Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Chapter 17

Shy

"Sabrina Marie Marquez! I need you! I'm confused naguguluhan ako! nalilito ako! Nababaliw ako!" pag rarant ko kay Sab habang umiiyak.

Sinaktan ko yung taong nandiyan palagi para sakin.

"Okay Quinn, i want you to calm down okay? I'll come over. " mahinahong sagot ni Sab sabay baba sa tawag.

Ganiyan talaga siya, buti nalang talaga biniyayaan ako nang isang totoong kaibigan na laging nasa tabi mo kapag kailangan mo kagaya ni Sabrina.

At Shawn

"Ganon ba!? Girl! Alam mo kung ako ikaw? Mas pipiliin ko si Shawn! Mas sincere kaya siya sayo! " sabi ni Sabrina nang ikuwento ko sakanya ang nangyari samin ni Shawn.

"Sab naguguluhan ako. " maikli kong sagot sakanya.

Kung alam lang sana niya yung pag babalik ko sa past at yung kapatong na Consequence nito, siguro mas lalong maiintindihan ni Sabrina yung nafefeel ko ngayon.

Pero bawal kong sabihin sakanya.

"Hoy hala! " bigla namang sigaw netong si Sab habang napa talon pa sa gulat.

Tumingin muna ako sa paligid at napatayo narin sa pagkakaupo sa higaan dahil sa gulat sakanya.

"Ang haba nang buhok mo naapakan ko e. " aniya sabay pag hagalpak sa kakatawa.

Nanliit ang mga mata ko sakanya. Agik talaga to! Akala ko kung ano na. Pero napatawa naman niya ako.

"Mesheket? " dagdag pa niya habang tumatawa.

"Isa pang gulat saakin Sabrina sinasabi ko sayo! Papakain ko sayo buhok ko! " biro ko sakanya sabay tawanan namin.

.....

Ringg Ringg

Tunog nang maingay kong alarm clock! Shete shete! May pasok na! Pano ko haharapin si Shawn? Nahihiya ako sakanya wala akong mukhang maihaharap! Shetee!!

Bumangon na ako sabay gawa na nang morning routine. As usual, naligo, kumain tapos nag hintay sa labas para sa bus.

Pagka pasok ko palang sa bus ay sinalubungan na ako nang ngiti at kaway ni Chel at Sab.

Nginitian ko rin naman sila at kinawayan sabay upo sa tabi nila.

"So, feeling okay? " tanong ni Chel.

Sa malamang nakuwento na ni Sab ang nangyaring kadramahan ko. But i don't mind, kaibigan ko naman din si Chel.

"Y-yes naman! " mayabang kong sagot.

Pero sa kaloob looban ko gusto ko nang mag pa transfer sa ibang bansa para lang di na niya ako makita. Nahihiya talaga ko!! Em shy.

Nang makapasok kami sa room ay bakanti pa ang upuan ni Shawn. Napabuntong hininga naman ako. Thanks god! Omg nakakakaba!

Napangiti ako sabay lakad papunta sa upuan ko. Sa sobrang taranta ko hindi ko na napansin si Sean na ngayon ay nakatingin saakin habang nakangisi.

Napatalon naman ako sa upuan sa gulat sakaniya. Napapraning na'ko mga bes pakalmahin niyoko.

"S-sean! Ginulat mo naman ako! " sabi ko sakanya. Tumawa naman siya.

"Nagulat kaba? " patawa niyang tanong.

Ay hinde Sean nag papaganda lang ako.

"Hays balakajan!" sagot ko sakanya saka ko siya inirapan.

Humagalpak naman siya sa kakatawa grr! Nakakainis.

"Ohh galit kana niyan? " patawa niyang tanong.

"Eh! Dun ka na nga! " tumatawa kong sagot sakanya. Tumawa rin naman siya.

Natigil ang tawanan namin nang hinagis ni Shawn ang bag sa upuan niya. Napatingin naman kami ni Sean sakaniya.

Galit ba siya?

Hindi man lang siya tumingin saakin. Iniiwasan ata niya ko. Grabe di ko alam ang nararamdaman ko ngayon, para akong nalulungkot na ewan.

Kinikirot ang puso ko knowing na malabong mag kabalik yung dating kami.

Tumango tango nalang ako.

Ilang saglit pa ay dumating narin si Mrs.Medina kasama ang puppet niyang si Coleen na naka full face make up pa. Just wow!

Ilang saglit pa ay nagsimula na ang pagtuturo ni mam. But shockingly ang aktibo ni Shawn ngayon, well matalino talaga si Shawn noon pa man pero tinatamad lang siyang mag aral. But now, wow lagi siyang nag rerecite. Syempre hindi naman ako papatalo.

Pagkalabas ni Mrs. Medina ay agad naring pumasok si Sir Poral. Mag dedebate kami ngayon. Magaling talaga ako sa debate kaya g na g ako.

"Ang topic ay about love! Eto, sino nga ba ang mas nasasaktan sa isang relationship, ang girls? Or ang boys?" pag eexplain ni Sir Poral sa debate na gagawin namin.

"Okay so bubunot tayo nang mag dedebate, isa sa girls at isa sa boys." dagdag ni Sir.

Inilagay naman ni Sir ang kamay niya sa loob nang isang bowl na ang laman ay papel na nakasulat ang pangalan nang mga girls.

"Okay for the girls side we have, Quinn! " masiglang sabi ni Sir.

Ngumiti ako at tumayo habang humihuyaw ang mga baliw kong kaklase.

"And for the boys side we have Mr..
Mr. Carter! " masiglang sabi ni Sir habang itinuturo si Shawn.

Omygash. Not today please lupa kainin mo'ko.

Tumayo siya at pumunta sa kabilang gilid para mag kaharap kami. Tinignan niya ako sa mata. Walang emosyon yung mga mata niya, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, para siyang galit na malungkot.

"Okay let's start! " sabi ni Sir.

Nag simula na akong nag salita.

"For me mas nasasaktan at mas nahihirapan ang mga girls sa isang relasyon dahil kami palagi ang nag papakumbaba at umiintindi at mahirap yon sa side namin. " masigla kong sabi.

Nag si palakpakan ang mga kaklase ko, specially girls.

"Go Shawn! Pag laban mo ang mga kalalakihan! " sigaw nang isa naming lalakeng kaklase.

Bumuntong hininga naman si Shawn bago nag salita.

"For me mas nahihirapan ang mga boys, simply because girls are complicated. " sabi niya habang nakatingin siya saakin.

Teka ako ba pinaparinggan niya?

Naghiyawan ang mga boys sa sagot ni Shawn.

Okay, okay. Hindi ako mag papatalo.

"Fyi hindi kami complicated, sadyang hindi niyo lang kami maintindihan. "

"Ah talaga ba? Kaya pala agad kang umalis? Iniwan mo'kong naguguluhan."

"Iniwan kita kase ayaw ko nang umasa ka. "

"Iniwan mo'ko dahil ayaw mong aminin yung nararamdaman mo sakin! Dahil duwag ka!"

Natahimik ako sa sagot niya. Totoo naman yung sinabi niya, iniwan ko siya dahil takot ako sa nararamdaman ko. Isa akong duwag.

"Is still about our debate? " natatawang tanong ni Sir Poral. Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko lalo na yung dalawang mababait kong kaibigan.

Tinignan ko nalang si Shawn at inirapan sabay padabog na bumalik sa upuan ko.

Kainis!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro