Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Chapter 20

Alyana

Napatigil ako sa nakita ko, si Shawn may kasamang babae.

Pasimple lang akong nakatingin sakanila dahil ayaw kong mahalata ni Sean.

Hinarang ko ang buhok ko sa kabilang gilid para hindi makita ni Sean kung ano iyong tinitignan ko.

Mag kalapit si Shawn at yung babae sa tapat nang isang coconut tree.

Nagtatawanan sila habang nag kukwentuhan.

"Quinn?" tanong ni Sean.

Napatalon naman ako sa gulat. Arghh yan na nga ba sinasabi ko eh. Bat ko ba kasi pinapansin yung lalakeng yun? Wala naman din kaming pake sa isat isa.

"Are you okay? " dagdag pa ni Sean habang nakatingin saakin.

"A-ah oo naman! Uy look ohh sunset! " sagot ko naman sabay turo sakanya sa dereksyon nang dagat at sunset para hindi niya mapansin na sila Shawn yung tinitignan ko hehe.

"Oh wow! What a beautiful sunset!" manghang manghang sabi ni Sean habang pinag mamasdan ang sunset.

Naramdaman ko ang unti unting pag lapit nang kanang kamay niya sa braso ko. Inakbayan niya ko. Shete!

Naramdaman ko ang pag init nang mga pisngi ko sa ginawa niya.

Maganda na ang lahat, pinapanood namin ang sunset at ang reflection nito sa dagat nang biglang may tumabing dalawang tao malapit saamin.

Si Shawn at yung kasama niyang babae. Nakatingala silang pareho. Pinag mamasdan ang paligid.

Bago paman tuluyang mag dilim ay napatingin ang babae saamin. Nanlaki ang mga mata niya sabay sigaw na "Omg Sean!! " malakas na sigaw nang babae.

Napatingin din si Shawn saamin, dahilan para mag tugma ang tingin namin sa isa't isa. Agad siyang umiwas nang tingin.

"Uy Alyana! " bati rin ni Sean sa babae. Kumaway kaway pa ito habang nakangisi.

Alyana pala name niya? At mag kakilala sila ni Sean?

Lumapit si Alyana saamin ni Sean habang nakangisi, ngayon ko lang napansin yung ganda niya at yung pag kakahawig niya kay Shawn.

Teka, baka?

"This is Shawn, my little brother. " pagpapakilala ni Alyana kay Shawn.

So mag kapatid lang pala sila. Nag selos panaman ako--

Huh? I'm jealous? Grr no! Ano ba nangyayari sakin. Erase! Erase.

Bigla ko naman naalala ang mga kwento ni Shawn saakin, tatlo nga pala silang magkakapatid. Si Alyana ang panganay, si Shawn yung kumalawa at si Kim naman yung bunso.

"Oh and uhm this is Quinn my girlfriend. " pag papakilala naman ni Sean saakin.

Ngumisi ako sakanila. Gayun din naman sila saakin.

Pinanliitan naman nang mata ni Ate Alyana si Sean habang nakangisi.

"Siya pala ha? " pang aasar niya.

Tumawa naman si Sean.

Napatingin naman ako kay Shawn na ngayon ay kumukuyom na ang panga habang pinipisil ang mga kamay. Is he mad?

"Stop this already." malamig na sabi ni Shawn.

Napatingin kaming lahat sakaniya. Tumalikod siya at nag lakad paalis.

Napano yun?

"Bipolar ata kapatid ko hehe, una na kami ha? " pag papaalam naman ni Ate Alyana.

Ngumisi ako at tumango tango, gunun din naman si Sean.

Pag katapos non ay tuluyan nang nag dilim, napag pasyahan namin na lumibot muna at mag lakad lakad nang bahagya rito.

"Quinn you know, i'm so lucky to have you. " sabi ni Sean.

Napatingin ako sakanya at hinarap siya. "I'm lucky too because i have you. " nakangisi kong sagot sakanya.

Lumapit naman siya saakin at niyakap ako. Isang mahigpit na mahigpit na yakap. Niyakap ko rin naman siya.

Pagkatapos ay unti unting kumalas ang pagkakayakap namin sa isa't isa. Lumapit naman ang ulo niya sa ulo ko habang hinahawak niya ang pisngi ko.

Is he going to kiss me?

Palapit na nang palapit ang mga mukha namib sa isa't isa. Nararamdaman ko narin ang pag hinga niya at ang tibok nang puso ko na ngayon ay kumakabog nang sobrang bilis.

Tinignan ko ang mga mata niya na ngayon ay nakapikit na. He is going to kiss me!

Bago pa niya nagawa ay yumuko ako para mapigilan ang paghalik niya saakin.

Omg! Nigagawa ko? Yun na yun e. Pero di bale! Dalagang filipina naman ako e hehe.

Bahagya akong lumayo sakaniya at ganun din naman siya. Nginitian ko siya at nag patuloy sa pag lalakad.

"Tara na! Mag gagabi na! " sabi ko sakanya. Tumakbo naman siya palapit saakin. "Kelan kita pwedeng halikan?" tanong niya habang ngayon ay naka akbay siya saakin. Nagkibit balikat ako sabay sagot nang. "U-uhm ewan."

Sobrang dilim na ngayon kaya kinuha ko ang phone ko para makapag flash light para makita namin ang dinadaanan namin. Nasa malapit sa sasakyan na kami. Natatanaw ko na ang sasakyan sa di kalayuan.

Habang patuloy kami sa pag lalakad ay may narinig akong isang pamilyar na boses.

"I love you Quinn."

Nanindig ang mga balahibo ko sa narinig ko. Boses ni Shawn yun! Nag eco yung boses niya sa utak ko.

Napahinto ako at tinutukan nang flashlight ang buong paligid pero wala nang ibang tao rito bukod saaming dalawa ni Sean.

Sino yun?

.
.

Ano yun?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro