Kabanata 14
PANAKA-NAKA kong nililingon si antipatiko Napapangiti ako kapag nakikita ang magana niyang pagkain. Nanatili ako sa balkonahe pero nakasandal lang ako roon sa glass door. Hindi ko talaga kayang lumapit sa railings dahil parang lalabas ang puso ko. Nagkasya na ako sa pagtitig sa kalangitan na napapalibutan ng nagkikislapan mga bituin.
Hindi ko tuloy naiwasang mangiti nang maalala ko sila Kuya Gerald at Ate George. Kapag gabi at brownout, nakahiligan naming tumambay sa labas ng bahay. Habang dinadama ang lamig ng hangin, sumasabay ang pagkakaroon ng kapayapaan sa isip namin kapag naalala ang nakaraan, noong mga bata pa kami. Kung paano kaming napapalo ni nanay kapag ayaw naming pumasok sa bahay at puro paglalaro ang gagawin. At madalas napag-uusapan ang mga pangarap namin. At sa mga pangarap naming iyon, may iisang bagay na magkakatulad. Iyon ay makaramdam ng kaginhawahan sa buhay at maiparanas kay nanay ang kaginhawahang iyon.
Kanina nga habang naglilinis ako rito, paulit-ulit akong namamangha sa ganda nito. At paulit-ulit ko rin sinasabi sa isip ko na, "Balang-araw magkakaroon ako ng ganito. Titira kami sa ganitong kagandang bahay. Hihiga kami sa ganitong kagandang kama at hindi na magsisiksikan sa iisang kwarto."
Aaminin ko, minsan hindi ko naiiwasang makaramdam ng inggit para sa mga taong may ng ganitong buhay lalo na sa mga hindi nakaranas ng hirap. 'Yong mga sanggol pa lang, laki na sa kaginhawahan. Pero 'yong inggit na 'yon, nagiging inspirasyon ko iyon para ipagpatuloy ang pag-abot sa pangarap ko.
Napahinga ako nang malalim. Bago pa ako maluha dahil sa mga naiisip ay nilingon ko na muli si antipatiko. Nang makita itong tumayo ay mabilis ko itong nilapitan.
"Tapos ka na?"
"Yeah."
"Nabusog ka naman ba?"
"Of course. Masarap ang luto mo."
Nangiti naman ako sa papuri niya.
"Ako na riyan." Inagaw ko sa kanya ang pinagkainan niya at dumiretso sa lababo saka inumpisahang hugasan iyon. "Baka may request kang ipaluto para bukas."
Nilingon ko siya nang wala akong marinig na sagot. Naroon pa rin siya sa gilid ng kitchen island at umiinom ng tubig. Nang matapos naman siyang uminom ay dinala niya sa akin ang baso.
"Wala akong maisip, eh."
"Favorite ulam mo?"
"My favorite is my mom's cook of anything."
Nakalabing tumango ako. "Masarap sigurong magluto ang mommy mo, 'no? Sabagay, para sa lahat naman ng anak, ang luto ng nanay nila ang pinakamasarap sa balat ng lupa. Kahit ako, 'no, paborito ko ang mga luto ni nanay. Para 'yong chef sa isang mamahaling restaurant kapag nagluto 'yon."
"My mom is actually a chef," aniya sa tono na parang tuwang tuwa na ipaalam iyon.
Nakanganga ko siyang nilingon. Nasa tabi ko pa rin ito at nanonood sa ginagawa ko.
"Talaga? Eh, 'di pareho pala na mga chef ang nanay natin. Literal nga lang ang sa nanay mo," natatawa ko pang ani.
Nang matapos sa paghuhugas ay pinunasan ko pa ang countertop at stove. Habang siya ay nanatili na nakahalukipkip doon malapit sa lababo.
Baka tinitingnan kung maayos ang trabaho ko?
Bahala siya. Kahit manood pa siya lagi. Wala naman siyang masasabing panget. Ako pa! Sanay 'to sa gawaing bahay, 'no.
"Nakakahiya naman pala na ipagluto ka. Chef pala ang mommy mo," sabi ko pa nang makabalik sa lababo at iyon naman ang pinunasan.
"But your cook is actually good. I like it."
"Ows?"
"I'm telling the truth."
Natawa ako nang panlakihan niya ako ng mga mata.
"Where did you learn to cook?"
"Sa nanay ko. Madalas nanonood lang ako. Tapos isang araw sinubukan ko ng magluto."
"You learned that fast? By watching?" Nanlalaki ang mga mata niya.
"Yep. Pero kapag mahihirap lutuin, syempre nagtatanong pa rin ako. Ayokong maaksaya ang ingredients 'no."
"How old were you when you cooked for the first time?"
"Hm... elementary pa lang nagluluto na ako, eh. Pero syempre ng mga prito lang like itlog. Pero 'yong mga may sabaw, high school na ako no'n."
Elementary pa lang si Ate George siya na ang palaging naaasahan sa mga gawaing bahay. Kapag wala si Nanay at Kuya Gerald sa bahay at kami lang dalawa ang naroon, siya ang nagluluto at naglilinis. Kung hindi niya pa nga ako palaging kagagalitan noon, hindi pa ako kikilos para tumulong. Hanggang sa naging routine na namin iyon sa araw-araw. At nawili na rin akong magluto kalaunan.
"Wow. That's impressive, huh."
Napangisi ako. "Thank you for the compliment, sir," sabi ko at pabiro pang tumungo.
That's so sweet of him, actually. Kanina pa man noong matapos siyang kumain sinabihan na niyang masarap ang luto ko. Hindi ko akalain na mahilig siya magbigay ng compliment. Wala kasi sa itsura niya.
"So, ano ngang ipapaluto mo bukas?"
"Suprise me na lang. Wala talaga akong maisip."
Napangiwi ako. "Okay."
Nanatili pa ako roon sa harap ng lababo kahit wala ng ginagawa. Sumandal ako roon habang nagpupunas ng kamay sa suot kong apron. Habang siya ay nakahalukipkip pa rin sa gilid ko.
"Eh, kapag umaga ano'ng kinakain mo?" pang-uusisa ko pa.
Kanina kasi nang tingnan ko ang refrigerator niya, ang tanging laman niyon ay puro low fat milk, itlog, softdrinks at mga bottled water. May alak pa nga pero hindi naman siguro sa kanya 'yon. Ang laki-laki ng ref pero wala man lang mga gulay, isda o karne. Kaya naisip kong baka hindi siya nagluluto rito. Wala nga rin kahit man lang prutas. Pero mukha namang bumibili siya dahil may inalis pa ako kanina na clamshell container na pinaglagyan ng blueberry. Sa mga cabinet naman may mga oats, bread at mga cup noodles.
"Mostly cereal or bread."
Napatango-tango ako.
"Iyon talaga ang prefer mong agahan o wala ka lang choice?"
Umangat ang isang kilay niya. Parang nag-aalangan pero sumagot din naman, "Wala akong choice 'coz I don't know how to cook."
Tumango-tango ulit ako.
"Bigyan mo ako ng pera. Ipapamili kita bukas."
"Ng?"
"Eh, 'di ng mga gulay, prutas, pork at fishda."
"Don't bother. Hindi rin naman maluluto. Mabubulok lang dito ang mga 'yon."
Napairap ako. Bahagya kong inilapit sa kanya ang mukha at pinanlakihan siya ng mga mata. "Kaya nga ako nandito, 'di ba?"
Matagal siyang tumitig sa akin. Siguro'y pinag-iisipan pa kung gagawin ang sinabi ko.
Salubong ang kilay ko na umayos ng tayo. "Bakit, hindi ba pasado ang luto ko kanina?" Akala ko ba masarap ang luto ko?
"No. Pasado siya."
"Oh, eh, bakit parang ayaw mo pang ipagluto ulit kita?"
"It's not like that."
Umayos ako ng tayo. "Look. Oats or bread ang kinakain mo kapag umaga. Sa tanghali? Mostly fast food, am I right or am I left?"
"Right."
Muntik na akong matawa dahil sinagot talaga niya 'yon. Agad akong sumeryoso. "Eh, sa gabi ano'ng kinakain mo?"
"A take out? Minsan nagpapa-deliver."
"From fast food again?"
"Yeah. Or sometimes restaurant."
Pumalatak ako at umiling. "Kailangan mo ng maayos na pagkain."
"Maayos naman ang mga 'yon?"
"I mean..." Napahinga ako nang malalim. "Oo nga. Maayos ang mga 'yon. Pero hindi na healthy kapag puro fast food ang kinakain mo. Kung pasado naman sa 'yo ang luto ko, why not na tanggapin mo na lang ang gusto ko na ipagluto ka? It's for your own good din naman. Tsaka mas tipid pa sa bulsa."
Muli siyang tumitig sa akin. Ilang ulit kong itinaas-baba ang mga kilay ko. Nakita ko ang muntik nang pag-angat ng gilid ng labi niya, pero mabilis 'yong nawala. Tumikhim siya at saka ako iniwan doon. Dumiretso siya sa sofa kung nasaan ang gamit niya. Nang pabalik siya sa kusina ay dala na niya ang wallet niya. Lumapit naman ako sa kitchen island at umupo, tumigil naman siya sa gilid.
"How much?"
"Aba, ikaw ang bahala."
Nanlaki ang mga mata ko nang maglabas siya ng ilang tig-iisang libo. Nang bilangin ko 'yon pati bibig ko namiloh na 'at mabilis na pinigilan ko ang kamay niya.
"Wait... Wait... Ang laki naman niyan."
"Sabi mo ako ang bahala?"
"Oo nga pero... malaki ang limang libo."
"Kaya nga I'm asking you how much kasi hindi ko alam."
"Okay na ang dalawang libo. Ibabalik ko na lang kapag may sukli," sabi ko at ako na ang kumuha ng dalawang libo sa kamay niya.
"Huwag mo ng ibalik ang sukli."
"Ha?"
"Ipangkain mo na lang or pamasahe. Oh, ito pa." At nag-abot pa ng isang libo.
"Grabe! Ang yaman mo naman. Namimigay lang ng pera?"
"That will be deducted from your salary."
"Ano? Huwag na! Ibabalik ko ang sukli bukas. Oh, kunin mo na rin 'to." Inilapag ko ang isang libo sa harapan niya.
Malakas na bumunghalit siya ng tawa. "I'm just kidding, 'no."
Napasimangot ako sa ginawa niyang pagtawa. "Eh, basta ibabalik ko ang sukli."
"I'm kidding nga lang. Just use it for your fare," aniya at iniisod muli papunta sa akin ang isang libo. "Kung sa 'yo pa ang pamasahe papunta rito at pauwi, hindi ba lugi ka no'n?"
"Aba, naisip mo pa 'yon?"
Mayabang na nagkibit siya ng balikat.
"Pero hindi na," sabi ko at muling ibinalik sa harapan niya ang isang libo. Naawa naman ako bigla roon, nahilo na sa amin. "Magkano lang naman ang pamasahe papunta rito. Ang pauwi naman ganoon lang din ang ibinabayad ko everyday kapag galing sa university." Actually, may dagdag na kaunti. Pero magkano lang ba iyon. Sampung piso lang.
Magaan na nga ang trabaho ko rito at malaki pa ang sahod, tatanggapin ko pa ba naman ang ibinibigay niya para sa pamasahe? Napakagahaman ko naman masyado no'n.
"But—"
"No buts," agad na pigil ko.
"Okay, fine. Ikaw ang bahala." Ibinalik na niya ang pera sa pitaka niya.
Wala sa sariling napatingin ako sa suot niyang relo. Mukhang napansin niya iyon dahil tiningnan niya rin iyon.
"It's already forty-five minutes past seven," aniya. "Are you going home na?"
"Pwede na akong umuwi?" paghingi ko pa ng permiso.
"Go ahead. Wala na rin namang gagawin."
Tumango ako. Hinubad ko na ang apron at isinabit iyon sa gilid ng refregirator kung saan ko iyon kinuha.
"Mauna na ako," paalam ko nang makuha ang mga gamit ko sa sofa.
"Take care."
Pagkauwi sa bahay ay gumawa ako ng mga listahan ng mga ulam na pu-pwede kong lutuin para kay antipatiko. Hindi ko alam kung bakit sa simpleng pagsasabi niya kanina na masarap ang luto ko ay nagkaroon ako ng kagustuhan na ma-impress pa siya lalo sa mga lulutuin ko pa. Ayaw kong makaramdam siya ng pagsisisi na kinuha niya ako para sa trabahong ito. Two years ang ibinigay niya sa akin para raw hanggang maka-graduate ako ay may trabaho ako. Dapat maging thankful ako na at least naisip niya iyon sa kabila ng mga kalokohan niyang ginawa sa akin.
Siguro iyon din ang rason kaya kahit may mga kasalanan siya sa akin noon, medyo gumaan naman na ang pakiramdam ko kapag kaharap siya. Huwag lang talaga na toyoin na naman siya at tanggalin ako sa trabaho na 'to nang walang sapat na dahilan at trip niya lang, baka hindi lang hampas ng bag ang magawa ko sa kanya.
Ganoon na ang naging routine ng trabaho ko. Pagkakarating ko sa condo unit ni antipatiko ay maglilinis ako at kapag natapos ay saka pa magluluto ng panghapunan niya. Hinihintay ko siya at kapag nakakain na siya at nahugasan ang kinainan niya ay saka ako umuuwi. Minsan ay bumabawas ako sa mga niluluto kong ulam sa hapon at inilalagay iyon sa isang tupperware. Bago ako umuwi, inihahabilin kong iinit niya iyon sa umaga at iyon ang gawin niyang agahan. Gumagawa rin ako ng mga vegetables salad. Ang mga binibili kong prutas nawawala din naman sa ref. Minsan gumagawa rin ako ng fruit shake.
Every Saturday naman ako naglalaba. Ang mga brief o maski boxer niya kusa na niyang inaalis lagi sa hamper. Siguro'y nahihiya rin na baka makita ko ang mga 'yon kaya siya na ang naglaba. Ang Sunday naman ay para sa pama-mlantsa.
"Merienda!" sigaw ko.
Mula sa pagkakasalampak niya sa sofa ay mabilis siyang bumangon at tumalon sa sandalan at patakbo pang lumapit sa kitchen island.
"Wow! Turon again."
"Request mo 'yan. Huwag kang ano diyan."
Kahapon ang unang Sabado ko rito. Wala siyang pasok kaya maghapon siya sa bahay. Tahimik lang naman siya. Alas diyes na siya nagising at nang makapag-agahan ay pumasok na ulit sa kwarto niya. Hindi nga ako nakapaglinis doon hangga't hindi siya nakakalabas. After lunch naman ay dito na siya tumambay sa sala at nanood ng movie, idinamay pa ako tutal wala naman daw akong ginagawa dahil katatapos ko lang no'n sa paglilinis at paglalaba. Pagkatapos no'n naglaro na siya nang naglaro ng cell phone. Noong hapon ay nagtiklop naman ako. Kanina naman ay may pasok siya pero before lunch ay nasa bahay na ulit. Ipinagluto ko siya ng turon kahapon at mukhang nagustuhan niya kaya nag request kanina na magluto daw ulit ako.
"Oo nga. Wala naman akong sinasabi," natatawang aniya.
Kumuha siya ng stool at inilagay iyon sa gilid at doon umupo. Gamit ang tinidor ay tumusok siya ng turon. Natigil ako sa paghahalo ng melon juice at nakangiwi siyang pinanood nang agad na kumagat siya roon. Natawa naman ako't napailing nang mapanganga siya habang bumubuga. Papikit-pikit pa nang pilit niya 'yong nginuya.
"Tangek kasi. Alam namang mainit."
"Kumain ka, ha. Huwag mong sasabihing busog ka na naman."
"Oo na po."
Ayaw niya kasi ng walang kasabay kumain dahil nakakalungkot daw. Iyon ang sinabi niyang dahilan. Kaya naman sa tuwing kumakain siya napipilitan akong sabayan siya lalo kapag namimilit. May pagkakataon naman na nagdadahilan akong busog at mabilis na pupunta sa balkonahe. Nakakahiya rin naman kasi na dadayo pa ako lagi rito ng kain. Pero kahapon noong lunch, nakiusap pa siya na sabayan ko naman daw siya. Kaya kahit nahihiya, sumasabay na nga ako. Naisip ko kasi na baka nga nalulungkot siya. Iyon ba namang wala ka na ngang kasama sa bahay, tapos pati ba naman sa pagkain. At saka kesa naman umuwi pa ako 'no.
Ipinagsalin ko muna siya ng juice sa baso bago ako umupo at kumuha ng turon. Ilang saglit na namayani ang katahimikan bago ko naisipang usisain ang buhay niya na nahihiya pa akong gawin kahapon.
"Taga rito ka ba talaga sa Manila?"
Umiling siya. "Nope."
"Pero may kamag-anak ka rito?"
"Wala. Taga Laguna ang side ng dad ko. Ang mom ko naman from Cebu."
Nang maubos niya ang isang turon ay kumuha siya ulit.
"Eh, bakit dito ka nag-aral?"
Uminom muna siya bago ako sinagot, "Wala lang. I just want to experience lang being away from home."
"Bakit... may... problema ba kayo ng pamilya mo?" maingat kong pagtatanong.
"Wala, ah," natatawang aniya.
Nangunot ang noo ko. Hindi ko malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo. Hindi naman kasi niya gugustuhin 'yong ganyan kung wala 'di ba?
"Eh, bakit gusto mong malayo sa inyo?"
"Gusto ko lang," aniya na nagkibit ng balikat.
Parang isang dangkal yata ang iniangat ng kilaybko roon. "Iyon lang?"
Itinuro niya ang tissue holder na nasa gilid ko. Inabot ko naman 'yon. Bumunot siya ng ilan doon at ipinunas sa kamay niya.
"Actually, I have friend kasi na nag-aaral sa U.S with his cousins. So, I got curious what it feels like to be away from home. Alone, syempre. But hindi ako pinayagan ni mom sa Australia. She's paranoid. So, I told her na kahit dito na lang sa Manila."
Napanganga ako. ‘Mag-aaral sa Australia para lang maranasan ang malayo sa pamilya? Wow! Iba!’ Mahina akong natawa dala ng pagkamangha habang naiiling.
"At pinayagan ka ng parents mo?" Nakataas pa rin ang isa kong kilay.
"Yep," aniya na nasa mga turon ang atensyon. Kumuha ulit siya no'n.
"Na mag-isa rito sa Maynila?"
"Of course."
"Iba ka rin talaga 'no. Siguro lahat ng gustuhin mo nakukuha mo?"
Matunog siyang napangisi. "Why? Do you think I'm a spoiled brat?"
"Oo, pero dati 'yon. Ngayon spoiled na lang."
Malakas na natawa siya. "Should I be thankful because the word brat is gone?"
Nakalabi akong nagkibit ng balikat.
"Silly, " natatawa pa rin na aniya.
"Pero hindi ka ba natatakot? Syempre, sixteen ka lang tapos malaki ang Manila at wala ka man lang kakilala rito."
May bahid pa ng ngiti sa labi nang umiling siya.
"I'm not that young na rin naman. Tsaka madalas namang pumunta rito ang mom and dad ko. O 'di kaya ang kuya ko. At kung ayaw ko na rito, madali namang umuwi."
Napatango-tango ako pero hindi ko naiwasang isipin na... madali lang pala sa kanila 'yon. Ang gumawa ng desisyon. Kapag ginusto nila sa isang lugar, kahit gaano pa man 'yon kalayo, anytime pwede silang pumunta. At kapag ayaw na, madali rin sa kanila ang umalis at bumalik sa pinanggalingan o lumipat sa gusto nilang lugar. Iyon ang maganda kapag may pera ka, kapag may yaman ka. Nagagawa mo kahit ano'ng gustuhin mo. Katulad na lang ng ilang napapanood ko sa mga drama o nababasa sa mga romance book. Na kapag nagbreak ang mga bida, aalis na lang para makapag move on. Tinatawanan ko nga lang 'yon. Akala ko imposible. Pero ngayon napagtanto ko, basta pala may pera ka ay posible 'yon.
"I'm curious. Hindi ko pa kasi nararanasan ang ganyan. Ang pinakamatagal lang yata na hindi ako nakauwi sa bahay ay isa o dalawang araw. At noong high school pa ako n'on. Tuwing may activity lang sa school at kailangang doon magpalipas ng gabi. Iyon lang. So... ano bang pakiramdam na malayo sa inyo nang ganitong katagal? May sagot ka na ba?"
Tipid ang naging ngiti niya. Kumuha ulit siya ng tissue at ipinunas sa gilid ng labi at mga kamay niya. Sumandal siya at nanatili sa unahan ang tingin, tulala na parang may malalim na iniisip.
"Actually... it's sad," aniya na sumulyap sa akin bago ibinaling ang tingin sa hawak niyang tissue at ginutay-gutay iyon. "Lalo na kapag first time mong malayo sa family mo. You know... it's sad to be alone in this big house," aniya na inilibot ang paningin.
"Eh, 'di sana sa maliit na bahay ka tumira," gusto ko sanang ibiro pero hindi ko na nagawa dahil sa humahawang lungkot niya parating sa akin.
"It's sad to eat alone. And it so sad na walang nagtatanong sa 'yo kung kumusta ba ang araw mo."
Mabigat ang naging pagbuga ko ng hangin. Ni hindi ko na naipagpatuloy ang pagkain ng turon ko at nanatili na lang na hawak ang kalhati niyon. Parang sumanib sa akin ang lungkot na dala ng mga sinabi niyang iyon at maski ang paglambot ng kanyang tinig. Maski sa malalim niyang paghinga ay para bang napakabigat.
"But, you know what," aniya na nag-angat ng tingin sa akin. Naroon na ulit ang maganda niyang ngiti. "You came."
"Ha? Ano... kamo?" naguguluhang tanong ko. Hindi ko sigurado kung tama ba ang narinig ko.
"You came in this big house. Nagkaroon ako ng kasamang kumain. Nagkaroon ako ng kasama sa bahay kahit ilang oras lang. At kahit minsan masungit ka, you never forget to ask me how my day was."
Naningkit ang mga mata niya sa pagngiti. Itinagilid niya ang ulo at marahan ang titig sa akin.
"Dahil sa 'yo those sad moments are gone now. Kaya thank you... Gianna."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro