Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Chapter 15

Best friend

Nang malagpasan namin sila ay sabay sabay kaming nag sitawanan nang mahina, bumili narin kami nang pagkain at agad pumunta sa tambayan namin.

"Girls pansin niyo ba? C lahat yung name nung mga bruha?" natatawang tanong ni Chel.

"CCC squad? Urgh i hate does btches!" sagot naman ni Kim na halatang naiinis.

Sino ba naman kasing hindi maiinis? Eh ang bubruha nila! Hindi naman ganon kagandahan.

"But girls you know naaawa ako sa dalawang kasama ni Coleen parang napilitan lang sila!" sumbat ni Sab saamin.

Hmm may point, parang mapipilitan nga lang yung dalawa mukha naman kasi silang mabait compared kay Coleen na mukhang demonyita.

"I agree! " sabay sabay na sagot naming tatlo ni Kim at Chel. Nagtinginan kami at nag tawanan.

Nang tumunog ang bell ay agad na kaming nag ligpit nang pinag kainan namin at sabay sabay na rin kaming nag lakad papunta sa mga rooms namin.

Natapos ang klase na gigil na gigil ako dito sa pabibong si Coleen.

"Quinn? Hatid na kita?" pag aaya saakin ni Sean. Napatingin naman ako kay Shawn. Nakita kong kumuyom ang panga niya at mukha siyang galit.

"S-sure! " sagot ko kay Sean. Iniabot niya saakin ang kamay niya at tinulungan akong tumayo sa kinauupuan ko. Ang lambot talaga nang kamay niya!

Napatingin ako sa mata niya at pinag masdan ang brown niyang mata. Napaka gwapo talaga niya.

Natigil naman ang pag titig ko sakanya nang sinipa ni Shawn ang upuan sa harapan niya.

"Aray! ano ba!? " reklamo ni pabibong Coleen na natamaan sa upuan na sinipa ni Shawn. Buti nga!

Tumayo lang si Shawn dala dala ang bag niya nag pamulsa siya at umalis sa room. halatang galit yung lalaking yun.

Ilang saglit pa ay tumayo naman bigla si Sabrina. "Quinn una nako ha? " sabi niya sabay takbo paalis. May date kasi sila nang bf niya ngayon. Hays!

Nang makauwi naman ako ay dumertso na agad sa kusina at kumain agad naman akong umakyat at nag hilamos. Gusto ko nang matulog inaantok na ko kahit 7pm palang.

Papikit na naman ang mga mata ko nang biglang nag ring ang phone ko.

Urghhhh

Tinignan ko ito, si Shawn tumatawag. Agad ko tong sinagot.

"H-hello? " sagot ko sa telepono.

"Good evening Quinn!" sagot naman niya. Buti hindi siya nagalit. Seloso pa naman yung lalaking yon.

"Bat ka napatawag Shawn? " tanong ko.

"Wala lang namiss lang kita" nanindig ang mga balahibo ko. Parang timang to! Nag kita naman kami kanina ah?

Nag tuloy tuloy ang usapan namin hanggang sa nalowbat nalang ang phone ko. Hindi ko namalayan ang oras. 9:30 na pala! Dalawang oras na kami nag uusap.

Agad akong nag paalam sakanya para matulog. Namiss kong makipag deep talks sakanya. Masarap siyang kausap dahil lagi niya akong naiintindihan.

Pag katapos non ay chinarge ko ang nalowbat kong phone para kagising ko ay full bat na ito. Agad naman ay natulog na ako.

Napakahimbing na nang tulog ko nang ginising ako ni mama.

"Quinn anak! Si Sabrina nasa baba hinahanap ka! Humahagulgol sa iyak! Napano ba yang kaibigan mo ha? " pag gising sakin ni mama.

Agad akong bumangon. Napano yon?

Nanlaki naman ang mga mata ko nang narealize ko. Ito nga pala siguro yung araw na nag break sila nang boyfriend niya. Pumunta siya saamin nang 2am. Sabi na e. May mga scenario na hindi nabago!

"Quinn!!! " tumakbo siya papunta saakin habang umiiyak sabay yakap saakin.

"Oh napano ka? Bat ka umiiyak? " tanong ko sakanya. Kunwari hindi ko alam hehe.

"He left me Quinn! He left me! Nakita ko silang mag kasama nang gurl!! " pag iyak niya. Hinaplos ko ang buhok niya at tinapik tapik ang likod nya para matahan.

"Ha? P-paano? " tanong ko.

"Pagkatapos nang date namin, hindi niya ako hinatid pauwi! Kaya nag duda ako, sinundan ko siya. Nakita ko siya sa labas nang bar kahalikan yung babae! " pag sumbong naman niya.

Wth!?

Tinapik tapik ko lang si Sab at pinaamo. Dito ko narin siya pinatulog dahil gabi na rin.

"Bruha ka! Tignan mo mukha mo ang pangit mo! Wag ka nang iiyak! " pang aasar ko sakanya para tumawa naman siya kahit papaano.

Napatawa naman siya sabay yakap saakin. Madami akong kaibigan pero si Sabrina lang yung tinuturing ko na Best friend never niyako iniwan. Atsaka sa buhay ko before ako mag balik dito sa nakaraan, siya lang talaga yung nandiyan para saakin, silang dalawa ni chel. Ngayon ay masaya ako na dumagdag pa si Kim.

Bago kami natulog ay nag kwentuhan muna kami. Buti ay napapatawa ko pa siya. Nang makahiga kami ay niyakap niya ako.

"I love you bestfriend Quinn! " bulong niya.

Urghh i love you more bestie!

-----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro