Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Chapter 16

Please?

"Uyy gurl gising ka na." pag gising ni Sab sakin sabay alog alog pa sakin.

"Hm! Nu oras na ba? " tanong ko sakanya.

Tinatamad pa kong bumangon! Inaantok pako pano ba namang hindi eh halos 4 na kami nakatulog kagabi super chika pa kasi kami.

"Gurl 11am na!" sabi ni Sab habang napapa tawa tawa pa.

Omg 11 na pala! Buti nalang at sabado ngayon at walang pasok!

Napaupo naman ako sa kama ko at nag muni muni saglit. Tinignan ko ang phone ko. 5 unread messages from Shawn.

Shawn:

'Good morning Quinn ko! '

'Himbing ata tulog mo.'

'Labas naman tayo mamaya? Miss na kita! Treat ko'

'Napuyat ka siguro kagabi? '

'Basta chat ka kagising mo ah? '

Hay nako panong di ka mafafall sakanya?

Ay wait. Teka. Wala akong sinabing nafall ako sakanya ah? Grr basta.

"Hoy ano nginingiti ngiti mo diyan? " tumaas ang kilay ni Sab habang sinisilip ang phone ko. Inilayo ko agad ito sakanya.

Ilang saglit pa ay nasakanya na ang phone ko. Hinablot niya.

"Uyy nangangamoy love birds!" pang aasar pa niya saakin.

Inirapan ko naman siya. "We're friends! " maikli kong sabi sabay tayo at dumeretso sa banyo. Nireplyan ko naman siya.

Me:

'Jwu! Sige sure! Kita tayo sa mall mamaya 2pm! See you! :3'

Nag hilamos naman ako saka na sabay bumaba. Agad kaming kumain nang Brunch ni Sab. Breakfast and Lunch hehe. Hindi kami agad nagising e.

Katapos ay nag stay lang nang ilan pang saglit si Sab at umuwi narin. Hinahanap na kasi siya sakanila.

2pm ang usap namin nang pag kikita ni Shawn sa mall pero 1:30 na naka tanga parin ako.

Pero agad narin naman akong nag ready dahil baka mag hintay si Shawn doon.

Pag ka pasok ko palang sa mall ay bumungad na saakin ang gwapong mukha ni Shawn.

"Hey Quinn!" bati niya sabay lapit saakin. Mahilig talaga siyang mag hey saakin e no?

Ngumiti ako at nilapitan siya. Next thing i know nakayakap na pala siya saakin. Hinayaan ko lang siya.

Pero pansin ko lately, lalong nahuhubog yung magandang katawan ni Shawn. Kitang kita ko yung muscles niya lalo ngayong naka plain white tshirt lang siya with matching pantalon super simple lang pero sobrang bagay niya.

Dahan dahan namang kumalas sa pag kakayakap sakin si Shawn at hinarapan ako habang nakahawak sa magkabila kong braso. "I miss you Quinn!" mahina niyang sabi saakin.

Ewan pero simple gestures pero napapakilig niya na agad ako. Never kong nafeel to kay Sean.

Nag libot lang kami nang kaunti hanggang sa makarating kami sa isang branch nang sosyal nilang restaurant.

"Good afternoon Sir Shawn!" bati sakaniya nang mga babaeng nag tatrabaho dito.

Halata namang kinikilig tong babaeng to nang nginitian siya ni Shawn. Turukin ko ata mata neto e. Grr! Teka nga ano ba to? Argh! Erase! erase! Inyo na si Shawn! Tsk.

Hawak lang ni Shawn yung kamay ko at hinayaan ko lang siyang mag lead nang daraanan namin. Pumunta kami sa bandang likod nung restaurant. Tinawag niya yung isang manager nang restaurant.

"So i'm planning to add a new dish, it'll be called 'Quinn Dish'" pag papaliwanag ni Shawn sa kausap niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya, ano ba yan! Nararamdaman ko tuloy yung unti unting pag init nang mga pisngi ko. Yumuko agad ako at tinakpan ang mukha ko sa pamamagitan nang buhok ko kaya nag mukha akong sadako para lang hindi makita ni Shawn yung pamumula nang pisngi ko. Etong kausap naman niyang lalaki e sulat lang nang sulat sa sinasabi ni Shawn.

Ilang saglit pa ay umakyat kami sa ikalawang palapag nang restaurant. Dalawa lang yung upuan na meyroon dito at isang table. From up here kitang kita mo yung magandang City.

Inalalayan niya akong makaupo sa upuan habang nakangiti lang.

"Here for you." sabi naman niya habang inaabot ang isang maliit na nakatuklip na papel.

"Ano to? " tanong ko.

"Read it nalang kauwi mo hehe," pa cute niyang sabi. Itinago ko naman ang papel sa bulsa nang pants ko.

Napatingin naman ako sa maamo niyang mukha. Habang tinitignan ko siya ay unti unti akong nahuhulog sakanya. Nang bigla kong narealize, si Sean.

Si Sean ang dahilan nang pag babalik ko sa past. I can't fall in love with Shawn.

Iniwas ko ang tingin ko kay Shawn tsaka na tumayo sa kinauupuan ko.

Si Sean ang binalikan ko rito hindi si Shawn. Pero bakit mas napapalapit ako kay Shawn?

"Quinn? Is everything okay? " agad nang tumayo si Shawn at lumapit saakin.

"A-hm sorry i have to go." pag papalusot ko sakanya sabay lakad palapit sa may hagdan.

Bago pako maka punta roon ay humarang siya sa dinadaanan ko.

"Quinn what's the problem? " nangangambang tanong ni Shawn.

Hindi ko rin alam kung ano ang problema. Basta ang alam ko lang ay nalilito ako. Dahil narito ako sa past para kay Sean. Para kay Sean lang!

Umiling lang ako kay Shawn at sinubukan ko siyang itulak pero nanghihina ako. Nararamdaman ko na ang unti unting pag buhos nang mga luha sa mga mata ko.

"Shawn tabi! " umiiyak kong sabi.

"What? Why? Anong nangyari Quinn?" nangangamba niyang tanong habang mahigpit na hinahawakan ang braso ko.

"Shawn! " sigaw ko habang umiiyak.

Niyakap niya ako.

Lalong bumilis ang tibok nang puso ko dahil sa ginawa niya. Lalo akong nalito. Lalo akong nagulo.

"Shawn i-i can't! I can't fall inlove with you. "

"Why? Why can't you?"

"May iba akong gusto Shawn! "

Natanggal ang pag kakayakap niya saakin. Bakas sa mukha niya yung lungkot at ayaw kong nakikita siyang ganon, nasasaktan ako.

"Is it Sean? " kumirot ang puso ko sa pag ka paos nang boses nya.

Oo si Sean yung binalikan ko sa nakaraan pero hindi ko alam. Nagugulahan ako.

"Yes! " sigaw ko nang hindi iniisip ang sasabihin. Pinangunahan ko ang bibig ko, di ako nag isip sa sinabi ko.

Tuluyan niyang kinalas ang pagkakayakap niya saakin.

Yumuko siya pero nakikita ko parin ang pagtulo nang mga luha sa mga mata niya.

Tuluyan narin akong napahagulgol sa pag iyak.

"Don't leave me Quinn please! I'll do anything for you please,please!" pag mamakaawa ni Shawn habang umiiyak.

Nasasaktan akong nakikita ko siyang nag kakaganon, Shawn stop please nasasaktan ako, nahihirapan ako. Hindi ko alam ang kapalit kapag tuluyan kitang nagustuhan, ayaw kong mawala ka sa kaarawan ko. I can't. Please.

"Please! Quinn please!" umiiyak niyang sabi habang ngayon ay nakaluhod na sa harapan ko.

"Sorry, sorry, sorry! " ulit ulit kong sabi sakanya.

Tinalikuran ko siya habang humahagulgol parin ako sa iyak.

Nasasaktan akong nakikita siyang nasasakta. Nagugulahan ako.

Si Sean ang binalikan ko sa past hindi si Shawn. Pero bakit nagugustuhan ko siya? Bakit nagugustuhan kita Shawn!?

Tumakbo ako agad palabas nang mall.

Iniwan ko siya doon nang wasak. I feel so guilty. Nasasaktan ako.

Pumara agad sa taxi.

Umiiyak parin ako habang sinasabi sa driver ang address nang bahay namin.

Naisip ko bigla si Sabrina. Kailangan ko nang kausap. Kaya agad kong kinuha ang Cellphone ko sa bulsa ko.

Nang nilabas ko ang Cellphone ko sa bulsa ay nahulog din ang isang papel. Isang letter.

Yung sulat na binigay ni Shawn kanina.

Napanga nga ako. Tinakpan ko ang bibig ko nang binabasa ang sulat. Humahagulgol ako sa iyak.

'To the love of my life Quinn Delmundo.
Ang corny ko ba masyado? Hehe. Pagbigyan mo na, sobrang mahal kita e. Quinn i just want you to know that i am always here for you. I know na may iba kang napupusuan. And it freking hurts pag nakikita kitang napapangiti niya. Gusto ko ako lang. Ako lang ang mag papangiti sayo. Pero please wag kang bumitaw sakin. Give me a chance. I love you and i can't live without you, because you are my life.

Nag buntong hininga ako habang patuloy sa pag hagulgol sa iyak.

I Love You Quinn ko.'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro