip before speaking. "Come on, babe. Please don't be mad at me."
"I'm not mad at you. Why would I be?"
Para akong bata! Naiinis ako sa sarili ko.
"Happy birthday," masuyo niyang bati sa'kin.
I let out a sigh. "You're just pretending that you know when you really don't. Nakita mo kasing may nakasabit na greetings diyan sa dingding," sabi ko at saka tumalikod. "Pero hindi ako galit kung iyan ang inaalala mo."
"Kung hindi ka talaga galit, then come home with me," himok nito.
Hindi natuloy ang pagturo ko kay Nam na mag-bake ng cake dahil natulog ito. Pero dalawa kaming gumawa ni Gab na matiyaga namang sinusunod ang mga instructions ko.
Hapon na nang magpaalam kami kay Mommy na uuwi. At halos buhatin na ako ni Gab papasok sa kotse niya nang naglalakad na kami at tila nagmamadali ito.
Hindi na ako nagprotesta pa na sumama kay Gab. Baka ano pa kasi ang isipin ni Mommy na pinag-aawayan namin.
Laking akala ko ay babalik kami sa bahay niya sa siyudad pero ibang direksyon ang tinahak ng kotse. There I realized that we're going to his grandparents' house.
Pagdating doon ay mabilis siyang bumaba para tulungan ako sa pagbaba kahit hindi naman kailangan. Sa halip na pumasok sa bahay ay hinila niya ang kamay ko at wala na akong nagawa kundi magpatianod na lamang hanggang sa narating namin ang sapa na dati kong pinupuntahan. Pagtingin ko sa kubo ay napapalibutan na iyon ng mga nagluluntiang bulaklak.
Sa sobrang saya at excitement na makita ang mga iyon sa malapitan ay hinuli ko ang kamay ni Gab at siya na ang hinila ko para hayunin ang daan para marating ang kabila.
"Oh. Kailan pa ito dito?" I asked slightly touching the flowers with my fingertips. Ayokong makapigtas kahit na isang petal doon. They're too good for my eyes and soul. Parang nawala lahat ng inaalala ko. Kasabikan na lamang doon at kasiyahan na nasisilayan ko na ang dating sa imahinasyon ko lang.
"Just a little over a month," sagot niya.
"Ang ganda!" manghang sabi ko sabay baling sa kanya. "Alam mo bang naiisip ko lang ito dati? I'm so happy seeing this right before my eyes.".
"I'm happy that you're happy. Hindi ako nagkamaling magtanong kay Mommy," pagtatapat nito, nakangiti. "She said you'll like this as a gift."
"You really know my birthday?"
He nodded. "Of course. I love you. That, I should know and remember more than anything else."
I smiled and drew closer to him. "Oh, babe."
"Now you're calling me babe," he said it like he was meant to mock me. I must admit I never really used that endearment. Siya lang ang kadalasang tumatawag sa'kin n'on.
"I'm calling you babe because I'm ready to say it," tingala ko sa kanya.
"I see. You're ready to call me babe." The side of his lips rose.
Sumimangot ako. "Crazy. I mean, I'm ready to say those three words!"
Tumango-tango ito. Hindi sineryoso ang sinabi ko. "Okay."
"Okay?" mariing sambit ko.
"Now say it. I'm waiting," malambing na sabi nito. Napaigtad ako nang hinapit niya ang beywang ko.
"Atat ka?" asar ko pa.
"Oh, come on." Tumawa ito.
"I miss you," masuyo kong sabi.
Parang nalaglag ang balikat nito sa narinig. Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya.
"I miss you because I love you, Gab. I love you."
He firmly pulled me closer and bit down on his lower lip.
He tilted his head and I shut my eyes when I feel his lips pressed against mine. His lips were warm and soft across my mouth and his hand on the small of my back, steadying me. The electricity went up and down my spine as he deepened the kiss that nearly knocked out all the wind in my lungs. We kissed more and more passionately by the second. Kapwa kami hinihingal nang pagtapatin niya ang aming mga noo. I could feel the soft tickle of his warm breath beneath my nose.
"Happy birthday, babe. I love you!" He kissed me once more, on my forehead.
I gently cupped his face. "Thank you." Iyon lang ang nasambit ko sa dinami-dami kong gustong sabihin. May namuong luha sa gilid ng mga mata ko.
Marahan niyang hinila ang kamay ko papasok sa kubo. Umupo kami sa kawayang sahig at may inabot si Gab. It was a guitar and the next thing I knew he was expertly playing it.
Pumalakpak ako matapos siyang tumugtog ng Sunshine On My Shoulder. It never felt like a sad song anymore when he sang it.
I would always sing the song when I am feeling blue. And up until now, it's still my favorite and I still don't understand why I couldn't outgrow it.
"I didn't know you could play an instrument," namamanghang wika ko.
"Natutunan ko lang noong high school. Mga kaibigan ko kasi mahilig sa music kaya natutunan ko lang din dahil sa kanila," he shared at stared into my eyes.
"What else you can play?"
"Anything but your heart," he said, barely more than a whisper.
Kumabog na naman ang dibdib ko. Baka hindi na ako makahinga sa sobrang kilig.
"Pagpahingain mo naman ang dibdib ko. Pagod na ang mga nagkakarehan dito. Tinatanong ko lang naman kung ano pang instruments kaya mong patugtugin," I said without looking at him.
"May alam akong pwedeng gawin na mas papagod pa sa ating dalawa." Binalewala ang huling sinabi ko.
"Ano naman?" kunot noong saad ko at bumaling sa kanya.
"Maligo," nakangising sagot nito.
"Oh, I thought..." Tumaas ang kilay ko.
"Gagawin din natin iyang iniisip mo. Pero hindi dito sa kubo. Ayokong sumakit ang likod mo," he naughtily said.
I could feel the deep blushing on my face that I had trouble hiding. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha.
"We'll do it inside the room where walls are thick, and no one can hear us doing it. In the bed where you can scream all you want," he whispered to my ear.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro