Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9

Date

"Hi Quinn!" sagot neto sa telepono.

Binaba ko agad ang tawag at nag alinlangang nginitian siya.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. But at the same time, i'm angry.

Pero

Seriously!!? Kinikilig ako. Sinabunutan ko tong kasama ko na si Sab habang busy nag cecellphone.

Wala na. Nawala na galit ko sakanya.

"Aray! Baliw kaba!?" sigaw niya.

Napadungaw din siya sa bintana at nakita si Sean.

Sinabunutan niyako at pinag hahampas sa kilig.

"Omg Quinn! This is it! Mag kaka boyfriend kana!" sigaw niya.

Baliw ata to mas kinikilig pa saken.

Tumawa ako at mabilis na lumabas sa Bus. "Bye Sab!"

Bumaba ako sa Bus at nag lakad palapit kay Sean. Lumapit din siya saakin.

"Hi Quinn!" ngumisi siya.

"Ah-hm hello!" sagot ko. "Tara pasok muna tayo sa loob!" dagdag ko.

Tumango siya at sumunod saakin.

Pagkapasok ko ay nakita ko agad si mama na nag luluto.

"I'm home!" sigaw ko.

Napalingon saamin si mama at nanlaki ang mata nang makita si Sean.

Lumapit siya saamin at hinarap kami ni Sean. Ngayon at nakataas naman ang kanang kilay niya.

Omg i forgot. Ayaw nga pala ni mama na may pinapapasok akong ibang lalaki dito bukod kay Shawn.

"Who's this guy?" tanong ni mama at tinuro si Sean. Inirapan niya pa ito.

Ako bigla yung kinabahan for him.

"Manliligaw po ako ni Quinn, Good afternoon po Mrs. Del Mundo." magalang na sagot ni Sean.

Nagulat ako sa sinabi niya. MANLILIGAW!?

OMG OMG! parang kagaya nang dati, ganitong ganito yung kilig na naramdaman ko.

"Maupo kayo" masungit paring sabi ni mama.

"Magbibihis lang ako, wait mo lang ako diyan Sean." singit ko naman habang pinapaupo si Sean sa sofa.

Dali dali akong umakyat para mag bihis.

Anong susuotin ko!? Hmm.. Itong white kaya? Para classy? Or etong Black para elegant. Ahh etong red nalang para stand out.

Kinuha ko ang damit at isinuot. Red Dress lang matingkad ang kulay neto kaya kapansin pansin.

Agad naman akong bumaba at nadatnan ang ngayon ay nagtatawanang si mama at sean.

"Oh ayan na pala siya, ingatan mo anak ko ah?" sabi ni mama kay Sean habang nakangiti.

Anyare?

Tumayo naman si Sean at nginitian si mama "Syempre po, prinsesa ko to e." sagot naman ni Sean.

Napangisi ako sa isinagot ni Sean pero may nag echo sa utak ko na tawag saakin ni Shawn. "Quinn ko." reyna ako ni Shawn. Habng si Sean prinsesa. Urghh bat ko ba to iniisip. No need to compare them both! I love Sean! Period pa sa Period!

Lumabas kami nang bahay at inalalayan niya ako na pumasok sa sasakyan niya.

Hinintay ko siyang sumakay sa sasakyan. Pinag masdan ko siyang umiikot sa sasakyan para umupo sa driver seat.

"Uhm, paano kayo nag kausap ni mama? Masungit yon sa lalake e?" tanong ko agad sakanya nang maka upo siya.

"Binigyan ko siyang roses. In fact here's one for you too." iniabot niya saakin ang roses.

"Thank you Sean. " sagot ko.

Wala akong idea kung saan kami pupunta. Ayaw rin naman niyang sabihin para surprise daw. Basta ang alam ko, maligaya ako ngayon.

Nakatingin lang ako sa kawalan. Pinag mamasdan ang nadadaanan.

"We're here!" biglang sabi ni Sean.

Huminto kami sa harap nang isang malaking restaurant.

Wait.

Eto yung restaurant nila Shawn!

Bumaba agad si Sean at pinagbuksan ako nang pinto. Inabot niya ang kamay niya saakin at inalalayan akong bumaba sa sasakyan.

Parang gusto ko pang umatras. Shet!

Pumasok kami sa Restaurant nila Shawn. Hindi niya ba alam na kila Shawn ito?

Naupo kami sa isang malaking table. Magarbo talaga ito. May mga flowers pa at kandila.

Pinag masdan ko ang mga flowers. It's my favorite flowers. Sunflowers.

Napangiti nalang ako. Ang ganda talaga nang mga ito.

"Quinn what's your order?" tanong ni Sean saakin habang nakangisi.

6am palang at ayaw ko pang kumain dahil busog pa ako. Nag order nalang ako nang Salad at Strawberry Milk Shake.

Agad dumating ang order. Ganun sila ka convenient dito kaya malaki ang kita nila at hit na hit ang restaurant na ito. In fact, meron silang 14 branches neto sa luzon.

Tahimik lang kaming kumakain.

Nabasag ang katahimikan nang nagsalita si Sean.

"Quinn, alam mo ba? Na love at first sight ako sayo." Sinabi ni Sean out of no where.

"Ha? Hmm.." nahihiya kong sagot.

Ngumiti siya at nilapit ang kamay saaking mukha. Hinawakan niya ang gilid nang labi ko at pinunasan ang dumi sa gilid ng labi ko.

"You'll be mine soon." he smiled.

Naramdaman ko ang unti unting pamumula nang mga pisngi ko.

SEAN REID! UMAYOS KA!!

"Ah Hehe!" pabebe kong sagot.

Grr! Ayaw kong madaliin ang mga bagay bagay. Mag papadalagang filipina muna ko.

Itinuloy ko naman ang pag kain ko sa salad. At nakitang nag bukas ang pinto nang restaurant.

"Uyy Quinn and??" bungad ni Kim saamin. Nanlaki ang mga mata niya.

"I'm Sean" pagpapakilala ni Sean kay Kim.

Ngumiti si Kim sakanya. Agad naman siyang tumingin saakin at hinila ako patayo. Bumulong siya saakin.

"Eto pala yung Sean? Pshh mas gwapo naman kuya ko diyan!" bulong niya. Humalikipkip pa siya at nag irap irap pa.

Tumawa naman ako. "Uy ano kaba" sagot ko naman sakanya.

Bumukas ulit ang pinto at pumasok si

Shet!

Si Shawn.

Kumunot agad ang noo niya nang nakita kami. Mabilis siyang nag lakad palapit saamin.

Bawak hakbang niya palapit saamin. Shaks! It screams anger! Nakakatakot pa naman ang titig niya! Ahhh!

Huminto siya sa harap namin. Ang sama nang tingin niya.

Napailing ako.

Omg gulo ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro