Kabanata 11
KAHIT hindi nila masabi kung sino ang lalaking kasama ni Sir Eadan ay may ideya na kung sino iyon. Agad akong nagpaalam sa kanila. Bago nila ako pinakawalan ay nagsabi pa sila ng mga bilin, na mag-aral akong mabuti at huwag nang isipin ang nangyari sa pagitan namin ni Cathy. At pumunta ako roon o tumawag sa kanila kung kailangan ko ng kahit ano'ng tulong.
Muntik pa akong maiyak. Mamimiss ko rin naman sila, ang mga ate at kuya ko sa loob ng halos dalawang buwan ko roon. Naging inspirasyon sa akin ng mga buhay nilang walang pagdadalawang isip nilang ibinahagi sa akin.
Tuluyan kaming nakaalis doon ni Olivia. Agad namang bumalik ang inis ko para kay antipatiko na saglit natabunan ng pakikipag-usap ko sa mga dating ka-trabaho. Kating kati na ang mga palad ko na mahigpit na nakakapit sa bag ko. Hindi na talaga ako magdadalawang isip na ihampas iyon sa antipatikong iyon oras na magkaharap kami.
Malas ka sa buhay ko, antipatiko ka! Kung bakit pa kasi kita nakabunggo nang araw na iyon! patuloy na himutok ko sa isip.
Sa halip na umuwi ay bumalik ako sa university. Ilang minuto lang ay naroon na kami. Papasok na sana ako sa gate nang pigilan ako sa braso ni Olivia.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Miss Gianna Lopez. Sino bang sinasabi ng mga ka-trabaho mong nagsumbong kay sir ninyo?"
Humalukipkip siya at tinaasan ako ng kaliwang kilay. Mukhang hindi kami makakaalis doon kung hindi ko siya sasagutin.
"Si antipatiko."
"Sabi na nga ba, eh." Napahilamos siya sa mukha at napatayo nang tuwid. "At paano naman niya 'yon nalaman?"
"Naroon siya kagabi. 'Wag mo ng tangkaing tanungin ako kung bakit dahil kahit ako hindi ko alam pero naabutan niya ang pag-aaway namin ni Cathy. Hindi ko pa sigurado pero ramdam kong siya 'yong nagsabi kay Sir Eadan. Siya lang naman ang nakakaalam ng nangyari sa pagitan namin ni Cathy."
"Lakas din talaga ng topak no'n, ano? Oh, siya, tara na. Sugod," aniya na itinuro pa ang loob ng unibersidad.
Wala nga kaming inaksayang oras. Dire-diretso ang lakad namin papasok at parehong taas-noo na akala mo'y may susuguring away. Well, mayroon naman talaga. Pero nang nasa gitna na kami ng daan ay pareho kaming natigilan.
"Saan natin siya pupuntahan?" sabay pa naming tanong sa isa't isa.
Inilibot ko ang paningin, nagbabaka-sakaling may makikita ako roong bakas ni antipatiko. Nga lang ay bigo ako. Para namang isang anghel si de Silva na biglang sumulpot. Nang makita ko ito na papunta sa parking lot ay agad kong hinilia si Olivia patungo roon.
"Oh, Gianna, Oliv...ia," gulat na aniya nang hinihingal na tumigil kami sa harapan ng motor niya na akma na sana niyang paaandarin.
"Hi," kumakaway na bati pa rito ni Olivia at nginitian naman siya ni de Silva.
"Alam mo ba kung nasaan si antipatiko?" walang paligoy-ligoy ko namang tanong.
"Antipatiko?" Salubong na ang mga kilay niya. "Sinong antipatiko?"
"'Yong kasama ng pinsan mo sa extension room."
"Ah! Hindi ko alam," aniya na napalinga pa.
"Alam mo ba kung ano'ng course niya?" si Olivia.
"Engineering—"
Hindi pa man siya tapos sa sinasabi ay tumalikod na kami.
"Thank you, de Silva!" sabay naming sigaw ni Olivia.
Mabibilis ang mga hakbang namin nang magtungo sa building nila antipatiko.
"Narito pa kaya 'yon?"
"Kapag wala na siya rito ngayon, siguradong bukas nandito 'yon."
Hindi ako makapapayag na hindi siya mahaharap at maihahampas ang bag ko sa pagmumukha niya na kanina ko pa ginagawa sa isip ko. Sa isip ko man lang maka-isang daang hampas ako no'n sa kanya.
Nang makarating kami sa building at may nakasalubong na estudyante roon ay agad namin itong hinarang.
"Excuse me. Pwedeng magtanong?"
"Yeah, sure."
"Kilala mo ba si..." Pero late ko na na-realize. "Ano ngang pangalan ng antipatikong 'yon?" baling ko kay Olivia.
"Aba, malay ko. Loka ka, hindi mo pala alam," napapakamot sa ulo na aniya.
"'Di ba sinabi 'yon ni de Silva?"
"It sounds unique kasi but I forgot. Eli... Elio?"
Naghihintay na ang itsura ng hinarang namin. Nginitian ko ito at gumilid. "Okay na pala, miss. Thank you," may pilit ang ngiti na sabi ko rito. Tumango lang ito at umalis na.
"Wait nga. Tanong ko kay Gio."
Binunot ni Olivia ang kanyang cell phone sa bulsa ng kanyang bag at nagtipa ng kung ano roon. Ini-loud speaker niya pa iyon. Ilang segundo ang pinaghintay dahil malamang na nagda-drive na iyon.
"Hello?"
"Gio! Uhm, we forgot to ask antipatiko's name kasi. Ano nga ulit?"
Nagsalubong ang mga kilay ko habang pinapanood itong makipag-usap kay de Silva.
"Elion."
"Ayon! Elion!"
"Yep. Elion Perez."
"Elion Perez. Okay okay. Thank you ulit at ingat ka sa pagda-drive."
"Thank you, Olive."
Napanganga ako. Olive? Wah!
"Pero wait," habol ni de Silva bago pa man mapatay ni Olivia ang tawag.
"Bakit?"
"Bakit ninyo nga pala siya hinahanap?"
"Eh, may kasalanan na naman kasi ang antipatikong 'yon dito kay Gigi, eh," mataray na ang boses na aniya.
"What? Ano namang kasalanan?"
"Natatanggal lang naman ang kaibigan ko sa trabaho ng dahil sa kanya."
"Ano? What do you mean? Ah, no no. Don't answer it. Sige na. Bye!"
"Okay. Bye."
"Bye."
Nakangiting tinapos ni Olivia ang tawag. Nabura ang ngiti niyang iyon nang makita ang nakangiwi kong mukha.
"Gio, we forgot to ask antipatiko's name kasi," maarteng pang-gagaya ko sa kanya. "Ano 'yon, Olivia Manalang?"
Hindi niya ako sinagot o pinansin man lang. Agad siyang luminga. Nang makakita ng estudyante ay agad niya 'yong hinarang at nagtanong kung kilala niyon si antipatiko. Naningkit ang mga mata kong nakasunod sa kanya ng tingin. I smell something fishy, isip-isip ko.
"Classmate 'yon ni antipatiko. Tara, naroon daw sila sa taas."
Hinila niya ako paakyat. May mga nakasalubong kaming estudyante na pababa naman. Hindi na namin kailangang maghanap pa kung saang classroom hahagilapin ang antipatikong bata na iyon dahil sa dulo ng pathway ay agad ko siyang namataan. Nakasandal ito sa dingding sa harap ng room at nakasampa ang mga braso sa pasimano niyon. Nakikipagtawanan pa ito sa mga kaharap.
Mabilis na bumalik ang inis ko nang makita siya. Matalim ang tingin ko at mariing naitim ang mga labi. Inalis ko ang pagkakahawak sa akin ni Olivia at mabibilis ang mga hakbang na nauna ng naglakad.
Unti-unting nabura ang ngiti ni antipatiko nang makita niya ako. Umalis pa ito sa pagkakasandal at namulsa. Maski ang mga kasama niya roon ay napalingon sa akin nang makalapit ako roon. Walang salitang hinila ko siya sa kwelyo at umalis sa kumpulang iyon habang hila ko siya. Rinig ko ang pagsinghap at ilang komento ng mga naroon. Nakanganga pa si Olivia at namimilog ang mga mata nang makasalubong ko.
"Let. Go. Of me." Dahan-dahan at mahinahon ngunit nagbabanta ang boses niya.
Sinunod ko lang ang utos niya nang makarating kami sa pagitan ng mga classroom. Mayroon doong isang malapad na lamesa at mga upuan, nagsisilbing tambayan ng mga estudyante at kasalukuyang walang tao roon. Tumigil ako sa paglalakad at pabalang ko siyang binitawan saka siya hinarap. Naroon na ang pagkayamot sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Hindi niya ako nilubayan ng tingin habang inaayos niya ang nagusot niyang kwelyo.
"Ikaw ang gumawa n'on, 'di ba? Ikaw ang nagpatanggal sa akin sa trabaho?" Mahina ang boses ko dahil kahit hindi ko alisin sa kanya ang tingin ko ay nakikita ko ang mga estudyanteng sumunod pa rin sa amin at nakiki-usyuso. Saglit na nilingon ko ang mga iyon. Umalis ang iba pero lumalayo lang naman ang ilan at mukhang ipagpapatuloy ang pakiki-usyoso.
"So?" ani antipatiko.
Umangat pa ang mga kilay niya. Para bang gusto niyang iparating na wala namang mali sa ginawa niya. Naalala ko na naman noong nagkabungguan kami. Ganitong ganito rin siya kung umasta. Na para bang wala siyang kasalanan.
"S-So?" Natatawang napasinghap ako. "Huwag mo akong ma-so-so diyan, antipatiko ka. Hindi mo ba alam kung gaanong kahalaga sa akin ang trabaho? Pero lagi na lang akong natatanggal dahil sa 'yo!"
Lumalakas na ang boses ko dahil hindi ko na mapigilan pa ang nararamdaman kong galit. Naalis ko na rin ang bag ko sa pagkakasabit niyon sa balikat ko. Isang maling salita nito, maihahampas ko talaga 'to sa kanya.
"So, gusto mong hayaan kong binubully at hina-harass ka ng babae na 'yon?"
"Dapat nga hinayaan mo na lang." Halos mangatal ang boses ko sa pagpipigil na maisigaw iyon. "At ano bang pakialam mo kung ma-bully ako, ha? Kahit makipagbasag ulo pa 'ko wala ka ng pakialam do'n. Bakit hindi ka na lang matuwang binu-bully ako ng iba, tutal parang gano'n din naman ang ginagawa mo sa 'kin."
"Hey, I never you bullied you, miss," pagtatanggol niya sa sarili.
"Hindi pa ba pangbu-bully 'yon? Pinatanggal mo ako sa trabaho ko! Hindi lang isa, kung 'di dalawang beses!"
Tuluyan akong hindi nakapagpigil. Naihampas ko na nga ang bag ko sa kanya. Malakas na tumama iyon sa kanyang braso na kinasainghap ng mga naroon kahit ni Olivia. Agad na nagsalubong ang mga kilay ni antipatiko pero walang sinabi, ni hindi ako kinagalitan sa ginawa ko.
"Hindi ko alam kung ano'ng galit ang mayroon ka sa akin para gawin mo 'to!" Nangatal ang boses ko. Kung hindi ako nakakapagpigil ay baka naiyak na ako roon dahil sa matinding galit. "Inaano ba kita, ha? Hindi pa ba sapat na pinatanggal mo ako sa convenience store!"
Muli kong inangat ang bag ko, handa ng pumangalawa sa paghampas niyon sa kanya pero agad niya 'yong nahuli.
"What do you want me to do, hayaan kong ginagano'n ka ng babaeng 'yon when I'm the one who help you find that job?"
Mabilis ang mga salita niya. Nang matapos ay natigilan siya na akala mo'y isang sikreto ang ibinunyag. Napapailing na pumalatak siya. Rinig ko rin ang marahas niyang buntong-hininga. Habang ako ay nakanganga at nanlaki na lamang ang mga mata. Bumagsak na lamang ang braso ko nang bitawan niya ang bag ko.
"Ha? Ano raw?" Rinig ko ang gulat ni Olivia.
Hindi makapaniwalang natitigan ko siya. "Ano'ng sinasabi mo? Ikaw ang ano?"
"Are you deaf?" yamot niyang tanong.
"Sinungaling! Si de Silva ang tumulong sa akin."
"Really," walang emosyong aniya.
"Talaga naman. Sige nga, kung ikaw talaga bakit mo naman gagawin 'yon? Eh, wala ka ngang ginawa kung 'di ipatanggal ako sa trababo!"
Hindi siya sumagot.
"Sumagot ka," pamimiliit ko.
Hinila ko ang laylayan ng sleeve ng polo niya nang tumagilid ito.
"Sabing sumagot ka, eh!"
Pero tumalikod pa siya lalo at parang ayaw akong harapin.
"Elion!"
Sabay kaming napalingon sa tumawag sa pangalan niya. Tumatakbo si de Silva at nang tumigil ito sa tabi ko ay napahawak ito sa mga tuhod habang hinahabol ang hininga. Ilang saglit ay tumuwid na siya ng tayo. Gulat na nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni antipatiko.
Nilapitan niya ito at may ibinulong dito. Tumango si antipatiko na ikinalaki ng mga mata ni de Silva.
"What? Why did you do that?" Mukhang hindi napigilan ni de Silva ang paglakas ng boses.
"Thank you pero labas ka na rito. Don't worry about it," ani antipatiko na tumatapik sa balikat ni de Silva.
Nagsalubong ang mga kilay ko. May pumasok na ideya sa isip ko habang pinapanood silang dalawa. "You help me find that job? At dahil kapatid ni Sir Eadan si Giovanni ay siya ang inutusan mong pasamahin sa amin para isipin kong siya ang tumulong sa akin."
Nilingon nila akong dalawa.
"Ganoon na nga," walang paligoy-ligoy na sagot ni antipatiko.
Natawa ako. Napapatingala pa. Pero seryoso ang mukha ko nang tingnan siyang muli. "May sayad ka ba? Pinatanggal mo ako sa convenience store pero ngayon sasabihin mong tinulungan mo akong maghanap ng bagong trabaho pero ikaw din ang nagpatanggal sa akin? At bakit mo ako tinulungan? Kasi nakonsensya kang ipinatanggal mo ako sa convenience store?"
"Think whatever you want, miss."
Akma niya akong tatalikuran pero agad na nahila ko siya sa damit.
"Huwag mo akong matali-talikuran. Hindi pa tayo tapos mag-usap. Ano'ng akala mo hahayaan ko na lang ang pagpapatanggal mo sa 'kin dahil lang sinasabi mong ikaw ang tumulong sa akin na maghanap ng trabaho!"
"Are you playing tag of wars? Why do you like pulling clothes so much?"
Rinig ko ang malakas na tawa ni Olivia. Matalim ang tingin na nilingon ko siya. Pigil ang tawa na tinakpan niya naman ang bibig.
Hindi ko binitawan ang damit ni antipatiko at mas lalo pang hinigpitan ang kapit doon.
"Paano na ako ngayon! Hindi mo ba alam kung gaanong kahirap ang maghanap ng trabaho. Kung hinayaan mo na lang kasi, hindi na sana ako natanggal sa trabaho."
Halos maiyak na ako. Ngayon pa lang ay inaalala ko na kung saan na naman ako maghahanap ng trabaho.
"Nagmagandang loob ka na rin lang hindi mo pa nilubos!"
Malakas na buga ng hangin ang pinakawalan niya. Parang sawang-sawa na siya sa pagmamaktol ko na mas lalo kong ikinainis.
"Bwisit ka kasi!" Akma kong ihahampas ang bag ko sa kanya.
"Okay, fine! I'll help you!" aniya kasabay ng pagsalo sa bag ko.
"Help me what!" Hinila ko ang bag ko at hinambaang ihahampas ulit sa kanya.
"Help you find job." Pero nahuli lang niya ulit.
Mas lalo naman akong nang-gigil. Muli kong hinila ang bag at inihampas sa kanya, pero sa pagkakataon na 'yon ay hindi na niya 'yon hinuli kaya tumama iyon sa balikat niya.
"Ouch!" Rinig ko ang pagdaing ni Olivia na akala mo'y siya ang tinamaan niyon.
"Huwag na dahil matatanggal din naman ako ng dahil sa 'yo!"
Muli ko sanang ihahampas sa kanya ang bag nang muli niya 'yong masalo.
"Eh, 'di sa akin ka magtrabaho!"
Natigilan ako. Ilang segundo bago ako natauhan. Hinila ko ang bag ko. "At ano namang trabaho?" Mas mahina na pero naroon pa ang tapang sa boses ko.
"Anything," aniya na nagkibit ng balikat.
"Pinaglololoko mo ba 'ko!"
Marahas na napakamot siya sa ulo. Alam kong yamot na yamot na rin 'to sa akin pero wala akong pakialam. Mayamot pa siya nang mayamot, mas matutuwa pa ako.
"Kung ano'ng gusto mo. Maglinis ng condo. Bahala ka. It's up to you. Tamang tama, my mom what's me to find someone who can help me with those."
Tinitigan ko siya. Inaarok kung totoo ang sinasabi niya. Pagkayamot lang ang nakikita ko sa mukha niya kaya hindi ko malaman kung nagbibiro ba siya.
"Sa palagay mo kaya nagsasabi 'to ng totoo?" bulong ko kay Olivia.
"Mahirap magtiwala diyan, eh."
Nakangiwi akong sumang-ayon sa kanya.
"Hey, I'm not lying okay? Ikaw na nga 'tong tutulungan," ani antipatiko na mukhang narinig ang pagbubulungan namin.
Humalukipkip ako. "Ang pa-sweldo, mayroon ka?"
Kahit nabanggit niya ang mommy niya sa usapan ay wala pa rin akong tiwala sa kanya. Mamaya niyan ginogoyo lang pala ako nito, eh. Tapos paaasahin lang ako na may trabaho tapos wala naman pala talaga.
"Ano'ng akala mo sa akin, poor?"
Hindi ako agad nakaimik. Parang may kung ano'ng tumusok sa puso ko dahil sa paraan ng pagkakasabi niya niyon. "Sorry, poor lang kasi ako," mahina at halos walang emosyon kong ani.
Nangunot ang noo niya. Marahil pinagtakhan ang reaksyon ko.
Tumikhim ako. "Sure ba 'yang trabaho na sinasabi mo?"
"Huy, magpakipot ka naman muna," bulong ni Olivia.
"Hindi na, Liv. Alam mo namang kailangan ko ng trabaho."
"Sure ka ba diyan?"
Tumango lang ako. Muli kong hinarap si antipatiko.
"Siguraduhin mong totoong trabaho 'to. Baka pinaglololoko mo lang ako, ha!"
"Oo nga," walang ganang aniya.
"Paano naman ako makasisigurong mababayaran mo ang trabaho ko?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro