Chapter 24
Chapter 24
Abuse
"Shawn Carter!! Halika rito! " sigaw ko kay Shawn habang siya naman ay paikot ikot sa kama ko.
Kaasar hindi ko siya mahuli, pag nahuli ko to titirisin ko siya na parang kuto!
"Shawnnnn!! " sigaw ko dahil sa inis na hindi ko siya mahuli huli.
Langya kasi to! Sinagot ba naman yung tawag ni Sean tapos pagsusungitan niya! Paniguradong mag aaway kami neto ni Sean.
"Oh ano darling ko? Pagod ka na ba? " pang aasar pa niya habang humahaglpak sa tawa, eto naman ako hingal na hingal.
Hinagis ko naman ang unan sakaniya. Buti nalang at sapul siya sa mukha. Humagalpak naman ako sa kakatawa.
"Hahaha! Buti nga sayo! Natamaan din kita!" pang aasar ko sakanya.
"Matagal nakong natamaan sayo Quinn." sabi naman niya habang nakangisi.
Wthh!! Hoyyy kinikilig ako. Ay joke. Hinde. Ano ba tong nararamdaman ko? Shawn ano ka ba! Nag balik na nga talaga si Shawn. Parang mas gusto ko na ata yung hindi niya ako pinapansin at iniisnab isnaban lang ako kesa sa pinapakilig ako. Pero argh! Hindi ako kinikilig ah? Kay Sean lang ako kikiligin. Period.
"Haynako! Balakanga!" sabi ko naman sakaniya. Tinalikuran ko siya at naupo sa kama. Tumawa naman siya nang bahagya.
"Ang cute mong kiligin." mahina niyang sabi.
Napalingon naman ako sakaniya.
"A-ha?" tanong ko sakaniya.
"Habang buhay kitang mamahalin ayiee!" pang aasar naman niya.
Pereng sere to. Heleken kete deyen e
De joke may boyfriend ako.
Kumunot ang noo ko at pinanliitan ko siya nang mata.
Maya maya pa ay lumapit siya saakin. Finally! Sinabunot ko siya. "Aray ko!!" sigaw naman niya. Buti nga sayo.
Kinalkal naman niya ang bulsa niya at kinuha ang panyo niya, pinunasan niya ang pawis sa mukha ko. Grabe kaseng takbuhan ginawa namin. Ayaw niyang mag pahuli. Hiningal tuloy ako at naligo sa pawis.
Habang pinupunasan niya ang pawis ko sa mukha ay bigla naman niya itong diniin.
"Aray! Ano ba?!" reklamo ko sakanya.
"Ikaw na mag punas sa pawis mo, naaattract ako sayo pag pinagpapawisan ka." sabi niya.
Tumayo siya at pumunta sa tabi nang computer table ko at inilagay ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa niya.
"Baliw ka talaga no? Ano niyan sasabihin ko kay Sean!? Aish!" reklamo ko sakanya habang dinadial ang number ni Sean.
Tumawa lang siya nang bahagya at naupo narin sa kama sabay hablot sa laptop ko at ipinag patuloy ang pag lalaro.
"Sean? A-hm," sabi ko kay Sean nang sinagot niya ang telepono.
"Kita tayo sa park ngayon na." maiksi niyang sabi.
Agad naman akong tumayo at nag ayos.
"San ka pupunta?" tanong naman ni Shawn.
"Aayusin yung ginulo mo baliw!" sagot ko sakanya sabay pagkaripas nang takbo palabas.
Tinakbo ko lang ang saamin hanggang sa park dahil hindi naman ito kalayuan saamin.
Pag karating ko roon ay agad kong nakita si Sean na ngayon ay naka upo sa may bench sa hindi kalayuan.
Tumakbo agad ako palapit sakanya.
"Sean, kanina ka pa ba?" mainhin kong tanong sakanya.
"Bakit kasama mo yung gung gong na yon?" seryoso niyang sabi.
Biglang bumilis ang tibok nang heart ko. Nakakatakot si Sean ngayon.
"A-ah kasi si papa--" naudlot kong sabi.
"Ano? Kampi siya sakaniya? Edi sabihin mo sa papa mo na jowa mo'ko! Tanga ka rin pala eh!" pasigaw niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tinawag niya akong tanga. Parang pinag tusok nang karayom ang puso ko.
"S-sean kasi--"
"Wag ka nang makipag usap kay Shawn kahit kailan." malamig niyang sabi.
"Pero Sean, kaibigan ko si Shawn." kontra ko naman.
"Wala akong pakialam! Stop talking to him!" pasigaw nanaman niyang sabi.
"Pero--"
The next thing i know ay naka handusay na ako sa lupa.
He punched me in the face.
"Puta bat ba kasi ang kulit mo!" sigaw niya saakin.
Ni hindi man lang niya ako tinulungang makatayo.
Medyo nahihilo na ako ngayon, nakikita ko ang mga tao na pinag titinginan ang nangyari.
Napatingin naman ako kay Sean.
Bigla nalang sinuntok siya ni Shawn. Napahandusay sa lupa si Sean, pero patuloy parin sa pag bato nang malalakas na suntok si Shawn sa mukha ni Sean.
Pipigilan ko sana siya kaya tumayo ako ngunit dahil sa hilo ay tuluyan akong napahandusay sa lupa.
Pag kamulat nang mata ko ay nasa isang royal blue ako na kwarto.
Is this Shawn's room?
Agad naman lumapit saakin si Shawn nang makita ang pagmulat nang aking mga mata.
"Quinn! O-okay kana ba? May masakit ba sayo? Gag* ata yung mukong na yon! Kung hindi lang ako inawat kanina sigurado hindi na humihinga ngayon yun!" bungad saakin ni Shawn.
Nakatulala lang ako. Hindi ako makapaniwala na nagawa saakin ni Sean yon.
"Don't worry, alam kong ayaw mong ipaalam sa papa mo ang nangyari kaya nag dahilan nalang ako sakanya para dito ka na muna mag stay, tutal malakas naman ako sakanya." sabi ni Shawn habang nakangisi.
Somehow, gumaan ang pakiramdam ko sa ngiti niya. I'm so happy i have him.
"T-thank you Shawn." mahina kong sabi.
"Ang bait ko no?" sabi naman niya sabay pag hagalpak sa tawa.
Napatawa naman ako sakanya habang maluha luha.
"Seriously thank you Shawn!" ulit ko sakanya, but this time bumubuhos na ang luha ko.
Niyakap ko siya nang mahigpit at umiyak lang nang umiyak.
"Ang sakit Shawn! Hindi ako makapaniwala! Sobrang sakit!" pag hagulgol ko sa iyak habang nakayakap sakanya.
Tinatapik tapik naman niya ang likuran ko.
As of now, napakagaan nang loob ko.
What will i do without him?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro