Chapter 32
Chapter 32
Finale
Isang linggo ang lumipas at naka labas narin si Shawn sa hospital.
Naka harap ko na rin si Sean at kinumpirma niya ang lahat. We broke up. Of course.
Shawn and i? We're now together. Sino nga naman ang mag aakala na siya pala ang makakatuluyan ko?
Nandito naman ako ngayon sa libing nang best friend ko.
Ang sakit tanggapin. Ang hirap.
Yung trip nila papuntang La Union, naaksidente sila. Lahat sila na buhay, si Sabrina lang ang hindi nag survive.
Habang nilalakad siya sa huling hantungan niya ay nag babalik saaking alala. Lahat nang pinag samahan namin. Kung paano siya naging isang mabuting kaibigan.
Nakilala ko si Sabrina noong bata palamang kami. Nakakatawa nga iyong una naming pag kakakilala. Bata palang kasi kami non, umiiyak ako noon dahil ayaw na ayaw kong pumasok sa school.
Pero naalala ko, nung oras na humahagulgol ako sa iyak non. Niyakap niya ako sa likuran ko. Kahit hindi ko pa siya kilala non, gumaan ang loob ko. Ginanahan ang pumasok dahil nag karoon ako nang isang tunay na kaibigan.
Simula noon, pinag tatanggol na niya ako sa lahat nang nambubully saakin. Tinutulungan niya ako sa lahat. Tinuruan niya akong lumaban para hindi maapi nino man.
Malaki ang utang na loob ko sa best friend ko. Siya yung tipo nang taong mukhang mataray pero sobra yung naibibigay napag mamahal. Maging sa mga kaibigan niya.
Naka palupot ang kamay ni Shawn ngayon sa beywang ko.
Sobrang hagul gol ko sa pag iyak. Nag eecho sa utak ko yung last naming pag uusap. Yung last birthday greet niya saakin.
Andaya naman kasi neto! Ansabi niya mag kikita pa kami! Pero bat nya ako iniwan?
Nakaka taranta!
Linapit ko pa si Chel at Kim na ngayon ay hindi parin humuhupa ang pag iyak gaya ko. Nag yakapan kami.
I miss Sabrina.
I miss my Best Friend.
Ang sakit.
I hate that damn Unwanted Wish!
Pagkatapos nang libing ay kasama kong umuwi si Shawn.
"Oh? Ang pangit mong umiyak!" bigla niyang sabi saakin habang pinupunasan ang luha ko.
Loko loko to!
Sinabunutan ko na siya. Lakas nang trip!
"Arayy! Wag ka kasing umiyak! I love you!" sabi naman niya sabay pag taas baba nang kilay.
Lalo ko lang siyang sinabunutan sabay yakap sakanya nang mahigpit.
"Oh? Bipolar ata girlfriend ko? Kanina sinasabunot ako ngayon niyayakap ako, or baka chumachansing lang sa abs ko? Don't worry loves sayong sayo ang buong katawan ko." sabi naman niya sabay tawa.
"Jsqq sayoo! Manahimik ka ngaaa! Ang manyak mo!" sagot ko sabay hagalpak din sa pag tawa.
"Oh ayun na! Smile na siya!" natutuwa niyang sabi.
Hays! What will i do without Shawn?
Ngumisi ako at lalo siyang niyakap nang mahigpit.
"I miss Sabrina!" sabi ko habang nakayakap kay Shawn.
"Don't worry, i know she's happy kung nasan man siya. Atsaka siguradong sigurado ako na masaya yun ngayon!" natutuwa nyang sabi.
"Huh? Bakit naman?" nagtataka kong tanong.
"Kasi tayo nag katuluyan. I love you Quinn!" masigla niyang sabi.
I love you more Shawn!
Bago umuwi ay syempre, nag pag pag muna kami. Pumunta kami sa mall, syempre diretso kami sa restaurant nila doon.
Pag karating namin doon ay agad niyang tinawag ang isang staff nang restaurant.
"Another menu!" natutuwa niyang sabi sa Staff.
Ngumisi naman ang lalakeng staff.
"I'll call it QuiSha Dish." masigla niyang sabi sabay tingin saakin.
"Ano? Do you like it?" tanong niya saakin habang nakangisi.
Magka hawak ang mga kamay namin ngayon.
I smiled. "Bet na bet!" masigla kong sabi.
Iniangat naman niya ang magkahawak naming kamay at hinalikan ang aking kamay.
How sweet this boy naman.
Ilang saglit pa ay umalis na kami sa restaurant.
Bago lumabas nang mall ay pinuntahan muna namin ang isang Milktea Shop.
Of course binilhan niya ako nang paborito ko! The one and only, Cookies and Cream with Puff Milk Tea.
Pag karating sa bahay ay aba. Nauna pang pumasok saakin si mokong.
Agad siyang sinalubungan ni papa.
Jsq sila ata mag jowa e?
Nag stay lang kami nang ilang saglit sa bahay. Nang mag gagabi na ay kailangan naring umalis ni Shawn.
"Quinn, dito nalang ako matulog please?" pag mamakaawa ni Shawn saakin.
"Baliw! Hindi pwede! Baka ano pang gawin mo no!" sagot ko sakanya.
"Ang sama mo naman saakin!" sabi niya sabay pout.
Psh pa cute pa to!
Ilang saglit pa ay wala na siyang nagawa kaya't umalis na siya at umuwi.
Still can't believe it. Shawn and i were together. And Sabrina was gone.
Before i sleep, i texted Sabrina.
Kahit hindi na niya mababasa.
"Hi sister ko! This day, tuluyan na kitang hindi nakita. Nakakamiss ka ah! Sayang lang hindi mo na kami makitang mag kasama ni Shawn. I love you sister ko!"
Bago ako matulog ay bumuntong hininga ako.
Unti unti nang nandilim ang paligid sa pag pikit ko, hindi pa ako nakakatulog.
But i immediately woke up.
Pag ka bukas nang mata ko ay isang punting ding ding ang nakita ko.
Tumingin ako sa paligid at nakita si mama na nakaupo sa tabi.
"Anak you woke up! Nurse! Nurse! " sigaw ni mama.
Pinag masdan ko ang paligid.
Until i realized.
Nasa hospital ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro