Kabanata 13
NANG makakain ay nagtungo na kami sa university at doon sa mga bench sa parking lot pum'westo. Kasalukuyang walang tao roon. Agad na iniabot ni antipatiko ang kontrata. Nakanganga ko 'yong natitigan. Nagpalipat-lipat ang tingin ko roon at sa kanya na abala sa pag-inom ng tubig habang nasa akin ang tingin.
"Ito na 'yon?"
Nagkibit siya ng balikat. Ibinaba niya ang hawak na bottled water at saka pinagkrus ang mga braso. "Yeah. Iyan na nga."
"Ako ba'y pinaglololoko mo? Ano ba namang klaseng kontrata 'to. Para ka lang gumawa ng excuse letter dahil absent ka sa school."
"What do you think I know sa pag gagawa ng kontrata? Gusto mo bang tumawag pa ako ng attorney for that?"
"Eh, 'di kayo na may attorney. Yabang mo," inis na bulong ko. "Pero sana man lang nagtanong ka sa akin, 'di ba?"
"I'm the employer and you are the employee, remember?" pagdiriin niya habang itinuturo ang sarili at ako. "Saan ka nakakita ng employer na nagpagawa ng kontrata sa employee niya?"
"Eh, 'di sana sa iba ka nagtanong. Arte mo!"
"Nakita ko lang 'yan sa internet pero hindi ko na pinahaba."
"Tumingin ka na rin lang sa internet, hindi mo pa inayos."
"Ayan na, eh. Okay na 'yan. Isa ka pang maarte, eh."
Matalim ang mga mata na tinitigan ko siya. Umiwas naman ito ng tingin habang hindi rin maipinta ang mukha.
Wala na rin namang magagawa pa kaya naiiling na binasa ko na lang ang kontranta na ginawa niya, "Employer. Elion Lopez. Employee... Gianna." Wala man lang apelyido ko. Sabagay, baka hindi niya alam 'yon, naisip ko. "Job... Cleaning, laundry, ironing, and don't forget to throw away the garbage."
Napatingin ako sa kanya matapos kong mabasa ang huli niyang inilagay. Muntik pa akong matawa roon. Talagang hindi niya nakalimutang ilagay 'yon, ha.
"What?" masungit na aniya nang mapatingin ito sa akin pero inirapan ko lang siya.
"Working hours. Four hours every weekdays and eight hours every weekends," basa ko pa. "Okay lang talaga sa 'yo na ganito lang ang working hours ko tuwing weekdays?" malumanay na tanong ko.
Kahapon kasi ay itinanong niya ang working schedule sa mga dating pinagta-trabahu-han ko. Siguro'y kumuha ng ideya para rito.
"It's okay. Iyon lang ang kaya ng schedule mo, right?"
Tumango ako. Saglit ko pa siyang natitigan kasi pakiramdam ko bigla siyang naging mabait. Pigil ko ang ngiti na tiningnan muli ang kontrata.
"Nakalimutan ko rin ilagay 'yong day-off mo. You can always have your day-off naman."
Tumango lang ulit ako.
"Salary... Six thou-" Nanlalaki ang mga matang natingnan ko siya. "Six thousand? Sigurado ka ba roon?" halos maisigaw ko iyon.
"What? Ano na namang problema?"
"Part timer lang ako. Hindi ako full timer na stay in house helper."
"That was my mom told me kaya iyan ang inilagay ko. Ayaw mo no'n, malaki ang sahod mo."
"Pero-"
"Bilis na. Time is running. Twelve-forty five ang next class ko," aniya na tumingin sa relo niya.
Six thousand? Napakalaki naman yata niyon? Malaki pa rito ang sahod ko sa mga dati kong trabaho, ah.
Dagdagan ko na lang kaya ang trabaho ko para naman hindi sayang ang ipapasahod niya?
Tiningnan ko ang mga inilista niyang trabaho ko. Niyon ko lang napansin na wala roon ang pagluluto. Wala yata siyang tiwala sa akin? Baka akala niya yata lalasunin ko siya? O baka hindi lang talaga siya sanay na may ibang nagluluto para sa kanya?
Marunong naman akong magluto. Susubukan ko na lang muna siguro. Kung hindi niya type ang luto ko, magrereklamo naman 'yan, eh 'di ititigil ko.
Pero masyado pa rin yatang malaki ang six thousand na sahod para sa kaunting oras ng trabaho? Map'wera na lang kung sobrang kalat niya sa bahay at sobrang dudumi ng mga damit niya?
Tiningnan ko siya. Sobrang linis ng damit. Wala nga ni katuldok na pawis dahil kanina pa siya punas nang punas ng panyo sa leeg at mukha niya. Tsaka mukhang hindi rin 'to maruming magdamit. Para ngang maarte 'to, eh. 'Yong tipong madumihan lang nang kaunti, magpapalit agad.
Bahala na nga!
Binasa ko pa ang huling nakalagay roon. "This contract is valid for..." Napakurap pa ako habang binabasa ang nakalagay roon. Muli ko siyang nilingon. "Two years talaga?"
"Yes." Umayos pa siya ng upo at humarap sa akin at seryoso ang mukha. "I'll let you work for me for two years... until you graduate para hindi ka na mahirapan sa paghahanap ng trabaho. I won't fire you unless may ginawa kang hindi maganda. And since it's formality lang naman, wala namang kaso kung magre-resign ka but I want valid reason din syempre."
Nakanganga ko siyang natitigan. Parang hindi disi-sais anyos ang nagsasalita nang mga sandaling iyon. He sounds matured. Tsaka aaminin kong naantig ang puso ko dahil sa sinabi niya. Papayagan niya akong magtrabaho sa kanya for two years para hindi na ako maghanap ng trabaho? Hindi ko inakalang maiisip niya ang bagay na iyon. Kung bumabawi man siya sa dalawang beses na pagpapatanggal sa akin sa trabaho, p'wes bawing bawi na siya. Ang maisip niya pa lang iyon ay tumataba na ang puso ko.
"Thank you," hindi ko napigilang isatinig.
Mukhang hindi niya inaasahang maririnig ang dalawang salitang iyon mula sa akin dahil sa pagtaas ng mga kilay niya.
"You're... welcome."
Nakangiti kong tinungo ang kontrata. Bago ako pumirma ay isinulat ko muna ang apelyido ko sa itaas at ang buong pangalan ko sa ibaba kung saan mayroong nakalagay na signature over printed name saka pa lang ako lumagda roon. Pati sa isa pang copy niyon.
Iniabot ko iyon sa kanya pati ang hawak kong ballpen. Mabilis naman niya 'yong pinirmahan saka iniabot ulit sa akin ang ballpen ko at isang copy ng kontrata.
Tinawag ko na si Olivia na nasa kabilang bench kasama si de Silva. Bago humiwalay si antipatiko ay sinabi muna nito sa akin ang address ng condominium, ang floor at unit niya, at ang passcode ng pinto. Nagtanong din ako kung may malapit na wet market doon pero hindi niya raw alam. Aniya'y may supermarket naman daw na malapit doon kaya naman doon na nga ako dumaan bago dumiretso sa condominium.
Nakanganga kong tiningala ang may sampung palapag na condominium building. Taga Maynila ako pero para akong nababano sa nakikita ko. Madalang naman kasi akong makapag-gala. Bahay, school at trabaho lang ako. Eh, ang mga unang trabaho ko naman, naroon lang malapit sa university.
Namamangha kong nailibot ang paningin ko nang makapasok ako sa unit ni antipatiko. Iyon ang unang pagkakataon na nakapasok ako sa ganoong lugar kaya naman binusog ko muna ang mga mata ko sa ganda niyon bago ako nag-umpisa sa pagta-trabaho. Wala naman sigurong masama. Tumitingin lang naman ako. Hindi naman ako magnanakaw, 'no.
Naghahalo sa puti at dark blue ang dingding at mga kagamitan. Pagkapasok ng maindoor ay malawak na sala na ang bubungad. Pabilog ang dark blue sofa na nakaharap sa isang napakalaking flat screen T.V na nakadikit sa dingding. Mayroong malapad na glass door doon kung saan may balkonahe. Nakita ko sa labas niyon ang isang maliit na sofa.
Sa kanang bahagi ng sala ay naroon ang malawak na kusina. Ang mahabang dingding sa likod ng sofa ay halos purong salamin kaya naman kitang kita ko ang itsura kong namimilog ang bibig at mga mata sa sobrang pagkamanga.
Napatikhim ako at agad na iniayos ang mukha ko.
"Parang ang ganda ko rito." Ngumiti-ngiti pa ako roon habang tinitingnan ang kabuoan ko.
Napagtanto kong sliding door ang salamin na iyon at naroon ang isang malawak na kwatro. Halos magkasinglawak lang yata iyon at ang sala. At katulad doon ay dark blue at white ang mga kulay na makikita rito. Naiiling na lang ako sa pagkamangha nang makita ang malapad na kama rito.
"Walanju. Kapag nalaglag ka pa naman dito, ewan ko na lang talaga." Maingat na pinasadahan ko 'yon ng daliri at dinutdot. "Grabe, ang lambot!"
Puno ng pagkasabik na luminga-linga ako sa pinto. Nang walang makitang tao ay nagnakaw ako ng isang upo sa kama. Pero hindi ako nakuntento roon at lumundag pa habang nakaupo. Tuwang tuwa ako. Para na akong bata roon. Hindi pa nga ako nakapagpigil at humiga pa roon at nagpagulong-gulong. Malapad kasi talaga iyon. Siguro'y kakasya ang tatlo o apat na katao roon. Nang mapagod au nakadipa pa ang mga braso at malapad ang ngiti na napatitig ako sa asul na kisame.
"Huwag kang mag-alala, makakahiga rin tayo sa ganitong kalambot na kama, 'nay," puno ng pag-asam na sambit ko.
Nang makuntento ay tumayo na rin ako. Inilibot ko pa ang tingin doon. Wala masyadong palamuti ang kwarto. Isang malaking picture niya lang ang nakasabit sa ulunan ng kama. Bukod doon ay wala na, kahit family picture ay wala man lang. kahit nga sa sala wala rin akong nakita kung 'di ang isang parisukat na painting.
"Hay nako, makapagtrabaho na nga. Baka dumating na si boss antipatiko, wala pa akong nagagawa."
Lumabas ako ng kwarto at naghagilap ng panlinis. May nakita akong isang pinto sa tabi ng kusina at tama nga ang hula ko na C.R. 'yon. Agad kong binuklat ang isang cabinet na nasa tabi ng pinto. Tagumpay akong napangiti nang agad kong nakita roon ang pakay. Maayos na nakasabit ang mop at vacuum sa cabinet. Mayroon pa nga roong tambo, dust fan at feather dust. May mga bilog na basahan din na maayos na nakasalansan.
Kumuha ako ng vacuum at ng bilog na basahan. Inuna ko ang kwarto. Malinis naman iyon kung tutuusin. Pero siguro sa pagmamadali ni antipatiko kanina bago pumasok ay hindi na niya naayos ang mga gamit niya lalo sa banyo niya roon. Bukod doon ay wala ng dumi. Pero syempre naglinis pa rin ako roon. Pinunasan ang lahat ng gamit doon. Pinakintab ang dapat pakintabin. Kulang na nga lang pati kisame akyatin ko't punasan.
At syempre hindi ko kinalimutan ang huli at pinaka-importanteng trabaho ko, ang magtapon ng basura. Nagkada-ligaw-ligaw pa nga ako kung saan ba magtatapon n'on. Mabuti na lang at may nakita akong guwardya kaya nakapagtanong ako.
Sampung minuto na lamang bago mag alas sais nang matapos ako sa paglilinis. Napakaganda ng kalangitan na makikita ssa balkonahe nang mga oras na iyon. Mula sa likod ng glass door niyon ay nakatayo ako at kitang kita roon ang nagkukulay kahel na kaulapan dahil sa papalubog na araw.
Napangiti ako at isang magaang buntong-hininga ang napakawalan. Ito ang tanawin na kusa kong ititigil ang ginagawa ko para lang matitigan, hindi ko palalampasin.
Pinagsawaan ko munang pagmasdan ang papalubog na araw bago ko naisipang magluto na tutal ay gabi na rin naman. Inuna ko ng isinalang sa rice cooker ang kanin bago ko sinimulan ang pagluluto ng ulam. Sinigang na hipon ang naisip kong lutuin. Madilim na sa labas nang matapos ako sa pagluluto.
Sabi ni antipatiko kanina na hanggang six-forty raw ang klase niya. Sabi niya pa na puwede na raw akong umuwi kung matatapos ako nang maaga sa trabaho at kung wala na ngang gagawin. Pero naisip kong nakakahiya naman na aalis na lang akong bigla kaya naman nanatili muna ako roon. Tutal mahigit alas siyete na rin naman kaya baka mayamaya lang ay narito na 'yon.
Habang naghihintay ay nagtungo akong muli sa balkonahe pero sa pagkakataong iyon ay lumabas na ako. Parang sumikdo ang puso ko nang sinubukan kong lumapit sa railings. Mabilis akong lumayo habang nakapikit at nakahawak sa dibdib ko. Pero hindi niyon napigilan ang kagustuhan kong silipin ang ibaba. Malayo ako sa mismong railings pero nagawa kong silipin iyon habang bahagyang nakatingkayad at nanghahaba ang leeg. Kanina pa mang naglilinis ako ay pasilip-silip na ako roon. May swimming pool kasi sa ibaba niyon. Pero ngayon ay mas magandang tingnan iyon dahil sa iba't ibang kulay ng ilaw na nakapalibot sa paligid ng pool. May mga naglalangoy rin doon na mga teenagers, pero kanina ay wala.
"Fear of heights?"
"Ay kabayo ka!" Nakapikit akong napahawak sa dibdib ko. "Bakit ka ba nanggugulat!" asik ko nang makabawi.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Kailan naman kita ginulat?"
"Baka kagagawa mo lang?"
"I never did that. Tinatanong lang kita."
"Oo na, hindi na!" At inirapan siya.
"Why are you still here?" aniya na lumilinga.
"Ah, oo nga pala."
Lumapit ako sa kanya at kinuha ang bag niya. Bakas naman ang pagkalito sa kanya at natitigan pa ang ginagawa ko. Inilapag ko ang mga gamit niya sa sofa bago siya hinawakan sa damit at hinila papunta sa kusina.
"Wait, wait. What are you doing?" aniya na kumalas sa hawak ko.
"I cooked."
"What?"
"I cooked," ulit ko at saka siya muling hinila pero muli siyang kumawala.
"Wala naman 'yon sa trabaho mo."
Nagsalubong ang mga kilay niya kaya agad na nabahala ako.
"O-Oo nga pero..." Ang laki kasi ng pasahod mo. "Hindi ka ba... sanay kumain ng luto ng iba?"
"No. It's not like that."
Iyon naman pala, eh.
"Hindi ka pa naman naghapunan, 'di ba?"
Umiling siya.
Tumango ako. Good. "Eh, 'di try mo muna ang niluto ko. Maupo ka na muna. Iinitin ko lang ang ulam."
Agad akong dumiretso sa stove at binuksan iyon. Kumuha na rin muna ako ng pinggan at mangkok pati na rin ng kutsara't tinidor at baso. Sinandukan ko na ng kanin ang pinggan at dinala iyon sa kitchen island.
"Oh, bakit nakatayo ka pa rin diyan. Maupo ka na," sabi ko nang makita itong nakatayo pa rin sa pinto ng kusina kung saan ko siya iniwan. Nakasunod ang tingin nito sa ginagawa ko.
Nang mailapag ang pinggan ay sa refrigerator naman ako lumapit at kumuha ng malamig na tubig doon. Dinala ko na rin sa kitchen island at sinalinan ang baso. Nang makakulo ang ulam ay sumandok na ako sa mangkok. Nakatayo pa rin si antipatiko nang ihatid ko iyon. Lumapit siya at sinilip ang umuusok na ulam. Napangiti ako nang nakapikit niya pang nilanghap iyon. At saka nakangusong napatango.
"Hindi ka naman allergy sa hipon, 'di ba?"
Umiling siya. "It looks... delicious."
Napangiti naman ako roon.
"Masarap nga iyan. Tikman mo. Maupo ka na kasi." Kinapitan ko siya ulit sa sleeve at hinila siya palapit sa high stool. Umupo nga naman siya roon. "Tikman mo," udyok ko.
Dinampot niya nga ang kutsara at sumandok ng sabaw. Natawa pa ako nang napangibit siya sa asim niyon. At saka muling humigop nang humigop.
Nang makitang nag-e-enjoy na siya ay nagpaalam na ako, "Kumain ka na, ha. Doon lang ako." Turo ko sa balkonahe.
"Wait."
Natigilan ako sa akmang pag-alis at nilingon siyang muli.
"Kumain ka na rin," alok niya.
"Huwag na, 'no. Sa bahay na ako kakain. Kain well," sabi ko pa bago siya mabilis na tinalikuran.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro