Chapter 8
Chapter 8
Jealous
"Quinn can i ask you out for a dinner ?" tanong ni Sean.
Nabigla ako sa sinabi niya like WHAT THE F!?
"d-dinner?" tanong ko sakanya habang nakatitig siya saakin.
Omg diko alam gagawin ko!!
"Yes, just you and me." lalong tumaas ang ngisi niya.
Oh my goodness!! Mother of tokwa inaaya niya ba akong mag date!!?
"U-uhm!" pabebe kong sagot. Syempre magpapaka dalagang marangal muna ako no!
"Pede ba?" mahinahon niyang tanong.
OF COURSE PWEDE
"No!" hinagis ni Shawn ang naka box pa na cake saka umupo ulit sa pwesto.
Napatingin ako sakanya pero hindi niya ako nilingon. Nakatingin lang siya kay Sean habang naka kunot ang noo.
"S-shawn a-anong? " tanong ko
"Hindi siya pwedeng sumama sayo dahil may mag didinner siya saamin mamaya!" malamig niyang sagot habang nakatingin parin kay Sean.
Tinitigan din siya ni Sean.
Parang sa pag titinginan nila ay nag sasaksakan na sila. Mahaba naba hair ko? Hihi.
"May sinabi ba kong ngayon?" medyo tumaas ang tono nang boses ni Sean.
Nakita kong mahigpit na hinawakan ni Shawn ang ballpen na kanina pa niya nilalaro. Nakita kong kumuyom ang panga niya. Parang ilang menuto lang ay masasapak na niya itong si Sean.
"Hindi siya pwedeng sumama sayo!" sigaw ni Shawn.
Napatingin samin halos lahat nang mga kaklase namin.
"Shawn ano ba!?" sigaw ko naman.
Tumayo ako. Sinundan ako ni Sabrina at Chel.
I'm freaking annoyed.
"Quinnie aminin mo nga, ano ba namamagitan sainyong dalawa ni Shawn? " tanong ni Sab habang naka halukipkip.
"Wala!" pasigaw kong tanong. Inirapan ko siya at sabay tingin sa ilalim.
Nagtawanan sila ni Chel at parang nag hihintay pa sila na sabihin kong kami nga ni Shawn.
"Girls stop! We're friends! Urgh! Just friends! Alam niyo namang magkababata kami nun. Protective lang siya." sagot ko sakanila.
"Okay sabi mo e!" nag apir pa ang dalawa habang patuloy parin sila sa pag tawa.
Nakarating kami sa canteen na tahimik lang ako, habang sila naman ay nang aasar.
"Heyy girls!!" sigaw ni Kim sa hindi kalayuan habang lumalapit samin.
"Uy kim!" sigaw naming tatlo.
"Tara order na tayo saka na tayo pumunta sa tambayan hehe!" bungad niya samin.
Nag order kami at nag simula nang mag lakad papunta sa tambayan namin sa may garden.
Nag order lang ako nang Salad coz i'm on a diet. Samantalang ang mga kasama ko ay Chicken pa ang binili.
"Hoy kim alam mo ba tong bessy mo ang haba ng hair. Pinag agawan ni Sean and Shawn bwahaha" halakhak ni Sabrina.
Alam ba niyang nakakademonyo yung tawa niya?
Inirapan ko siya.
"What? Si kuya!? Omg so Sister in law pala kita ha? " sagot ni Kim. Tinakpan pa niya ang bibig niya at humalakhak.
Isa pa tong babaeng to.
"Wag nga kayo!" pag tataray ko sakanila.
"Ehem ehem speaking " singit naman ni Chel.
Napatingin kami kay Shawn na mabilis ang paglalakad palapit saakin.
"Quinn sorry kani--" naudlot na sabi ni Shawn.
"It's okay." tumayo agad ako at iniwan sila doon. Naiinis parin ako!
Bahala kayo diyan mag wawalk out ako.
Pagkatapos nang klase ay agad kong hinila si Sab paalis sa Class room.
"Uyy bye girls!" sigaw ni Chel habang kinakawayan kami.
Hindi na siya sasabay paawi dahil ihahatid siya ngayon nang kuya niya.
Naiinis pa ako kay Shawn at Sean. Talagang nag iskandalo pa sila ha?
Mabalis kaming naglalakad ni Sab papunta sa labas nang school nang biglang humarang si Shawn sa dinadaanan namin. Hingal na hingal na siya at pawis na pawis. Ang hot niya! Urghhh!
"Quinn galit ka ba?" tanong niya.
Hindi ako nakasagot dahil nakatingin lang ako sakanya. Ang hot niyang tignan omygulay.
Nang nag balik ako sa sarili ko ay nilagpasan ko lang siya.
Hindi pako nakakalayo at hinawi na niya agad ako. Hinila niya ang braso ko kaya napaharap ako sakanya.
"Quinn?" ulit niya.
"We need to go!" malamig ko namang sagot sakanya.
Inalis ko ang pagkakahawak niya saakin at hinila ulit si Sab palabas sa school.
"Ano ba yan Quinn napaka pabebe mong babae ka! Kanina mo pako hinihila bruha ka! Matagal narin naman kayong mag kakilala ni Shawn at mukhang gusto ka niya so bat hindi mo siya pag bigyan!?" reklamo ni Sab.
Inirapan ko lang siya at hinila ulit papasok sa school bus.
Urgghh
Pagkasakay namin sa bus ay hindi ko na nakausap si Sab. Ayon tutok na tutok na sa cellphone niya. Kausap boyfriend niya.
Nakatingin lang ako sa bintana nang bus, pinagmamasdan ang labas.
Mabilis na umaandar ang bus at tinitignan ko lang yung mga bahay na dinadaanan namin.
Nang bumagal ang takbo nang school bus namin dahil sa traffic ay nanlaki nalang ang mga mata ko nang nakita kong nakatayo si lola sa gilid ng kalsada. Nakatingin sakin habang nakangiti.
Umandar na ang sasakyan at nilagpasan na si lola pero sumisilip parin ako sa likuran para pag masdan siya.
Ringg ring
Tunog nang phone ko.
Omg muntik na akong himatayin sa gulat dahil sa tawag.
Tinignan ko ito. Isang unknown number ang tumatawag. Nag aalinlangan pa akong sagutin ito pero sinagot ko na rin.
"H-hello?" tanong ko at inilagay sa tenga ang cellphone.
Sakto namang huminto ang bus sa harap nang bahay namin. Tumingin ako sa bintana sa may harap nang bahay namin.
Nakita ko doong nakatayo si Sean habang may kausap sa kanyang phone.
"Hi Quinn" sagot nito habang kinakawayan ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro