Chapter 23
Chapter 23
Closer
"Quinn hatid na kita." sabi saakin ni Sean habang nakangisi.
Nag kibit balikat ako. "Ahm susunduin kasi ko ni papa ngayon eh, naka off kasi siya sa work ngayon." sagot ko.
"Ah okay sige." sabi naman niya, bakas sa mukha niya ang kalungkutan.
Tumalikod siya at nag lakad paalis, eh kasi susunduin talaga ko ni papa ngayon naka off siya sa work eh.
Nag ligpit na ako nang mga gamit na ginamit ko sa pag papractice. Nakakapagod pero sobrang nag eenjoy ako. May future ata ko sa modeling hehe.
"Argh asan na ba yung panyo ko?" pag rereklamo ko nang hindi ko mahanap ang panyo ko.
Importanti saakin iyon eh! Bigay pa iyon ni lola saakin.
Sinuot ko ang bag ko at nagkaripas nang takbo papuntang canteen, baka naiwan ko lang doon.
Ayun! Buti nalang walang kumuha. Hinablot ko ang panyo at dali daling tumakbo palabas, nag cacall na papa ko eh, baka kanina pa siya nasa labas.
Nilapitan ko ang kotse malapit sa school namin. Binuksan ni papa ang bintana nang kotse.
"Jusmeng bata ka kanina pako nag hihintay sayo!" reklamo ni papa.
"Sorry pa! Naiwan ko kasi yung panyo na binigay ni lola, binalikan ko pa. " sagot ko.
Bago paman ako makapasok sa kotse ay napa dungaw si papa sa likoran ko.
"Shawn! " sigaw niya sabay kaway.
Napalingon naman ako sa likod. Naroon si Shawn sa hindi kalayuan. Ngumiti siya at kinawayan din si papa sabay lapit saamin.
"Tito! Long time no see po!" pag bati ni Shawn.
"Oo nga, eh hindi kana pumupunta sa bahay eh! By the way tawagin mo nalang din akong papa, parang anak narin naman kita." sagot naman ni papa.
Sabagay, close rin naman kasi talaga sila papa at Shawn. Kaya nga gusto niya kami ang mag katuluyan ni Shawn. Grr.
"Ah sige po tito-- i mean, papa pala hehe." sagot naman ni Shawn sabay pag gulo sa buhok niya.
"Oh halika punta ka muna sa bahay." pag aya naman ni papa kay Shawn.
So ayun, ending nauna pa siyang pumasok sa sasakyan kesa saakin.
Nakaupo ako sa front seat, si Shawn naman nasa likod habang si papa ang nag dadrive.
"Oh, kamusta panliligaw mo sa anak ko? " biglang tanong ni papa.
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Arghhh papa naman! Ang awkward!
Napaubo naman si Shawn bago mag salita.
"A-hm may--" nahinto ang pag sasalita niya nang pinanlakihan ko siya nang mata sa salamin. Bawal malaman ni papa ang tungkol saamin ni Sean mayayari ako.
"May? " tanong naman ni papa habang nakangisi, parang hinihintay niya talaga yung sasabihin ni Shawn.
"Ahm i mean focus po muna kasi kami sa studies namin eh." pag papaalam naman ni Shawn.
Good save! Huhu kinabahan ako don.
Tumango tango naman si papa.
Kauwi sa bahay ay nag miryenda lang kami saglit. Katapos, sila papa at Shawn naman ay nanood nang basketball.
Namiss ata nila isa't isa.
Since wala naman akong hilig diyan eh umakyat na'ko sa taas at pumunta sa kwarto.
Pag kaupo ko sa kama ay kinuha ko agad ang laptop ko para mag games. Nakakainip eh.
Pero actually pag katapos nang pag aaway namin ni Shawn at ang pag iiwas niya saakin, hindi na ako nag expect na makakapunta pa siya rito sa bahay.
Super favorite ko talaga tong game na'to sa Y8 kahit pinag lumaan na. Kahit nung bata pa ako nilalaro ko na tong fire boy and water girl eh lagi namin tong nilalaro ni Shawn noon. Ako lang mag isa ngayon ang nag lalaro, pareho kong kinocontrol ang dalawang character sa laro hehe.
Habang busy ako sa pag fofocus sa laro ay biglang bumukas ang pintuan nang kwarto ko.
Napatalon naman ako at napasigaw sa gulat.
"Ay tupa ka!" sigaw ko.
Pumasok nama si Shawn habang tumatawa.
Binato ko siya nang unan.
"Anong nakakatawa don? Abnoy ka ba! Kumatok ka bago pumasok! " sigaw ko sakaniya.
"Eto naman, gulat na gulat. Nanonood ko siguro nang porn. " sumbat naman niya saakin.
Aba binuyset pa ako. Kadiriii.
"Huh? Hindi mo naman ako kagaya no!" sagot ko naman sakanya.
Tumawa naman siya dahilan para mapatawa rin ako.
Nanonood nga siguro to.
Umupo siya sa kama sa tabi ko.
"Uy! Favorite natin yan oh! Bat diyan ka palang? Ang bobo mo naman." pang aasar neto.
Baliw neto! Sarap kotongen.
Sinabunot ko siya nang mahina. Tumawa lang naman si baliw.
"Oh ano pa hinihintay mo? Laruin na naten!" sigaw ko naman sakanya.
"Osige sabi mo eh, halatang namiss mo'ko noh? " sabi naman niya.
Pinanliitan ko siya nang mata. "Ang feeling mo talaga no? " sagot ko naman.
Nag laro na kami. Magaling kaming mag laro dito! Laging perfect ang team work namin kaya agad naming natatapos.
Habang busy at sobrang focus kami sa pag lalaro ay biglang nag ring ang phone ko sa tabi ni Shawn.
"Aish! Ano ba yan! Na out tuloy ako! Paabot nga yung phone! " utos ko kay Shawn.
Tinitigan naman ako ni Shawn.
"Ang stress mo naman masyado Quinn ko. " sabi naman niya sabay gulo sa buhok ko habang nakangisi.
Baliw ata talaga to.
"Anong pinag sasabi mo? May boyfriend ako no? Duh! " sagot ko sakanya sabay isnab.
"Pero kapag nasa bahay niyo, ako yung boyfriend mo. Malakas ako kay papa e." sabi naman niya habang pinataas baba niya ang kilay niya.
"Tumahimik ka nga diyan! Abutin mo phone ko! Kanina pa nag riring!" sagot ko naman sakaniya para maiba ang usapan, naramdaman ko na kasi ang pag init nang mga pisngi ko baka mahalata pa niya at akalain na gusto ko siya. Arghh!
Kinuha niya ang phone ko pero bago ito iabot saakin ay tinignan niya muna kung sino ang tumawag. Kumunot ang noo niya at sinagot ang tawag.
Tumayo siya at nilagay ang kanang kamay sa bulsa niya.
"Busy si Quinn ngayon wag kang mang istorbo." sagot niya sa telepono.
Tumayo ako sa kama para maabot ko ang phone kay Shawn. Pag ka tangkad tangkad naman kasi niya.
Bago ko pa nahablot ang phone ay na end na ang tawag. Tinignan ako ni Shawn na naka kunot ang noo sabay upo uli sa kama.
Tinignan ko naman ang tumawag.
Nanlaki naman ang mga mata ko nag makita kong
Si Sean ang tumawag..
Buyset ka Shawn!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro