Chapter 13
Chapter 13
Who you?
Nakarating na'ko sa school, usual routine lang. Kasama ko si Sab, Chel at Kim sa pag pasok.
Habang nag lalakad kami papunta sa mga silid aralan ay napapaisip parin ako sa panaginip ko, iniisip ko ang consequence sa pag balik ko rito sa nakaraan. Natatakot akong may mawala sa mga kaibigan o kapamilya ko.
"Huy ang tahimik mo diyan Quinn. " bahagya nyang tinapik ang braso ko.
"Ah eh wala, lika na." napa yuko ako at binilisan ang paglalakad.
Agad kaming nakarating sa mga classrooms namin. "Byee girls see you later! " sabi ni Kim saamin habang kumakaway. Sayang at nahiwalay pa si Kim saamin masaya pa sana lalo kung kaklase namin siya.
Kapasok ko ay agad kong nakita si Shawn na ngayon ay nakangising nakatitig saakin.
Shete diko pala siya nareplyan!
Nginitian ko rin siya at nag patuloy sa pag upo sa upuan ko.
"Quinn, here, for you!" ngumisi siya habang naka upo parin.
Napatingin naman ako sakanya, may roon siyang iniaabot na isang sunflower saakin. Omg my favorite!
Kinuha ko ito at pinag masdan, grabe ang ganda talaga. "Thank --" pabitin kong pag papasalamat kay Shawn.
"Okay Class quiet! " pag babawal saamin nang ngayon ay kakapasok lang na si Mrs. Medina.
Taray talaga, late na nga sigaw sigaw pa urghh i hate her talaga!
Agad akong umupo.
Napalingon kaming lahat sa sigaw netong si mam. Sino ba namang hindi mapapalingon sa mala dragon niyang boses?
"Okay class listen, this is my daughter Coleen and she will now be a part of this class, be kind to her and welcome her!" pag papakilala ni Mrs. Medina sa isang babaeng nasa harapan niya.
Anak? Sa pag kakaalala ko ay asawa lang ang mayroon si mam, ang alam ko lang ay mayroon siyang tinuturing na anak na isang aso.
Bigla ko namang naalala ang isa pang consequence na nabanggit ni lola. May mga bagay na nag bago at mag babago. May mga bagay na mangyayari ngayon na hindi nangyari noon sa past ko. Kaya pala unexpected din ang mga nangyayari ngayon. Wala namang date na nangyari saamin ni Shawn at Sean noon, pero ngayon nangyari. I must be careful sa mga bagay na gagawin ko, as for now all i know is that i'm happy.
Naglakad naman itong si Coleen papunta sa upuan sa tabi ni Sean.
Grr! I don't know but there's something about this girl that i hate, feeling niya ata maganda siya?
Nakalipas ang isang oras at finally tapos na ang oras ni Mrs. Medina.
Nag paalam siya at umalis. Sa wakas.
Pag alis naman niya ay pumasok na si Sir Poral! My favorite teacher ever!
"Good Morning Class!" pagbati ni Sir Poral saamin.
"Good Morning Sir Ganda!" pagbati naman namin sabay tawanan.
Yes gay si Sir but we all love him or her? dahil sa kabaitan niya, tinuturing niya kami as a friend but may limitations. May respeto kumbaga.
"Nako alam ko na yon, maupo na kayo." sagot ni sir habang tumatawa. Napapangiti nalang ako sakanya.
Pagkaupo namin ay bigla nalang tumayo itong papansing si Coleen.
"Hi sir! My name is Coleen Medina, my favorite subject is English i am consistent honor student and i am Mrs. Medina's beautiful daughter" pag papakilala niya.
Hala feeling tong gagang to, sarap kurutin gamit yung kuko ni wolverine.
Nag tinginan kami ni Sab sabay pigil sa pag tawa. Papansin tong Coleen na'to nakakatawa siya!
Napatingin naman ako kay Sir. Poral na ngayon ay halata namang nag pipigil din nang tawa.
Nag kibit balikat si Sir Poral. "Ok," maikling sagot nya kay Coleen.
Nakangiti lang si Coleen habang umuupo. Akala niya ata maganda siya. Feeler sarap balatan gamit ang nail cutter!
"Quinn! May kalaban kana Honor student daw si Ganda. " pang aasar naman netong si Chel na tawa nang tawa.
Yes, consistent honor student din ako pero never kong ipinag mayabang dahil sino ba ako? Hindi naman matataas na marka ang mag dadala sayo sa magandang kinabukasan kaya wala akong dapat na ipagmayabang. Pero iba tong si Coleen, epal! Anak nga ni Mrs. Medina! I hate her!
Ilang sandali pa ay natapos na ang klase ni Sir Poral. It's recess time! Yey!
Pag ka tayo ko ay tumayo rin naman itong si Coleen sabay lapit kay Sean. "You look hot." hinawakan hawakan niya pa ang matikas na braso ni Sean.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, aba malandi rin to.
Napatingin ako kay Sean at nakita ko ang pag kunot nang noo niya. Halatang naiirita rin siya sa babaeng ito.
"Ay pipe lang?" tanong niya uli kay Sean dahil sa hindi pag sagot nito.
"You crazy? Who you? " naiirita niya pang tinanggal ang kamay ni Coleen sa braso niya. Nagtawanan kami pero sa lahat nang tumawa ako ang napansin ni Coleen.
"Why are you laughing? " tanong ni Coleen saakin habang naka taas ang kanang kilay niya.
Actually wala siyang kilay. Drawing lang to. Obviously.
Tinaasan ko rin siya nang kilay at nginitian, yung bang ngiting pang aasar.
Inirapan ko siya saka hinila si Sabrina at Chel paalis. Nang naka lagpas ako sakanya ay bigla nalamang niyang hinawi ang braso ko dahilan kaya't napaharap ako sakanya.
"Wag mokong tatalikuran kapag kinakausap ka! " lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Is she really that crazy?
"Sorry but my time is too precious to talk to a garbage." hinawi ko ang kamay niya sa braso ko.
Nagsigawan naman ang mga tsismoso at tsismosa kong mga kaklase.
"Boom! "
"Burn! "
"Lakapala e! "
Pang aasar nila.
Narinig ko naman ang pag bulong ni Shawn na nakaupo lang habang pinapanood kami. "Don't mess with my girl." bulong niya habang nakangising pinagmamasdan kami.
Napansin ko naman ang pamumula nang mukha ni Coleen na parang kamatis na sasabog na. Sobrang galit na galit na niya.
Itinaas niya ang kanang kamay niya at sasampalin na sana ako nang biglang hinawakan ni Sab ang kamay niya. Napatingin ako sa kaliwang kamay niya na ngayon ay papalapit narin sa mukha ko nang bigla itong pinigilan ni Chel.
"Subukan mong hawakan man lang ang kaibigan namin at sisiguraduhin kong uuwi kang duguan," nanggigil na sabi ni Chel
"Ilugar mo ang sarili mo girl! Hindi mo kilala binabangga mo" sabi naman netong si Sabrina.
Tumayo si Shawn at Sean, pareho nilang inawat si Chel at Sab.
Si Sean naman ay pumagitna saamin ni Coleen at Shawn naman ay naka halukipkip na tumayo sa likuran ko. Yung tipong handa siyang manakit anytime. Parang body guard.
Tinitigan ko si Coleen nang maigi sa mata habang nakataas ang kanang kilay ko.
Tumawa ako nang mahina.
"And that's why you don't mess with us." pagmamataray kong sabi sakanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro