Up to You
Every aspect in our life, we have to choose. Choices are made the moment your brain started controlling you.
Do I have to open my eyes or should I sleep more?
Which is better? The blue tank top or the red shirt?
See? I am starting to make a point. Hehe. Because duh, ang bright ko kaya. Hahaha!
Basta! Choices are inevitable.
Why am I having an inner monologue? Because I am contemplating whether I should go to school or not. Tinatamad kasi ako pumasok ngayon, e. Binibilang ko 'yong glow in the dark stars ko sa kisame ko, letting it decide.
"Will go? Will not go?" I whispered to myself pointing the glow in the dark stars. I tsked when I pointed the last star and the last choice is "will go"
"Wildcard!" I said and pointed to a random star saying, "Will not go!" I giggled then closed my eyes trying to get some sleep kaso failed, e.
Napadilat ako agad at saka ginulo ang buhok ko. Counting stars is tiring. At naubos ang energy ko kakabilang ng mga tala na 'yon.
Nakailang absences na ba ako this sem? Lima? Kaso hindi pa finals. Kapag kaya um-absent ako ng isa pa ida-drop na ako? Joke! Ikaw ba naman ay magkaroon ng limang oras na break ay hindi ka na tatamarin pumasok? Isipin mo pa, alas-singko pa ang sunod mong klase, nakatatamad talaga 'yon.
I tsked. Hindi na lang ako papasok, lalakasan ko na lang ang hiling na sana absent ang prof naming hindi nagtuturo. Sana maisip niya na nasa kaniya nakasalalay kung mada-drop ba ako o hindi.
Agad akong lumabas sa dorm ko. Dahil bored na bored ako sa buhay ko ay pumunta ako sa kabilang building.
Actually it's an apartment, inggitera lang talaga ako kasi may rooftop sila unlike sa dorm namin. Hindi ba nila alam na being in a rooftop makes you feel free? Kaya dapat isulong sa senado na magkaroon ng rooftop lahat ng establishments! Joke.
Dito ako tumatambay kapag trip ko.
Kilala na ako rito kaya naman ay welcome na welcome akong umakyat sa rooftop nila. Walang harang ang edges so pwede ka tumalon but you won't die. Just few broken bones okay na! Nagawa mo nang tumalon sa isang building without dying. Though, if your head hits the cement first, it could be pretty fatal. So kids, don't try this at home.
I sat on the edge. I know that I'm safe cause I have no plan on jumping naman. Just seeing that there are people below you and feeling that you are superior to them encourage me to observe them from up here.
Hindi kalayuan sa akin ay may umupo. Teka lang, ha? Me time ko ito, e. Bakit nakikisa−ay si Sol pala 'to. Gaya ko ay nakatingin lang siya sa ibaba. Same kaya kami ng feels? Naka-long sleeve na naman siya kahit na mainit. Crush ko 'yan si Sol, bukod kasi sa Araw at Buwan ang ibig sabihin ng pangalan naming dalawa ay gwapogi 'yan. Fafa kung tutuosin. Matangkad, matipuno, matangos mang milong−joke. Lahat kasi nagsimula na sa letrang 'm'. Kidding aside, he's definitely a hottie, 'yon nga lang ay madalas na malungkot ang mga mata niya. I feel sad for him, too cause he's so pogi and I think sayang ang looks niya if malungkot siya lagi.
Last month ko lang siya nakilala. Dito rin sa rooftop na 'to. At sa tuwing nakikita ko siya ay halata ko ang lungkot sa mga mata niya. Kaya madalas ay umaalis ako pagtapos ng small talks. Feeling ko kasi gusto niya mapag-isa.
"Uy, Sol," bati ko sa kaniya. Agad naman siyang lumingon sa akin. Ngumiti siya
"Uy, Selene," bati niya rin sa akin. Sa totoo lang, isa rin sa dahilan kung bakit ko siya crush ay dahil unang beses pa lang namin nagkakilala ay na-pronounce niya agad nang tama ang pangalan ko (Sel-ee-nee). Pinapabasa ko kasi ang name ko.
"Mali, Sol. Ulit!" biro ko sa kaniya.
"Ipagpaumanhin mo Diyosang Selene," sagot niya rin nang pabiro. Ngunit tulad ng dati ay hindi umabot sa mata niya ang kaniyang ngiti at tawa.
"Sinserong tawa naman diyan, Sol. Papalubog na ang araw kaya ba malungkot ka na rin?" tanong ko sa kaniya pero nagkibit-balikat siya.
Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob ko pero andito na. Kung ikaw rin naman, kaharap mo na ang crush mo looking like he needs some comfort, aayawan mo pa ba?
Umisod ako papalapit sa kaniya. Mga the moves ni Selene. Aba, kung babagal-bagal siya, ako na lang. At least alam kong nagparamdam ako kahit na kaunti.
"Sol, okay ka lang ba?" tanong ko sa kaniya nang nakatitig sa mata niya.
"Oo naman," he answered but the hesitation in his voice is definitely noticeable. Nginisian ko siya.
"Alam mo Sol, dudeparechongbro, kahit naman loka ako ay makakausap mo naman ako. You don't have to carry the pain you feel, because you're a human. Kahit naman lalaki ka dudeparechongbro, may karapatan kang umiyak," sabi ko na nakaakbay na sa kaniya. hehe. Tinapik-tapik ko pa ang balikat niya. "Nandito lang naman ako, Sol,. Hindi kita iiwan. Isa nga akong buwan, 'di ba? Andito lang ako kapag madilim, magbibigay sa'yo ng liwanag para hindi ka mahirapan. Andito lang ako kapag iniwan ka ng lahat at nag-iisa, pasasayahin kita sa abot ng makakaya ko."
Hindi ko na talaga alam ang pinag-sasasabi ko at nahihiya na talaga ako. Bwisit! Nakakahiya. Hindi na ako babalik dito. Sa second floor pa naman nakatira 'to sila Sol. Kung sabihin ko kayang joke lang ang lahat tapos tawanan ko siya kasi doon naman ako magaling? Tamang tawa lang sa problema.
Kaso... sayang na, o. Naka-usad na ako kahit papaano. I mean, here I am. Nakaakbay sa kaniya tapos tinatapik-tapik pa siya like a good girl that I am. Tamang panggap lang na walang malisya kahit mangisay-ngisay na ako sa kilig dito.
Naramdaman ko naman ang pagsandal sa akin ni Sol. O to the M to the G! I made the right choice! Mama! Promise, nag-aaral ako nang mabuti rito sa PU at hindi kinililig sa crush kong counterpart ng pangalan ko! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon na hindi ako mapakali. Kulang na lang ay tumalon na ako from rooftop at gumulong-gulong sa aspalto sa sobrang kilig ko. Agad kong pinakalma ang sarili ko dahil gusto ko naman manindigan sa sinabi ko kay Sol. Hindi lang naman joke time 'yon.
So Selene, saka ka na lumandi. Help this broken man with a smile who doesn't reach his eyes.
"Sino ba umaway sa iyo, Sol? Gusto mo tulak natin dito?" biro ko sa kaniya saka hinapit ko pa siya papalpit sa akin.
"Ikaw talaga, Selene," sabi niya..
"Ayaw mo talaga mag-share? Sige, ako na lang. Alam mo ba, Sol... bukod sa relatives ko ay ikaw lang ang nakabigkas ng tama sa pangalan ko? Palagi nilang bigkas ay Selin kaya namumukod-tangi ka," kwento ko sa kaniya.
Malamang ay mukha kaming mag-jowa na nag-ppda pero wapakels. Bahala sila riyan.
"Mahilig kasi ako sa Greek Myth kaya alam ko kung paano bigkasin ang pangalan mo, Diyosa," sambit niya kaya nahigit ko ang aking hininga.
"Kaya pala," sagot ko.
"Ikaw Selene? Gusto mo ba ang myth?" tanong niya bigla.
"Sakto lang, hindi naman 'yong mahilig, saktong alam lang."
"You know what is one of the saddest stories in the Myth is?" he asked. Obviously, humindi ako. "Orpheus and Eurydice's story," pagpapatuloy niya.
"Kwento mo nga," sabi ko sa kaniya and he chuckled. Tinanggal ko na ang pagkakaakbay ko sa kaniya pero siya ay nakasandal pa rin sa akin. Hehe kilig pa rin ako pero ayoko na ipahalata kasi baka mamaya itulak niya ako rito.
"Si Orpheus kasi ay isang magaling na musikero, sobrang galing niya na kahit mga gods ay hinahangaan siya. Then, nakilala niya si Eurydice and kinasal sila. 'Yon nga lang, namatay si Eurydice, natuklaw ng ahas kaya malungkot si Orpheus. Dahil mahal na mahal ni Orpheus ang asawa niya, nagpasya siyang pumunta sa Underworld, 'yong kinasasakupan ni Hades." Tumango-tango naman ako. "Tumugtog siya sa harapan ni Hades at Persephone para maibalik sa kaniya si Eurydice. Naantig ang damdamin ni Hades kaya pumayag siya 'yon nga lang, may isang kondisyon... hindi pwedeng lumingon si Orpheus kay Eurydice habang palabas sila ng Underworld hangga't hindi pa nakalalabas si Eurydice."
I started muttering no nang ma-realize ko ang mangyayari.
"But Orpheus got overly excited. Nang makalabas siya sa Underworld ay agad siyang lumingon dahil sa pagkasabik niya kay Eurydice na hindi pa nakalalabas. At dahil doon, bumalik si Eurydice sa Underworld."
"That is freaking sad," maluha-luha kong sambit sa kaniya. "She's almost there. She's about to exit the Underworld..."
"Yeah. That is why I also think that is the saddest story in Myth. Andaming what if na tumatakbo sa utak noon ni Orpheus, sigurado ako."
"It is such a bummer. Sobrang lungkot naman ng kuwento nila. Manghihinayang ka."
"Yeah, he just made a rash decision kaya nagkagano'n."
Nanahimik kami sandali. Nagsisimula nang lumubog ang araw at gandang-ganda ako doon.
Hinding-hindi ko ipagpapalit ang view ng sunrise at sunset. Humahangin pa nang malamig sa mukha namin kaya hindi namin ramdam ang init. Ang saya. Okay na akong ganito lang ako.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Sol. He started playing with his fingers. He looks like a little kid you caught doing wrong stuff. He looks cute, innocent but with a sad eyes boi.
"You know what, Selene? My mother left us. Last month. May iba na pala siyang pamilya," I heard his voice crack. Like he's been wanting to let it all out but he does not have a chance.
I was dumbfounded with what I heard. My jaw almost dropped.
"Hala," I said saka niyakap siya. "Let it out, Sol. Let all your pain out cause I'll be here. Be a sun, give me your light and I will absorb it."
He started crying and sobbing. Niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi ko magawang kiligin dahil alam kong sobrang sakit ng nararamdaman ni Sol ngayon. Walang papantay sa sakit na nararamdaman niya.
"Nag-work kasi si mama sa Manila for three years. At first, constant ang pagpapadala niya at lagi pa kaming magka-video call... but a year passed sobrang bihira na. Nagpapadala pa rin naman siya pero hindi na kami nag-uusap. Kahit nga hindi na siya magpadala, basta kausapin niya lang ako. Miss ko na siya. Hindi rin siya umuwi that year. Sobrang lungkot ko noon kasi gusto ko na siya ang magsabit sa akin ng medal ko kahit andito naman si papa." I continued on rubbing his back. "Finally, after two years umuwi na siya... pero iba... nag-iba si mama. Hinayaan ko lang kasi baka nagbago dahil iba ang environment sa Manila. Isang linggo lang siyang nag-stay rito at madaling-madali pa siyang umuwi. Hanggang sa pagtapos nun, wala na... hindi na nagparamdam. Then bigla siyang umuwi after a year... saying sorry. Telling papa and I how sorry she was... that... that she found another happiness in another family. That she's going to leave us now, and I will never see her again," he sobbed. I can feel the longingness in his voice. I can sense that he's sad, hurt, and mad at the same time.
Hindi ko kayang isipin kung paano nagagawa ng isang tao 'yon? Hurting other people for the sake of your happiness. Knowing that there would be big consequences yet still doing it. How did they choose that path knowing that they are going to leave someone hurting?
"Sobrang sakit Selene, hindi ko inaasahan kay mama 'yon kasi siya ang hero ko. Kaya nga siya nagtrabaho sa Manila kahit ayaw ni papa ay para mapag-aral ako sa PU. Tangina, Selene, kahit 'wag na ako mag-aral sa PU ibalik lang nila si mama. Mahal na mahal ko 'yon. Feeling ko tinapak-tapakan ang pagkatao ko. Ayoko nang ituloy ang buhay ko sa sobrang sakit."
"Shhh," bulong ko saka hinawakan ang mukha niya. "you're not going to end your life."
I stopped thinking about making a move. I just know that this person in my front needs to vent out his feelings. He does'nt need a lover but he needs a friend to talk to.
"Let it out, Sol. Always remember that the moon is always here for you.
He continued crying on my shoulder. I just let him do it. Nothing is better than crying your eyes out after holding it too long. Don't worry, Sol. Selene will always be here. Always.
**
"I'm sorry for bawling earlier," he apologetically said and looked at me. I just smiled.
"Ano ka ba, I already told you, dito lang ako," sagot ko naman.
"You barely know me yet you comforted me. You're so nice."
"Duh. Kaya nga siguro tayo pinagtagpo, e. Dahil ikaw ang araw at ako ang buwan. Selene here, willing to be the light when it's dark," I said kahit na hindi na nagme-make sense 'yon. He just chuckled and I really hope that it is a real one.
"Kaso it's not manly."
"Nako Sol, kung gusto ko lang ng manly edi sana kinausap ko na lang si Johnny Bravo 'di ba?" sabi ko saka itinaas-baba ang mga kilay ko. He laughed again. Oh, how it makes me happy, seeing him laughing like a kid over a corny joke. "But kidding aside, boys can cry. Tell me if someone tells you otherwise, lalagyan natin ng sibuyas ang mata niya. Tingnan natin kung hindi siya umiyak. Joke ulit. But seriously nga, you can cry. I won't judge you for expressing your pain like a normal human does."
"I like it." He smiled. "So, see you soon?" Sol asked. I patted his head. This guy is so brave for holding his pain for so long. Sol long... hehe. I laughed at my own joke in my head.
"Gusto mo, bukas ulit, e?" sinsero kong sabi saka ngumiti. He smiled back.
I feel butterflies in my stomach; they're too much that I cannot handle anymore. My heart beats so fast that I feel genuinely scared that he might hear it thumping. I don't know why I feel this way. Knowing his problem makes him more of a human, not a gwapoging person on the rooftop. It makes me want to protect him at all cost, like I became his unofficial protector. Must protecc, don't attacc.
"Sure ka?" paniniguro niya sa akin kaya naman tumango-tango ako.
"Kung ina-add mo kasi ako sa Facebook Sol, e. 'Di sana nakakausap mo ako kahit anong oras.. 'Wag ka na kasi mahiya na i-add ako. Selene Alonzo, 'yong pinakamaganda, ako 'yon," sabi ko sa kaniya saka kumindat. At umalis na.
I went back to my dorm room with a smile plastered on my face. Damn, I will not ever regret that I didn't attend my class. I had a chance to know Sol, my crush of my life.
I fetched my phone and turned it on. I almost jump off the balcony when I saw a notification. Sol Fermamdez sent you a friend request. Should I accept it ASAP like I'm going to accept his wedding proposal if he asks me? I mentally slapped myself. Selene talaga! Ikaw kaya nagsabi na i-add ka. It is nothing special. Buti sana kung in-add ka na lang 'di ba?
Hurriedly, I accepted his friend request. Sabihin nang marupok ako! A-accept ko kaagad 'yan kasi galing sa crush ko. Hehe.
Sol Fernandez
Active now
8:24 PM
hElLow PhOewsxZ
HAHAHA. Pogi pogi mo
tapos jejemon ka? No way.
Just kidding. Kumusta ka
naman, Luna?
Maka-Luna ka naman.
Selene kaya ang pangalan ko! Hahaha. Ikaw, ha!
Papalitan mo na ba
ang pangalan ko?
Ayaw mo ba? It could be our
pet name. 'Di ba?
What should I call you?
E lahat naman tinatawag
kang Sol.
Hmm... call me Solios.
Solios? What does that mean?
'Di ba, before Apollo si Helios ang
may hawak sa sun? pinag-sama ko
lang name namin.
That way, ikaw lang tatawag sa akin nun.
Okay, it's up to you. :)
I chuckled because of that. I immediately changed his nickname on messenger. I turned it into Solios the great. I giggled malandi-ly because he immediately gave me a pet name. Is that some sort of call sign? I wonder if Sol thought about it the moment he read my name? I giggled again while clutching my phone kasi naman! Kinikilig ako! Eto naman si Sol, ang balak ko lang naman kasi ay i-add niya lang ako at maging friends kami hind imaging ka-chat siya. Pero aarte pa ba ako? Crush ko na nga lumalapit, e.
We continued our conversation and talked about random things. Mostly about mythology. I would be honest that mythology bores me to death at first but witnessing how it makes Solios happy talking about it makes it interesting.
**
I woke up immediately finding my phone. Damn, Sol! Kung anu-ano na tuloy nangyayari sa akin. Para akong taeng-tae na mahanap cellphone ko and hindi ako nabigo cause I saw his nickname on my notifications. He simply sent me a "Good morning, Luna."
Damn! Kung pwede lang mag-budots dahil sa sobrang kilig ginawa ko na kaso baka mapalayas ako ng landlady namin dahil baka magreklamo ang board mate ko. I immediately replied to him. "I don't like mornings, Solios, I am a moon, remember?" I joked.
Hindi siya nag-reply agad kaya hula ko ay nasa class siya. Nag-prepare na rin ako para pumasok. Buti na lang ay tanghali pa ang History namin today kaya ayos na rin na inabot kami ng alas-tres sa kakausap kagabi. Akala ko nga wala na siyang balak matulog. Ako kasi willing mapuyat makausap lang siya. Selene, ha? Ang landi!
My day is not eventful just like yesterday. I always catch myself looking on my wristwatch hoping that time would go by so fast. Sol and I agreed to meet at 7 kasi parehong 'yon ang end ng class naming. My friend, Kyla, noticed it kaya naman ikinwento ko sa kaniya not mentioning some parts that Sol might find disturbing. Syempre, kailangan ko ring may mapaglabasan ng kilig ko sa buhay, 'no.
"Nako friend, mabuti na lang um-absent ka kasi wala si prof kahapon. Mukhang nakatagpo mo pa ang forever mo dahil doon. Kapag ako nainis hindi na ako papasok ever at mag-aabang sa rooftop ng pwedeng jowain," sabi niya na may OA pa na hand gestures. Tawang-tawa naman ako. Kaya click na click kami nito ni Kyla. Mababaw masyado ang kasiyahan, hindi baleng ma-drop. Magka-jowa lang... joke. Don't try this at home. Sayang tuition.
The anticipation is killing me. gusto ko nang makita si Sol agad-agad kaya nang mag-dismiss na ang prof namin ay agad akong umalis kahit na hindi pa nakakalabas ang prof namin. Nagpaalam na lang ako kay Kyla at mabilis na tumakbo sa CR para i-check kung mukha akong tao. Baka kasi mukha na akong lumang tao dahil nakatatanga ang Advanced Algebra. Nag-powder lang ako at nagpabango para naman presentable akong haharap kay Sol.
There he is, waiting by the gate. Nakasandal siya sa pader habang nakasuot ng earphones. It makes him look hot like he's Adonis: the most handsome god ever. Ayan na naman 'yong puso ko na gusto siyang yakapin at i-assure na everything is alright. Gusto ko siyang gawing keychain dahil ayokong masaktan siya.
"Holdup 'to, bigay mo sa akin puso mo," I joked as I pull the earphone out of his ears.
"Ikaw talaga, Luna," sagot niya sa akin saka ngumiti. Napangiti rin ako dahil this is the first time I heard him call me Luna. "Akin na bag mo?" he asked saka inilahad ang kamay niya.
"Hala, hindi na Solios," I smiled wider because that this is the first time that I call him Solios. Ihhh! Our little pet name! Hehe kilig naman ako. "Mabigat kasi, dala ko kasi laptop ko," sabi ko sa kaniya.
"Kaya nga kukunin ko kasi mabigat," sabi niya nang nakalahad pa rin ang kaniyang mga kamay.
"Hala, sure ka ba riyan?"
"Oo, Luna. You helped me carry my emotional baggage kaya ako naman sa bag mo." He winked playfully at naramdaman kong parang may tumalon sa laman loob ko... puso ko ata 'yon? Tapos nagsama pa siya ng mga paruparo na parang tanga sa tiyan ko.
He smiled saka kinuha sa akin ang bag ko. Iniabot ko naman sa kaniya ito ng nahihiya. Para tuloy siyang tanga. May dalawang backpack na bitbit. 'Yong kaniya ay nasa likuran niya at ang bag ko naman ay nasa harap. He carries it effortlessly na parang wala man lang laman 'yong bag kong mabigat. Huhu.
Magkanda-kuba-kuba na nga ako sa pagdala niyan kanina tapos sa kaniya madali lang? Palibhasa kasi lalaki, e.
Pinagmasdan ko siya habang naglalakad kami.
"Why did your parents name you Sol when they can name you Adonis? You're such a gorgeous boy, Solios," I said with a matter of fact tone.
"Palabiro ka talaga, Luna."
"Totoo nga. Akala joke time lagi, e." I looked at him and noticed the pain in his eyes and boy, I really want to be hit by a train.
"I don't know, I don't have a chance to ask mama na, e. She named me Sol."
I immediately regretted my question! Tangang Selene. Bakit ko nga ba tinanong 'yon e involved nga ang parents niya? Malamang ay mauungkat ang sakit na nararamdaman niya. I smacked my head sa sobrang inis ko sa sarili ko.
"Sorry, Sol," sabi ko nang nakatungo. At dahil mas matangkad siya sa akin ay madali niyang ginulo ang buhok ko.
"No worries. I know you didn't mean it."
"Kahit na... I made you remember her."
"No, Luna. My mom will always be a part of my life. Don't worry. Kakayanin ko 'to, andiyan ka naman, e."
"Always, Solios. Always," I answered and smiled really widely.
"Thank you," he said.
"Don't mention it."
Hinatid niya ako sa tapat ng dorm namin. Dahil malapit lang ang school sa dorm ay mabilis lang ang pagsasama namin. My question did not cause awkwardness. It seemed like it didn't happen as we talk about our lives. We agreed to meet on the rooftop tomorrow before sunset dahil walang class. Holiday kasi. Gagawin ko muna ang papers na dapat kong tapusin para naman ay wala nang eepal sa amin ni Sol bukas. We'd just talk and talk without worrying about anything.
After kong mag-shower and anything ay chineck ko ang phone ko. Nakita ko naman sa notification na may message si Sol sa akin. I immediately smiled upon reading the message. Damn. This surely makes my night.
Solios the Great
Active now
8:39 PM
I still kinda want to talk to you.
Miss mo ako agad? Grabe ka naman,
Solios. Magkikita naman tayo bukas.
Medyo. Good night, Luna. Dream of me.
HAHAHAHAHA charot.
Joke. :)
Good night, gawin mo na pinagagawa ng mga
Prof mo. :--)
Hehe. You can call me naman, Solios.
If you like. Hehe.
But if not, goodnight. <3
Of course I'm taking my chances here. It is not like he'd call me talaga. I mean, he even said na medyo name-miss niya ako tapos joke lang pala. But boy, I almost jump off my bed when I heard the messenger tone when someone is calling. Damn. Agad ko itong sinagot.
"Yow, Solios, napatawag ka?" bungad ko sa kaniya.
"I kinda miss your voice," he said in such a low voice that it makes me want to record it and play it before I sleep. He has a really manly voice and I'd pay a fortune to hear this always. But fortunately, hindi na kailangan.
Wait... did he just say that he misses my voice? Damn! Napabangon ako bigla sa kama ko. Namumula ang mukha at hindi makapaniwala.
"Heh, 'wag mo ako pinagti-tripan, crush pa naman kita." Wait... umamin ba ako?! Shoot. "uhm... joke..." I said with a really unsure voice which made him laugh. Damn this guy's laugh. Bakit pumogi ng 100x ang tawa niya now that he is about to sleep? He has a manly laugh and chuckle now that I notice. Damn, bakit ngayon ko lang napapansin 'yan?
"Okay, I kinda have a crush on you too," he admitted and chuckled nervously like he's about to defuse a bomb. Damn... I really feel now that my cheeks are burning hot. And I swear that my heart wants to get off of my ribcage cause it's beating so damn fast that I don't know what to do.
"Yie, hilig mo magsabi ng 'I kinda' ngayon, ha?" I teased him. Trying to find a way on how to stop this damn heart from beating so fast.
"Not joke, Luna."
I was petrified. I just laughed it off and talked about random things. Mabuti na lang din ay sumunod siya. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin if ever na ipagpatuloy niya 'yon. Baka ako na mismo mag-alok na ligawan niya ako at umabot na ng kasal agad-agad.
Natapos kami mag-usap ng around 11 PM. Nag-start na rin ako gumawa ng papers ko while talking to him. He helps me from time to time tapos ang pogi pa ng boses niya. And it all happened because I decided to talk to him yesterday. I slept at around 3 AM finishing the papers I have to finish with a smile plastered on my face. Damn, what more life can give me?
*****
Few months have passed and I can say that Solios became a part of my life. We have this what we call mutual understanding na and kinikilig talaga ako everytime he calls me My Luna na parang inaangkin na niya ako. In exchange, I call him Aking Solios naman. Hehe at ang landi-landi namin. We've been happy. Lagi kaming nasa rooftop at nagku-kwentuhan. It is our kind of date, minsan share lang kami sa earphones and sitting in silence. Kapag naaalala niya ang mama niya ay lagi niya akong tinatawagan and he'd cry. Hindi kami makapagkita especially if madaling-araw na dahil may curfew ang dorm namin. But kapag umaga na, I'd go to their dad's apartment to comfort him.
"My Luna, don't leave me, please?" he pleaded with the pain in his eyes again. I just smiled and gentrly stroked his hair. He's not cryng anymore but I can feel the sadness he radiates.
"Of course, aking Sol, I am now a part of your life and you can't run away from me."
"Good to know," he answered and smiled. The pain in his eyes is still there but I hope that I can remove that pain and convert it into happiness.
I smiled at that memory of us. Hinihintay ko siya ngayon sa rooftop dahil sembreak na naming at palagi kaming nandito to kill time and know each other more. Nakatingin ulit ako sa ibaba nang hindi nalulula. Being here really gives me peace of mind. Knowing that Sol is with me here always give me more peace of mind. He is my SOLitude and he will always be.
I heard the door creaked open kaya agad akong lumingon. Imbes na nakangiting Sol ang nakita ko ay he is wearing a grim expression that he does not do before.
"Woke up in the wrong side of the bed?" I asked. Hindi siya sumagot pero umupo siya sa tabi ko but I noticed the distance between us. I mean, he is physically there but I can't feel the Sol that I love from the Sol that is beside me. "Hey, anong problema?" tanong ko pa ulit saka hinawakan ang kaniyang braso. "You know you can always tell me, 'di ba?"
Kahit na anong panlalambing ko sa kaniya ay he is still wearing that expression.
"Let's end this," he said with a stern cold voice that I didn't recognize. Malayong-malayo 'yon sa Sol na nakilala ko.
Three words. Tangina, tatlong letra lang pero bakit sobrang sakit? Tatlong letra lang pero bakit pakiramdam ko ay nadurog ang puso ko? I did't know that there is also these three words that can break your heart.
Nagsimula nang pumatak ang mga luha ko sa mata na parang hindi maubos-ubos. Patuloy lang 'yon sa pagpatak.
"Sol, anong problema?" I managed to say between my sobs. "Aayusin ko. 'Wag mo namang tapusin 'to. Hindi pa nga tayo, e." Hindi siya sumagot kaya lalo akong napahagulgol. Napakapit ako lalo sa kaniyang braso. "Madami tayong plano, 'di ba? Tutuparin pa natin 'yong dalawa. Ano bang mali, Sol? Anong nagawa ko? Okay naman tayo kahapon, a?" Hindi ko mapigilan ang hikbi na pinakakawalan ng bibig ko. Hindi ko mapigilan ang pagtaas-baba ng balikat ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"In the end, you'd leave me too," he said those words like it's a fact. Like he's known it before.
"Tangina naman, Sol! Pinaramdam ko bang iiwan kita?! Hindi naman 'di ba? Sol, 'wag kang ganiyan kasi mahal na mahal kita. Please. Hindi naman kita iiwan."
Tumawa siya nang mapakla saka inalis ang pagkakahawak ko sa braso niya.
"Mama ko nga iniwan ako, e," sabi niya saka tumayo na... naglakad papalapit sa pinto at papalayo sa akin,
"Okay, it is up to you," I said accepting the fact that my sun left me and it feels like the end of the world.
Tangina. Hindi man lang ako binigyan ng benefit of the doubt? Ibahin niya ako sa nanay niya! Hindi ko naman siya pinakitaan ng sign na iiwan ko siya.
I wept and cry like a baby... in the rooftop that I first saw him cry. I kept on wiping my tears but it kept on flowing, too. Para akong pinatay. Tangina. Inalay ko sa kaniya halos lahat ng oras ko in those months tapos iiwan niya lang ako dahil akala niya iiwan ko siya?
Sol... my Sol you really are a sun. You're so cruel; you made me happy at first. You made me feel the intensity of your love. It is burning with passion that I thought it would stay that way. But just like the sun, you eventually leave. Leaving me with a memory to hold on to.
I stared at the scycrapers in front of me. Sometimes, we make decisions thinking that it's right. Hindi ko alam. Sa ginawa ni Sol sa akin, parang nagsisi akong pinapasok ko siya sa buhay ko. Nagsisi ako na hindi ako pumasok that day at tumambay sa rooftop. Nagsisi ako na kinausap ko siya instead of having a small talk and leaving afterwards. But I know... Sol taught me a lesson that I will never forget.
Sol and I are like an eclipse. We only meet for a short period of time and drift apart afterwards.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro