Chapter 18
Chapter 18
Competition
Pagkalabas ni Sir Poral sa room ay agad na akong lumabas sa room para makapag recess, hindi ko na hinintay pa sila Chel at Sab dahil paniguradong aasarin lang naman nila ako.
"Hoyyy! waitt!" sigaw nang tres marias kong kaibigan na ngayon ay tumatakbo na palapit sakin.
Hinarapan ko sila at tinaasan nang kilay. Nag si tawanan naman sila. Grr anong nakakatawa dun? hiyang hiya na nga ko grr! pikon na kung pikon pero napahiya talaga ako kanina.
Lumapit silang tatlo saken sabay yakap. "Di ka naman kasi namin aasarin no? Sorry na hehe!" pang lalambing ni Sab sabay tawa.
Pinanliitan ko sila nang mata saka ako ngumiti. "Osya na! basta wag niyo na paalala sakin yun nakakahiya!" sabi ko.
Habang nag lalakad kami ay napahinto ako. Huminto rin sila sabay tinginan sakin. "Teka nga! Kim bat alam mo?" tanong ko kay kim habang nakataas ang kanang kilay ko. Nag si tawanan nanaman sila grr ! for sure si Sab nag kwento! "Kinwuento ko hehe." sagot ni Sab habang nag papacute. Sabay tawanan naming apat.
Bumili na kami and katulad nang lagi naming ginagawa ay tumambay lang kami sa tambayan namin at nang mag ring na ang bell ay sabay sabay na kaming nagsi balikan sa kanya kanyang mga rooms.
Pag ka pasok ko sa room ay nagulat ako nang makita si Mrs.Medina na nakaupo ngayon sa Teachers table. Dali dali naman kaming umupo sa mga pwesto namin.
Nagkatinginan kami ni Shawn nang pinapausog ko siya para maka daan ako pero inisnaban niyako. Di na ata kami mag kakaayos neto ang lalim nang galit niya sakin.
"Okay hindi makaka pasok sa klase niyo si Sir Alvarez dahil may sakit siya ngayon, kaya ako muna ang papalit sakanya sa time niyo, and since wala naman tayong gagawin, mag pili nalang tayo nang Class Officers natin." Pag papaliwanag ni Mam.
Walang umimik saamin. Nag sulat naman si Mam sa board.
"Okay let us start by electing our Class President."
Tumayo naman agad ang papansin niyang puppet na si Coleen. "I nominate myself for class president!"
Nag ka tinginan kami ni Sab at Chel sabay pag pigil sa tawa. Epal si Coleen eh.
Tumayo naman si Sean sabay tingin sakin habang nakangisi. Teka hoy parang alam ko na gagawin niya.
"I nominate Quinn Delmundo for Class President." aniya.
Nag hiyawan naman ang buong klase. Napatingin ako kay Mrs.Medina na ngayon ay naka kunot ang noo. "QUIET!" sigaw niya. Dali dali namang nanahimik ang mga Kaklase ko.
"Okay let's vote! lets's start with Quinn, raise your hands if you want Quinn as our Class President." sabi ni Mam.
Nang lumingon ako ay nakita kong naka taas lahat ang kamay nang mga kaklase ko.
"For Coleen, raise your hands if you want Coleen as our Class President." Dag dag ni mam.
Nag si babaan ang kamay nang mga kaklase ko.
at nang mapatingin ako sa tabi ko nakita kong..
Nakataas ang kamay ni Shawn.
"Isa lang!?" pag dududang sabi ni Mam. "Isa lang ang marunong mamili sainyo?" dagdag pa niya.
Napatingin ako kay Shawn habang naka kunot ang noo ko. Nakakairita siya! Nakakainsulto! Ganon ba talaga siya ka galit saakin?
"Okay wala nang boto boto dahil halata namang wala kayong alam sa pag pili nang tamang leader." sabi ni Mam. Ano naman problema ni mam?
"I decide na ang Class President ay si Coleen. Vice is Shawn, Secretary is Sabrina, Treasurer is Marchel, PIO is Isabela, Escort is Sean and Muse is.." bumuntong hininga siya. "Quinn."
Wth.. nag loloko ba siya?
....
Natapos na ang klase at palabas na kami ngayon ni Sean, i-hahatid na daw niya ako pauwi. "Aren't you mad sa mag ina? nakikipag compete sila sayo." biglang sabi ni Sean habang nag lalakad kami.
"Oo naman, kaso mas lalala lang ang lahat kung lalaban ako, kaya tahimik nalang ako." pag papaliwanag ko.
Nang makarating na kami sa harap nang bahay namin ay napatingin ako sa side mirror nang kotse ni Sean.
Nasa likod yung sasakyan ni Shawn. Anong ginagawa niya don? eh sa kabilang kanto pa bahay nila.
Nang buksan ko na ang pintuan nang kotse ay humarurot naman paalis yung kotse ni Shawn. Hindi tinted yung kotse niya kaya nakita ko siyang nag dadrive. Is he Stalking me? akala ko ba galit siya saakin?
"Thank you Sean! Ahmm gusto mo muna bang pumasok?"
Ngumisi naman siya. "Sure sige! kamustahin ko si mama." aniya.
Pag ka pasok namin sa bahay ay bumungad saamin si Daddy na nakaupo sa sofa.
"Oh ang aga mo ata nakauwi?" tanong ni papa. Napatingin naman siya kay Sean pero hindi niya ito pinansin at bumalik ang tingin niya saakin. "Asan si Shawn?" tanong niya.
"Ahm diko po siya nakasabay eh ahmm eto nga po pala si Sean kaibigan ko." sagot ko naman.
Ngumiti lang si papa, yung ngiting plastik. Halatang ayaw niya si Sean grr.
Kumain lang kami nang miryenda at inihatid ko narin si Sean sa labas.
Huminto siya at tinitigan ako nang makalabas kami sa bahay. "I really like you Quinn." ani ni Sean na ngayon ay seryosong nakatitig saakin.
Napaisip ako sa sinabi niya. Bakit hindi ako kinilig? bakit parang wala lang? siya yung pinunta ko sa past. Dapat matuwa ako. Hindi ko hahayaan na masayang ang buhay ni lola. Namatay siya para lang makabalik ako sa past. And now, eto na. andito na si Sean sa harap ko. Wala na kong sasayangin na oras. Bumuntong hininga ako bago mag salita.
"Sean, i like you too."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro