Kabanata 18
"KASI po nag-aalala ako. Okay na?"
Saglit akong natulala habang nakatitig sa mga mata ni Elion. Bumababa ang titig ko sa kanyang labi nang mahagip ang pagtaas ng mga gilid niyon sa isang magandang ngiti at muling umakyat sa kanyang mga mata.
Para akong nahipnotismo at hindi nagawang makabawi agad pero nang makabawi at marealize na nakatitig ako sa kanya ay para akong nagising sa isang malalim na pagkakatulog.
Mabilis akong tumayo at lumayo sa kanya. Agad na akong nagpaalam kahit hindi sigurado kung naitali ko ba nang maayos ang sintas ng sapatos ko. Gusto ko ng makaalis agad dahil hindi ko alam kung paano pa itatago ang pagkailang na kanina pa man ay nararamdaman ko na at pilit lang na itinatabi sa pagbibiro.
"Ingat, okay?"
Kiming itinaas ko lang ang kanang kamay, diretso ang lakad papunta sa elevator at hindi na nag-abalang lingunin pa siya. Nang makapasok doon ay mariin kong nakagat ang ibabang labi at isang malalim na buntong-hininga ang napakawalan.
"Umayos ka, Gi. Umayos ka," pagbabanta ko sa sarili.
Gusto kong kagalitan nang kagalitan ang sarili dahil ayoko ng ganito. Hindi ko gusto na nakararamdam ako ng pagkailang dahil sa bagay na ayaw kong dumagdag sa listahan ng mga iisipin ko. At hindi ko na gugustuhing pansinin at bigyang kahulugan kung bakit gano'n ang naramdaman ko. Ititigil ko na lang iyon sa isang katotohanan na hindi lang talaga ako sanay na ganoon ang pakitungo ni Elion sa akin. Mas sanay akong hindi kami magkasundo.
Boundaries. I need to set boundaries. Hindi pwede na palaging magiging ganito ang mararamdaman ko. Ayoko.
Sa biyahe pa lang pauwi ay kinalimutan ko na ang naramdaman. Hindi ko hinayaang sakupin niyon ang isip ko. Nagtagumpay naman ako. Matagumpay akong nakapagreview nang makauwi na hindi pumapasok sa isip ko ang bagay na 'yon. Pero kinabukasan...
"Mag day off kaya ako? Tutal hindi ako nag day off last week. Magandang dahilan na may paparating na exam." Tumango-tango ako. Pero nasabunutan ko ang sarili nang mahuli ang mga sinasabi ng sarili kong bibig. "Ano ba, Gianna! Akala ko ba hindi ka magoaoaapekto?" Nanlalaki pa ang mga mata na sambit ko.
Patuloy ang mahigpit kong kapit sa mga buhok habang nagpapagulong-gulong sa higaan. Hindi ko matanggap na kinailangan kong pag-isipan pa kung papasok ba ako sa trabaho dahil lang sa katotohanang makikita ko si antipatiko pagkatapos ng naramdaman kong pagkailang kagabi.
Wala akong experience sa pag-ibig, sa relasyon o maski sa pagkakaroon ng ‘something’ sa isang tao. Pero hindi ako manhid. Hindi ako manhid para hindi maramdaman na may laman ang mga kilos ni antipatiko nang mga nagdaang araw. Maski ang mga kilos at tingin niya.
Hindi ko man ipinapahalata pero nakikita ko ang kakaibang kislap sa mga mata niya habang nakatingin sa akin at hindi na ako baby sa mundong ito para malaman kung para saan iyon. At hindi ko matanggap sa sarili na naiilang ako roon. Na may epekto ang mga 'yon sa akin.
May mga manliligaw, may nagpapahaging ng pagkagusto pero ni isa sa mga 'yon ay walang gumulo sa isip ko nang ganito.
Napahinga ako nang malalim. Namimiss ko 'yong mga panahong naiinis kami sa isa't isa. Sana ganoon na lang ulit para wala akong iniisip na ganitong bagay. Hindi sana ako nagdadalawang isip ngayon kung papasok ba ako sa trabaho.
Sa kabila ng pag-aalinlangan ay bumangon ako. Tiniklop ang hinigaan. Lumabas ng kwarto. As usual, wala na akong kasama. Alas siyete y media pa lang pero wala na si Ate, Kuya at si Nanay. Nasa trabaho na si Ate at si Nanay. Si Kuya ay siguradong nasa review center.
Naligo lang ako at kumain saka naghanda na sa pagpasok. Bitbit ko ang itim na tote bag na naglalaman ng mga review sheets ko. Oo, dadayo pa rin ako ng pagre-review sa bahay ni antipatiko. Tiyak namang walang palag 'yon.
Alas nuwebe bente na nang makarating ako sa labas ng building nila antipatiko. Naipit sa traffic ang sinamyan kong dyip at ngayon ko naisip na sana nga ay may cell phone ako para man lang naipapaalam ko kay antipatiko na male-late ako dahil sa traffic. Dumaan muna ako ng market para bumili ng lutuin sa pananghalian. Nang nasa harap na ako ng pinto ni antipako ay ilang ulit pa akong napahinga nang malalim. Nang marealize iyon ay napailing ako sa sarili at napairap sa kawalan saka binuksan ang pinto.
Agad na nagsalubong ang mga kilay ko nang makarinig ng ingay. Saglit pa akong tumigil para pakinggan ang dahilan niyon. Nanatili sa ganoong anyo ang mga kilay ko habang naghuhubad ng sapatos, nang ilagay iyon sa cabinet, nang magsuot ng tsinelas at habang naglalakad sa pasilyo patungo sa sala. At mas ramdam ko ang pangungulubot ng noo ko nang makita ang pinanggagalingan ng ingay.
"What... are you doing?" Nang maabutan siyang hawak ang vacuum.
"Hi, good morning!" masiglang bati niya na tumigil saglit sa ginagawa para harapin ako at kumaway.
"Naglinis ka ulit?" may gulat pang tanong ko saglit na luminga bago ibalik muli sa kanya ang tingin at nagbabalak na agad na sesermunan siya.
"Yes. Why? Bahay ko 'to kaya may karapatan naman siguro akong maglinis dito?"
Napaingos ako. Alam kong sinabi niya iyon para wala akong maging reklamo.
"May sinabi ba akong wala?"
Mahina siyang natawa. "Iba na kasi agad ang itsura mo, eh. For sure sesermunan mo 'ko."
Alam niyang gagawin ko nga 'yon. At kahit sinabi niya 'yon ay ginawa ko pa rin. Sinermunan ko pa rin siya. Nakapamewang pa ako na animo'y isang nanay na pinangangaralan ang anak niya.
"Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na hindi mo kailangang gawin 'to. Ano pang silbi na kinuha mo akong katulong kung gagawin mo rin naman 'to?"
Pinagtakhan ko ang mabilis na pagbabago ng itsura niya. Nakabusangot. Inulit ko sa isip ang mga sinabi. Hinahanap doon ang posibleng maging dahilan para mabilis na mabura ang masigla niyang mukha kanina. Pero wala akong mahanap.
"I hate that word. Hindi ka naman katulong dito."
Natawa ako. "Eh, ano'ng tawag sa akin kung hindi katulong? Iyon naman talaga ang trabaho ko?" 'Di ba?
Hindi siya sumagot. Nanatili ang simangot niya nang talikuran ako at itinuloy ang kaninang ginagawa. Ibinaba ko ang bag ko sa couch at nilapitan siya.
"Ako na riyan."
Nahawakan ko ang vacuum pero mabilis niya 'yong naiiwas mula sa akin.
"Ako na sabi," pamimilit ko. Muli akong nagtangkang kunin 'yon sa kanya. Kahit anong lapit ko ay agad niya akong tatalikuran. Para kaming naglalaro ng basketball. Ako ang nang-i-steal ng bola at magaling niya 'yong naiiiwas sa akin.
"I can manage," aniya.
Nakapikit akong napahinga nang malalim. Napapailing pa akong tumitig sa likuran niya habang patuloy siya sa ginagawa. Mukhang hindi ko na rin naman siya mapipilit kaya dumiretso na lamang ako sa kusina.
Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang inaayos ang mga pinamili ko. Inilagay ko muna sa refrigerator ang mga gulay at ang pork. Maaga pa naman para magluto niyon. Tapos na siya mag vacuum nang matapos ako. Ipinasok niya iyon sa CR at inilagay sa cabinet at saka siya dumiretso siya sa kwarto niya nang walang imik.
Lumapit ako sa kwarto ni antipatiko at kumatok. Ilang minuto akong nakatayo roon at walang sumasagot na siyang pinagtakhan ko. Muli akong kumatok pero wala pa ring sumasagot. Idinikit ko ang kanang tenga sa pinto. Noong una ay wala akong ingay na naririnig pero nanatili ako sa ganoong posisyon.
Kasunod ng katahimikan ay narinig ko ang pagpihit ng doorknob pero huli na para makalayo ako dahil agad niyang nabuksan ang pinto at agad akong tumama sa isang may katigasang bagay... sa dibdib ni antipatiko.
Nanlalaki ang mga mata at bibig ko ngunit hindi ko agad nagawang lumayo. Naririnig ko ang tibok ng puso niya. Dug... Dug... Dug... Hindi ko magawang lumayo. Para 'yong paborito kong kanta na hindi ko magawang ilayo ang pandinig ko at gusto lang pakinggan nang pakinggan ang magandang tunog niyon.
Para akong nahipnotismo sa tibok ng puso niya. Inalayo ko sa kanyang dibdib ang tenga at unti-unting nag-angat sa kanya ng tingin. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha, ang nanlalaki niyang mga mata at bahagyang nakabukas na bibig.
Para akong nahipnotismo sa tibok ng puso niya... dahil nagawa ko ring pasadahan siya ng tingin. Mula sa mapupulang mga labi, sa matangos na ilong at sa mapupungay niyang mga mata na matamang nakatitig sa akin.
Para akong nahipnotismo... ng tibok ng puso niya... ng mga mata niya. Hindi ko magawang lumayo sa kanya. Hindi ko magawang maglayo ng tingin. Hindi ko magawang pigilan ang makipagtitigan sa kanya. At maski ang paligid ay parang nahipnotismo sa tunog ng puso niya... sa titigan namin.
Wala akong marinig na kahit anong ingay maliban sa tibok ng puso niya kahit pa malayo na ako roon. Posible ba iyon? Naririnig ko pa rin iyon kahit hindi na nakadikit ang tenga ko sa dibdib niya? At maski siya ay parang nahipnotismo dahil nanatili siyang tulala at nakatitig sa mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro