Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Chapter 21

Partners

"Quinn? Are you okay? Kanina ko pa napapansin lagi kang natutulala parang andami mong iniisip. " ani ni Sean.

Iniisip ko kasi kung ano yung narinig ko, boses talaga ni Shawn eh! Feeling ko siya talaga yon. Ganon ko na ba siya kadalas naiisip kaya kung ano ano nalang ang mga naririnig ko?

"Ahm, okay lang ako! Ahm wala kabang narinig Sean? " tanong ko naman sakaniya.

Gusto kong malaman kung nag iilusyon lang ako oh talagang may nagsabi nun.

"What do you mean? " tanong niya.

Arghh! Seriously? Wala siyang narinig? Halaaa epekto ba ni Shawn to saakin?

I'm under the spell of Shawn!

Ay chos, ang oa ko ah? Pero nababaliw na ata ako?

"Ah wala wala, tara na. " sagot ko naman kay Sean habang nakangisi.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa harapan nang bahay namin.

"Thank you Sean i had a lot of fun. " nakangisi kong sabi kay Sean bago ako lumabas nang sasakyan.

"Anything for you. " sagot naman niya sabay pakindat pa saakin.

...

Pernes maaga kaming nakarating sa school ngayon, iilan palang ang mga estudyante siguro mga nasa 15? Kasama na doon si Chel, Sab, Shawn, at Sean.

Maya maya pa ay maganang pumasok yung kaklase kong babae habang nag tatalon talon pa.

"Uyy! Malapit na yung Mr And Ms intrams! Naeexcite ako! " sigaw niya.

Oh shaks! Oo ngaa! Malapit na yung intrams nuxx ang saya niyan!

"Bawat room daw may representative! Gusto kong mag represent sa Section natin si Shawn at si Quinn! Sobrang bagay nila. " masigla niyang sabi.

Naramdaman ko naman ang unti unting pag init nang pisngi ko. Shemay!

Napatingin naman ako kay Shawn na seryosong nag babasa ngayon, todo review naman to. Sabagay in 4 weeks kase finals na namin. Eh lately sobrang studious netong si Shawn. Mukha ngang matataasan pa niya ako eh.

Hindi ko naman namalayan na napatagal pala ang pag titig ko kay Shawn, ayan tuloy nahalata niya.

Tinignan niya ako sa mata, pero hindi ko maipinta kung anong ekspresyon yung binibigay niya ngayon.

"What? Yung mga libro titigan mo wag ako. " sabi naman niya sabay balik ang atensyon sa book.

Ang kafallll nang fez neto! Hindi ko naman siya tinitigan ah! Sadyang napatagal lang yung tingin ko sakanya. Pero parang ganun narin yun. Arghh!

Inirapan ko nalang siya at kunwaring nag basa nang libro kahit wala namang pumapasok sa utak ko. Para lang walang masabi tong Shawn na to arghh!

Ilang saglit pa ay pumasok narin si Mrs.Medina at ang kaniyang Puppet na si Coleen.

Okay, ready na masira araw ko ngayon.

"So as you all know, nalalapit na ang intrams naten, and of course there would be a Mr and Ms intrams, and each rooms will have their own representative. So obviously, my beautiful daughter fits the Ms Intrams perfectly so i decided that she will compete. Together with Mr. Carter. " pagpapaliwanag ni Mrs. Medina.

"Uhm mom! Hindi kami bagay ni Shawn, i would suggest Mr. Reid as my partner. " kontra naman ni Coleen.

Bruhang mag ina, edi kayo na bida. Matapilok sana anak mong puppet.

"Okay, that would be great! So we are all set! And i wish the two of you a goodluck! " sagot naman ni Mrs.Medina.

Nag katinginan nalang kaming magkakaklase sa pinag sasabi nang mag ina, iba rin talaga nga pag uugali nang mga to.

Napatingin naman ako, i mean kami.
Kay Sabrina na biglang tumayo at nag salita.

"I think i would be so unfair na kaagad nalang nag sasalang nang babaeng hindi naman kagandahan ang ina niyang teacher, nung election of class president natiis ko pa eh. But this? No way! Quinn Del Mundo would be a great candidate! With her height, beauty and brain. No doubt she'll win. " sabi ni Sabrina.

Nag palakpakan ang mga baliw kong kaklase sa sinabi ni Sabrina.

"I agree! "

"Mas bagay kay Quinn"

"Quinn for the win! "

Sigaw nila.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit ako Sabrina!!??

And also! Hindi ba siya natatakot sa mukha ni Mrs. Medina na ngayon ay naka kunot na ang noo at galit na galit na parang sasabog na sa sobrang galet?

"Ms. Sabrina i didn't give you a permission to speak!!" sigaw ni Mrs. Medina. Ayann na sasabog na siya.

"But-" naudlot na sabi ni Sabrina nang biglang tumayo at nagsalita si Chel.

"I have to agree with her mam, not because they are my friends but because you are abusing your power as a teacher to take command on whatever your daughter will shine through!" sabi ni Chel.

Wow ha! Straight english! Nosebleed.

"Shut up!" malakas na sigaw ni Mam.

"Sit down! " dagdag niya.

Umupo naman sila at nanahimik. Mag kakatak pa sana sa sermon si mam kaso napadaan yung Principal namin na nag oobserve sa bawat rooms kaya nag behave bigla si mam. Plastik.

Bago lumabas si mam ay nagsalita ito. "My decision stays final! Coleen and Sean will represent this section! " aniya.

Nang pagkalabas ni mam sa room ay siya namang pag pasok ni Sir Poral.

Pag ka upo palamang niya ay nag tanong na siya. "Oh ano nanaman nangyari sa teacher niyo? " tanong niya.

"Si mam po kase! She kept on insisting na si Coleen ang mag represent sa section namin without our opinion! " pagpapaliwanag nang isang babae kong kaklase.

"Why would there be a need of permission kung halata namang nag iistand out talaga ang mukha ko!?" palabang sagot ni Coleen.

Napatawa naman ako nang bahagya. Napatingin ako sa gilid ko na si Shawn na napatawa rin. Oh that smile that I've been waiting to see for a weeks na.

"Hindi naman ako papayag diyan! Kung nag cast nalang bigla si Mrs. Medina edi mag cacast din ako!" pag rarant ni Sir Poral.

Naghiyawan ang buong klase.

"I would chose Shawn Carter and Quinn Del Mundo to represent
10 - Serenity!" maligayang sabi ni Sir.

Napatingin naman ako kay Shawn na ngayon ay nakangiti.

Napawi din naman ang mga ngiti niya nang makita niyang nakatingin ako sakaniya.

Omg! Shawn and i will be partners!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro