Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15

PARANG umurong ang dila ko at walang mahanap na mga salita na pwedeng maging sagot sa mga sinabing iyon ni antipatiko. Kaya naman ilang minuto na nanatili lang akong tulala at nakatitig sa kanya. At hindi ko nagawang itago ang gulat at pagkamangha.

Nakaramdam ako ng labis-labis na saya. It's a kind of fulfillment na hindi ko naramdaman sa mga dating trabaho ko. Oo nga't malaking tulong din para sa iba ang pagta-trabaho ko sa kanila at naroon ang mga papuri nila dahil maayos akong kumilos pero ngayon ko lang naramdaman ang saya na ipinaramdam ni Elion pagkatapos ng mga sinabi niya. Higit pa iyon sa saya dahil na-appreciate niya ang maayos kong paglilinis sa bahay niya. Higit pa iyon sa saya dahil pinuri niya ang luto ko. Para 'yong katumbas ng mga salitang masaya siya dahil narito ako at nabubuhay. Kung may hihigit pang salita sa masaya, baka ganoon kong mailalarawan ang nararamdaman ko.

At aminin kong hindi ko inaasahang sasabihin niya ang mga bagay na iyon kaya nahahaluan ng gulat ang naramdaman ko. Dahil habang natutuwa ako na basta may trabaho lang ako, at sinabi ko pang magtitiis lang ako rito sa kanya, hindi ko inakala na ganoon ang epekto sa kanya ng pagta-trabaho ko rito.

Nang makabawi sa gulat ay napangiti ako. "Hayaan mo, hangga't narito ka sa Manila, mananatili akong nagta-trabaho rito."

Mukhang hindi niya rin inaasahan iyon dahil saglit siyang natigilan habang nakatitig sa akin pero kalaunan ay napangiti na rin muli. "Thank you."

Napasimangot ako. "Sweet ka naman palang bata. Bakit inunahan mo ako ng pagiging antipatiko mo?"

Mahina siyang natawa. "Pinaluhod mo ba naman ako sa pathway, eh."

"Eh, kasi mayabang ka. Hindi ka man lang nagsorry na nabunggo mo 'ko," inis kunwaring sabi ko.

"Hey, it's not entirely my fault. Kung nakatingin ka sa dinaraanan mo, hindi ka mabubunggo," may bahid pa ng tawa na pagtatanggol niya sa sarili.

"Ha! Talaga lang, ha? Nakatingin ako sa daan, ikaw ang hindi nag-iingat. Alam mong liliko ka at alam mong maraming dumadaan doon, dinalihan mo ng pagtakbo," mariing giit ko rin. Halos umangat ang katawan ko sa kinauupuan habang nagsasalita.

"Okay, fine. It's my fault na," aniya at itinaas ang dalawang kamay.

"Tse," pabirong pagsusungit ko at inirapan siya.

Tinawanan niya lang ako.

"Pero dahil ba talaga roon... o dahil hindi kita pinagbilhan ng sigarilyo at alak kaya mo ako pinatanggal sa convenience store?"

Ilang saglit na natahimik siya saka napahinga nang malalim at tumungo. "Yeah. This time, I'll admit it's really my fault. I know that what I did was very immature. Sobrang nainis lang ako that time because my brother is going through something, and I feel sad about that too," malungkot ang boses na aniya. Nagkibit siya ng balikat at napahinga ulit nang malalim. "I'm just really sad. I don't know why I'm so affected sa break up nila ni Ate Sammy. Maybe because when they were together, that was the only time I saw him so happy. And it broke my heart to see him crying nang maghiwalay sila."

Namimigat ang dibdib ko dahil nadadama ko ang lungkot niya. Kaya buong pagku-kwento niya nakasimangot ako at mabibigat ang paghingang napakawalan.

"And no'ng tanggihan mo akong pagbentahan, I feel like iniinis mo ako lalo." Nakagat niya ang ibabang labi at bakas ang hiya sa mukha nang pumikit. "Ngayon ko lang na-realize, it's really immature. And I know it's late but I... I-I'm sorry."

"Okay. Apology accepted," mabilis kong sagot.

Tumingin siya sa akin pero nahihiyang agad muling tumungo. "Don't accept my apology that fast."

"Hindi ko naman tinatanggap ang sorry mo dahil nagsorry ka. Tinatanggap ko kasi nakikita kong nagsisisi ka talaga. At narinig ko na rin naman ang explanation mo. Iyon lang kasi ang kailangan ko, ang malaman kung bakit kailangan mong gawin 'yon. Tsaka hayaan na natin 'yon. Past is past. Basta ba hindi mo na uulitin, eh."

"Hindi na. Promise," mabilis na aniya na nagtaas pa ng kanang kamay na parang nanunumpa.

"Eh, 'di goods na tayo?"

Itinaas ko naman ang kamay ko malapit sa kanya.

"Goods na goods," aniya na tinanggap ang pakikipag-apir ko.

Sabay kaming natawa at sabay rin na dumampot ng turon.

The following week ay instramurals. Wala kaming sports na sinalihan ni Olivia kaya naman nagmistulang cheerer na lang kami ng mga kaklase sa buong linggong iyon. Kapag wala silang laro, pagala-gala lang kami. Hindi rin naman pu-pwede na hindi papasok dahil may attendance pa rin iyon. At kahit nga wala, baka araw-araw pa rin akong hilahin ni Olivia na pumasok, lalo pa nga't naglalaro si de Silva.

Nagliligawan na sila. Nabanggit ni Olivia sa akin tatlong araw na ang nakararaan. Hindi na rin lihim sa iba naming classmates dahil madalas na nga naming kabuntot si de Silva, kaya madalas na makakuha sila ng tukso sa mga 'yon.

Bagay naman silang dalawa, wala namang hindi makapagsasabi. Parehong matangkad, maganda at guwapo. Matalino si Olivia at hindi rin naman kulelat si de Silva lalo pa't varsity player siya. Kapag ganoon, ang alam ko, ay hindi pu-pwede na bumaba ang grades at mapabayaan ang pag-aaral.

Ligawin si Olivia pero wala pa siyang naiku-kwento na nagugustuhan niya noon. Mga paborito niya lang naman kasing Korean actors ang kinaadikan niyan. Pero nabanggit niya na may naging boyfriend na siya noong high school, dalawa. At parang puppy love naman daw iyon. Si de Silva naman ay hindi ko pa naririnig na nakasama ang pangalan sa mga chick boy sa room kaya baka hindi rin talaga 'yan mahilig humabol at makipaglaro pagdating sa babae. At saka subukan niya lang na maghabol pa ng iba habang nililigawan niya ang kaibigan ko, mahahampas ko talaga siya ng bag na may bato sa loob.

"Ang sarap nito, ah.

Tinitigan ko ang ube tart na hawak ko habang ngumunguya. Dala iyon ni de Silva para raw sa amin ni Olivia. Sus, kung 'di ko pa alam na para lang talaga 'to sa babaysot na 'to. No choice lang siyang sabihin na sa amin dahil kambal tuko kami nito. At tiyak na nagpapalakas siya rito sa babaysot na 'to dahil mahilig 'to sa mga ganitong pagkain. Wala namang inaksaya pang oras si Olivia at agad niya 'yong binuksan at nilantakan na namin habang nakatambay rito sa bench na narito sa parking lot.

Nagkalat ang mga estudyante. Rinig din sa pwesto na kinaroroonan namin ang ingay sa open ground ng building ng CAS na nasa tapat lang nitong parking lot. Mayroong naglalaban ng sepak takraw roon.

Friday at last day na ng intrams. Championship na lang ng ilang laro at awarding naman mamayang hapon. Sila de Silva mamayang alas dos pa ang championship kaya nga after lunch na kami pumasok ni Olivia.

"Oh, ano, aalamin mo na naman ang ingredients at kung paano gumawa para maipag-gawa mo ang antipatiko mo?"

Nairapan ko siya at saka kumagat ng tart.

"Totoo naman, ah. Para ka tuloy manliligaw at ginagamit mo ang pagkain para makalusot ka sa puso niya," natatawang aniya.

"Puro ka talaga kalokohan."

"Talaga naman 'no! Sobrang effort mo naman kasi. Baka lang naman po hindi mo napapansin, Miss Gianna Lopez, na halos lahat kaya ng kainin mo palagi mong inililista diyan sa notebook mo. At kapag hindi mo alam kung paano lutuin, nag-e-effort ka pa talagang alamin."

"Aba, syempre—"

"Syempre ano?" aniya na ibinagsak ang hawak niyang pagkain sa box niyon at pinagkrus ang mga braso. Taas noo pa. "Ano? Sige nga, ilapag mo ang mga dahilan mo. Sige," mariing pag-uudyok niya.

Napahinga ako nang malalim. Nilunok ko muna ang nasa bibig saka nagsalita, "Eh, kasi nga po, sobra lang akong natuwa dahil naisip niyang gawing two-year contract 'yong pagta-trabaho ko."

"Eh, lumang dahilan na 'yan, eh. Ano pa?"

"Nagugustuhan niya ang mga luto ko."

"At?"

"Anong at pa? Iyon lang. Ikaw ba, hindi ka ba gaganahang magluto kapag gano'n maka-appreciate ang ipinagluluto mo?"

Sumilay ang nanunuksong ngiti sa labi niya. "Eh, paano ba kasi siya maka-appreciate?"

"At hindi lang iyon. Syempre, wala nga kasi siyang tagapagluto. Hindi rin siya marunong magluto kaya ano pang silbi ng pagta-trabaho ko roon kung hindi ko siya ipagluluto?" Napahinga ako ulit nang malalim. "Hay, nako! Paulit-ulit naman tayo, eh," napapakamot na sa ulo na reklamo ko.

"Ang daming sinabi pero hindi naman sinagot ang tanong ko. Paano nga kasi siya maka-appreciate?"

"Eh, 'di nagsasabi na masarap ang luto. Ano pa ba?" pagsusungit ko na at inirapan siya.

Dinampot niyang muli ang tart na binitawan at saka kumagat nang hindi inaalis ang nanunukso niyang tingin. May laman pa ang bibig ay patuloy pa rin siya sa pagsasalita, "Masyado mo namang binubusog ang antipatiko na 'yon sa pagmamahal este sa sa mga luto mo. Kapag iyan na-inlove. Nako nako, Gianna. Sinasabi ko sa 'yo."

Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Loka ka! Ang bata-bata pa no'n! Mahiya ka nga."

Napaubo siya nang matawa. "Parang ang tanda mo na, ah. Isang taon lang ang tanda natin do'n, 'no," natatawa pa ring aniya. "At saka bakit, mas bet mo ba ang mas matanda sa 'yo?" At bumalik na naman ang mapanukso niyang ngiti.

"Hay, nako! Ewan ko sa 'yo, Manalang!" Ako na naman nakita nito. Kapag talaga hindi niya kabuntot 'yong de Silva niya, kung anu-ano nakikita nito sa 'kin, eh.

Naiiling na tinalikuran ko siya pero napangisi ako nang makaisip ng kalokohan matapos mahagip ng paningin ko si de Silva. Naroon ito sa bukana ng parking lot at kausap ang mga ka-team niya.

Nanunukso ang ngiti ko nang harapin si Olivia. Agad na nagreact ang mukha niya. Nakakunot na ang noo at nanghahaba ang nguso.

"Eh, ikaw, ano'ng mas bet mo? 'Yong bastketbolista?"

Malakas akong napahagalpak ng tawa nang mamula ang magkabilang pisngi at mga tenga niya. Nilingon ko ang kinaroroonan ni de Silva nang tingnan niya iyon. Nasa kanya na rin ang tingin ni de Silva at nakita ko pa ang pagkindat nito sa kanya. Nang tingnan ko si Olivia ay pigil na nito ang ngiti.

"Gi!" inis na saway niya nang marinig ang tawa ko pero naroon naman ang ngiti na pilit niya pang pinipigilan pero sa huli ay hindi niya 'yon napagtagumpayan at napahagikgik na.

"Hay, nako. In love na in love," malapad ang ngiti pero naiiling na sambit ko saka kumagat ulit sa tart.

"Talaga!" aniya na maarteng naghawi pa ng buhok. "Ako, maghihintay ako na ma-inlove ka. Ano kayang itsura mo no'n, 'no? Ang cute mo siguro kapag kinilig," napapahagikgik na aniya pa. "Tapos ako naman ang manunukso..."

Napahinga ako nang malalim. Hindi ko na inintindi pa ang sinasabi niya. Tiningnan ko ang nagpapagala-galang mga estudyante habang patuloy sa pag-ubos ng ube tart na hawak ko. 

"Eh, baka naman kasi hindi ko na kailangang maghintay dahil nangyayari na?" nanunuksong aniya.

Natanggal sa pagkaka-dekwatro ang binti ko at sumuray pagilid ang katawan ko nang humahagikgik na dinunggo niya ang braso ko.

"Aray ko naman," masungit na daing ko kahit wala namang masakit. Masama ang tingin ko sa kanya habang umaayos ng upo.

"Hulaan ko kung sino. Si antipatiko, 'no? Kaya siguro sobra kang mag effort sa kanya. Oh, my God!"

Napangiwi ako sa mga naiisip niya. Tuluyan ko siyang tinalikuran.

"Huy, makinig ka nga," aniya na hinila pa ako sa braso. "Siguto totoo, 'no?"

Hindi ko siya pinansin. Isinubo ko na ang natitirang tart ko at pinagpag ang mga kamay ko.

"Huy, antipatiko!"

Wala sa sariling napalinga ako nang marinig ang pagtawag ni Olivia. Pero wala akong nakitang antipatiko. Mas lumakas naman ang tawa niya.

"Puro ka kalokohan."

"Totoo ang mga naiisip ko 'no? Kasi sino ba namang mag-e-effort ng ganyan para sa isang lalaki. Yes, you're working with him. But, Gi! Talaga bang kailangan na lahat ng makain mo gusto mong maluto at maipatikim sa kanya? Noon nga, nanghihiram ka lang sa akin ng cell phone kapag may ite-text ka, eh. Pero ngayon pati panonood kung paano magluto or mag bake ginagawa mo na. Huwag kang tatanggi, dalawa kami ng cellphone ko na witness dito."

Napahinga ako nang malalim. "Bahala ka nga. Kahit ano namang sabihin ko, 'yong gusto mo pa ring paniwalaan ang paniniwalaan mo," inis kong ani.

Hindi ako nakuntento sa nasabi ko. Mayroon sa akin na nagtutulak na kailangan kong alisin sa isip niya ang ganoong bagay. Marahas na napabuga ako ng hangin at hinarap siya. Napaatras ang ulo niya sa gulat pero naroon sa mukha ang pinipigilang ngiti.

"Hindi ko alam kung saan mo napagkukuha 'yang mga ganyan naiisip mo. Masyado kang O.A, Liv. Masaya lang naman akong ipagluto o ipagbake si antipatiko, kaya ano'ng masama roon? Kailangan ba lahat ng gawin kong maganda para sa ibang tao, may ibang meaning?"

"Are you mad?" Parang gusto niya pang matawa.

"Oo, galit ako," pagsisinungaling ko. Nilapatan ko rin ng inis ang pananalita ko. At mukhang epektibo naman iyon dahil nawala na ang tuwa sa mukha niya at nanghaba na ang nguso. Hindi ako galit, pero ayaw ko lang ng naiisip niya. "Nagta-trabaho lang ako kay antipatiko. Pero ikaw, binibigyan mo ng ibang meaning."

"Okay, fine. I'm sorry. Natutuwa lang kasi ako sa ideya na may nagugustuhan ka rin sa wakas."

"Iyan lang kaya tinutukso mo ako kay antipatiko?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Of course not! Akala ko lang kasi talaga na gusto mo siya. At akala ko talaga na totoo 'yon dahil may ilang sign akong nakikita na you know, gusto ninyo ang isa't isa."

"At hindi lang pala ako. Pati pala si antipatiko pinag-iisipan mo. You're being delusional."

Napaingos siya. "Paano ba namang hindi kung ganyan kayo sa isa't isa. He helped you. Ano 'yon awa lang? O para makabawi siya sa nagawa niya? Nah. I don't think so. At ikaw, grabe ka makapag-effort para sa kanya. O 'di ba? Paano akong hindi mag-iisip niyan?"

Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya. Baka kasi kapag sinagot ko pa 'yon ay humaba na naman ang usapan at bumalik na naman sa mga naiisip niya.

"Galit ka pa?" nanglalambing ang boses na tanong niya at ipinatong ang baba sa balikat ko.

Nagsusungit pa kunwari nang tingnan ko siya.

"Huwag ka nang magalit, please? Hindi na kita tutuksuhin sa kanya. Hm?"

Hindi ko muna siya pinansin kaya naman nagpatuloy siya sa paglalambing.

"Huwag ka na magalit, please!" aniya sa pang-apat na beses.

Malalim akong humugot ng hangin at saka iyon ibinuga. Ipinarinig ko talaga sa kanya. "Oo na."

Tuwang tuwa na yumakap siya sa akin. "Hindi mo talaga ako matitiis, eh," aniya na sinubuan ako ng tart.

"Tse!"

Natapos ang intramurals na nagdidiwang ang clsssmates ko. Nagchampion kasi sila de Silva at ilang sports pa na nasa amin din.

Alas kwatro na natapos ang program kaya late na ako nakapunta sa condo ni antipatiko. Namimilit pa nga si Olivia na sumama raw ako sa kanila. May celebration kasi sila de Silva sa isang kainan doon malapit sa university. Eh, pwede rin uminom doon. Baka mamaya niyan mag-inom pa ang mga 'yon. Tsaka may trabaho pa nga ako. Buti nga pumayag si antipatiko na ma-late akong pumasok. Nagpaalam naman ako sa kanya kanina nang makita ko siya sa gymnasium. No problem daw.

"Ano pong ulam?"

"Ay! Kabayong bundat!" Napatalon ako sa gulat at pakiramdam ko'y tumalon ang puso ko nang may bumulong sa mismong tenga ko. Nanlalambot na napasandal ako sa counter habang sapo ang dibdib ko. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko habang ayon si antipatiko na kita ko na halos ang ngala-ngala katatawa. "Kahit kailan ka talaga!" angil ko nang makabawi sa gulat.

"What's bundat?" may bahid pa ng tawa na tanong niya.

"Ito, bundat."

Nang makita niya ang nakakuyom kong kamao ay mabilis siyang nagtatakbo pero bago pa siya makalabas ng kusina ay nahuli ko na siya. Isang malakas na hampas sa likod ang ginawa ko sa kanya. Namimilipit na pilit niya 'yong inabot.

"Masakit!" reklamo niya.

"Buti nga sa 'yo!"

Sa loob ng dalawang buwan na nagta-trabaho ako rito, salamat sa kanya dahil hindi na dumaan ang isang araw na hindi ako naiinis dahil sa ganyang ugali niya. Mahilig siyang darating na tahimik, na mukhang sinasadya niya at minsan magugulat na lang ako na nasa likod ko na pala siya. Hindi siya iimik hanggang makalingon ako o minsan naman bigla na lang bubulong sa mismong tenga ko katulad ng ginawa niya ngayon. Syempre magugulat nga naman ako no'n at mahahampas ko siya. Kapag nasaktan siya, siya naman 'tong magsusungit at magrereklamo na mabigat ang kamay ko.

Minsan naman bigla na lang mamamatay ang ilaw sa sala o di kaya'y sa kusina. Nasanay na nga lang ako sa pagpatay-sindi niya ng ilaw. Kapag nangyari 'yon alam kong siya ang gumagawa. Pero sa panggugulat niya hinding hindi yata ako masasanay. Kung may sakit ako sa puso, baka matagal na akong burado sa mundo.

"Ano ngang ulam?" tanong niya nang makalapit ulit sa tabi ko. Nakangiwi pa rin at hinihimas ang likuran niya.

Buti nga!

"Wala! Hindi ako magluluto ng ulam. Magtiis ka sa tubig at asin. Palagi mo na lang ginugulat, antipatiko ka," nakasimangot na maktol ko pero patuloy naman sa pagtatalop ng patatas.

"Ikaw naman, masyadong serious."

Napamulagat ako nang pisilin niya ang pisngi ko. Hindi naman iyon mariin pero nabigla lang talaga ako.

"Huwag mo akong maano-ano diyang antipatiko ka," singhal ko at tinutukan siya ng kutsilyo.

"Hey, that's dangerous!"

Mabilis siyang napalayo. Ako naman ngayon ang may matagumpay na ngisi.

"Takot ka pala, eh. Sige, gulatin mo pa 'ko," pagbabanta ko.

May sinabi ito pero hindi ko naintindihan.

"Ano kamo?"

"Sabi ko po, ang cute mo kasing magulat."

"Huwag mo akong maganyan-ganyan. Lalo kang masasaktan."

"Ikaw na nga 'tong sinasabihan ng cute, ayaw mo pa?"

"Tuta ba 'ko para maging cute?"

"What?" natatawang aniya.

"Wala. Sabi ko pogi ka sana, kaso bingi ka."

Tuwang tuwa siya sinabi kong iyon kaya nakangiwi ko siyang natitigan na tumatawa saka ako naiiling na nag-alis sa kanya ng tingin.

"Babaw din talaga minsan ng kaligayahan ng batang 'to, eh," naisip ko.

"But seriously, ano'ng ulam?" malumanay na niyang pagtatanong.

Lumapit siya sa akin at nanood sa ginagawa ko. Ganyan siya. Basta kapag naabutan niya akong nagluluto, palagi siyang nanonood sa ginagawa ko. Ganoon din kapag naghuhugas ako ng pinggan. Ewan ko ba riyan. Bored yata sa buhay niya.

"Caldereta. Don't worry walang carrots." Ang weird ng caldereta na walang carrots pero ano'ng magagawa ko? Minsan nga makapag giling ng carrots at ipainom 'yon sa kanya.

"Naks, lakas ko talaga sa 'yo."

"Tapos ikaw malakas mang-asar, 'no?" pagtataray ko ulit.

"Okay. Hindi na kita aasarin," aniya at nagtaas pa ng kanang kamay.

"Sus! Baka lagnatin ka kapag hindi mo ako na-bwisit sa isang araw. Maniniwala lang ako kapag hindi mo na ginawa."

"Okay, fine. I'll be serious na simula ngayon."

Natatawa ko siyang tinitigan nang sumeryoso nga siya talaga, tumuwid pa sa pagkakatayo. Inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya at kung anu-anong ginawa. Nag make face ako pero itinikom niya lang ang bibig niya habang pigil ang tawa.

Naniningkit ang mga mata at panaka-naka ang lingon sa kanya na bumalik na ako sa ginagawa. Nang bigla at mabilis na nilingon ko siyang muli ay nakatingin na ito sa akin. Seryoso pa rin ang mukha niya kaya hindi ko na naman napigilan ang matawa.

"Kapag iyan hindi mo napanindigan, ha!" natatawa kong pagbabanta.

"Don't worry... paninindigan kita," wika niya sa seryosong tinig.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro