Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Chapter 25

Care

Kinabukasan ay maaga akong nagising, pinatulog ako ni Shawn sa kama niya samantalang siya naman ay natulog sa sofa.

Pagkabukas ko palang sa pintuan nang kwarto ni Shawn ay nakaamoy na ako nang pagkain.

Bigla namang nag bukas ang pintuan sa kwarto ni Kim.

"Quinn! Gising kana! Kauwi ko kahapon tulog ka na, nabalitaan ko narin ang ginawang kagaguhan sayo ni Sean, okay kana ba?" pagbungad saakin ni Kim.

"Oo okay lang, medyo masakit sakit lang." sagot ko naman.

Sa katunayan nag pasa yung suntok niya, pero buti nalang at hindi gaanong malaki, pero ramdam ko parin ngayon yung sakit at kirot.

"So ano? Break na kayo?" tanong naman ni Kim.

"A-ahmm no! B-baka kasi nagulat lang siya kahapon, baka h-hindi niya sadya." sagot ko naman sakanya.

Alam kong nasaktan ako ni Sean pero handa akong mag patawad para sakanya.

"Nako Quinn, pagibig nga naman. Ginagawa tayong tanga." sagot ni Kim sabay buntong hininga.

Napayuko nalang ako sa sinabi niya.

"Wait! Halika rito dali! May gagawin ako!" bigla naman niyang sabi.

Parang kanina lang eh sinesermonan na niya ako, ngayon naeexcite excite pa siya.

Sinundan ko nalamang siya, well wala akong choice, hinila niya ako eh.

Pinaupo niya ako sa kama niya atsaka siya kumuha nang kung ano sa bag niya.

"Tadaaaaa!" bigla niyang sabi.

Kinunutan ko siya nang noo.

"Ano nanaman yan?" sagot ko sakanya habang nakataas ang kanang kilay ko.

"Shunga ka ba? Make up! Para di halata yang bugbog mo!" sagot niya.

Bumuntong hininga nalang ako sabay inisnab siya at pumikit.

Naramdaman ko naman ang pag takbo niya palapit saakin.

"Kim! Dahan dahan! May bugbog yang mukha ko!" sigaw ko sakanya.

"Wag kang stress diyan! Keri ko to." sagot niya sabay pag lagay nang make up sa mukha ko.

Inpernes sakanya ah! Hindi ako nasasaktan, super gaan nang kamay niya. Pero naramdaman ko rin na may nilagay siya sa labi at kilay ko. Pinag titripan ata ko neto.

"Okay! Done!" maligaya niyang sabi.

Dahan-dahan ko namang binuksan ang mga mata ko at humarap sa salamin.

Wow!! Ang blooming ko tignan!

Nilingon ko si Kim at pinanliitan nang mata sabay ngisi sakanya. Tumawa naman siya.

Sabay kaming bumaba papunta sa kusina, habang palapit kami sa kusina ay napansin ko ang mga pics na naka display sa bahay nila.

May family pic sila doon, meron din naman yung silang tatlo lang na nag kakapatid.

"Asan sina ate Alyana at yung mom and dad nyo?" tanong ko kay Kim.

"Nag travel sila, may business kasi sila papa sa korea, kaya ayun nakisama si Ate Alyana. Wait how did you know her?" sabi naman ni Kim.

"Ahm, nakita namin sila ni Shawn nun, kaibigan pala sila ni Sean eh." sagot ko naman.

Tumango tango naman si Kim bago sumagot.

"Ahh oo nga pala, may gang kasi sila Ate at sa pag kakaalam ko halos lalake sila doon at kasama nga si Sean, 'Black Birds' ata yung gang nila." sagot naman ni Kim.

Black Bird? Diko alam yun ah. Walang nasabi saakin si Sean about dun.

Dumeretso naman kami sa paglalakad papunta sa kusina.

Wait, so if si Kim at Shawn lang ang nandito, ibig sabihin si Shawn ang nagluluto nang mabangong pag kain. Napaka Caring naman niya. Actually silang dalawang mag kapatid.

"Ay naiwan ko phone ko sa taas, wait lang! Puntahan mo muna si kuya." sabi naman ni Kim sabay takbo paakyat.

Dumertso naman ako sa kusina.

Pusang galaaaaa!!!

Nadatnan ko si Shawn na nag luluto. Girl wala siyang saplot pang itaas! Tekaaa! Omg! Ang hot niya! Ang ganda nang katawan niya! Omg omg! Eto yung tipo nang lalake na masarap yakapin habang nag luluto omg.

Pinag masdan kong maigi ang katawan niya! Shet! Paradise! Ang puti niya and ang tangkad! Bonus pa na sobrang gwapo niya at napakaganda nang katawan niya! Overall, perfect! Omg omg.

Sa sobrang tulala ko sa pag tingin sakanya ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya.

"Oh ano? Gutom kana? Kain kana." sabi naman niya habang hawak hawak ang pinggan na may pagkain.

Naka baba ang hawak niya sa pinggan kaya't napatingin ako sa abs niya. Wth! Sobrang lapit ko ngayon sa abs niya shete!

"Bat mo tinititigan? Gusto mo no? Kainin mo na." bigla niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pag init nang pisngi ko. Wth! Shawn!!!

Tinignan ko naman siya, jsq po! Nag smirk pa siya!

"A-anong k-kainin?" nauutal kong tanong.

"Yung hotdog! Kanina mo pa tinitignan e, kainin mo na! Masarap yan, ako nag luto diyan." sagot niya habang naka ngisi.

Napatango tango naman ako. Hindi ko mapigilang pag masdan ang pinag papawisan niyang katawan. Shet!

"A-ah! Oo! Haha, mukhang masarap." sagot ko sabay daplot sa hotdog at sinamol nang buo.

Pakshet ang inet!

Tumalikod ako at nagsitalon talon! Bakit ko kinain nang buo yun!? Ang inetttt!!!

Humagalpak naman sa tawa si Shawn. "Bat mo kasi kinain nang buo? Bagong luto yan e." sabi niya habang tumatawa.

Hinarapan ko siya at pinalo ang braso niya. "Buset kaa!! Huhu!" sagot ko sakanya nang malunok ko na ang mainit na hotdog.

"Halatang natataranta ka ah? Dahil ba yan sa abs ko?" sabi niya sabay pag taas baba nang kilay niya.

Potekkkk staphhett!!

"A-ha!? Pinag sasabi mo!" sagot ko sakanya saka ko siya inisnaban sabay pag talikod sakanya.

Sakto namang nakabalik na si Kim.

"Oh? Nag ka inlove-an na ba?" pang aasar pa ni Kim. Ihhh omg!!

"Yang best friend mo eh, sobrang na attract sa abs ko, ayan tuloy sinubo yung mainit na hotdog." pang aasar ni Shawn.

Sabay naman silang nag sitawanan.

Kung anong kina caring nila, ganun din sila kalakas mang asar.

------

Author's Note..

MALAPIT NA MATAPOS HAHAHA! kapit lang.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro