Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Chapter 31

Revelation

Pagkatapos ay kumain lang kami nang cake bilang almusal.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang isipin ang consequence.

Habang seryoso ako sa pag iisip ay napatalon nalang ako sa gulat nang nag ring ang phone ko.

Si Sab tumatawag..

Biglang bumilis ang tibok nang puso ko. Baka kung anong masamang bagay na ang nangyari.

Agad kong sinagot ito habang nanginginig pa ang mga kamay ko.

"S-sabrina!? Okay kalang? " bungad na tanong ko agad sakanya.

"Huh!? Okay lang syempre! Gusto lang kitang batiin nang happiest birthday!! Happy happy birthday Quinn!! Sadly i won't be able to see you today may family vacation kasi sa La Union eh! But kauwi ko babawi ako!" maganang sabi ni Sab.

Napabuntong hininga ako. Buti nalang at walang nangyaring masama.

"It's okay! Thank you! See you!" sabi ko naman sabay pag patay sa telepono.

Umabot na nang tanghali pero buti nalang at wala pang masamang nagyayari. Baka joke lang yun? Sobrang nababalisa na ako.

Para malibang ay nag laro nalang ako nang Fire boy and Water girl.

Yung larong lagi naming nilalaro ni Shawn. I miss him.

Habang nag lalaro ay biglang nag ring ang phone ko.

This time, sobra na ang kaba ko. I feel that something's not right about this call.

Sinagot ko nalang ito agad. Hindi ko na tinignan kung sinong tumawag.

"Quinn! We need you here! Please! Please! Please! Kuya needs you! Please! Come as soon as possible! Please!" nag mamakaawang sabi ni Kim habang humahagulgol sa pag iyak.

Dahan dahan nang pumapatak ang mga luha sa mga mata ko.

Si Shawn..

Dali dali akong lumabas at nag pahatid kay papa papuntang hospital, hindi ko na sinabi sakanya na si Shawn ang nahospital baka himatayin pa siya.

Pag kapasok ko sa hospital ay agad akong sinalubungan ni Kim at niyakap habang umiiyak.

"S-si kuya!" sumisigaw niyang iyak.

Dali dali naman kaming tumakbo. Sakto at naoperahan na si Shawn. Ang sabi nang doctor saamin ay maaaring hindi na raw magising pang muli si Shawn.

Eto yung ayaw na ayaw kong mangyari.

Pag kakita ko sa katawan ni Shawn na tahimik na natutulog sa kwarto nang hospital ay napa hagulgol agad ako sa iyak. Andaming naka saksak sa katawan niya na kung ano ano.

Agad akong lumapit sakanya at niyakap siya.

"Shawn i'm sorry, i'm really sorry, hindi kita napag laban, naging duwag ako, please Shawn! Don't leave me! Mahal na mahal kita! Please Shawn." pag mamakaawa ko kay Shawn habang humahagulgol sa pag iyak.

Inawat nalang din ako ni Kim at ni Ate Alyana.

Pinakalma nila ako at pinaupo.

"Kim, pwede mo ba muna kaming iwan ni Quinn dito?" sabi ni Ate Alyana kay kim.

Tumango tango naman si Kim at lumabas sa room.

"Quinn, i have to tell you something." seryosong sabi ni Ate Alyana.

Tumango naman ako.

"About.. About Sean, everything that has happened to you and him is all just a dare from our gang, and Shawn knew about this, that's why pilit niyang nilalayo si Sean sayo, Sean doesn't like you, but Shawn did. Ayaw niyang sabihin sayo ang nalalaman niya dahil alam niyang masasaktan ka, dahil alam niyang mahal mo si Sean." pag papaliwanag niya.

Lalo lang akong humagulgol sa iyak.

Si Shawn, he's always there for me. Pinag tatanggol ako.

"And that day sa mall. I was there, kung saan nadatnan mong pinag susuntok ni Shawn si Sean, but it is because Coleen, nung umalis ka ay siya namang pag pasok ni Coleen sa restaurant. And she immediately kiss Sean. Nakita iyon ni Shawn kaya't hindi na niya napigilan ang sarili niya." pag papaliwanag ni Ate.

"Oh heto. Nakita ko yan sa table niya. Mukhang ikaw nilalaman niyan." iniabot ni Ate ang sulat na agad ko namang dinampot.

Umiyak ako nang umiyak lalo pa noong binabasa na ang sulat. Or more like a diary.

October 15, ito ang pinaka malungkot na araw sa buhay ko. Quinn, dumped me.

October 16, gustong gusto ko siyang kausapin but i can't. Gusto kong magalit sakanya but i simply can't. I love her so much. Walang nag bago.

October 21, i found out na sila na ni Sean. It fucking hurts!

October 27, nag start ang practice sa intrams, nag kaayos kami. Sobrang saya ko!

October 32, nalalapit na ang pageant. Lalong nag close kami ni Quinn. Sobrang saya. Nakaka puta lang tong gagong si Sean. I badly want to throw him sa bulkan dahil sa pag suntok niya sa pinakaaalagaan ko.

April 12, nakita ko si Coleen na hinalikan si Sean nang umalis si Quinn. Fvck! Tuwang tuwa pa si Sean? I punched him! But Quinn chose him.

April 14, bukas na yung birthday nang pinaka mamahal ko. I'll suprise him.

Humagulgol lang ako sa iyak at the same time natutuwa sa mini diary ni Shawn. Inis na inis ako kay Sean! Gusto ko siyang puntahan ngayon para komprontahin pero hindi ko kayang iwan si Shawn sa gantong lagay.

I won't leave him.

Not anymore.

Linapitan ko si Shawn at muling niyakap.

"Sorry Shawn, sorry naging tanga ako. I always loved you pero pinili ko si Sean na dati pa ay niloloko na ako, sorry and thank you. Thank you sa pag tatanggol mo sakin. Thank you for being my friend, thank you for being my knight and shining armor. Sorry sa mga oras na hindi kita nakasama. Just please! Wag mokong iwan. I love you Shawn! I love you!" humahagulgol kong iyak.

Nagulat nalang ako nang biglang may humahaplos sa buhok ko.

Napalingon ako sa gwapong mukha ni Shawn.

Naka mulat na ang mga mata niya habang nakangisi.

That smile, yung ngiting nakakapag pagaan nang loob.

"You love me ah?" sabi niya at tumawa nang mahina.

Napa tanga nalang ako.

Yes Shawn! I love you! I love you!

Ngumiti nalang ako at hinalikan siya.

I love you Shawn! So much!

Nang kumalas na ang halik namin sa isa't isa ay tinapik ko nang mahina ang dibdib niya.

"Wag mo nang gagawin ulit yon!" sigaw ko sakanya habang pinupunasan ang mga luha.

"You know? I was saved by your lola." sabi niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko.

"B-but she's."

"I know, she's dead. But i clearly saw her face, she saved me. Tumatawid ako sa daan, nakita ko ang lola mo sa kabilang kalsada, nagulat ako at tinitigan siya, nang biglang may truck na dumaan. Bago pa ako mabundol ay itinulak niya ako. Napahandusay lang ako sa daan at nauntog ang ulo kaya dinala agad ako sa hospital." pag papaliwanag ni Shawn.

Niyakap kong muli si Shawn. Thank you lola! Thank you!

Bigla namang nag ring ang phone ko.

Masigla ko itong sinagot.

"Hello? Chel?" sagot ko sa telepono.

"Quinn! S-sabrina, she's dead!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro