Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Chapter 3

Nakaraan

"Happy Birthday Quinn" sabi ni lola bago ako tuluyang mapa pikit dahil sa hilo.

ringg ringg

tunog ng alarm clock ko.

kinusot ko ang mga mata ko at pinag masdan ang paligid.

Nananaginip nanaman ba ako?

Bumangon ako at pumunta sa parte nang kwarto ko kung saan may salamin.

Pinag masdan ko ang sarili ko. Mukha atang bumanata ako. Weird.

"Quinn! mag ayos ka na first day nang klase at baka malate ka pa!" sigaw ni mama.

kumunot ang noo ko sa narinig ko. first day of class? eh kakatapos lang ng school year.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan nang kwarto ko.

Tumunga nga ako. Pinagmasdan ko ang paligid. Nag iba iyong ayos nang bagay namin. Parang yung ayos nito q year ago pa.

Habang lingon lingon ako sa paligid ay saka naman kinaway kaway ni mama ang kamay niya sa mukha ko.

Napakurap kurap akong tinignan si mama.

"Oh ano? paliliguan pa kita? maligo ka nang bata ka!" sigaw niya nang nakita niya akong nag mamasid sa paligid.

Itinaas ko ang kilay ko habang nag isip isip sa mga pangyayari.

Hindi kaya't?

Nasa kalagitnaan palang ako sa pag baba ko sa hagdan ay agad ulit akong nag badyang umakyat pabalik sa kwarto para tignan ang kalendaryo.

June 04

kinusot ko ang mata ko at tinignan ulit ng maigi ang petsa ngayon.

April ang birthday ko at kahapon birthday ko. How come June 4 ngayon? Unang araw nang pasukan.

naguguluhan ako sa mga panahong ito pero isa lang ang pumasok sa isip ko si lola.

bumaba agad ako para hanapin si lola.

"Oh ano ba--" naudlot na panenermon nanaman ni mama.

"Mom where's lola?" singit ko. Habang hinihingal pa ngayon.

"Quinn, halikat umupo sa tabi ko" sabi naman ni lola na ngayon ay naka upo sa sofa.

hindi ko siya agad nakita. agad naman akong lumakad palapit sakanya. i need to figure out what the heck is going on!!

"Lola what's --" naudlot kong sabi

"Hindi ba ito ang hiniling mo" sagot ni lola.

nanlaki ang mga mata ko nang narealize ko ang lahat.

it was my birthday wish!!

nag balik ako sa panahong una kong nakilala si Sean.

Dali dali akong tumakbo paakyat.

Nang maka hakbang ako sa unang platform nang hagdan ay napahinto ako at sinilip si lola sa sofa.

Pero nawala siya.

Nakita ko namang nag katinginan lang si mom and dad na para bang litong lito sila.

Where did lola go? Nahihibang nanaman ata ako.

agad akong nag bihis at tumakbo papunta sa harap ng bahay namin.

hindi na ako nag almusal. useless! wala na akong ibang naisip kundi pagka mangha sa nangyari.

Hindi ako nanghinayang. Tama ang hinala ko. Dumating ang school bus para sunduin ako.

Nag kibit balikat ako bago humakbang papasok sa school bus.

Pagkapasok ko ay nakita ko agad si sabrina.

kumaway siya saakin at sinenyasan akong umupo sa tabi niya.

ganitong ginto ang pagkakaalala ko sa first day ko sa school. it was like a dream.

Hindi parin ako makapaniwalang nag balik ako sa past. Muri kong kinurot ang braso ko. Nasaktan ako. Hindi pwedeng panaginip nga ito.

ilang sandali pa ay pumasok naman sina Chel at anderson sa school bus. ugh ang dalawang sikat na couple sa school.

Si Chel ay isa kong matalik din na kaibigan. Pero sa ngayon, kung totoo ngang nag balik ako sa past. Hindi niya pa ako kilala.

umupo silang dalawa sa harap namin ni sab habang nag haharutan.

umirap naman ako. "gurlll pag papalit karin ng kumag na yan" bulok ko.

"What did you just say!?" sigaw ni chel sakin.

opss narinig niya ata.

"u-hm wala wala sorry" mainhin kong sinabi at umiwas nang tingin sakanya.

inirapan naman niya ako at ipinagpatuloy ang pag lalandi sa boyfriend niya.

sinulyapan ko naman si sab na ngayon ay busy sa pag seselpon.

"Pangiti ngiti kapa ah? baka mamaya malaman mo nalang jowa na niya yung pinsan mo" pabiro kong sabi.

hindi niya ako narinig dahil busy siya sa pag seselpon.

natatawa nalang ako. naalala ko kasi nung araw na nag hiwalay sila ng bf niya dahil nalaman niyang may something sakanila ng pinsan niya.

madaling araw non pinuntahan niyako sa bahay na iyak na iyak.

maya maya pa ay nakarating na kami sa school.

ahhh good old days.

Pagkapasok ko sa klase ay bumungad saakin ang mga tahimik kong kaklase. Syempre first day. Hiya hiya pa sila.

umupo ako sa upuan kung saan ako umupo dati. parehong pareho sa kung paano ang naaalala ko.

katabi ko sila shawn at sab.

nasa kanan ko si sab at sa kaliwa naman ay si shawn.

mayaman sila shawn kaya hindi na siya nag school bus dahil may sarili na siyang sasakyan. dahilan para hindi kami mag sabay papasok sa school.

"Hey Quinn, knock knock" biglang sabi ni shawn.

wala paman ay natatawa na ako dahil alam ko na ang sasabihin niya.

"who's there? " sagot ko naman.

"i love you" sabi niya.

napatawa lang ako hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil sa kakornihan niya.

he's really sweet.

Napalingon ako sa harapan nang class room at nakita ang pag pasok nang mataray na si Mrs. Medina.

pero mayroon pang isang bakanteng upuan sa harap ko.

"Sorry mam i'm late" sabi ni Sean.

at doon ko nakompirma na nagbalik ako sa nakaraan.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro