Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Hold

Padapang humiga si Edna sa kama pagkatapos niyang magsuklay ng buhok sa harap ng vanity mirror. Si Bella ay kakalabas lang ng CR galing sa pagligo. Nakatapis ito ng tuwalya habang hinahaluglog ang laman ng dala niyang bag.

"Okay lang ba talaga sa asawa mo na nandito kami?" tanong ni Edna. "Nadisturbo tuloy namin kayo."

Mula sa upuan ay lumipat ako sa kama at umupo sa tabi ni Edna. "Naku. Huwag niyong alalahanin 'yon. Wala lang sa kanya 'yon."

"Nasaid na pera namin. May kamahalan din kasi 'yong ticket, eh. Buti nalang may natira pa pang-gas," bahagyang tumawa si Bella at saka nagsuot ng maluwang na yellow t-shirt.

I took a deep breath. "Eh, bakit kasi sinama niyo pa ako sa pagbili?"

Not that I didn't want it. But they could have used the money for something else.

Bella put his hands on her hips after wearing her pajama. "Diba sabi mo noon nagagwapuhan ka kay Park Hyun Jun?"

I nodded. "Oo, sinabi ko 'yon."

I saw them watching a Kdrama before and the main lead caught my attention because he's indeed handsome.

Si Edna ay nagpagulong-gulong sa kama. Para siyang uod na binudburan ng asin. Nagtilian silang dalawa hanggang sa napaupo na si Bella sa kama.

"Pero di ko sinabing fan niya ako," I added. I laughed as I watched them getting so thrilled. They're over the moon, how much more when they get to see Park Hyun Jun up close tomorrow.

"Pareho na din 'yon," komento ni Edna at tumagilid ng higa. She leaned her elbow on the bed, and then rested her head on her palm.

Bella sat on the side of the bed, blotting, and squeezing her hair dry with the towel.

Sandali akong tumikhim. "Gwapo naman talaga kasi," dagdag ko pa.

At lalong lumakas ang tilian nilang dalawa. Naghampasan pa sila ng unan. Para talagang mga bata.

"Shhh. Hinaan niyo mga boses niyo. Baka mabulabog ang mga kapitbahay." Itinapat ko ang hintuturo sa aking bibig bilang pagsuway.

Nakita ko silang nagpalitan ng sulyap bago sandaling tumahimik.

"Hindi ba soundproof itong bahay niyo?" mahinang tanong ni Bella. Tumihaya na ito ng higa.

Umiling ako. "Parang hindi, eh," banayad kong sabi. I remember what happened yesterday...when I came to know what our neighbors thought we were doing at night. I instantly shook my head and lay my body down on the bed. We should talk about something else before I could find myself disclosing such an awkward experience. "Sayang 'yong pera niyo ha. Malaki pa namang halaga 'yong binili niyong isang ticket."

Edna chuckled. "Naku. Ikaw talaga."

"Wala 'yon. Pinatuloy niyo naman kami sa bahay niyo, eh," ani Bella at umupo sa harap ng salamin para mag-blow dry ng buhok.

Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama. "Wala ba kayong gustong kainin?"

"Kaka-dinner lang natin, kain agad?" nagtatakang tanong ni Edna at tumagilid ulit ng higa.

Tipid akong tumawa. "Pasensya na. Nakasanayan lang kasi namin ni Gab."

Bella looked over her shoulder at me. "Ah, ganoon ba. Ano ba kinakain niyo sa gabi?"

"Sandwich, biscuit, noodles... kahit ano na nasa stocks namin," sagot ko.

"Pagkatapos niyong kumain. Anong ginagawa niyo?" I heard Edna ask. I turned to her only to see her naughty smile.

Sandaling nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Ahm. Natutulog. Ano pa ba?"

Saglit na huminto si Bella sa ginagawa at nilingon ulit ako. "Natutulog lang?"

"Ano ba dapat?" mabagal kong tanong.

Bella crossed her arms. "Hay naku, Tiffany. Huwag mo kaming paandaran ng mga wholesome gimmick mo. Painggitin mo naman kami!"

They laughed.

I leaned my elbows on my knees and covered my ears with my palms. Gab and I never had come very close to that. NEVER!

"Ang galing siguro ni Gab, no?" naulinigan kong sambit ni Edna.

Bahagya kong niluwagan ang pagkakatakip ng tenga ko. "Magaling sa ano?"

"Sa pagluto," aniya na nakangisi. "Diba siya ang nagluto kanina ng kinain natin? Ang swerte mo naman. Laging masarap ulam niyo."

"Ah. Ako nagluto n'on," pag-amin ko at sandali siyang nilingon. Nilipat ko ang mga kamay sa gilid ng kama at doon itinukod.

"Diba, nakwento mo sa amin n'on na hindi ka marunong magluto?" si Bella na nagsusuklay ng buhok.

"Medyo marunong na ako ngayon. Tinuruan ako ni Gab."

"Uy, infairness, ang sarap ng niluto mo kanina ah..."puna ni Edna at umusog palapit sa akin.

I smiled. "Thank you."

Padapa ulit siyang humiga at napahalumbaba. "Gab taught you so well. At tsaka, siguro ang laki ng ano niya -"

"Ang ano?!" agad kong tanong.

"Puso..." sabi nito sa magkasalubong na kilay. "Kasi kung ibang lalaki 'yan, maiinis na kapag walang alam sa kusina ang babae. Pero iba si Gab, dahil matiyaga ka niyang tinuturuan. Not that you're not a fast learner pero alam mo 'yon, minsan ka lang makakatagpo ng mga katulad ni Gab."

"Agree, girl," usal ni Edna habang patuloy sa pagsuklay ng buhok.

I'm going to have a heart attack anytime soon with our conversation. Why do people keep on leaving people hanging with their words?

"Teka lang. May mga issue ba kayo sa mga boyfriend niyo?" tanong ko. Bigla nalang kasing nag-iba ang ihip ng hangin. If I knew them so well, they would never leave their boyfriends behind. They were quick on shifting the topic whenever I asked them about their Palawan getaway and their reason for not tagging their boys when they could have simply asked for their help.

"Wag mong ilipat sa amin ang hotseat." Namalayan ko nalang ang sarili hinihila nilang dalawa palabas ng pinto. Sumandal si Bella sa hamba ng pintuan at si Edna naman ay hinawakan ako sa isang braso.

"Sige, hayaan mo na kami dito at magmukbang na kayo doon," ani Edna na di mapuknat ang mapaglarong mga ngiti sa labi. "I mean, humanap na kayo ng makakain niyo... sa kusina."

Lumapit ito kay Bella at nakita kong paunti-unti nilang pinipinid ang pintuan.

Namilog ang mga mata ko. "What? Akala ko ba magkasama tayong matutulog?"

Lumitaw ang ulo nila mula sa maliit na singaw ng pintuan. "Nagbago isip namin. Hindi tayo kakasyang tatlo sa kama. Sige. Bye."

At tuluyan na nilang sinarado ang pinto. Pinilit kong ipihit ang doorknob pero hindi na bumukas. I just rolled my eyeballs in disbelief.

Unbelievable!

I stepped back, took a deep breath, and let out a sigh.

After a while, I heard a creak and the door swung open. "Pakihinaan niyo ha. Hindi pala soundproof itong bahay niyo, eh," Bella reminded, winking at me and before I could plunge myself inside, she already shut the door before me.

Where the hell will I sleep now?

"Hey. Why are you standing there?" I heard Gab ask that made me look back. He's wearing his blue pajama and a sando. Umuusok pa ang bitbit nitong tasa ng kape.

Napahimas ako sa batok ko. "Ah, eh... Natulog na sila," I lied.

Tumaas ang isang kilay nito. "Akala ko ba sasamahan mo silang matutulog."

"Akala ko din," nakangising sagot ko.

Humigop ito ng kape bago nagsalita at unti-unting humakbang palapit sa akin. "Does this mean you're going to sleep in my room?"

I tilted my head. Is this a good idea? To sleep in his room? With him?

"Sa sofa nalang ako matutulog," saad ko na walang kagatul-gatol.

"No. Let's sleep in the room. End of discussion," pinal na sabi nito at inakay ako papunta sa kwarto niya.

"Okay lang ba sa'yo? I mean, you might not be comfortable with me."

He turned his back and faced me. "It's more than okay, Tiff. Kaysa naman sa sofa ka matutulog. Hindi matitiis ng konsensya ko."

I bit my lower lip before looking at him. "I'm sorry. This was unexpected. Di bale bukas di na 'to mauulit."

Bukas na bukas itatali ko ang sarili sa loob ng kwarto ko nang hindi ako mapaalis ng dalawa. And, for sure, gagabihin na kami sa pag-uwi galing ng concert at wala ng energy ang mga ito na i-prank ako.

"Wala namang problema sa akin kahit maulit pa," mahinang usal niya.

I blinked my eyes. I looked at him, puzzled.

He softly smiled. I blinked again, twice this time.

"I'm sorry?" wika ko.

He let out a deep breath. "Tiff, I think I-...I think I-," wika nito na nagugulumihan. Pagkuway mariin nitong pinikit ang mga mata. "This is wrong."

Kumunot ang noo ko. "What's wrong? Anong problema?"

"Wala ito. Just forget it," sabi niya lang at hindi na ako nakaimik pa at nagpatianod nalang nang iginiya niya ako papasok ng kwarto.

                              ***

Mahigit isang oras na ang nakakalipas mula nang humiga kami sa kama. Malaki ang kama at kahit iunat ko pa ang magkabilang kamay ay hindi ko maabot si Gab na ngayo'y tumihaya na rin ng higa. Nararamdaman ko rin siyang pabiling- biling sa kanyang pwesto kanina pa.

Nang pumasok kami kanina ay hinanda agad ni Gab ang kama. Nagligpit muna ako ng sariling gamit dahil nagulo ang mga iyon. Nagmamadali kasi kami nang nilipat namin ang mga gamit ko rito sa kwarto niya bago pa man dumating ang dalawa.

Sandali pa kaming nagtalo dahil sa sahig daw ito matutulog. I insisted that he should take the other side of the bed. Ngunit mapilit siya at naglatag ng comforter sa sahig. Naunahan ko siyang humiga doon kaya sa huli ay pumayag siyang humiga kaming dalawa sa kama. Akala ko kanina bago kami pumasok ng kwarto ay ayos na ang plano. Ayaw nito na matulog ako sa sofa sa sala pero balak pala nitong matulog sa sahig.

Sakto nang tumagilid ako ng higa paharap sa direksyon niya ay ganoon din siya. Nagtama ang aming mga mata. The light from the lampshade illuminated his face. At sa kabila ng tunog na nililikha ng aircon ay malinaw sa pandinig ko ang mga malalim niyang paghinga.

Gising na gising ang diwa ko. I could feel that he felt the same way too. Kanina ko pa sinusubukang matulog at kahit ipikit ko man ang mga mata ay wala ring nangyayari. Mas may gana pa akong pakiramdaman ang mga konting kilos niya.

"I can't sleep," I said in a tiny voice.

He rested his head on his palm. His eyes hooded. "Me too," he replied in a husky voice.

"What should we do?" I asked.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. And, from there, I knew right away what's on his mind. I got up and sat on the bed. Sumunod din siya at may kinuha sa bedside table.

"I brought it inside just to keep it," sabi niya at inalog ang laman ng bote.

"Did you predict this will happen?" I asked, watching him taking the paper out of the capsule.

"No, I didn't. Dinala ko lang dito nang nilipat natin mga gamit mo. I hadn't thought of having this night, really... where you will be here. Kasi sabi mo sasamahan mo si Edna at Bella matulog doon sa kwarto."

Sa sinabi ay naisip ko agad ang dalawa. Siguro mahimbing na natutulog ang mga ito ngayon. I let out an exasperated sigh.

He reached for my forehead and rubbed it gently. Mas lalong kinunot ko iyon at natatawa siyang binawi ang kamay.

I took the paper from Gab and read it. "Do you like your neighbors?"

He nodded. Ilang sandali pa bago ito sumagot. "Yeah. I like them. Magiliw ang mga tao dito. Masaya. Nagtutulungan."

"Does that mean you like Cyra?" usisa ko.

"Yes, I mean...not in a romantic sense. I told you, she sees me as her older brother that's why she's kind of attached to me because she remembers her Kuya when she looks at me."

I slowly nodded. "Oh, that's why. Pero bakit mapanakit siya kung magsalita?"

"I don't know. Maybe, she was just being protective of me. She doesn't want my attention being taken away, by anyone. She may look hostile, but I know that she's a sunshine," depensa nito.

I smirked. "Hindi na ako nagtataka kung masyadong napamahal si Cyra sa'yo. You don't know how to push people away."

"Because I keep who to keep. And... I don't just let anybody walk into my world," madamdaming sabi niya.

I understood his fondness towards Cyra. And I'd like to put off backfiring at her when she makes blunders again in the future.

I couldn't help but ask myself if I have been able to cross into his world. And if I tried, would he let me to?

I shook my head to expel the thoughts coming into my head. "In my case, I love your grandparents. Kahit sobrang layo ng bahay nila, sila pa rin ang maituturing naming kapitbahay. They were nice to me, you know. Lagi nila akong tinutukso sa pinsan mo."

"They had never mentioned me even once to you?"

I shook my head again.

Lumamlam ang kanyang mga mata. "It doesn't matter. I found you myself anyway."

"I saw you first," pagtatama ko.

Una ko siyang natagpuan isang hapon sa bahay ng mga Ramirez bago pa man niya ako nakitang naliligo sa talon.

He smiled. "No, I saw you from afar even before that," tila proud pa nitong wika. "Noong unang beses kang bumisita sa opisina."

I remember that. That's when Joriel became a member of the law firm he's also in. So, dati pa pala niya ako nakita.

"Oh. I didn't know that," sambit ko, bahagyang nagulat. "Alam mo ba, muntik na rin ako magkamali ng pinasukang room doon," sabi ko at mahinang tumawa.

He grinned. "Hindi ka sanay mamasok," tunog pang-aakusa nito.

I chuckled. "I told you, I didn't go sneaking around houses and that day I barged into your house was only an accident. First time 'kong napuntahan ang bahay ng lolo at lola mo. Marami pa akong hindi alam sa dalawang lupain. I was too occupied with studies, and stuff when I was young. I didn't even know that there's the brook that connects the two haciendas. There's even falls!"

"So... you have no idea that there's the cave, too," he said, ignoring the first thing I said.

"Really?" mulagat kong tanong. Meron ba talaga?

"Yes, it's a secluded spot. It will put your patience and stamina to test to reach it."

"Huh? Bakit?" I asked again.

"It just takes a lot of courage to go there."

"That makes it more exciting,"

"You really don't know when to give up," he chuckled and lightly pinched my cheek.

He's right. Sometimes, I just don't know when to give up.

"But, how about the people here?" tanong niya at binalik ang kamay sa pagkakapatong sa unan.

"Okay naman sila. Mababait. Ang daming bumabati. I feel so welcomed here," pag-amin ko dahil totoo naman. Maliban lang kay Lola Gloria na iniisipan kaming may ginagawang aktibidad tuwing gabi. Mahal ko ang matanda, pero ba't gano'n kalakas ang pandinig niya?

"How about me? I'm your neighbor, right?" wika nito. Bumalik ang isip ko sa pinag-uusapan namin.

"You were. Now, you're not," I replied.

"So, anong klaseng kapitbahay ako noon?"

"Just normal," tipid kong sagot. Ano ba dapat kong sabihin?

"How about me...as your husband?"

"Lumalayo na tayo sa tanong. Kumuha ka na nga ng isang tanong diyan!" utos ko sa kanya. I didn't want to describe him as a husband. He might come to know things I shouldn't probably say.

Sumunod naman ito at binasa ang nakuhang tanong.

Do you think there is life on other planets?

Una itong sumagot. He cited scientific evidence and conspiracy theories about life on other planets. Halos pareho lang naman kami ng paniniwala tungkol doon. Pero sa huli, hindi talaga malinaw kung anong sagot naming dalawa. We just laughed knowing that we couldn't give definite answers. It looked like we're stuck in between. Limitado lang naman kasi ang alam namin kaya nagpatuloy nalang kami sa third question.

"Who's the last person you held hands with?"

Sandaling katahimikan ang namayani. Sinubukan kong ilipat ang paningin ko sa ibang bagay ngunit hindi ko magawa sa paraan ng paghagod niya ng tingin sa mukha ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hinuli ang kamay ko. Pinagsalikop niya ang aming mga palad. I could feel the warmth from there. And despite the whistling sound the aircon was making, I could also hear my heart beating so fast. Sa sobrang bilis, gusto ko nang maniwala na naririnig din ni Gab iyon. My breath hitched in my throat when he drew closer to me, and he lingered his eyes on mine for what felt like forever. Nararamdaman ko ang hininga niyang humahaplos sa mukha ko at bahagya akong pinanayuan ng balahibo.

"Obviously, you. Just now," he whispered. Napasinghap ako. "And I don't even need to ask you back." He smiled without taking his eyes off me. "I know your answer already."

Kumibot-kibot ang labi kong binaba ang tingin sa magkasalikop naming mga kamay.

"Let's sleep," sabi nito at inayos ang higaan gamit ang isang kamay dahil hindi pa rin nito mabitawan ang kamay ko.

Naging sunud-sunuran lamang ako nang tumagilid siyang humiga paharap sa akin, still holding each other's hand. Kusang naghugpong ang aming mga daliri. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko, doble kasya kanina. It's beating so fast that it hurts already.

What is this man doing to me?

"G-Gab," I managed to grumble. Nanginginig ang panga ko dahil sa samu't saring emosyon.

"Hmm..." he uttered. The light coming from the lampshade igniting a soft glow.

"S-Stop being so nice to me," mahinahong pakiusap ko.

Lumambong ang kanyang mga mata. "I can't."

Tumiim ang bagang ko. How could I tell him to stop being him?

Mabilis niyang nahabol ang kamay ko nang akma kong babawiin. This time, he held it tighter. He rubbed the back of my palm gently. "Please, let me hold your hand tonight."

"Okay," I replied.

I saw him smile as he closed his eyes.

The next morning, bumungad sa akin ang maamong mukha ni Gab nang iangat ko ang aking ulo. He was sleeping peacefully. Naramdaman ko ang braso niyang nakapalibot sa baywang ko. Doon ko lang namalayan na nakaunan pala ako sa isa pa niyang braso. How it happened, I could not remember. We were so close I could hear his deep breaths. It looked like we cuddled all night.

Napasinghap ako nang bahagya siyang gumalaw. I closed my eyes immediately. He's surely awake by now. I heard him groan and I could feel that he's staring at my face. Pero sa halip na kumalas sa akin ay mas lalo niya akong hinila palapit sa dibdib niya.

Iniwan ng kamay niya ang baywang ko at nararamdaman ko paghimas niya sa noo ko.

"I didn't know that you still knot your forehead even when asleep," anas niya at kinintalan ng halik ang bahaging iyon ng noo ko.

He has just stolen a kiss!

"This is best morning I've ever had," he added. Dinantay niya ulit ang kanyang kamay sa aking baywang at mayamaya'y lumalim na ang kanyang paghinga. Bumalik ito sa pagtulog.

I squeezed my eyes shut. Mas ikiniling ko ang ulo ko sa kanyang dibdib.

Same here, Gab.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro