Chapter 22
Chapter 22
Practice
"Omygosh! Kaya love na love ko si Sir Poral eh! Ship ko talaga kayo ni Shawn! Kahit may Sean kana. " pang aasad ni Sabrina.
Ihh kinakabahan ako! Bukas daw mag iistart na ang practice for Mr and Ms Intrams.
Kapartner ko pa si Shawn! Ewan ba if it's a good thing or a bad thing?
Siguro bad thing kase alam kong galit siya saakin, but good thing dahil at least makakausap ko na rin kahit papaano yung bestfriend ko. Noon.
"Buti nalang teacher niyo si Sir Poral! For sure pahiyang pahiya si Coleen! Make sure Quinn tatalunin niyo ni kuya yung dalawa ha!? " sabi naman ni Kim habang nakangisi.
"Paanong mapapahiya yun? Eh wala naman siyang hiya." sagot naman ni Chel habang tumatawa.
"Speaking of walang hiya. " sabi naman ni Sabrina.
Napatingin kami sa hindi kalayuan, nag lalakad ngayon palapit saamin ang CCC. Sina Coleen, Cathleen at Cashiel.
"Kung ikaw lang naman ang makakalaban ko, for sure panalo nako." sabi ni Coleen na ngayon ay nakataas ang kanang kilay.
Ang panget ng gung gong na to.
"Really? Hindi ka naman mapipili kung di dahil sa mama mong teacher." sagot ni Chel.
Nag tawanan naman kami. Pero hindi ata natuwa itong si Coleen at muntik na niyang sampalin si Sabrina.
Pero nanlaki ang mga mata ko nang pinigalan siya ni Cashiel.
"What are you doing!? Urgh! " pag mamataray ni Coleen kay Cashiel. Tinulak naman kami ni Coleen para makadaan at nag walk out.
Bago ito sundan nila Cashiel at Cathleen ay yumuko sila at nag pahingi nang tawad sa pag kaiskandalo ni Coleen.
I knew it! Mabait naman yung dalawa! Sadyang panget lang talaga ang ugali ni Coleen. Unbelievable.
"Hmm mabait naman pala yung dalawa. " nag tatakang sabi ni Kim.
"Guys! Actually pinsan ko si Cashiel." mahinang sabi ni Sabrina.
Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi niya. Really? Kaya naman pala.
"Bat di mo naman agad sinabi? " tanong ko sakanya.
"Eh nung isang araw ko lang nalaman eh, pumunta sila saamin. Tas ayun, nag kausap kami, sabi niya nakipag deal lang daw sila kay Coleen para daw makapasa sila. Teacher din kasi nila si Mrs. Medina. Kaya hindi ko narin napigilang labanan kanina si Mrs. Medina dahil abusado na siya sa pagiging teacher niya. " pag lalahad ni Sabrina.
Kaya pala...
...
Nasa may stage na kami nang school ngayon, katabi ko si Shawn ngayon dahil partner ko siya.
Sa di kalayuan naman ay nandoon sina Coleen at Sean.
10 girls and 10 boys ang mag co-compete pero 1 girl at 1 boy lang ang makakapag uwi nang titulo.
Practice day na namin ngayon, mag tatagal ito hanggang next week kaya buong week naka excuse kami sa klase.
Bigla namang umubo nang mahina si Shawn bago nag salita. "Anong naiisip mong isusuot natin? " mahina niyang tanong.
Napatingin ako sakanya pero hindi siya makatingin saakin.
"Ahm siguro cowboy at cowgirl nalang? " sabi ko.
"Okay sige, ipanalo natin to ah? " sabi niya pero hindi parin ito nakatingin saakin pero nakangiti naman siya.
"O-of course! Hindi naman ako papayag na talunin ako ni Coleen no?" sabi ko sabay tawa.
Tumawa rin siya nang bahagyan hanggang finally tumingin siya saakin.
"Kayang kaya mo yan!" masigla niyang sabi.
Napangiti naman ako, antagal na panahon kong hinihintay na mag karoon kami nang maayos na kwentuhan eto na rin yun finally! Ang saya!
"A-ahm Quinn sorry ha? Bati na tayo." sabi niya habang nakangisi.
Lalong tumaas ang ngiti nang mga labi ko! Finally! Bati na kami.
Lumapit ako sakanya at niyakap siya! Namiss ko si Shawn, yung ganitong Shawn!
Pag ka kalas ko sa yakap hay hinampas ko nang bahagya ang braso niya.
"Nakakainis ka ah! Iniisnab isnab mo pako! Makikipag bati karin naman." sabi ko sakanya habang tumatawa.
Tumawa nalang din naman siya.
Maya maya pa ay tumugtog na ang music namin.
Nag simula nang rumampa ang candidate number 1 sa boy and girl.
Pang 5 pa kami ni Shawn, at sila Sean at Coleen naman ay number 4.
Ilang saglit pa ay rumampa na rin si Coleen at Sean. Malambot ang lakad ni Coleen pero hindi ako namangha. Puro yabang lang naman pala to.
Si Sean naman ay napakaganda nang lakad at ngiti. Ang ganda nang tindig niya.
Pag katapos nila ay kami na ang rarampa.
Tinodo ko na sa pag hampas ang mga beywang ko, hindi ako mag papakabog. Samantalang si Shawn naman ay ang suwabe nang lakad, ang ganda nang tindig niya at ang tangkad, plus yung killer smile niya at ang matipuno niyang pangangatawan. Siguradong mananalo itong si Shawn.
Teka nga? Syempre support ko parin si Sean! Siya yung boyfriend ko eh.
Nang makarating kami sa gitna nang stage ay talagang tinodo ko na.
Pumalupot ako kay Shawn at nag pose. Payt mehh!!
Tinudohan ko na sa pag awra at pose. Ganun din naman si Shawn.
Pag katalikod namin ay agad kong tinignan si Coleen.
Natawa ako sa itsura niya dahil halatang nagulat siya sa ipinakita ko.
Nakatingin siya saakin ngayon habang halatang nanggigigil. Bitter much girl? Pabibo ka eh.
Tinignan ko siya nang pa fierce at nginitian.
Lalo ko siyang pina trigger bwahaha.
Ilang saglit pa ay break time na rin, nag uusap kami ni Shawn ngayon nang biglang sumabat si Sean.
"Let's eat na Quinn." sabi niya sabay hila saakin.
Kumaway naman ako kay Shawn dahil hindi na ako nakapiglas kay Sean.
Nginitian naman niya ako, pero bakas sa mukha niya yung lungkot. Bakit kaya?
Kumakain na kami ngayon nang lunch namin, bigla namang may tumawag kay Sean.
Nagpaalam siya saakin na may kakausapin lang daw siya sabay tayo at lumapit papunta sa dalawang lalakeng nakatayo sa di kalayuan.
Ilang saglit pa ay nakabalik na si Sean at nag aya nang mag balik sa practice.
Tumango nalang ako at tumayo.
Ewan pero excited na uli akong mag practice dahil ngayon nakakausap ko ni si Shawn. Wala naman ding mali roon sapagkat kaibigan ko naman siya. Natutuwa lang kase talaga ako pag kasama siya. Iba yung ngiti ko, iba yung tawa ko pag siya yung kasama ko at hindi ko iyon nararamdaman kay Sean.
Pero ulit ulit na sinasabi nang isip ko na si Sean ang binalikan ko sa past, hindi si Shawn.
Habang nag lalakad kami ni Sean papunta sa court ay napalingon ako sa isang madilim at bakanteng bahagi nang aming school.
May naaninag ako na isang babaeng naka tayo sa tabi nang mga sirang upuan at mga basura.
Napahinto ako at pinag masadan siya.
Hinarapan ko naman si Sean. "Ahm Sean mauna kana may kukunin lang ako." pag papalusot ko kay Sean.
Tumango naman siya at nauna na.
Pag kaalis niya ay lumingon uli ako sa bakanteng lugar na iyon ngunit wala na ang babae.
Nanindig ang mga balahibo ko.
Tumingin tingin ako sa paligid pero hindi ko na siya nahanap, bigla nalang siyang nawala. Biglang nawala ang babae.
Biglang nawala si lola.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro